1 Grade-10 Thesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Republika ng Pilipinas

Good Shepherd Capas Christian Academy


Blk.110, Brgy. Cristo Rey, Capas, Tarlac
Tel. no.: 0925-857-1231

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pagsusuri na ito nina MARK ANGELO STOCKTON,at FRANCISCO


CORTEZ na pinamagatang “Pagsusuri tungkol sa Kabihasaan ng Paggamit ng
Wikang Filipino sa mga mag-aaral sa Sekondarya ng Good Shepherd Capas
Christian Academy” na ginawa bilang bahagi ng pagtupad sa isa sa mga
pangangailangan sa asignaturang Filipino ng ika-sampung baitang ay

PETCHALIN, JONH NIÑO


Taga-payo

LUPON NG TAGA-SURI

FRANCISCO G. CORTEZ

Kasapi

MARK ANGELO B. STOCKTON

Kasapi

Petsa:_________________
PAGSUSURI TUNGKOL SA KABIHASAAN SA PAGGAMIT NG
WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-AARAL SA SEKONDARYA NG
GOOD SHEPHERD CAPAS CHRISTIAN ACADEMY

ISANG PANUKALANG BABY THESIS NA INIHARAP


SA GURO SA FILIPINO NG
GOOD SHEPHERD CAPAS CHRISTIAN ACADEMY

CORTEZ, FRANCISCO G.
STOCKTON, MARK ANGELO B.

MARSO 2019
ABSTRAK

Pamagat: Pagsusuri tungkol sa Kabihasaan sa Paggamit ng Wikang

Filipino sa mga mag-aaral sa Sekondarya ng Good

Shepherd Capas Christian Academy

Mananaliksik: Cortez, Francisco G.

Stockton, Mark Angelo B.

Paaralan: Good Shepherd Capas Christian Academy

Guro: Petchalin, Jonh Niño S.

Punong Guro: Gail Ann Liwanag

Taon: 2019
PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat ang ipinapahatid ng mga mananaliksik sa mga taong gumabay,

nagbigay tulong, sumuporta, at sa lahat ng naging bahagi at aming naging sandalan upang

mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito.

Sa ating Panginoon Diyos na siyang nagbigay kalakasan, pag-asa, gabay at katatagan ng

loob upang ang pag-aaral na ito ay aming maisagawa at maisakatuparan;

Sa aming mga magulang na todo alaga at pag-alala sa amin habang ito ay aming

ginagawa hanggang sa ito ay aming matapos.

Sa aming mga kaibigan at kapuwa mag-aaral na nariyan din upang kami’y suportahan at

palakasin ang aming patitiwal na ito rin ay aming matatapos. Nawa’y ang pananaliksik na

ito ay magsilbing inspirasyon sa lahat lalong-lalo na sa mga mag-aaral.

Sa aming gurong tagapayo na si G. Jonh Niño Petchalin na tumulong sa pagtapos ng

pananaliksik na ito at walang sawang umunawa sa amin.

At sa lahat ng kabilang sa pangkat na ito na naglaan ng maraming oras sa patapos nito, na

nagsakripisyo para lamang matapos ito, at nabigay kalakasan na ito rin ay aming

mapagtatagumpayan.
PAGHAHANDOG

Ang tesis na ito ay buong pusong hinahandog sa mga sumusunod:

Gng. Salbascion Cortez

G. Alberto Stockton at Gng. Arlene Stockton

G. Jonh Niño S. Petchalin

Gng. Gail Ann Liwanag

Sa aming mga kapuwa mag-aaral

Sa aming mga pamilya

At higit sa lahat sa Poong Maykapal

M.A B. S.

F. G. C.
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
DAHON NG PAGPAPATIBAY………………………………………………………...i
DAHON NG PAMAGAT……………………………………………………………….ii
ABSTRAK……………………………………………………………………………...iii
PASASALAMAT……………………………………………………………………….v
PAGHAHANDOG……………………………………………………………………..vi
TALAAN NG NILALAMAN…………………………………………………………vii

KABANATA

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL……………………………..1

Panimula…………………………………………………………………………………..1
Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………………...
Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………………………...
Saklaw at Delimitasyon…………………………………………………………………...
Terminolohiyang Ginamit………………………………………………………………...

