2. Pumunta kami ng aking kaibigan sa mall para manood ng movie at
kumain sa Mcdo at bumili ng damit tapos naglakad-lakad kami at nakita namin ang isa naming kaklase sa Nat’l Book Store na kung saan ay bumibili ng Gtech dahil nawala raw ang kanyang luma kaya nanghihinayang siya rito nang grabe pero ako, naisip ko, gastos lamang nang gastos. 3. Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall. Kami ay nanood ng bagong movie, kumain ng chicken fillet sa Mcdo, bumili ng magandang damit, at naglakad-lakad din pagkatapos. Habang naglalakad-lakad, nakita namin si Benjie, isa naming kaklase, sa Nat’l Book Store. Siya ay bumili na naman ng bagong Gtech dahil nawala raw ang kanyang luma na labis niyang pinanghinayangan. Naisip ko, siya ay nasasayangan na sa isang ballpen lamang samantalang ako ay gastos lang nang gastos. 4. Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall. Kami ay nanood ng bagong movie, kumain ng chicken fillet sa Mcdo, bumili ng magandang damit, at naglakad-lakad din pagkatapos. Habang naglalakad-lakad, nakita namin si Benjie, isa naming kaklase, sa Nat’l Book Store. Siya ay bumili na naman ng bagong Gtech dahil nawala raw ang kanyang luma na labis niyang pinanghinayangan. Naisip ko, siya ay nasasayangan na sa isang ballpen lamang samantalang ako ay gastos lang nang gastos. 5. Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik Paggamit ng mga Panuring Pagsasama ng mga Pamuno sa Pangngalan Paglalagay ng mga Kaugnay na Parirala Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Pangungusap 6. Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik Isinasama ito sa pangungusap upang mas malinaw ang mensaheng nais iparating. Mga Halimbawa ng Ingklitik man naman kaya kasi yata sana tuloy nang ba pa muna pala na daw/raw din/rin lamang/lang 7. Paggamit ng mga Panuring 2 Kategorya ng mga Panuring: 1. pang-uri na panuring sa pangngalan at panghalip 2. pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay 8. Mga Halimbawa: Batayang Pangungusap: Ang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming. Pagpapalawak Gamit ang Pang-uri: Ang makasaysayang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming. 9. Mga Halimbawa: Batayang Pangungusap: Ang mga mamamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng pamahalaan. Pagpapalawak Gamit ang Pang- abay at Pang-uri: Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng sakim na pamahalaan. 10. Pagsasama ng mga Pamuno Pamuno -> pangngalan o pariralang pangngalang tumutukoy sa ibang katawagan para sa isa pang pangngalan. HALIMBAWA: Si Duterte, ang pangulo ng Pilipinas, ay nanawagang huwag gumamit ng droga. 11. Paglalagay ng mga Kaugnay na Parirala Kaugnay na Parirala -> mga dagdag na salita na idinurugtong sa pangungusap o mga parirala na may parehong kahulugan sa naunang parirala. 12. Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall. Kami ay nanood ng bagong movie, kumain ng chicken fillet sa Mcdo, bumili ng magandang damit, at naglakad-lakad din pagkatapos. Habang naglalakad-lakad, nakita namin si Benjie, isa naming kaklase, sa Nat’l Book Store. Siya ay bumili na naman ng bagong Gtech dahil nawala raw ang kanyang luma na labis niyang pinanghinayangan. Naisip ko, siya ay nasasayangan na sa isang ballpen lamang samantalang ako ay gastos lang nang gastos. Mga dagdag na salita na idinurugtong sa pangungusap 13. Mga parirala na may parehong kahulugan sa naunang parirala Nakalulungkot limiin na sa araw na iyon ay nailibing ang matataas na pangarap o dili kaya’y kasama ng umalimbukay na alikabok ang mga ambisyong matagal nang naikintal sa isipan. Subalit darating ang tamang panahon na tahasang malalaman ang tunay na kahulugan ng buhay, ang kahulugan ng paghihintay sa mga nakatakda, at ang kahalagahan ng pag- inog ng mundo na tiyak na daratal pagdating ng araw. 14. Gawain: Palawakin ang mga sumusunod na batayang pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Si Ana ay nanggaling sa mahirap na pamilya. 2. Dapat pag-ingatan ng lahat ang kalayaan. 3. Ang mundo ay naging saksi sa pangyayaring ito. 4. Ang Pilipinas ay nagdurusa.