Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:

LAPIS O TIPAAN?

TECHNOLOGICAL UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

TAGUIG CAMPUS

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN
PANANALIKSIK SA FILIPINO I

TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG
ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

1
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA


LAPIS O TIPAAN?

INTRODUKSYON

Sa pananaliksik na ito, isinasaalang-alang ang teknolohikal na ebolusyon ng


arkitektura at ang epekto nito sa pag-aaral ng kursong “Architectural Technology”.
Sa pamamagitan nito ay malalaman kung anong mas pinapaburang gamitin ng mga
mag-aaral sa kani-kanilang aktibidad sa pagtatalakay ng Arkitektura. Pumapaksa
rin ito sa dulot ng modernong teknolohiya sa pag-aaral ng nasabing kurso.
Sumesentro ito sa iba’t ibang layunin na ibinase sa mga babasahin.
Naglalayon itong kumalap ng mga opinyon ng mga mag-aaral ng Arkitektura sa
paglutas sa mga suliraning nakapaloob sa paksang tatalakayin. Layunin din ng
topiko na malaman kung ano ang mas pinapaburang gamitin ng mga mag-aaral ng
Arkitektura o Pag-iinhenyero, kung ang manual na drawing ba o ang AutoCAD.
Sa pamamagitan ng pagsasarbey ng mga mag-aaral sa kursong
“Architectural Technology” at “Civil Engineering” sa ikalawa at ikatatlong taon ng
taong kasalukuyan. Sa paraang ginamit, ang mga reaksyon o mga mensaheng nais
nilang iparating ay madaling naitatala. Nabibigyang kasagutan din ang ilan sa
kanilang mga katanungan gamit ang mga impormasyong nakalap.
Ang mga datos at mga detalye na nakalap ay nakuha mula sa pagbabasa ng
mga “journal” at aklat ng AutoCAD at teknikal na pagguhit. Nakatulong din ang
ibang detalye na nakuha sa “internet” tungkol sa mga ito. Bilang karagdagan, ang
ibang mga detalye ay nakuha mula sa mga sariling karanasan bilang mga
estudyante sa kursong Arkitektura at mga naoobserbahan sa mga ilang
mananaliksik. Pinagbasehan rin ang mga nakikita at mga naririnig ng karamihan
mula sa mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang “Technical Drawing” at
AutoCAD kahalintulad nang sa nabanggit na kurso.

2
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

Teknolohikal na Ebolusyon ng Arkitektura: Lapis o Tipaan?

Sa mabilis na pag unlad ng teknolohiya sa panahon ngayon, patuloy na


nakapagiimbento ang mga tao ng mga teknolohiya o makabagong kagamitan na
makapagpapabilis sa ating mga gawain pang araw-araw. Habang tumatagal, naka-
sentro na ang ating atensyon sa mga bagong teknolohiya at hindi na natin
nabibigyang pansin ang mga bagay na pinagmulan nito at kung ano ang nasa
tradisyon. Sa mga kaparaanang ito ay lubhang nakaaapekto itong malaki sa pag-
aaral. Isang particular na halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng AutoCad at ang
pagkakalimot sa prinsipyong “Manual Drawing”.
Tulad na lamang ng “internet”, wala ito noong sinaunang panahon sapagkat
hindi pa natin ito kailangan ngunit ngayong ito ay nilikha na at binigyang pansin,
napukaw nito ang atensyon ng maraming tao at mula noon, patuloy na ang pag-
unlad at pagiging malikhain ng mga tao. Bukod dito, marami pang pagbabago ang
unti unting naganap. Minsan man hindi natin ito napapansin, ngunit nagiging
maluho rin ang mga tao at ginugusto rin nating magkaroon ng mga bagong
teknolohiyang ito.
Ginusto mo rin ba ang pagbabagong ito? Halos lahat ng tao ay tumatangkilik
dito ngunit kahit tinutulungan tayo ng mga bagong teknolohiya upang maging
madali ang ating gawain, may mga bagay rin na hindi nito kayang gawin. Alam
nating lahat kung ano ang lapis. Ginagamit itong panulat at pangguhit ng larawan,
ngunit hindi lang ito ang gamit ng lapis sa aming kurso. Napapakita rin ng lapis
ang mga bagay na nakikita natin ng aktwal tulad ng anino ng isang bagay, kung
san man tumama ang araw o ang pinagmulan ng liwanag na nakikita dito,
maraming magagandang bagay ang nagagawa ng lapis kung gagamitin natin ito sa
maayos na paraan. Sa ngayon, ang lapis ay hindi na gaanong ginagamit. Sabihin na
nating ginagamit ito ng mga batang nagaaral ngunit may hangganan rin ang
paggamit natin dito. Bilang estudyante ng kursong “Architectural Technology”
kinailangan naming gumamit ng lapis para sa asignaturang “Mono Drawing”. Ang
“Mono Drawing” ay tungkol sa pagpapakita at pagpapalalim ng isang hugis o
larawan. Naituro sa amin dito kung paano ipakita ang mga “shades”, “texture” o
kahit ano pang mabusising detalye sa isang larawan. Ngunit katulad nga ng aking
sinabi, may hangganan rin ito. Sa asignatura naman naming “Architectural Design”
pinagagawa kami ng plano ng bahay na aming ninanais na magkaroon.