REBYU NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL……………………………………

Kaugnay na Literatura…………………………………………………………………….
Kaugnay na Pag-aaral……………………………………………………………………..
Lokal na Pag-aaral………………………………………………………………………...
Banyaga na Pag-aaral……………………………………………………………………..
Balangkas Teoretikal……………………………………………………………………...
Balangkas Konseptual…………………………………………………………………….

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYANG GINAMIT……………………………

Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………………………………..
Pinagmulan ng Datos………………………………………………………………………
Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik…………………………………………………...
Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos……………………………………………………
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang paksa ng aming pananaliksik ay ang paggamit ng wikang Filipino ng mga

mag-aaral. Matatalakay dito ang suliranin at kahinaan ng mga estudyante sa wikang

Filipino dahil sa mas napapadalasang paggamit ng nakalakhang wikang kapampangan ng

mga estudyante. At dahil nga sa madalas na nagagamit ang wikang ito, mahinang pag-

intindi naman sa sariling wika ang kapalit.Ang kurikulum ay isang bagay na

napakahalaga sa isang programang pangsekondarya.

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa wikang Filipino na kung saan ito’y

makakatulong upang magabayan, at maunawaan ng husto ng mga estudyante sa

sekondarya ang kahalagahan ng ating wika. Mauunawaan nila ito kung paano tangkilikin

ang sariling atin, na napakahalagang yaman ng ating bansa.

Ayon kay Mario L. Miclat P.H.D, hindi ngayong dekada lamang sumulpot ang

problema ng pambansang wika, o lingua franca, o wikang panlahat. Hindi noon lamang

panahon nina Quezon sa pamahalaang commonwealth kalahating siglo ang nakararaan.

Sa panahon ng pananakop, ipinaka tanggi-tanggi ng mga prayle na matutunan ng mga

Filipino na matutunan ang kastila Sa kanyang survey sa Pilipinas nong 1739, ipinahayag

ni Valdes Tamon ang pagtataka kung bakit hindi sinsunod ng mga gobyernong

eklesiyastiko ang matagal na batas na nasasaad sa Nueva Recopilacion de las Indias.


Iminungkahi ng lupon na pagtibayin ng Kumbensiyon ang probisyong pangwika

na magdedeklarang ang wikang pambansa ay ibabatay sa isang katutubong wika. Sa

pangalan pa lamang ng mga organisasyon na ito ay mahihinuha nang isinusulong ang VII

isang lingguwistiko’t “obhetibong” pagdulog sa usaping pangwika sa bansa kompara sa

disiyentipikong pagdulog ng Surian. Ang lahat ng ito ay naglundo sa isang “alanganing”

probisyong pangwika pagdatíng ng 1973 Konstitusyon, na unti-unting nagsasantabi sa

wikang “Pilipino” upang bigyang-daan ang isang “Filipino”.

Ninanais ng pagsusuring ito na matutukan ang pagiging bihasa ng mga mag-aaral

ng wikang Filipino upang maiparating sa kanila ang kahalagahan ng isang wika, gaano

ka-importante ang wika, mahubog ang kanilang kakayahan sa pagsasalita, at pagsulat.

Sumasakalaw din dito kung papaano magagawang maialis ang humahadlang na

matutunan ang tamang paggamit nito.

Ang wikang Filipino ay isang yaman na hindi pwedeng maialis sa atin. Dahil nga

sa makabagong panahon unti-unting nalilimutan na ng mga iba ang wika Filipino, dahil

nga sa bilis ng panahon hindi na natin napapansin ang pagkawala nito sa atin,

napakahalaga nang papel ng gampanin ng wikang Filipino sa ating pamayanan noon at

hanggang ngayong kasalukuyan.

Kasabay ng modernong panahon at mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, patuloy

din ang pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino. Isa na dito ang paggamit ng iba’t

ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at pagbaybay ng wikang Filipino, ilang

halimabawa ang pagpapapalwak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang

paggamit ng letra na sumasagisag sa isang salita.


Paglalahad ng Suliranin

Sa pagtatapos ng pag-aaral sa kabihasaan sa Paggamit ng Wikang Filipino

ng mga mag-aaral sa sekondarya ng Good Shepherd Capas Christian Academy,

inaasahang masasagot ang mga sumusunod:

1. Paano tinatangkilik ng mga mag-aaral sa sekondarya ng GSCCA ang wikang

Filipino?

