Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pagbangon sa pagkakalugmok ay mahirap nga bang gawin?

Lahat nga ba
ng problema ay may katumbas na solusyon? Ito’y mga tanong na sumagip sa isipan ko
noong nakaranas ako ng masidhing suliranin sa aking buhay na tila ba’y walang
katapusan. Mga problemang hindi ko lubos maunawaan kung bakit ang mga iyon ay
dinaanan ko. Tila’y pinagsukluban ako ng langit at lupa na nag-iwan sa akin ng bakas
ng pagdurusa’t pighati.

Lumaki ako sa isang pook sa bayan ng Milagros. Doon ko nasaksihan ang


kagandahan ng buhay dahil sa kahit mahirap kami ay kumpleto parin ang pamilya ko.
Dahil sa mga magulang ko na laging nandiyan para sa aming magkakapatid. Hindi ko
na iniisip ang mga problemang dumarating sa aming buhay dahil iniisip kong kapag
pinagsaluhan namin nina Inay, Itay at mga kapatid ko ang pagsolusyon sa mga iyon ay
natitiyak kong mapagtatagumpayan namin ito. At iyon nga ay napatunayan kong
totoo. Lumilipas ang panahon ng may kasiyahan at kabuluhan ang buhay ko. Tila ba’y
wala na akong mahihiling pa.
Taong 2008, nakapagtapos ako ng pag-aaral sa elementarya ng may
napakalaking ngiti sa aking mga labi. Grumadweyt ako bilang valedictorian sa aming
klase. Sadyang umaapaw ang kasiyahan na naramdaman ko noon lalo na’t andoon
ang Inay, Itay at mga kapatid ko. Naglakad ako sa tanghalan bilang isang proud na
anak.

Lumipas ang ilang buwan at magsisimula na naman ang klase. Nakapag-enrol ako
sa mataas na paaralan ng Masbate School of Fisheries. Sa panahong iyon, lubha akong
nanibago dahil sa kinailangan kong mahiwalay sa aking pamilya para makatuntong sa
pansekundaryang paaralan. Kinailangan kong mag-board at tila’y mamuhay ng mag-
isa. Pero paminsan-minsan dumadalaw naman sina Inay at Itay ngunit madalang nga
lang dahil sa may kalayuan. “’Nay, ‘Tay, mabuti’t nabisita nyo ako ngayon. Alam mo ba
‘Nay, tila mababaliw ako sa MINGAW na nararamdaman ko.” Sinabi ko kay Inay.
“Huwag kang mag-aalala anak tatawag naman kami ng iyong Itay para kumustahin
ka.” Tugon ni Inay. Sa paglipas ng ilang araw at lingo, medyo nakaka-move on na ako.
Tila’y naibsan ang bigat ng nararamdaman ko. Sa paaralan naman, marami din naman
akong nakilalang kamag-aral at kasama na doon si Ben. Mabait siya, matangkad at
kaaya-aya din tingnan. Sa katunayan, siya yung una kong nakilala. “Hi Miss, ako nga
pala si Ben. Ikinagagalak kong makilala ang magandang binibining katulad mo.”
Pagpapakilala niya noong una naming pagkikita. Syempre, noong bigkasin niya ang
mga katagang iyon ay bigla akong nakaramdam ng pagkakilig. Di ko alam kung bakit
ko yun naramdaman. Siguro ay dahil totoo naman ang sabi nya. “ Ikinagagalak ko ding
makilala ka Ben.
SA PUNO NG MANGGA

Sa puno ng mangga, sa may bandang itaas ng bundok, nandoon ang kanilang bahay. Nag-aabang siya ng mga ibon na
lalapit puno. Susubuking hulihin ni lito ang mga ibon na nasa itaas nito.

Habang siya ay nakaupo sa isang malaking sanga ng puno ng mangga, tahimik na nagmasid si Lito sa paligid.
Nalalanghap din niya ang sariwang simoy ng hangin na tila ba’y nakakatanggal ng stress sa katawan. Sa pagtingin
niya sa may dakong kanluran, naakita nya ang paligid na may mga taong nagpuputol ng puno na halos ay makalbo na
ito at sa dakong silangan naman ay mga bahay at pabrika ng iba’t ibang produktong gawa sa plastic.

NAGMAHAL, NALUGMOK AT ____________

You might also like