3
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

Sa una, nagamitan pa namin ito ng lapis upang buuin an gaming ideya


ngunit may mga bagay kaming dapat gawin na mahirap nang ipakita gamit ang
isang lapis, kaya gumamit kami ng isang “software” na tinatawag na “AutoCad” at
napadali nito ang aming mga buhay. Ang “Autocad” ay isang “software” kung
saan kinakailangan itong gamitan ng “commands” upang mas mabilis an gaming
gawain. Mabilis mang gumamit nito, kinailangan parin naming pag-aralan at
magsaliksik ukol dito dahil bago lang ito sa amin. Habang tumatagal, mas naging
madali na sa amin ang pag-gamit nito ngunit, may mga bagay rin na hindi kayang
gawin ng “AutoCad” tulad ng lapis. May mga bagay na meron ang “AutoCAD” na
wala ang lapis at may mga bagay rin na meron ang lapis na wala ang “Autocad”.
Ano ang mas kinakailangan nating gamitin? Ano ang kahalagahan ng paggamit ng
lapis o “AutoCAD”? Kung parehas silang may kakulangan, ano ang nais mong
piliin? Ang “Autocad” na ginagamitan namin ng tipaan, makabago at madalas
nang ginagamit nagyon o ang lapis na minsan na lamang gamitin, mabusisi at
makaluma na?
Sa patuloy na pag-inog ng mundo ng teknolohiya, napakarami ng nalinang
na mga makabagong kagamitan na tunay nga namang napalaking tulong para sa
mga tao, iba’t iba mang estado ng pamumuhay. Ang mga hatid nitong benepisyo
ay isang napagandang handog para sa edukasyon ng mga mag-aaral o maging mga
propesyunal. Isa sa mga produkto nito ay ang paggawa ng mga “softwares” o
aplikasyon sa computer na nababagay sa anumang linya ng pag-aaral o trabaho
tulad ng “AutoCAD” na hinango sa prinsipyo ng “manual drawing”.
Ano nga ba ang “manual drawing” at ang “AutoCAD”?, Paano ito
nakakatulong at anu-ano ang mga epekto nito sa modernong pag-aaral?
Ang mga prinsipyong taglay ng “manual drawing” o teknikal na pagguhit ay
isang malaking impluwensya sa pagsilang ng AutoCAD. Noon pa man, ang
teknikal na pagguhit ay napakahalga na at Sa teknikal na pagguhit, napakaraming
grupo ng mga instrumento ang ginagamit upang makabuo ng isang produkto o
proyekto. (Tignan ang Pigura 1) Iba’t ibang klase ng kapal ng lapis, magkakaibang
laki ng mga papel at instumentong panukat ay iilan lamang sa madalas na
ginagamit sa teknikal na pagguhit.