2. Paano pinapahalagahan ang wika natin ngayon sa makabagong panahon ng

mga mag-aaral sa sekondarya ng GSCCA?

3. Anu-ano ang mga pagbabago sa ating wika sa sinasambitla ng mga mag-aaral sa

sekondarya ng GSCCA?

4. Ano na ang kinalalagayan ng ating wikang Filipino sa mga mag-aaral sa sekondarya ng

GSCCA?

5. Gaano kahalaga ang wikang Filipino sa mga mag-aaral sa sekondarya ng GSCCA ang

wikang Filipino?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay may malaking maitutulong sa mga guro, mag-aaral,

manunulat, mambabasa, at mga manaliksik. Nais ng pag-aaral na mapalawig ang

kaalaman ng bawat isa ukol sa kabihassan ng paggamit ng wikang Filipino.

Guro; Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa mga guro ukol sa

kahalagahan ng wika bilang instrumento na magpapaunlad dito. Makakatulong ito sa


kanila upang malaman kung anoang dapat gamitin sa pagtuturo. Mas makakatulong sa

pag-iisip ngestratehiya ang mga guro para mas maunawaan ng mga estudyante

angkanilang pinag-aaralan sa kanilang leksyon.

Mag-aaral; Makakatulong ito para lubos nilang maintindihan na hindi sunod-

sunod na paggamit ng wikang Ingles ang solusyon sa mabuting pag-aaral. Mahalaga ang

gagampanan nito sa mga mag-aaral na Pilipino na kung ganap na tatanggapin ang wikang

Filipino ay tiyak na uunlad ang ating bansa.

Manunulat; Ito ay makakatulong na maging isang inspirasyon ng mga manunulat

na kumatha ng kahalagahan na wikang Filipino at papaano mahalin at tangkilikin ng

husto ito. Mas mapapabatid nila sa mga mambabasa na maging maka-Pilipino na ating

yaman na hindi dapat makaligtaan.

Mambabasa; Mahalaga ito para sa mga mambabasa upang mas lalong magkaroon

ng interes sa pag-babasa dahil sa pagbabasa may mahalagang matutunan na magagamit

upang maging maunlad bilang isang Pilipino.

at Mananaliksik? Ang pananaliksik na ito ay makakatulong bilang patnubay

upang mas mapalawak pa nila ang kanilang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng

wikang Filipino. Magiging tulong ito sa kanila upang mapabilis ang kanilanang

pananaliksik.
Saklaw at Delimitasyon

Ang Saklaw at Delimitasyon ay nangangahulugang ay pagtatakda o pagbibigay

tuon sa paksang nais isulat. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng isang

paksa. Maibabahagi ang kaalaman sap ag-uunawa at masinsinang pagsusuri ng

mahahalagang detalye na hinihingi sa paksang pinag-aaralan.

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kabihasaan ng wikang Filipino ng mga

mag-aaral sa sekondarya ng Good Shepherd Capas Christian Academy. Ang pag-aaral na

ito ay nakabatay sa wikang kultura ng mga Pilipino. Sinasaklaw nito ang pag-aaral kung

paano matutunan ang pagpapahalaga sa ating wika, pagbabahagi kung gaano

kaimportante ang pagbigkas ng sariling wika, at pagpasa ng kaalaman sa mga susunod

pang henerasyon.

Terminolohiyang Ginamit

Wika; Ito ang komunikasyon ng bawat tao sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Ito ng mga simbolo, tunog at mga

kaugnayna batas upang maipahyag ang nais sabihin ng kaisipan.

Arkayk; Ang ginamit na lumang Tagalog bago ang paggamit ng wikang Filipino

noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng Tagalog gayundin ng mga
salitang inimbento ng mga purist na tila hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyang

panahon.

Ekonomiya; Ito ang nagpapakita kung maunlad ba ang isang bansa sa

pamamagitan ng paggamit ng ekonomiya. Binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng

isang bansa, ang trabaho, puhunan at mga pinagkukunang lupain at pagmamanupaktura,

produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng mga serbisyo at kalakal

ng isang lugar.

Balbal; Ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang

particular na grupo ng lipunan. Tinatawag ding itong salitang kanto o salitang kalye.
KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

naglalayong mailahad ang ilan sa mga impormasyon at katotohanan tungkol sa kaalaman

o kahusayan sa paksa na pinag-aaralan.

