Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pinakamualungkot kong karanasan

Lahat ng tao sa mundo ay may karanasang di malilimutan. Mga karanasang nagdudulot sa atin ng
kasiyahan, kalungkutan, pighati at kabiguan. Habang tumatakbo ang oras lahat ng mga karanasan natin
ay nagiiwan ng marka sa ating buhay. Minsan naaalala ko ang mga iyon at sa paglipas ng araw ang mga
malulungkot na karanasang iyon ay tinatawanan ko nalang.

Lumaki ako sa isang simple at masayang pamilya. Paggising namin sa umaga naghahanda kami ng aming
agahan at sabay-sabay kaming kumakain. Ngunit ng di ko inaasahan ay darating pala ang araw na ang
mga ngiti sa aming mga labi ay mapapalitan ng lungkot at luha. Tatlong taong gulang ako noong lumipad
papuntang ibang bansa ang aming ina. Napakahirap ng sitwasyong ito kaya kailangan kong galingan sa
eskwelahan.

Napakahirap para sa akin na mabuhay ng walang ina na gumagabay sa iyo ngunit wala na akong
magagawa upang maibalik pa ang nakaraan kaya tinanggap ko nalang ang katotohanan. Sa ngayon 17
taong gulang na ako at taon-taon namang umuu wi ang aking ina. Sa ngayon pagsisikapan kong
makapasa sa malalaking unibersidad para dun ipagpatuloy nag pagaaral ko ng kolehiyo para bumuti ang
aking kinabukasan. ang tanging dalangin ko lang na sana darating ang panahon na makakauwi na ang
aking ina upang mabuo na ang aming pamilya balang araw.

You might also like