4
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

Pigura 1 : Mga instrumentong panulat at panukat na ginagamit sa teknikal na


pagguhit. (Drawing pencils at Drawing compasses)
Sa kabilang banda ang AutoCAD ay isang “computer software” para sa
Computer-Aided Design/Drafting (CAD). Ang aplikasyong ito ay nilikha,
pinaunlad at ipinagbibili ng Autodesk, Inc., isang kompanyang naglilinang ng mga
“computer softwares”.
Ang AutoCAD ay ginagamit ng maraming tao, propesyunal man o
estudyanyte, mga inhenyero at arkitekto para gumawa ng mga disenyo para sa mga
gagawin nilang mga konstraksiyon o para sa mga gagawin nilang landscape
designs. Sa pamamagitan ng AutoCAD, maari makapagguhit sa kompyuter.
Ang unang bersiyon nito na ipinagbili sa komersyo ay inilabas noong 1982
sa pamamahala ni John Walker (Tignan ang Pigura 3). Subalit bago pa man mabuo
ang AutoCAD, ang kanilang inobasyon ay naisagawa sa pamamagitan ng mga pag-
aaral ni Ivan Sutherland at nang kanyang inimbentong Sketchpad.

5
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

Pigura 3: John Walker

Pigura 4: Ivan Sutherland Pigura 5: Sketchpad


Si Ivan Sutherland (Pigura 4) isinilang noong May 16, 1938 sa Nebraska,
USA at nagtapos ng Electrical Engineering sa California Institute of Technology
(1960) at ipinagpatuloy ang mas mataas na pag-aaral sa Massachusetts Institute of
Technology Lincoln Laboratory (1963). Naging isang propesor din siya sa
prehistihiyosong paaralan ng Harvard University. Sa kanyang taglay na kahusayan
sa paglilinang ng mga teknolohikal na kagamitan, nakapag-imbento siya ng
Sketchpad (Pigura 5).

6
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

Ang Sketchpad ay isang klase ng “computer machine”. Naging napakalaking


tulong ito noon sa pagbuo ng mga plano o disenyo sa mga propesyonal. Gamit ang
light pen, mabilis at akyureyt na nailalapat ang isang disenyo sa kompyuter.

Pigura 6: Sketchpad

Sa pagkakaimbento ng Sketchpad, nagkaroon ng mabisang ideya ang


kompanyang Autodesk sa pamumuno ni John Walker sa pagbuo ng AutoCAD.
Ayon kay David Byrnes sa aklat na “How to do Book: AutoCAD for Dummies”,
ang pagkilala sa AutoCAD ay isa sa mga naaayon na karanasan sa pagiging
inhenyero sa makabagong panahon dahil sa pagsama ng mga “basic skills” para sa
kaswal at propesyunal na paggamit ng kompyuter.
Katulad ng nasabi sa unang bahagi ng pananaliksik na ito, ang gumagamit
ng AutoCad at ng teknikal na pagguhit o tinatawag na manual drawing ay ang mga
arkitekto, inhinyero, tagapamahala ng proyekto at sa piling ng iba pang mga
propesyon. Mahalaga ang paggamit nila nito upang makabuo sila ng mga plano ng
mga gusali na kanilang itatayo . Ngunit bago pa man magkaroon ng AutoCad ay
natututo muna ng teknikal na pagguhit o manual drawing na hanggang ngayon ay
ipinararanas pa rin sa mga nag-aaral ng arkitektura at sa iba pang mga kurso na
nangangailang gumamit nito. Kahit na unti-unti nang nawawala ang interes ng mga
tao sa pagguhit ng teknikal, mahalaga pa rin na malaman at matutunan ito dahil
doon nagsimula ang kaalaman ng mga tao tungkol sa paggawa ng mga plano ng
mga gusaling kanilang ipatatayo, upang malaman ang bawat detalyeng
kinakailangan at upang makasiguro na ligtas ang pagtayo nito.

