Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALIN 3:

HINDING-HINDI AKO IIBIG KAILANMAN


Isinalin sa Filipino ni NBCM
(Maikling Kuwento ng Bansang Cyprus)

Isang magaling na iskultor ng bansang Cyprus si Pygmalion. Labis na


siyang namumuhi sa kababaihan at naniniwala siyang ang ugat ng kasalanan ay
ang mga babae kaya’t isinumpa niya sa sariling hinding-hindi siya iibig at
magpapakasal kaninuman. Sapat na sa kaniya ang kanyang sining.
Magkagayunpaman, ang pinagbuhusan niya ng kanyang talino ay ang babae.
Hindi niya maitatatuwang ang kinamumuhian ng kanyang isip nang ganon kadali
sa kanyang buhay ang hinuhubog niya at isang perpektong babae pa upang
ipakita sa ibang kalalakihan ang kakulangan ng kanilang mga kinahuhumalingan.
Nagbuhos siya ng panahon at kahusayan sa paghubog ng estatwa,
hanggang sa makalikha siya ng hindi matatawarang obra. Napakaganda na ng
kanyang gawa ngunit hindi pa rin siya nakuntento. Masinsin niya itong pinakinis,
hanggang sa ito’y maging pulido at perpekto. Nang matapos, pinagmasdan niya
ang napakagandang mukha nito. Walang babaeng maihahalintulad o anumang
likhang sining ang maihahambing dito! Nang wala nang maiaayos sa perpektong
estatuwang ito ay may kakaibang pangyayaring naganap na sadyang hindi
maipaliwanag – umibig ang manlilikha sa kanyang obra! Isang pag-ibig na
matimyas. Labis niyang minahal ang kanyang nilikha- malalim at masimbuyong
pag-ibig. Kung mamasdan at susuriin, tila hindi mapapansin o mapagkakamalang
yari sa kahoy o mamahaling hiyas kundi isang tunay at mahimbing na natutulog
na nilalang ang kanyang obra. Isang kamangha-manghang gawa ng mapinong
binata. Ang tugatog ng pananagumpay ay nasa kanyang sining.
Magmula noon, ang isinumpang kasarian ang nagpahirap ng kanyang
kalooban. Walang hihigit sa kawalang pag-asa ng isang umiibig sa malumbay na
si Pygmalion. Hinahagkan niya ng mapang-akit na mga labi ngunit walang
katugon, hinahaplos niya ang mga kamay, at ang maamong mukha na wala
namang katinag-tinag; pinapangko niya sa kanyang bisig ngunit nananatiling
malamig at walang tugon ang kaulayaw. May panahong nagpanggap siyang
batang naglalaro. Sinubukan niyang bihisan ng iba’t ibang naggagandahang roba
at naiisip niyang nalulugod ang kapiling. Dinadalhan niya ng iba’t ibang regalo
katulad ng paghahandog ng isang nanunuyong binata sa dalaga, mga ibon, iba’t
ibang bulaklak at nakikini-kinita niya ang masayang mukhang tugon na may
lakip na pag-ibig. Inihihiga niya ito sa malambot na kama at kinukumutan pa
upang hindi ginawin sa gabi – katulad ng ginagawa ng isang batang babae sa
kanyang manika. Ngunit hindi na siya bata, hindi siya makapagpanggap nang
matagal. Sa huli siya’y sumuko, tunay na aba at kahabag-habag ang kanyang
anyo- iginupo ng isang pag-ibig sa isang walang buhay.
Ang marubdob na pag-ibig na ito’y hindi nalingid sa diyosa ng pag-ibig na
si Venus. Nasaksihan niya ang kamangha-manghang pag-ibig na iyon ng
natatanging mangingibig at siya’y desididong tutulungan niyang ganap ang
binatang lipos ng pag-ibig.
Ang pista ni Venus ay nagmula sa Cyprus kung saan siya kinikilalang
diyosa. Ang mga handog na makikinis at mapuputing sungay ng usa ay nasa
kanyang altar. Ang usok ng insenso ay maaamoy saanmang dako. Sa karamihan
ng mga naroon sa kanyang templo ay makikita si Pygmalion na nananalanging
tulungan siya ng diyosa na makatagpo ng katulad ng kanyang obra ngunit talos
na ng diyosa ang nasa puso ng binata. Bilang tanda na dininig niya ang
panalangin ni
Pygmalion, tatlong ulit niyang pinagningas ang apoy sa altar na mabilis
bumulusok sa hangin. Ang lahat ng ito’y nasaksihan ng binata.
Ang palatandaang iyon ang nagsilbing alaala kay Pygmalion kaya’t
nagmadali siyang umuwi at hinanap ang nilikhang pinaghandungan ng kanyang
puso. Naroroon sa kanyang pedestal ang nakamamanghang kagandahan.
Hinaplos niya ito at ito’y tumugon. Natigilan si Pygmalion. Siya ba’y nililinlang ng
kanyang damdamin? O lubos ngang nararamdaman niya ang init ng kanyang
haplos? Siniil niya ang labi ng kanyang obra nang buong pagsuyo at
naramdaman niya ang mainit na pagtugon nito. Hinawakan niya ang mga
kamay, mga braso, at mga balikat nito. Ang katigasan nito’y nawala katulad ng
pagkalusaw ng kandila sa kainitan ng araw. Ginagap niya ang braso ng kanyang
nilikha, may pulso ito at pumipintig! Naisip niya kaagad si Venus. Ginawa lahat
ito ng diyosa ng pag-ibig! Hindi kayang mamutawi sa kanyang mga labi ang labis
na pasasalamat at kaligayahan. Niyapos niya ang minamahal. Makikita sa mga
mata ni Pygmalion ang tugon: mabining ngiti at namumulang mukha.
Pinarangalan ang kanilang pag-iibigan at maging ang diyosa ng pag-ibig
ay dumalo upang masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib. Walang
makapagsasabi kung ano ang nangyari pagkatapos, maliban sa pinangalanang
Galatea ni Pygmalion ang minamahal. Ang kanilang anak ay tinawag naman
niyang Paphos, sunod sa lugar kung saan ipinanganak si Venus.

You might also like