Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pang-uri (Adjective)

I. Introduksyon

- Ang Pang-uri ay mga salitang naglalarawan. Inilalalarwan nito ang katangian


ng mga pangngalan at panghalip.

- Maaring gawing payak na simuno o payak na panaguri ang pang-uri.

- Maari rin itong gwing bahaging naglalarawan ng simuno o panaguri.

Hal.
Maganda ang babaeng dumaan dito kanina.

- May mga pang-uri ring kaugnay ng pandama. May ma bagay na nauuri natin
ang katangian sa pamamagitan ng pandama tulad ng: matalas at matulis;
makinis o magaspang; malamig o mainit; makati at mahapdi.

II. Antas ng Pang-uri

Pangngalan Lantay na Pang-uri Pahambing Pasukdol


bulaklak mabango mas mabango pinakamabango
bag bago higit na bago napakabago

- Pansinin ang mga pang-uri sa tsart. May tatlong kaantasan ang pang-uri sa paglalarawan
ng pangngalan. Ang mga nasa tsart ay nasa lantay na antas.

1. Nasa pahambing na antas naman kapag nilagyan ng salitang mas o higit ang pang-uri.

2. Ginagamit ang mas o higit kung nakahihigit ang isa sa dalawang pinaghahambing.
Kung pareho naman ang katangian, ginagamit ang kasing o magkasing.

3. Kung nakahihigit ang isa sa dalawang pinaghahambing, ginagamit ang di-gaano o di-
gasino.

4. Kung pasukdol na antas naman ginagamit ang panlaping pinaka, napaka, sa salitang-
ugat. Maaaring gamitin ang mga salitang ubod ng, saksakan ng, nuno ng at iba pang
pasukdol na salita.

You might also like