Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ASSUMPTA TECHNICAL HIGH SCHOOL

STA. MONICA, SAN SIMON, PAMPANGA


SY. 2016-2017
SECOND SEMESTER

Posisyong Papel Hinggil sa Pagpapatupad ng Parusang bitay sa mga taong nagkasala:


IbalikNa!

Filipino sa Piling Larangan

Tulio, Jeremie M.

11- St. Matthew


February 27, 2017

Ginoong Jayvie T. Tayag


Posisyong Papel ng Assumpta Technical High School Hinggil sa Pagpapatupad ng
Parusang bitay sa mga taong nagkasala: Ibalik Na!

IPATUPAD ANG PARUSANG BITAY SA MGA NASASAKUPAN NG BANSANG


PILIPINAS: SA KADAHILANANG ARAW-ARAW AY NADADAGDAGAN ANG
BILANG NG MGA GUMAGAWA NG KRIMEN SA BANSA.

Posisyong Papel na nauukol sa pagsang-ayon ng mga mamamayan sa Parusang Bitay na


iniimplementa ng ating Pres. Rodrigo Duterte.

Kamakailan lang, umugong na naman ang usapin tungkol sa parusang kamatayan,


pagkatapos sumambulat sa balita ang ilang karumal-dumal na krimen. Droga, murder, rape,
child prostitution, kidnapping, robbery at iba pa ay ang mga lumalalang krimen sa lipunan
natin. Subalit, para sa lahat ng krimen na ito mayroong gustong magbigay solusyon dito. Ito
ay ang pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.

Usapin ngayon ang pagiimplementa ng parusang bitay sa ating bansa: Pilipinas. Halos ng
mga tao sa Pilipinas ay gustong-gusto itong maipatupad at marami din naman ang hindi, dahil
sa sinasabi nila na pahalagahan ang buhay ng isang indibidwal. Dapat itong maitupad upang
masolusyunan ang mga nagdaraming mga krimen sa bansa. Upang ito ay mabawasan at
umayos na ang ating bansa.

Ayon sa mga nabanggit ng ating Pangulo, ang batayan ng pagkakaroon ng pananagutan


sa batas ay ang “retribution” o ganti laban sa gumawa ng krimen o karahasan sa biktima. Ito
ay ang kasabihang Latin na “lex talionis” o “law of retaliation” na pangalan din ng “law
fraternity” sa San Beda College of Law ng ating Pangulo.

Hindi sang-ayon ang mga nangunguna sa simbahan sa pagpapatupad ng parusang bitay o


kamatayan. Dahil sabi sa salita ng Diyos, na nasa ikalimang utos na bawal pumatay. Hindi
sila pumapabor sa parusang pinapatupad ni Pres. Rodrigo Duterte. Dahil kailangan
pahalagahan ang buahy ng isang tao. Sinasabi din nila na mas mabuti nlang na makulong ng
panghabang buhay sa bilangguan kaysa sa patayin. Dahil kahit nakakulong ka kasama at
makikita mo pa ang itong mga mahal sa buhay. Pero madami din ang nagsasabi na hindi lahat
ng mga nakakulong ay may sala ang iba ay napagbintangan lang, nasangkot lang sa gulo at an
g iba ay umaaming nakapatay, nakapagnakaw at iba pa. Ang iba ay nagsasabi na may
pangalawa pang pagkakataon. Pwede pang magbago ang taong nakagawa ng krimen. Ayon sa
simabahang katolika, ang panginoon ang nagbigay ng buhay sa mga tao kaya ang Diyos lang
ang may karapatang bumawi o kumitil nito.

Para sa akin kailangan ng ibalik ang Parusang bitay dahil:

Una, dumarami na ang mga taong gumagawa ng krimen. Ibalik ang Parusnag Bitay dahil
hindi naman lahat ng mga kriminal ay nagdudusa kahit nahatulan na. Nakakulong lang sila.
Parang nakakulong sa isang bahay na di man magawang makisalamuha sa iba. Ang mga
kriminal ngayon ay nagagawang makagawa pa ng isnag krimen sa loob mismo ng piitan.
Kaya kahit ano pang paglitis ang gawin sa kanila pwede pa silang makagawa ng masamang
bagay. Kaya mas maganda na ang Parusang bitay upang mabawasan at di na sila makagawa
pa ng krimen dahil kinitil na ang kanilang buhay.

Ikalawa, kung kakulangan sa pondo ng pamahalaan ang pag-uusapan, dahil sa mga


pagkan, tubig at kuryente na gagamitin sa mga kulungan. Mas mabuti na ipatupad ang
Parusang Bitay ng sagayon ay mabawasan ang mga taong gagawa ng krimen. Ito ang dapat
bigyang pansin ng mga namamahala sa gobyerno upang malutas ang malaking problema na
kinakaharap ng ating bansa.

Panghuli, dapat itong ipatupad upang di na matakot ang mga ibang tao na lumabas ng
mag-isa na baka sakaling may mangyaring masama sa kanila dahil sa mga kumakalat na
napakaraming krimen ngayon. Upang wala ng magiging pangamba ang sinuman sa ganitong
krimeng nagaganap sa bansa.

Sa tingin ko mababawasan ang mabibigat na insidente ng paggawa ng di maganda gaya


ng panghahalay at pagpatay kung maibabalik ang Death Penalty. Ang kailangan na gawin
naten bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas ay magsimula sa ating sarili ang
paggawa ng mabuti kaysa sa paggawa ng mali. Ang paggawa naten ng mabuti ay magiging
motibasyon o impluwensya sa iba na tularan tayo. Sa mga nangyayare sa ating bansa
kailangan talagang ipatupad ang batas paukol sa Death Penalty upang mabawasan na an g
mga gumagawa ng krimen sa ating bansa. Kung hindi ito ipapatupad magpapatulopy pa din
na gumawa ng iba’t iabng krimen ang mga pilipino. Kaya habang maaga pa sugpuin na ang
ganitong problema na kinakaharap ng ating bansa. Kaya naman lahat magbago kaso mas
pinipili ang isang parte na tularan kaysa gumawa ng mabuti.

You might also like