Kaugnay na Literatura

Ayon sa pananaliksik ni Alfie Vera Mella noong ika-5 ng Agosto taong 2015 na

pinamagatang “Gaano Ba Kahalaga ang Tamang Paggamit ng Wika?” nakatala dito na

maraming nagsasabi na hindi importante na mali-mali ang gramatika mo sa

pagpapahayag ng saraling saloobin, basta raw ba naiintindihan ang gustong mong

sabihin. Ang problema kung mali-mali ang gamit mo ng wika hindi mo maipapahayag

nang maayos at nang husto ang gusto mong iparating. Responsibilidad ng bawat tao na

pagyamanin ang kanyang kaalaman sa paggamit ng pinakamahalagang armas ng

komunikasyon. Dahil kung habang nagiging bihasa tayo sa tamang paggamit ng wika

mababawasan ang hindi pagkakaintindihan ng bawat tao. Kaya dapat ay ating

pagyamanin at palawakin ang ating kaalaman sa tamang paggamit ng wikang Filipino.

Sa isang panayam ng GMA News ay inihalintulad naman ni National Artist

Literature Virgilio Almario ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy sa pera na

nawawala sa sirkulasyon. “Hindi naman namatay iyon kaya lang hindi nagagamit, hindi
in currency.” Paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng Wikang

Filipino. Parang fashion lang yan uso-uso. Kapag hindi nagbago at hindi sumunod sa uso,

mamatay ito, dagdag niya. Sinabi ni Almario na buhay ang wika kapag nakasasabay ito at

bumabagay sa tawag ng panahon.

Ayon kay Caroll (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at

tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng maraming dantaon at

nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng isang kasaysayan, ito ay

tinutukoy na isang set ng mga huwaran ng gawi pinag-aaralan at natutuhan at ginagamit

sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon sa libro ng wika at pananaliksik, ang pananaliksik ay napagtibay ng Wikang

Pambansa noong 1987 sa Order Pangkagawaran bilang 22 sa ilalim ng Artikulo XII

Seksyon VI.

Ang artikulo naman ni Sara Boydon noong Agosto 10, 2014 sa Tomasino Web na

nagpapahayag na ang wikang Filipino na hindi lamang dapat maalala tuwing buwan ng

Agosto o tuwing may okasyon lamang dahil ito ay sumisimbolo na tayo ay mga Pilipino

at nararapat lamang na hindi dapat ito kalimutan dahil lamang sa mga bakas na naiwan ng

mga dayuhan sa ating bansa.

Dapat lamang na palaging gamitin at tangkilikin dahil ito ay ating yaman na hindi

dapat manakaw ng sinomang dayuhang tumapak sa ating lupa. Itinatag ang wikang

Filipino upang maging ilaw tungo sa pagkakaisa, kapayapaan at, pagkakaintindihan ng

bawat mamamayan.

Kaugnay na Pag-aaral
Lokal

Ukol sa gurong ng asignaturang Filipino na si Gng. Desiree Reyno noong ika-14

ng Agosto taong 2018 para sa kanya, ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa

pagtuturo lamang ng kaalamang balarila o gramatika at pag-unawa sa akdang binasa.

Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto at makabuluhang pangungusap at

pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang Filipino bilang asignatura ay pagpapalalim

ng ating wika at kultura.Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng

mga batang tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito,

malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-aaralan.

Ayon kay Ladera Santos, tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)

malaki ang kahalagahan ng wikang pambansa sa araw-araw na pamumuhay ng bawat

Filipino.

Ayon kay Bernard Macinas, komisyon ng (KWF) mula sa Bicol, ang bawat bansa

ay may sariling wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo sa pagkakaisa,

pagkakaunwaan, at pagmamahal. Kapag ito’y natamo, magkakaroon ng kaayusan at

katahimikan ang isang bansa.

Para naman kay Vilma Tacbad, komisyoner ng KWF ng Pampangga, bagaman

Ingles ang wika ng komersiyo, hindi parin ito susi sa kaunlaran ng bansa. Binigyan

niyang halimbawa ang mga bansang Japan, South Korea, Thailand, at China. Hindi tulad

ng bansang Pilipinas ang mga bansang ito ay mahihina sa wikang Ingles.

