Script 21st

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Unang Senaryo: Sa isang payapang barangay sa Taguig naninirahan ang noong mga

bata pa na sila Kevin at Luisa

Nanay Maria: Anak! Kevin! May bisita ka ah! yung kalaro mo, si

Luisa

Kevin: ito na ma! Pababa na po saglit na lang

Luisa: Uyy Vin! Laro tayo sa labas! Nandun mga kaibigan natin

Kevin: Tara! matagal- tagal din akong hindi nakalaro eh, Ma dito muna kami

* Ilang sandali lamang habang naglalaro sa labas ang mga bata, ilang kawan ng

gobyerno ang papunta sa kinaroonang lugar upang mag-demolish.

Pinuno ng demolishing team: Tagpasinn ang mga dapat tagpasin! Walang ititirang

mga bahay na nakatirik, patayin ang mga manlalaban.

* Nagkagulo na

Kevin: MA! Pa! nandyan na naman yung mga nag paalis sa atin nagkagulo sa labas

Tatay Berting: Dito lang kayo, bantayan mo ang mama mo, sasama ako sa labas

upang pigilan sila. Basta kahit anong mangyari walang lalabas sa iyo delikado.

* Nagkakagulo, batuhan at sakitan, hanggang sa isang bala ang tumapos sa buhay ni

mang berting

Pinuno: Paslangin ang dapat paslangin!

* Sa paghupa ng tensyon, lumabas ang mag-ina


Aling Maria: Mahal! Asawa ko! Asawa ko! Anong ginawa ninyo sa asawa ko? Mahal

gising, mahal gumising ka na!

Kevin: Papa? Papa! Papa!

Demolishing Team: sige na tibagin na ang lahat ng bahay, ilipat ang mga wala nang

bahay sa Manila at ang iba ay sa Laguna.

* Iyakan, Hinihila ang mga tao

Ikalawang senaryo (Sa Laguna)

Kevin: Oh bili na kayo! Tubig! Tubig kayo dyan!

Dalawang Bully: Tignan mo oh, Bat may ganyan dito? Iwwwww! ( sabay tapon ng mga

dalang gamit ni Kevin)

Ricardo: Hoy! Tumigil nga kayo! Bumalik kayo sa room niyo!

Dalawang Bully: Yes Boss

Kevin: Salamat sir, mauna na po ako

Ricardo: Sandali lang! Mag-aaral ka ba rito?

Kevin: Noong nakaraang buwan lang po kaso huminto na po ako dahil kailangan ko

nang magtrabaho.

Ricardo: Gannun ba gusto mo pa bang ipagpatuloy ang pag-aaral mo rito? Pwede

naman kitang pag-aralin.

Kevin: Opo! Talaga po? Gustong- gusto ko na rin po talaga bumalik sa pag-aaral eh

kaso lamang po sobrang hirap ng buhay.


Ricardo: Oh sige, ngunit sa isang kondisyon, pag-aarlin kita ngunit kapalit ang……..

Mga Relihista: Makibaka! Malkibaka! Makibaka! Pabagsakin ang gobyerno !

pabagsakin! Sibakin ang dapat buwagin, Full o Fool.

* Habang abala ang lahat, si Kevin ay abala sa paghahanap ng mga papeles na sisira

sa samahan, labag man sa kanyang kalooban. Wala siyang magawa.

Ikatlong Senaryo (Sa Maynila)

Senora Laica: Hoy bata ka! Bakit ginabi ka na naman? Diba ang pasok mo ay alas-

siyete ng umaga hanggang alas-dose lang?

Luisa: Marami pa po kasing kaming ginawa patawad po.

Patricia: Sus! Dahilan mo lang yan sabihin mo malandi ka! Paaral- aral ka pa sa UP eh

ampon ka lang naman whatever!

Senora Laica: Anong tinitingin- tingin at tinatayo mo dyan? Kumilos kana at andaming

gagawin sa baha.

* Sa rally sa UP Manila

Bessy: Luisa, bakit mo ba ito ginagawa? Bakit sumasama ka pa sa mga rally eh diba

mahigpit yung step mom mo?

Luisa: Dito lang kasi ako malaya, malayang makapagsalita, malayang lumaban,

malayang maglabas ng hinanakit at saka daan na rin ito upang makamit ko ang

hustisya sa pagkawala ng mga magulang ko noon, siguro kung hindi dahil sa gobyerno,

buo pa rin kami ngayon at buhay pa sila.


Bessy: Wait lang bes! Ang bilis mo maglakad! Pano kaya bes, mag abroad ka muna

alam mo may alam akong agency na naghahanap ng mg a DH sa Dubai.

Luisa: Pano naman pag-aaral ko niyan?

