Mindanao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mindanao

Ang Mindanao o Kamindanawan, (Ingles: Southern Pilipinas o Tagalog: Timog Pilipinas) ay ang
ikalawang pinakamalaking pulosa Pilipinas. Ito rin ang tawag sa isa sa tatlong pangunahing pangkat
ng mga pulo sa Pilipinas (ang dalawa ay ang Luzon at ang Kabisayaan), na binubuo ng pulo ng
Mindanao at ng mga nakapalibot na mga maliliit na pulo. Pinakamalaking lungsod sa Mindanao
ang Lungsod ng Davao. Sa 21,968,174 populasyon ng Mindanao, (ayon sa senso noong 2010) 10
bahagdan ay mga Moro o Muslim.[1]
Ang Mindanao ang bukod tanging pook heograpikal sa Pilipinas na may malaking bilang ng
mga Muslim. Ang pinakatimog na bahagi ng Mindanao, partikular ang lalawigan
ng Maguindanao Lanao del Sur, Sulu, at Tawi-tawi (na bahagi ng Nagsasariling Rehiyon ng
Bangsamoro sa Muslim na Mindanao (BARMM), ay tahanan ng nakararaming Pilipinong Muslim.
Dahil sa malawakang kahirapan, pagkakaiba-iba ng relihiyon, ang pulo ay kinakitaan ng
paghihimagsik ng mga komunista, pati na rin ng mga kilusang armadong separatistang Muslim.

Kasaysayan
Isinunod ang pangalan ng Mindanao sa mga Maguindanaon na bumubuo sa
pinakamalaking Kasultanan ayon sa kasaysayan, at makikita sa mga mapa na ginawa noong ika-17
at ika-18 dantaon na nagmumungkahi na ang pangalan ay ginamit upang tukuyin ang pulo ng mga
makapangyarihang katutubo ng panahong iyon.
Unang lumaganap ang Islam sa rehiyon noong ika-13 dantaon sa pamamagitan ng mga
mangangalakal na Arabe mula sa kasalukuyang Malaysia at Indonesia. Bago pa man maganap ito,
ang mga katutubo ay pangunahing mga animista na naninirahan sa mga maliliit na
pamayanan.[2] Karamihan sa mga taal na populasyon ng mga
Tausug, Maranao at Maguindanaon ay agad na lumipat sa pananampalatayang Islam maliban sa
mga mailap na Subanon, Talaandig, Higaonon at ilang maliliit na mga tribo na tumangging makipag-
ugnayan sa mga Arabeng misyonero ng Islam.
Itinayo ang pinakaunang moske sa Pilipinas noong kalagitnaan ng ika-14 na dantaon sa bayan
ng Simunul.[2] Sumunod ang mga kasultanan ng Sulu at Maguindanao noong ika-15 at ika-16 na
dantaon. Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon hanggang unang bahagi ng ika-17 dantaon,
naganap ang unang pagtatagpo sa mga Kastila. Sa panahong ito, maayos nang nakatatag ang
Islam sa Mindanao at nagsisimula nang manghikayat sa mga pangkat sa malalaking kapuluan
ng Kabisayaan tulad ng Cebu at Bohol, gayundin sa dulong hilagang bahagi, tulad
ng Maynila sa Kalusunan.[2]
Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, labis silang nabagabag nang matagpuan nilang
matibay ang katayuan ng Islam sa pulo ng Mindanao, bilang katatapos lang mapaalis ang
mga Moors mula sa Espanya pagkatapos nang dantaong labanan sa ilalim ng Reconquista. Sa
katunayan, ang pangalang Moro ay wikang Kastila para sa "Moors", na ibinigay sa mga Muslim na
naninirahan sa Mindanao.[2] Pinangalanan ni Villalobos na Caesarea Caroli ang pulo ng Mindanao
nang maabot niya ang dalampasigan nito. Isinunod ito kay Carlos V ng Banal na Emperyong
Romano (at I ng Espanya).
Heograpiya
Ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Mindanao na may sukat na 104,630 kilometro
kwadrado, at ikawalang pinakamataong pulo sa buong daigdig. Higit na malaki ang pulo ng
Mindanao kaysa sa 125 mga bansa sa daigdig, kabilang ang Netherlands, Austria, Portugal, Czech
Republic, Hungary, at Ireland. Ang pulo ay bulubundukin, at kung saan matatagpuan ang Bundok
Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Napalilibutan ng 4 na dagat ang Mindanao:
ang Dagat Sulu sa kanluran,[3]Dagat Pilipinas sa silangan, Dagat Celebes sa timog, at Dagat
Mindanao sa hilaga. Sa lahat ng mga pulo sa Pilipinas, Mindanao ang may pinakamalawig ang
pagkakaiba-iba ng pisyograpikong katangian.
Ang pangkat ng pulo ng Mindanao ay sinasaklaw ang pulo ng Mindanao kasama ang Kapuluan ng
Sulu sa timog kanluran. Ang pangkat ng mga pulo ay nahahati sa anim na rehiyon, na hinati pa sa
26 na lalawigan.