Banyaga
Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukuwenta ng wika ang nakaraan, ang

kasalukuyan, at hinaharap. Iniingatan din nito an gating kultura at tradisyon. Maaari raw

mawala ang matandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipabatid pa rin

nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o

adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito ang mga sumusunod at mga susunod pang

henerasyon ay natuto o maaring matuto sa nakalipas na nakaraan at sa gayo’y maiiwasan

ang muling pagkakamali o di naman kaya naituwid o matutuwid ang dating pagkakamali.

Sinabi ni Edward Sapir ay ang wika ay isang likas na makataong pamamaraan na

paghahatid ng kaisipan, damdamin. At mithiin.

Ayon naman kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na

ginagamit sa komunikasyon. Hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y isinusulat din.

Wika naman ni Bram, ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga arbitraryong

na simbolo at tunog na binibigkas at sa pamamgitan nito’y nagkakaroon ng interaksyon

ang isang pangkat ng tao.

Winika din ni Archibald Hill ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng

simbolikong gawaing pantao. Ukol naman kay Henry Gleason ang wika ay masistemang

balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at sinasaayos ang arbitraryong upang magamit

ng mga taong mga kabahagi at kasama sa isang kultura sa isang pakikipagtalastasan.

Balangkas Teoretikal

Ang wika ay dinamiko na patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon,

nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong gumagamit at kulturang nabuo sa lipunan.


Lumalago ang bokabularyo ng wika kapag may nadadagdag sa mga bagong salita na

dulot ng pagkamlikhain ng tao at pagsabay nito sa modernong panahon. May mga salita

ring namamatay dahil hindi na ginagamit at itinuturing sa kasalukuyan na hindi na

naaayon sa panahon o luma na.

Mula sa teoryang cognitive, sa mga modernong pag-aaral na isinagawa, napag

alaman na sa pagitan ng biswal na pagkilala (visual recognition) at pagsasalita ng wika,

ang nauna ang higit na nadedebelop. !to ay sapagkat unang nakakakita ang mga bata

kaysa sa naririnig. Ang konsepto ni Lev Vygotsky (zone of proximaldevelopment) malaki

ang papel na ginagampanan ng kamalayanng bata sakanyang kapaligiran, na siya lamang

nagtatakda ng kanyang pagkatuto.

Ang ilang pag-aaral tulad ng kay Jessie Gace Rubrico, ang barayati ng wika ay

maihahalintulad sa tinatalakay niyang barasyon ng wika. Ipinangkat niya ang barasyon ng

wika sa tatlong diyalekto, sosyolek at rehistro ng wika. Dito nakapaloobang barasyon ng

wika na nililikha dulot ng dimensyong heograpikal at sosyal. Sa ilalim ng rehistro ng

wika, bawat pangkat ng tao ay may kanya-kanyang code na ginagamit sa

pakikipagtalastasan. Ito ang nagsisilbing rehistro ng wika nila naespesiyalisado lamang sa

kanilang pangkat.Ang tagumpay sa pakikipagtalastasan ay nababase sa kaalaman at

kasanayan sa lawak ng wikang ginamit sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat.

Ang teoryang Formalismo/Formalistiko layunin nito na mabigyan pansin ang

panitikan, ang mga pananaw na napapaloob dito’y ang nilalalaman, kung paano ang

kayarian, at ang paraan ng pagsulat ng akda. Sa pananaw na ito hindi lamang ang
pagbabalangkas ang importante kundi rin ang pagsusuring ginamit dito. Sa pagtatalakay

ng akda, dapat mailantad lahat ng importanteng bagay na nakapaloob dito.

Ginagamit ito upang maiparating sa mga mambabasa ang kahalagahan ng wikang

Filipino sa pamamagitan ng panitikan na kung saan ang mahahalagang bagay na tungkol

sa kabihasaan ng wikang Filipino ay maipabatid, malawakan ang isip, at

maimpluwensiyhan din ang iba tungkol sa kahalagahan ng ating wika.

Balangkas Konseptual

Sa bahaging ito ay makikita sa pamamagitan ng paradigma kung paano sinuri ng

mga mananaliksik ang mga mag-aaral sa sekondarya ng GSCCA ukol sa kabihasaan sa

paggamit ng Wikang Filipino.

