Professional Documents
Culture Documents
Week 12 Aralin 9
Week 12 Aralin 9
PAMAMARAAN NG PAGSULAT
Pag-asinta (triggering) –kailangan may isang bagay na magsislbing dana upang tayo’y sumulat.
Kung tayo may paniniwala sa ating sarili matutuklasan natin ang mga paraan upang
magtagumpay sa pagsulat. Makakalikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya
ang kanyang sarili sa paksa
Pagtitipon (gathering) – anumang paksang napili kailangan paring magdaan sa masusing
pagsasaliksik at pagtutuklas.kailangan makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyang
magpapatunay bukod sa ating sariling karanasan, maari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine
, ensayklopedya ,pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyo.
Paghugis (shaping) – habang nagnagngalap tayo ng mga materyales binibigyan na natin ng hugis
ang ating paksang susulatin. Maari na nating sulatin ang burador na maari ring maging batayn sa
pangangalap ng mga kagamitang.kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa
Pagrebisa (revising) – ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa siang upuan lamang. Ang isang
mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag uunlad mula sa mga di-formal na tala tungo
sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay
dumadaa ng mga pagbabgo at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at
tumpak na pamaraan ng pagsulat
PAGSULAT NG SIMULA
Paggamit ng retorikal na tanong
Paggamit ng mga sipi
Paggamit ng mga hiraam na elemento mula panitikan
Paggamit ng mga hiram na element mula sa pamamahayag
Mas mainam na ihayag ang thesis statement sa simula upang mabigyanng pokus ang
argumento at mesaheng nais ipahayag
Maari din gumamit ng tema
PAGSULAT NG KATAWAN
Isang ideya isang talata lamang
Ang huling pangungusap ng isang talata ay maaring magsilbing transisyon. Maari ding tumayo
ang isang pangungusap na talatang transisyon.
Ang mga sumusuportang ideya ay maaring ihiwalay bilang isang talatang pangungusap.dapat
lamang tiyaking ang susunod na talata pagkatapos nito ay talatang nagpapaliwanag sa ideya ng
sinundang talatang pangungusap.
PAGSULAT NG WAKAS – ang kongklusyon ay hndi lamang pagalalagom ng kabuan ng sulatin.
Sapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong sulatin .
Uri ng mga Gawain sa pagsulat. Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinagaralan at
tinatakay sa klase forum seminar . maaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng
kathang pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga magaaral ng isang kathang di-
pormal. Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siang gagawing
paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.
Pormal – pili ang mga slaitang ginagamit may himig ng pagkaseryoso at limitado ang mga salita
may pormal na ayos at minsan ay mababasa ang mga salitang balbal.
Di- pormal – magaan ang salitang ginagamit may mababaw na kahulugan kadalasang may
kakatwang paksa at minsan ay mababasa ang mga salitang balbal.
ANALITIKAL NA PAGSULAT
Karaniwang kinakailangan sa akademikong pagsulat upang Makita ang mga relasyon sa
pagitan ng mga piraso ng impormasyon. Ito ay gingamit upang ihambing at kaibahan ,
masusuri o suriin ( ex. Ang isang bilang mga pamamaraang ,theories , methologies o
kinalabasan)
Sa pagsulat nito malinaw ang dahilan at halaga ng nilalaman ng sulatin
Kakikitaan ng paghahambing pagsusuri at resulta ng isang pag aaral
KRITIKAL NA PAGSULAT
Pagtitimbang ng magkaibang naglalabang disposisyon ukol sa isang paksa
Naglalahad ng mga impormasyon na may batayan at nagtatatngkang bigyan ng
kongklusyon ang mga umiiral na ideya o kaalaman.
Bunga ito ng mga pagbabasa ng mga materyales na may kaugnayan sa pinapaksa ng
sinusulat.
Upang matamo ang kakayahang komunikatibo kailangang pantay na isaaalang – alang ang
pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ( gramatika ) ng
wikang gingamit sa teksto” – David Wilkins(Higgs at Clifford 1992)