7
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

Kung kaya’t naiuugnay ang AutoCad sa Manual Drawing o teknikal na


pagguhit. Dahil sa bawat paggamit ng AutoCad, ito’y nakabase sa kung ano man
ang iyong iginuhit sa papel na tinatawag na manual drawing. Dito mo na
malalaman kung ang iginuhit mo ba ay kaparehas ng naiguhit mo sa AutoCad. Mas
maayos tignan ang gawa kumpara sa iginuhit ng manwal. (Tignan ang Pigura 7 at
8).

Pigura 8: Floor Plan gawa sa AutoCad


Pigura 7: Manual Drawing
Sa mga larawang ipinakita (Pigura 6 at 7), makikita rito ang pagkakaiba ng gawa
bilang isang teknikal na guhit at AutoCad.
Sa AutoCad:
 Maaari kang gumuhit sa kompyuter.
 Maari kang gumawa dito ng mga blueprints, floorplans, at mga 3
dimensional drawings.
 Eksalto ang bawat sukat ng linya.
 Mas mapapadali ang paggawa ng plano.

8
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

Pigura 9: Iba’t ibang mga instrumentong magagamit sa AutoCAD na may


katumbas na teknikal na pagguhit.
Sa teknikal na pagguhit o manual drawing:
 Manu-mano ang paggawa ng mga plano.
 Sa papel ginagawa.
 Hindi eksakto ang mga linyang ginuguhit.
 Maraming instrumento ang kailangan gamitin. Katulad ng t-squares,
triangles, straight edges, lapis at iba pa.
 Mapapagatos ng sobra dahil na rin sa mga instrumentong ginagamit dito.
Sa pananalik na ito, kailangan rin naming sagutin ang mga katanungan na
aming kakaharapin habang pinagdadaanan naming ang pagsasaliksik. Ito ang
ikalimang suliranin, “Anu-ano ang mga suliranin na kinakaharap ng mga
estudyanteng gumagamit ng “Manual Drawing”?. Ang pagguhit ng plano ay isa
lamang sa mga hakbang sa pagpapatayo ng mga istruktura na ibinubuo upang
makabighani, makapagbigay ng matitirhan, at iba pang mga maaaring paggamitan
ng mga ito. Ang pagdidisensyo ng bahay ay nangangailangan ng maingat na kamay
at pokus mula sa mangguguhit.

9
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

Ito rin ay nangagailangan nang matinding pagkamalikhain upang maging isang


epektib na mangguguhit.

Ang pagguhit ng plano ay maaring isagawa sa dalawang paraan, ang una ay


“Manual Drawing”. “Old School” ang madalas na itawag sa mga manual drafting
tools na ginagamit sa paggawa ng floor plan. Ito ay tinaguriang “Old School” dahil
sa patuloy na pagiging moderno ng atin mga kagamitan, at natural lamang dito na
maging makabago rin ang mga gamit sa pagguhit. Hindi na naman masasabing ito
ay napag-iiwanan na ng teknolohiya dahil manual drafting man ito ay may mga
gamit parin ito na ginawang moderno o automated, tulad na lamang ng mga
electric erasers, automatic pencils, mga templates, at marami pang iba. Nagmukha
lamang itong “Old School” ng ipakilala ang isang mas makabagong paraan ng
pagguhit na hindi nangangailangan ng lapis o ruler sa pagguhit, at ito ay ang
pangalawang paraan na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng mga plano, ito ay ang
paggamit ng “CAD” (Computer Aided Design). Ang “CAD” ay isang software na
nangangailangan lamang ng computer upang maisagawa ang pagguhit ng plano.
Bagamat dalawa man ang paraan ng pagguhit ay pareho lamang ang layunin ng
mga ito, ito ay ang makabuo ng floor plan na akyureyt sa mga bawat sukat,
organisa, at kaakit-akit, ang pagkakaiba lamang ang mga ito ay ang paraan kung
paano ito isinagawa.
Paano nga ba napapaunlad ng “Autocad” ang pagiging produktibo ng isang
mag-aaral? Maganda rin naman ang layunin ng “AutoCAD” sapagkat pinapadali
nito ang ating pag-guhit ng plano o ng bahay o ang mga larawan na nais nating
iguhit. Sa iba maganda ang epekto nito at nakakatulong sa pagiging produktibo ng
mga mag-aaral dahil mabilis nga itong gawin kaya mas marami kang nagagawa ng
maayos lalo na kung alam mo ang mga dapat mong gawin at gamay o alam mo na
talaga ang pag-gamit ng “AutoCAD”.
Napapaunlad ng “AutoCAD” ang ating pagiging produktibo kung gagamitin
natin ito sa tamang paraan tulad ng pagtatapos natin agad ng mga dapat nating
tapusin, tulad ng mga plano, sa iba naman, naeengganyo silang gawin agad o
tapusin ang mga plano sapagkat madali lang itong gawin, tulad nalang ng ibang
estudyante na kapag nakahawak na ng kompyuter at nagsimula nang magbukas ng
“software” na “AutoCAD”, nakapokus nalang sila dito at hindi na ito mabitawan
pa hangga’t hindi pa nila natatapos ang mga gawain nila. Ngunit sa iba rin naman,
hindi ito ganun na nakakatulong. Hindi lahat ng mag-aaral ay may kakayahang

