Tulang Liriko

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tulang Liriko/Pandamdamin

Itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay

Awit (dalitsuyo)

- Tulang liriko o pandamdamin

- May paksang nauukol sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang


mangingibig

- Madalas ang himig ay malungkot at mapanglaw

Elehiya (dalitlumbay)

- Dalawang katangian:

1. Isang tula ng pananangis, lalo na sa pag-aalala sa isang yumao

2. Himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni

- Uri ng paksa: Higit na personal sa pagpapahayag ng damdamin kaysa sa ibang estilo ng panulaan

Pastoral (Dalitbukid)

Maglarawan ng tunay na buhay sa bukid

Oda (Dalitpuri)

- Makabagong panulaan: Isang uri ng tulang liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal

- Walang tiyak ng bilang ng pantig/taludtod sa isang taludturan

Dalit (dalisamba)

- Isang maikling awit na pumupuri sa Diyos

- Maikling tulang liriko na nililikhang may aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta

- Kalimitang wawaluhing pantig na may dalawa/tatlo/apat na taludturang may apat na taludtod bawat isa

Soneto (dalitwari)

- Tulang may labing-apat na taludtod

- Naghahatid ng aral sa mga bumabasa

You might also like