Pangkat ng mga pulo ng Mindanao


Ang grupong ito ng Mindanao ay isang arbitraryong lupon ng mga pulo sa timogang bahagi ng
Pilipinas na kinabibilangan ng anim na rehiyong administratibo. Ang mga rehiyong ito ay nahahati sa
25 mga lalawigan, kung saan apat lamang sa mga ito ay wala sa mismong isla ng Mindanao.
Kasama sa grupo ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran, kinabibilangan ng mga pangunahing isla
ng Basilan, Jolo, at Tawi-Tawi, pati ng mga nakaratag na mga isla sa kalapit nito tulad
ng Camiguin, Dinagat, Siargao, Samal, at Mga Isla ng Sarangani.
Ang anim na rehiyon ay ang mga sumusunod:

 Peninsula ng Zamboanga (Rehiyon IX)


Sentrong Pang-Rehiyon
Lungsod ng Zamboanga (Zamboanga City)

 Hilagang Mindanao (Rehiyon X)


Sentrong Pang-Rehiyon
Cagayan de Oro (C.D.O)

 Davao (Rehiyon XI)


Sentrong Pang-Rehiyon
Lungsod ng Davao (Davao City)

 SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII)


Sentrong Pang-Rehiyon
Koronadal(Marbel)

 Caraga (Rehiyon XIII)


Sentrong Pang-Rehiyon
Butuan

 Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (BARMM)


Sentrong Pang-Rehiyon
Lungsod ng Kotabato (Cotabato)
Peninsula ng Zamboanga (Rehiyon IX), dating Kanlurang Mindanao, ay
matatagpuan sa tangway ng mismong pangalan. Ito ay binubuo ng mga
probinsiya ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga
Sibugay, at ng dalawang lungsod—Syudad ng Zamboanga at Syudad ng
Isabela—na hindi sakop ng alinmang lalawigan. Ang Syudad Isabela ang
tanging teritoryong wala sa mismong isla ng Mindanao, ito ay nasa Basilan.
Ang administratibong kabisera ng rehiyon ay ang Lungsod ng Pagadian.
Ang buong rehiyon ay iisang probinsiya dati na tinawag na Zamboanga.
Hilagang Mindanao (Rehiyon X) ay binubuo ng mga probinsiya
ng Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Misamis
Oriental. Ang lalawigan ng Camiguin ay isa ring pulo sa may hilagang
baybayin. Ang sentrong administratibo ng rehiyon ay Cagayan de Oro.
Davao (Rehiyon XI), dating Timog Mindanao, ay matatagpuan sa timog-
silangang bahagi ng Mindanao. Ang rehiyon ay nahahati sa mga lalawigan
ng Davao Oriental, Davao, Davao del Sur, at Lambak Compostela; kasama
pati ang Lungsod ng Davao. Ang Golpo ng Davao ay nasa timog at ang isla
ng Samal sa golpo ay kabilang din sa rehiyon, pati ang Mga Isla ng
Sarangani. Ang Lungsod ng Davao ang sentrong administratibo.
SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII), dating Gitnang Mindanao, ay
matatagpuan sa timog-gitnang bahagi ng isla. Binubuo ito ng mga
probinsiya ng Cotabato, Sarangani, Timog Cotabato, at Sultan Kudarat,
kasama ang Lungsod ng Cotabato. Ang pangalan ng rehiyon ay isang
acronym ng mga pangalan ng mga probinsiya nito kasama ang Lungsod
General Santos. Ang Lungsod ng Cotabato, na matatagpuan sa loob ng
lalawigan ng Maguindanao ngunit hindi kabilang sa nasabing probinsiya, ay
ang sentro administratibo ng rehiyon.
Caraga (Rehiyon XII) ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang parte ng
Mindanao. Ang kanyang mga probinsiya ay Agusan del Norte, Agusan del
Sur, Surigao del Norte, at Surigao del Sur. Ang sentro administratibo ay
ang Lungsod ng Butuan sa Agusan del Norte. Kabilang sa rehiyong ito ang
mga nakaratag na isla ng Surigao del Norte tulad ng Isla ng Dinagat, Isla ng
Siargao, at Bucas Grande.
Ang Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim
Mindanao (BARMM) ay isang espesyal na rehiyon na kinabibilangan ng
mga teritoryo kung saan ang mayoriya ng populasyon ay moro. Kasama
dito ang halos buong Kapuluang Sulu (ang Syudad ng
Isabela ng Basilan ay bahagi ng rehiyong Peninsula ng Zamboanga) at
dalawang probinsiya sa isla ng Mindanao. Ang mga lalawigang bumubuo
sa Kapuluang Sulu ay Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Ang Basilan at Tawi-
Tawi ang mga pangunahing isla ng kanilang mga lalawigan, Isla ng
Jolo naman ang sa Sulu. Ang mga probinsiya sa mismong isla ng
Mindanao ay ang Lanao del Sur at Maguindanao. Ang sentro administratibo
ng rehiyon ay ang Lungsod ng Cotabato.

The name "Mindanao" is derived from the Spanish corruption of the name of the Maguindanao
people, the dominant ruling ethnic group in the Sultanate of Maguindanao in
southwestern Mindanao during the Spanish colonial period.

You might also like