Professional Documents
Culture Documents
Roleplay
Roleplay
Scene 1
Habang naglilinis si Julie at biglang dumating ang kanyang nakakabatang kapatid na si Julia...
Julia: Ate Julieee! Mayroon akong balita. *Gusto mo bang pumunta sa sayawan?*
May mahalaga daw na anunsyo ang mahal na Hari baka ihahanap na nila ng mapapangasawa si Prinsipe
Rome (kinikilig)
Julie: Tigilan mo ako Julia. Alam mo namang wala akong oras para sa mga ganyan.
Julia: Hindi ba matagal mo na siyang gusto? Hwag kang mag-alala naihanap na kita ng isusuot (ilalabas
ang gown)
Scene 2
Pagsapit ng sayawan
SE
Joy Ann: Sino ang dalagang iyan? Kay ganda ng kanyang mga mata.
Jessa: Oo tama ka dyan aking kaibigan. Ngayon ko lang siya nakita sa ating lugar.
Hindi lamang ang mga bisita ang nabighani ni Julie pati na rin si Prinsipe Rome. Nilapitan niya ito ay
inalok ng isang sayaw.
Rome: ***
Pagkatapos ng kanilang sayaw ay inaya ni Rome si Julie na magpalamig muna sa labas at binigyan niya ito
ng inumin.
Rome: Sa tagal ng panahong ako ay naghanap hindi ko akalain na ngayon ko pala mahahanap.
*Dadalhin*
SE
Hari: Magandang gabi mga mahal kong nasasakupan. Nagpasagawa ko ng isang kasayahan dahil may isa
akong mahalagang anunsyo. Ang aking anak na si Prinsipe Rome ay nahanap na ang kanyang
makakaisang dibdib. Magbigay pugay kay Prinsesa Veronica. (papasok i Veronica)
Rome: Totoo ba ang aking mga narinig? Bakit siya? at anong katapatan niyong magdesisyon para sa akin?
Hinding hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman iniibig...
Hari: *Anak*
Ganyan ba ang tamang pag-uugali ng taga-pagmana ng aking trono? Wala kang respeto. Sa ayaw at sa
gusto mo kayo ay magiisang dibdib ni Veronica.
Reyna: Mahal kong anak. Makinig ka na lamang sa iyong Ama. Isipin mo na para lamang ito sa ikakabuti
ng pamilya at bayan natin. (yayakapin si Rome)
Rome: Hindi!!! Kung ipipilit niyo ang inyong mga nais. Hinding hindi niyo na ko kailanman makikita sa
palasyong ito. (lumisan at sinundan si Julie)
Romeo: Julie! Aking mahal... Hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi ko alam ang lahat ng iyon.
Julie: *Bibitawan ka* Tama na Rome, alam ko namang langit ka at lupa ako... kahit kailanman hindi
nararapat ang isang katulad ko para sayo... (iiyak si Julie)
Alam kong isang malaking desisyon ang aking ginawa pero *Ipaglalaban ko*
Handa ka namang maglakbay kasama ko? Lisanin na natin ang mundong ito... Magpakasal na tayo Julie,
hindi ko na kaya pa mahiwalay sayo. Mahal na mahal kita.
-kissing scene-
Scene 3
Dahil sa mga nasaksihan, napagpasayahan ni Veronica na palayain si Rome at kanyang kinausap ang Hari.
Nais ko lamang po, humingi ng dispensa... Pinapalaya ko na po ang iyong anak. Hindi ko nais na maging
hadlang sa kaligayahan ni Rome.
Hari: Hindi ako makakapayag. Gagawa ako ng paraan upang mahalin ka pabalik ng aking anak. Kahit
butas ng karayom ay aking papasukin. Hindi ko hahayaang masira ang aking mga plano...
Natakot si Veronica sa sinabi ng Hari kaya minabuti niya na hanapin ang magkasintahan upang sila ay
paalalahanan.
Scene 4
SE
SE
Rome... Bata pa lamang tayo ikaw na ang laman ng puso at isipan ko. Sa lahat ng oras ay ako ang
takbuhan mo. Kahit nag-iisa lang akong nagmamahal. Tinanggap ko dahil mahal kita at nais kong maging
masaya ka kahit hindi ako ang minamahal mo. Nawa'y maging masaya ka aking sinta. Mahal na mahal
kita, pinapalaya na kita...