10
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

makabili ng kompyuter dahil sa hindi sapat ang suweldo ng mga magulang o wala
silang sapat na kakayahan para makabili nito. Hindi lahat ng estudyante nagiging
produktibo sa kaparaanang, madali nga ang paggawa sa “AutoCAD”.
Ngunit anu-ano nga ba ang mga positibo at negatibong epekto ng AutoCAD
at “manual drawing” sa mga pag-aaral nito?

NEGATIBONG EPEKTO POSITIBONG EPEKTO


AUTOCAD MANUAL AUTOCAD MANUAL
DRAWING DRAWING
-Maraming mag- -Hindi lahat ng sukat -Madali lang mag- -Kahit mawalan ng
aaralang hindi na sa plano ay nakukuha sukat, mag-linya, kuryente sa buong
nag kaka-interes ng ayos, kung minsan mag-bilog. Mas mundo, may
gumuhit ng mga ay may sobra o napapadali ang pag- maipapasa ka paring
plano gamitan ng kulang na guhit, hindi guhit ng plano at mas plano.
teknikal na pag- naayon o sumaakto magandaang
guhit, hindi nanae- ang angulo, ang hirap kinakalabasan.
enhance ang ayusin kapag nag- -Mas mabusisi ito at
kanilang mga kamali, at matagalang mas maipapakita mo
talento. pag-gawa. -Mas tama ang mga ang disenyo na gusto
sukat ng linya at mas mong ipakita
madali mong sapagkat ito ay
-Maaaring masira -Nauubos nito ang mabubuo ang larawan gawain mo.
ang ating mata ating oras sa pagiging na nais mong ipakita.
sapagkat nakatutok mabusisi natin sa pag-
tayo sa kompyuter gawa at pagbuo nito. -Kahit wala kang
ng mahabang -Mas madaling itama “AutoCAD” o
panahon. ang mga kaalaman sa pagguhit
-Magastos pagkakamaling ng larawan doon,
nagagawa mo. Hindi kaya mo parin itong
-Hindi ito mo kailangang mabuo gamit ang
nakakabuti sapagkat manual na burahin “Manual Drawing”
pag nasimulan na sapagkat isang pindot
natin ito, ayaw na mo lang at sa gamit
nating itong tigilan ng”command”, -Nahahasa ang
mabubura mo na
11
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