5. Gaano kahalaga ang wikang Filipino sa mga mag-aaral sa sekondarya ng GSCCA?


4. Ano na ang kinalalagyan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral sa sekondarya ng

GSCCA?

3. Anu-ano ang mga pagbabago sa ating wika na sinasambitla ng mga mag-aaral sa

sekondarya ng GSCCA?

2. Paano pinapahalagahan ang wika natin ngayon ng mga mag-aaral sa sekondarya ng

GSCCA?

1. Paano tinatangkilik ng mga mag-aaral sa sekondarya ng GSCCA ang wikang


Filipino?

Pagsusuri Tungkol sa Kabihasaan sa Paggamit ng Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa

Sekondarya ng GSCCA

FIGYUR 1. Paradigma ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito sa Figyur 1 ay ipinapakita kung papaano nasagot ang mga

katanungan kung bihasa at mahusay gumamit ng wikang Filipino ang mga mag-aaral sa

sekondarya ng GSCCA. Dito rin ipinapakita kung gaano kabihasa ang mga mag-aaral sa

pagsasalita man o sa larangan ng pagsusulat.


KABANATA III

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYANG GINAMIT SA PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ay ilalahad ang mga pamamaraang ginamit sa paglalarawan at

pagsusuri ng mananaliksik sa kabihasaan sa paggamit ng Wikang Filipino ng mga mag-

aaral sa sekondarya ng GSCCA. Dito matatagpuan ang mga detalye kung paano

isinagawa ang pag-aaral tulad ng paglalarawan sa teoryang ginamit sa pananaliksik, mga

kalahok, lugar na pinagdausan ng pananaliksik, instrumentong ginamit at kung paano ito

ginamitan ng istatistikal na paglalapat.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay ginamitan ng teoryang Formalismo. Sa

teoryang Formalismo, ang may-akda ay nagsisilibing tulay ng mg mambabasa upang

maiparating sa kanila ang nais ipahayag ng may-akda ng tuwiran. Sa pamamagitan ng

teoryang ito mas napapadaling maunawaan ng mga mambabasa ang nais iparating ng

isang may-akda sa kanyang akda.

Respondante

Ang mga pangunahing respondente na napili ng mananaliksik sa isinagawang

pag-aaral ay ang mga mag-aaral sa sekondarya ng Good Shepherd Capas Christian

Academy. Ang nilalaman ng pagsusuring ito ay na malaman ang kabuuang bilang ng mga

mag-aaral sa sekondarya na may kaalaman sa mabisang paggamit ng wikang Filipino, sa

larangan ng pagsasalita at pagsusulat.


Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Nagsagawa ng sarbey kwesityoner ang mananaliksik sa mga mag-aaral sa

sekondarya ng GSCCA nang sa gayon ay malaman ang kabuuang bilang ng populasyon

ng mga mag-aaral sa sekondarya ang may kaalaman at hustong kaaalaman sa mabisang

paggamit ng wikang Filipino sa pananalita at pagsusulat at ito ang ginamit na instrumento

ng mananaliksik upang mapagtagumpayan ito.

Tritment ng mga Datos

Ang mga datos na makakalap ng mananaliksik sa isinagawang sarbey

kuwestiyoner ay ipagsasama- sama nang sa gayon ay mabigyan ng kasagutan ang bawat

katanungan o suliranin sa pag-aaral na ito. Makikita rin sa resulta kung anong baitang ang

mas bihasa sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng pagsusulat at pagsasalita. Sa

pamamagitan ng pie graph ay mailalahad ng mas maayos at organisado ang mga datos na

nakalap.
https://www.slideshare.net/jaszh12/pananaliksik-sa-filipino-11-final
https://www.scribd.com/doc/45990971/Paggamit-ng-Wikang-Tagalog-sa-Iba-t-
Ibang-Asignatura-sa-Paaralan-Pananaliksik

http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/11/isang-sariling-filipino-1.pdf

https://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-sa-makabagong-
panahon

http://www.academia.edu/33470031/Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipino_sa_
pag-aaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Unibersidad_Ng_Pangasinan
https://www.slideshare.net/aliciamargaretjavelosa/komunikasyon-at-kultura-sa-wika-
filipinofilipino

You might also like