Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buwan ng Wika 2019 Script:

Sa ating minamahal na Punng guro, Gng. Ruby L. Catudio, mga guro, mga minamahal na
magulang ng aming mg amag – aaral, sa mga mag – aaral at sa inyong lahat, magandang umaga.
Sa pagdating ng buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika upang mabalik
tanaw ang kadakilaang ginawa ng ating itinuring na Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel Luiz
Qyuezon. Siya ang nagging tulay upang magkaroon ng pagkakaisa an gating bansa sa pagtalaga ng isang
pambansang wika, ang Filipino.
Sa taong ito, ang Paaralang Elementarya ng Divinubo ay nakikiisa sa buong bansa na ipagdiwang
ang Buwan ng Wika na may temang, “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”.
Sa pagsisimula ng ating pagdiriwang, maaring tumayo po tayong lahat upang making sa isang
panalangin at manatilihing nakatayo para sa pagpugay sa ating watawat at sa pag-awit ng Lupang Hinirang
sa pagkumpas ni Binibining Clarissa R. Catudio, guro sa Unang Baitang.
Ngayon naman ay making tayo sa Panimulang Pagbati ni Gng. Marichu B. Lapada. Bigyan po
natin siya ng masibagong palakpakan.
Maraming salamat po, Gng. Marichu B. Lapada paras sa iyong pagbukas ng pagdiriwang na ito.
At dahil tayo nga ay binubuksan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, mayron pong maghahandog
sa atin ng isang magandang tula. Sila po ay nagmula sa unang baiting. Bigyan po natin sila ng masibagong
palakpakan.
Maraming salamat mga mag – aaral sa unang baiting.
Ngayon ay tawagin naman natin ang mga mag – aaral mula sa ikalawang baiting para sa kanilang
makabayan na awitin.
Maraming salamat mga mag – aaral sa ikalawang baiting, ngayon naman ay tawagin naman natin
ang ikatlong baitang para sa kanilang sorpresang tula.
Napakahusay mga mag – aaral sa ikatlong baitang,
Gayundin naman ang ikaapat na baitang ay hindi din magpapatalo sa kanilang makabayan na
awitin na ibibigay sa atin.
Napakamagandang awitin mga mag – aaral sa ikaapat na baitang.
At ngayon ang ikalimang baitang ay magbibigay ng isang katutubong sayaw.
At para sa huling presentasyon na ibibigay ng ika – anim na baitang.
Napakahusay na mga mananayaw mga mag – aaral sa ikalima at ika – anim na baitang.
Ngayon naman ay tayo’y making kay Binibining Arlene R. Domingo para Pagpapaliwanag sa
pamantayan sa ibat ibang paligsahan.
Maraming salamat po Maam Arlene.
Para naman sa katapusan ng programang ito, sabay sabay nating awitin ang “ako ay Pilipino” na
magpapaalala sa ating pagiging Pilipino.

You might also like