at iwanan. agad. kaalaman sa pagguhit

-Kinakailangan ng
kuryrente sa pag-
gawa

Sa pag-aaral na ito, layunin lamang ng mga mananaliksik na alamin ang mga


kahalagahan ng paggamit ng manual na drawing kahit ngayong may mas madaling
paraan ng paggawa nito. Ang pag-aaral ay may layunin ring alamin kung ano ba
ang mas gustong gamitin ng mga mag-aaral ng Kursong “Civil Engineering” at
“Architectural Technology” sa “Technological University of the Philippines-
Taguig Campus” sa Unang Taon ng Ikalawang Semestre ng taong kasalukuyan
kung ang teknikal na pagguhit ba o ang "AutoCAD”. Sa pananaliksik na ito,
pinagtuunan lamang ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng paggamit ng mga
mag-aaral ng manual na drawing sa kabila ng laganap na pagtangkilik ng mga tao
partikular na sa mga mag-aaral sa “AutoCAD”.
Sinagot sa pananaliksik na ito ang tanong na, “Bakit kailangan pang pag-aralan ng
mga mag-aaral ng kursong “Architectural Technology” at “Civil Engineering” ang
manual na drawing o ang teknikal na pagguhit kung may “AutoCAD” naman na
mas madali at mas mabilis gamitin upang makagawa ng isang guhit o proyekto?”.
Ayon sa aming pananaliksik hindi dapat natin inaasa sa teknolohiya lahat ng
bagay, kailangan parin nating matutong gawin ang mga bagay-bagay sa sarili natin
mga kamay dahil hindi sa lahat ng oras may kuryenteng dadaloy, may pera kang
pambili ng mga teknolohiya at higit sa lahat hindi sa lahat ng oras may teknolohiy
ang maiibento para pamalit sayo sa pag-gawa. Oo, maari paring makaimbento ang
sinuman ng teknolohiya na mapapadali ang mga gawain ngunit hindi talaga dapat
tayo umaasa dito dahil nilikha tayo para kumilos at hindi para umasa. Sa usapang
Arkitektura parehas lang, hindi rin sa lahat ng oras “AutoCAD” ang solusyon,
marunong parin dapat tayo ng “Manual Drawing” dahil ito ang orihinal na pag-
gawang plano at bilang Arkitekto, dapat lang na marunong tayo nito, dahil ito
talaga ang gawain natin.

12
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

KONKLUSYON
Ayon sa impormasyong pangkompanya ng Autodesk, ang sopwer ng AutoCAD ay
ginagamit na sa ngayon sa loob ng isang kasaklawan ng mga industriya, na
ginagamit ng mga arkitekto, mga tagapamahala ng proyekto, at mga inhinyero, sa
piling ng iba pang mga prupesyon, at magmula noong 1994 ay mayroon nang 750
mga sentro ng pagsasanay na nailunsad sa buong mundo upang mabigyan ng
edukasyon ang mga tagagamit hinggil sa pangunahing mga produkto ng
kompanya.
Ang sopwer na AutoCAD ay iba sa Manual Drawing. Ang pag-gamit ng AutoCAD
ay ginagamitan ng tipaan at ng mga “commands” upang gumana ito. Ang Manual
Drawing naman ay mano-manong ginawa at ginagamitan ito ng lapis o ano mang
gamit na pangguhit. Magkaiba ang gamit at ang mga katangian nito. May mga
epekto itong nakakatulong at nakakapagpahirap satin. Ang AutoCAD ay isang
teknolohiya na ginagamit sa pagguhit o paglikha ng isang larawan o plano. Ngunit
hindi na ito kinakailangan ng pisikal na interaksyon dito ngunit napapakita daito
ang mga actual na sukat, mga kurba at linyang tuwid at higit sa lahat napapabilis
nito an gating mga gawain. Ang Manual Drawing naman na ginagamitan ng lapis
at kinakailangan ng pisikal na interaksyon sapagkat ikaw mismo ang humahawak
sa lapis upang gumuhit at magawa mo ang iyong ninanais na larawan o linya.
Minsan maaari ka naming gumamit ng isang “ruler” o ng “circular template upang
makalikha ng mga tuwid na linya at maayos na kurba. Ang pagkakaiba rin nito sa
AutoCAD ay hindi pagiging madali nitong gawain. Mas mabusisi ito sa AutoCAD
kasi ikaw mismo ang maglilikh ng mga disenyo o linyang nais mong ilagay sa
iyong gawain o plano. Inuubos nito ang iyong oras lalo na kung sobrang hirap
ipakita ng iyong disenyo. Hindi rin tulad sa AutoCAD, mahirap magbura sa
Manual Drawing. Mahirap magsimula ulit lalo na’t nagkamali ka sa una mong
gawa. Nailalagay mo rin ang iyong natapos na gawain sa kompyuter pag gumamit
ka ng AutoCAD ngunit pag Manual Drawing, maaari pa itong madumihan o
masira.
Mahirap talagang mamili kung AutoCAD o Manual Drawing ang gagamitin mo
ngunit para sa aming mga estudyante, mas magandang alam mo kung paano
gumamit nito pareho para kung kakailanganin mo itong gamitin kahit alin man sa
dalawa, maipapamalas mo ang iyong kakayahan sa paggamit ng AutoCAD at
Manual Drawing. Pero kung ikaw ang papipiliin, anong mas importante sayo, lapis
na “manual” mong gagamitin o ang AutoCAD na ginagamitan ng tipaan?

