Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kahulugan:

Ang “Music and Art Therapy,” ay isang mabisang terapiya na ginagamit upang tuluyan

mailabas ng tao ang kanilang nararamdaman at naiisip sa pamamagitan ng pag-pinta gamit ang

krayola at papel habang nakikinig sa dalawang uri ng musika (isang mabilis at isang mabagal).

Ito ay isang paraan para matulungan ang mga kliyente na mailabas at mabunyag ang mga

malalalim na diskusyon at mga isyu kung saan ito ay hindi nila masasabi at masasalita.

Ang “Music and Art Therapy” ay isang uri ng therapy kung saan ay gumagamit ng

musika na ipapatugtog at pakikinggan ng mga kliyente at maaari nilang damdamin at isipin ang

kung ano man na gusto nilang i-pinta sa kanilang papel. Ito ay nagbibigay ng magandang

oportunidad sa isang tao na mailabas kung ano man ang mabigat nitong nararamdaman.

Layunin:

1. Upang malaman ang kung ano man na bumabagabag sa damdamin ng isang indibidwal at

maibahagi nya ito sa pagpinta ng larawan.

2. Upang makapagbigay ng positibong pagbabago sa pag-asal at sa sariling emosyonal na

pakiramdam ng.

3. Para malaman kung ano ang intelektwal at emosyonal na pangangailangan ng isang tao.

4. Upang tumulong para sa mas malalim na pagkakaintindi sa kabuoang karamdaman at

pagkakilala sa sarili.
5. Upang mabawasan ang tensyon sa isipin at pagkabalisa sa isang kliyente para

mapagkatiwalaan at makihalubilo sa iba sa pamamagitan ng pagkalarawan ng sinasaloob

niyang damdamin

6. Para umangat ang pagkakakilala ng isang tao sa sarili nitong pag-uugali. Upang

makagbigay ng mabuting kwalidad sa buhay ng isang tao.

Patakaran:

1. Makinig ng mabuti at sumang-ayon sa bawa’t sasabihin ng lider.

2. Manatiling tahimik at pag merong katanungan ay itaas ang kanang kamay.

3. Manatili sa sariling pwesto at sulatan lang ay ang sariling papel.

4. Pagkatapos mag-pinta ng dalawang larawan para sa mabilis at sa mabagal na musika, ay

maaari na magsalita at magpaliwanag ang kliyente sa kung ano man ang kanilang

naiguhit sa bond paper.

5. Ang hindi sumunod sa mga patakaran ay maaari naming ibalik

sa loob at hindi na makakasali sa mga susunod na aktibidad.

Mga Pamamaraan:

Ang terapiyang ito ay nagbibigay halaga sa pagpinta o pag-guhit ng isang tao ng isang larawan

sa papel kung saan pwedeng mas maintindihan ang sariling mga karamadaman at san-loobin na

iniisip. Una, ay ang pagpapaliwanag kung ano ang Music and Art Therapy, ano ang mga layunin,

mga patakaran na kailangan sundin ng mga kalahok, at pamamaraan kung ano ang sunod-sunod

na mangyayari sa aktibidad na ito. Kailangan gumamit ng “therapeutic communication” sa

simula at hanggang sa pagtapos nitong aktibidad.


Therapeutic communication- para magbigay ng pakikiramay sa nararamdaman at para

maiwasan ang mga hadlang sa pagsasaayos ng terapiya at makapagbigay ng

kaginhawaan.

Ang kasunod na aatupagin sa aktibidad na ito ay ang pakikinig ng mabilis na musika ng

dalawang minuto. Pagkatapos nitong dalawang minuto ay ibibigay na ang mga gagamitin na

materyales (isang krayola set (8 na krayola na iba’t ibang kulay) at isang short bond paper sa

bawa’t kliyente). Pag nabigay na ang mga materyales na kailangan ay maaari na magsimula

mag-pinta ang mga kliyente. Meron silang limang minuto para magpinta ng kanilang mga

larawan base sa musika na pinakinggan nila. Hanggang matapos ang limang minuto ay

ipapatuloy ang pagtugtog ng mabilis na musika.

Pag natapos na ang limang minuto ng pagpinta, ang mga drawing ng mga kliyente ay

ibabalik na at magsisimula na makinig ang lahat sa mabagal na musika. Ito ay ipapatugtog ng

dalawang minuto at tahimik makikinig ang mga kliyente. Pagkatapos ng dalawang minute na

pinapatugtog ang mabagal na musika, ay maaari na ibigay sa mga kliyente ang bagong papel at

maaari na din silang magsimula magpinta ng nais nilang ibahagi na larawan. Limang minuto ulit

ang ibibigay sa kanila para tapusin ang pangalawa nilang i-pipinta. Pagkatapos ng limang minuto

na nagpipinta at nakikinig ang mga kliyente sa mabagal na musika, maaari na simulant ang pag-

share at diskusyon tungkol sa mga ipininta ng mga kliyente.


Ang unang ibabahagi ay mga naipinta ng mga kliyente habang mabagal na musika ang

ipinatugtog at isa isa silang pwede magpaliwanag. Pagkatapos magsalita ng bawa’t kliyente ay

maaari na simulant ang diskusyon at pagpapaliwanag ng kanilang ipininta sa mabilis na musika.

Muling magpapasalamat ang estudyanteng nars sa mga sumali na kliyente at ibinigay nilang

kooperasyon.

You might also like