Bessy: Edi mag ipon ka muna, saka mo ituloy pag-aaral mo,sayang din yun, pwede ka

namang bumalik dito pagkatapos ng kontrata mo doon.

Luisa: Pano naman ang laban ko para sa hustisya nila mama?

Bessy: Maari mo namang ipagpatuloy yon, lahat ng laban, may kanya- kanyang paraan

lahat ng digmaan may hangganan.

* Sa Bahay

Luisa:Tita, papaalam po muna sana ako sa inyo, pupunta po ako ng Dubai para doon

magtrabaho.

Senora Luisa: Wow! Ano namang hangin ang umihip sa kukote mo at naisipan mong

mangibang bansa? Sabagay , kahit ano man yon okay lang sakin para makabawas

bawas sa mga gastusin ditto sa bahay wlang nang anay ditto sa bahay.

Patricia: Buti nga naisip mo yan, bawas palamunin ka rin dito, at teka! Wag mo

kalilimutan kung sakaling yumaman ka roon. Padalhan mo ako ng mga gusto ko, para

naman makabawi ka sa lahat ng pinalamon naming sayo noon hanggang ngayon.

Luisa: Sige ate

Ikaapat na Senaryo (sa Dubai)

* Napunta sa malupit na aamo si luisa.Kung saan siya ay api at minamaltrato.


Arabo: Dalian mo ang trabaho mo! Kundi buhay mo ang padaliin ko

*Araw- gabi siyang nagtatrabaho at kulang pa sa pagkain at tulog

Arabo: Saan ka galling?

Luisa: I came from market to buy some foods sir, because Im hungry

Arabo: shut up! Wala kang karapatang sumagot- sagot ! wala nang aalis pa sa lugar na

ito stay here or else I will going to kill you

* Isang araw habang pauwi ng bahay si Luisa inaabangan siya ng kayang amo.

Arabo: Saan ka galing? Walang hiya ka! ( sabay sabunot)

*Aktuwal na nasaksiham ito ng isang lalaki at agad niya itong pinigilan Businessman (

bunot ng baril) hindi ka titigil? Halika iha isasama kita.

Arabo: What’s happening?

* Sa bahay ng businessman

Businessman: Ayos ka lang ba iha? Ganito talaga rito ang makapangyarihan ang

naghahari. Dito sa Dubai, kapag mayaman ka, maraming kang magagawa at kapag

mahirap ka o galling sa labas ng bansa. Ituturing ka nilang imported animal.

Luisa: kahit sa bansa ko pong pinaggalingan ang malakas ang may pera at kaming

mga anak-dalita at bilaango na lang ng madilim na lipunan, Ang Pilipinas

* Makalipas ang isang taon( time stretch)

Businessman: ( May kausap sa phone) anak kevin, pumunta ka ditto sa Dubai,

kailangan natin mag usap para sa huling planong pabagsakin ang mga anak-bayan.
Luisa: Tito? Ano tong narinig ko? Pabagsakin ang anak bayan? tama banarinig ko?

Businessman: Wala to, wala yon

Luisa: Wag muna itanggi pa! dahil narinig ko ang lahat akalako mabuti ka, demonyo ka

Businessman: Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan! Pinapatira lang kita

dito.Isa ka lang palamunin.

Luisa: Edi lalayas na ako dito akala ko langit, impyerno pala, uuwi na ako sa Pilipinas.

Businessman: Kung makakaalis ka sa lugar na ito hahahahahaahaha kayo na bahala

sa kanya.

* Isang araw sa kasagsagan ng panghahalay ng mga tauhan ng businessman na si

Ricardo dumating ang kanyang inaanak na si kevin.

Kevin: Pa! nandito ako

Businessman: Oh siya maupo ka muna at magpahinga saglit

* Aray! Aray! Aray!

Kevin: Ano yung naririnig ko doon ba yun sa kwarto mo pa?

Businessman: Wala yun pusa lang yon

Kevin: hindi tumabi ka dyan

Ano! Anong kababayan to umalis kayo rito

Bakit ninyo pinagsasamantalahan at sinasaktan ang walang kalabang- labang babae

walang hiya ka pa! tinuring kitang hulog g langit, isa ka pa lang diyablo.
Businessman: Wala kayong utang na loob pareho, dapat sa iyo pinapatay at

isinasama sa mga libo-libo ko nang napatay.

* Nag-agawan sa baril si kevin at ang kanyang amain hanggang sa nabitawan nila ito,

at itoy pinulot ni Luisa siya ang tumapos sa buhay ni Ricardo.

* At dahil sa mga putok ng baril, naring ito ng mga kapitbahay at agad silang

nakapagsumbong sa kinauukulan.

* Nang dumaating ang mga pulis, itinurong pumatay ni Luisa si Kevin at agad itong

hinatulan ng bitay.

You might also like