13
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

REKOMENDASYON
Sa pagsasaliksik na aming ginawa, nakakalap kami ng iba’t ibang rekomendasyon
na maaari naming ibahagi sa mga nais bumasa nito.
1. Mabusisi ang pag gawa ng “Manual Drawing” kaya’t mas nakakabuti kung
ito ay ating mabusising pag-aralan. Kailangan natin itong pagtuunan ng
pansin upang ang mga linya na ating guguhitin ay maging tama at sakto sa
ating iguguhit na disenyo o larawan.
2. Mahalaga ang “AutoCAD” sa mga nagtatrabaho bilang inhinyero o arkitekto
o kahit sa mga nag-aaral pa lamang ng mga ito sapagkat teknikal na ang
mundo ngayon. Lahat na nang mga tao ay nakasunod na sa uso at mas
madalas na nating gamitin ang “AutoCAD” kaysa sa “Manula Drawing”.
3. Dapat nating iwasan ang pagiging tamad sa kabila ng modernisasyon ng
ating mundo. Tulad ng AutoCAD na mas moderno, mas komportable at mas
tumpak gamitin kaysa sa manual na drawing, hindi dapat ito maging dahilan
upang tao'y maging tamad.
4. Hindi dapat tayo nakapokus sa pag-gamit ng mga modernong kagamitan o
teknolohiya. Dapat, alam natin kung saan ito gagamitin at hindi dapat natin
kalimutan ang mga bagay na pinagmulan nito o ang mga bagay na ginagamit
natin noong wala pa ang mga ito. Tulad nga ng lapis na “Manual” nga pero
nakakatulong upang mapaganda ang ating mga larawan na iginuguhit pero
ngayon may “AutoCAD” na mas napapadali ang ating mga gawain at
napapaganda pa.
5. Ang pinakamagandang rekomendasyon sa lahat ay ang pag-aaral parehas ng
“Manual Drawing” at “AutoCAD”. Hindi dapat natin nililimita ang
kaalaman sa isang bagay lang. Mula noong pinanganak tayo hanggang sa
tumanda at mamatay tayo, hindi nagtatapos ang pag-aaral sa lahat ng antas
ng tao. Kaya mas maganda nang alam nating parehas kung ano ang gamit at
kung papaano gamitin ang lapis at tipaan. Para kung ano man ang kailangan
nating iguhit, maipapakita natin ang mga ito kahit gamitin man ang lapis o
tipaan.

14
TEKNOLOHIKAL NA EBOLUSYON NG ARKITEKTURA:
LAPIS O TIPAAN?

BIBLIOGRAPIYA

 www.documents.tips/documents/final-paper-558445513ff5d.html

 www.tl.wikipedia.org/wiki/AutoCAD

 http://www.jtbworld.com/autocad.htm

 http://www.mos.org/etf/tech.html

 http://www.schools.nsw.edu.au/learning/yr07_10/tas/techdrawing/index.php

15

You might also like