Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Wikang katutubo: 'Wika ng kapayapaan'

Ayon sa tagapangulo ng National Commission on Indigenous Peoples, kadalasan naiipit


ang mga katutubo sa tunggalian ng mga armadong grupo

Jee Y. Geronimo
Published: 9:00 AM August 13, 2015
Updated: 11:07 PM August 12, 2015

PANGASINAN, Pilipinas – Hindi lang wikang Filipino ang pinag-usapan sa katatapos na


Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika na ginanap noong Agosto 5-7 sa Lingayen,
Pangasinan.

Itinampok din ang mga wikang katutubo at ang kahalagahan ng pagpapaunlad,


pagpapalaganap, at pangangalaga sa mga ito.

Ayon kay Leonor Oralde-Quintayo, tagapangulo ng National Commission on Indigenous


Peoples (NCIP), may kinalaman ang pagtataguyod ng usaping pangkapayapaan upang
mapanatili ang mga wikang katutubo na siya ring "wika ng kapayapaan."

Sa tantya ng NCIP, humigit-kumulang 14 milyon ang mga katutubo sa Pilipinas, at


kadalasan, nakatira sila sa kabundukan at malalayong lugar.
"Ang kanilang mga lupain ang lungga ng mga samu't saring magkatunggaling armadong
grupo. Kadalasan ang mga katutubo ay napapagitna at naiipit sa mga tunggaling ito. Ang
sitwasyong ito ay malaking banta sa seguridad at pananatili sa mga lupaing ninuno o
pamayanan," ika ni Quintayo.

Bagama't payapang mga tao ang mga katutubo, sila ang naaagrabyado sa tuwing may
sagupaan sa pagitan ng mga armadong grupo, sabi ni Quintayo.

Dagdag niya, mga katutubo rin ang pumapasan ng mga masasamang epekto ng mga
sagupaan, at sa tuwing titindi ang mga ito, napipilitan ang mga katutubong lisanin ang
kanilang mga lupa.

"Ang paglisan na ito ay hindi lang paglisan sa mga kalupaan, kundi paglisan din ng mga
kultura at wika na walang tiyak na patutunguhan."

Proteksyon sa mga lupang ninuno

Bukod sa usaping kapayapaan, mahalaga ring bigyang sapat na proteksyon ang mga
lupang ninuno sapagkat ito ang humuhubog sa kultura at wika nila, sabi ni Quintayo.

Mula 1997 pa lang, may batas nang kumikilala sa pagmamay-ari ng mga katutubo ng
kanilang mga lupaing ninuno – ang Indigenous Peoples' Rights Act.

5 milyong hektarya
ang may mga certificate of ancestral domain titles na

5 milyong hektarya
ang wala pang titulo
Source: NCIP

Ayon sa tagapangulo ng NCIP, pagmamay-ari ng mga katutubo ang 1/3 ng mga lupain at
tubig sa Pilipinas. Ngunit inamin ng komisyon na hanggang ngayon, kalahati pa lang ng
mga lupain ang natituluhan "dahil sa lawak nito at limitasyon sa pondo."

"Ang lupa ang magtitiyak ng kabuhayan sa mga katutubo at pagmamay-ari nito ang
titiyak ng kanilang pananatili sa kanilang mga lupain…. Sa lupang ninuno nila
mapagyayaman ang kanilang mga kultura at mga wika, at mapaunlad at magamit ang
kanilang mga katutubong kaalaman, sistema at mga kasanayan, kinaugaliang batas, at
mga katutubong sistemang pampolitikal," ani Quintayo.

'Kaluluwa ng lahing Pilipino'

Ayon sa Ethnologue: Languages of the World, may 186 wika sa Pilipinas, ngunit 182 na
lang rito ang buhay.
Mga wika sa Pilipinas

186 total
182 living
41 institutional
72 developing
46 vigorous
13 in trouble
10 dying
Source: Ethnologue: Languages of the World

Upang maiwasan ang tuluyang pagkamatay ng mga wika, iginiit ni Quintayo ang
kahalagahan hindi lang ng paggamit ng wikang katutubo bilang paraan ng
komunikasyon, ngunit pati rin ng patuloy na pananaliksik at pagdodokumento ng mga
wikang ito.

Iminungkahi rin niyang ituro ang wikang katutubo bilang mother tongue sa mababang
paaralan, at gawin itong asignatura o elective sa kolehiyo. (READ: Mga guro, maging
malikhain sa pagtuturo ng Filipino)

"Ang wika ng mga katutubo ay pagkakilanlan o identity…. Ang mga wikang katutubo rin
ay yaman ng ating kultura at kaluluwa ng mga katutubong Pilipino at ng lahing
Pilipino…. Ang paglaho ng mga wikang katutubo ay pagkawala ng isang malaking bahagi
ng kultura." – Rappler.com

RECOMMENDED STORIES

Buwan ng Wika 2019 itatampok ang mga katutubong lengguwahe

[EDITORIAL] #AnimatED: Bigyan natin ng pagkakataong yumabong ang Filipino

[PODCAST] Ang batas na puwedeng magpalaya sa rapist-murderer na si Antonio


Sanchez

[EDITORIAL] #AnimatED: Kumakahol ang mga tuta sa naghihingalong demokrasya

[OPINION] Why don't we celebrate Buwan ng mga Wika instead?

Pangilinan: 'Ang commuter, tao hindi sardinas'

Mother of Allan Gomez joins UPLB protest rally against release of son's murderer

#NoToSanchezRelease: Netizens, groups demand justice for ex-mayor's rape-slay


victims
ABOUT RAPPLER

Welcome to Rappler, a social news network where stories inspire community engagement and digitally
fuelled actions for social change. Rappler comes from the root words "rap" (to discuss) + "ripple" (to make
waves).

Read more

 Rappler's Founding Board


 Rappler's 2017-2018 Board
 Rappler Team
 Rappler Indonesia Team
 Job Openings
 Archives
 X
 Privacy statement
 Terms of Use
 Comment moderation Policy
 Advertise With Us
 Contact Us

NEXT STORY >

You might also like