Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kalugod ng ating mga misyon sa buhay bilang anak ng Diyos at miyembro ng Simbahang Katoliko,

tayo ay binigyang kakayahan upang ipabatid sa bawat isa sa atin ang magandang balita ng Diyos. Isang

mahalagang katanungan bilang isang kristyano, ikaw ba ay naniniwala sa kaluwalhatian ng Kaharian ng

Diyos? Ninanaais ipabatid sa atin ng ating Panginoon na ang bawat isa sa atin ay maaring magpamalas sa

kabutihang dulot ng Kahiraan ng Diyos. Isang katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos ay hindi mag-

isang namamahala si Jesus. Magkakaroon siya ng mga kasamang tagapamahala at ang bawat isa sa atin ay

maaaring maging isang matatatag na tagapamahala ng Kaharian ng Diyos, isang kaharian may kakayahang

magpamalas ng kaluwalhatian Niya.

Ngunit papaano nga ba na ang simpleng anak ng Diyos ay kayang maging simbolo ng kaharian ng

Diyos? Paaano ito maipapamamalas? Buhat sa pagkabuo ng ating simbahan, magmula sa banal na turo ng

ating Panginoong Hesus Kristo tungo sa unang Santo Papa na si Peter ay nagbukas din ng daan tungo sa

pagpapamalas ng Kaharian ng Diyos. Lahat tayo ay tinawag ng Panginoon upang maging disipolo niya

upang magpabatid ng kabutihan sa bawat isa.

Gayunman, ano ang tinutukoy ni Jesus nang sabihin niya na ipanalangin natin: “Dumating nawa

ang iyong kaharian”? Ano ba ang Kaharian ng Diyos? Paano mapababanal ang pangalan ng Diyos sa

pagdating nito? At paano nauugnay ang pagdating ng Kaharian sa pagtupad sa kalooban ng Diyos? Tayo

ay hindi tinawag ng Diyos para lamang sa kanyang pansariling hangarin ngunit upang maipamalas ng bawat

miyembro ng simbahan ang pagkakaroon ng banal na kaluwalhatiang magbubuklod sa bawat isang sa isang

Kaharian puno ng pagibig, pagmamahalan at pagkakaisa, at ito ang tunay na Kaharian ng Diyos.

You might also like