Professional Documents
Culture Documents
Ang Pulubi at Ang Mahabaging Diwata
Ang Pulubi at Ang Mahabaging Diwata
Matagal nang pinagmamasdan ng Diwatang mahabagin ang isang pulubi sa lansangan ng bayan.
Matanda na ang pulubing babae. Walang kasama at batid niyang nag-iisa ito sa buhay dahil
walang pamilya.
Minsan, nais sana niyang alamin ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang naging kapalaran ng
kawawang pulubi. Ngunit wala siyang kakayahang bumalik sa kahapon. At ang mga
pinagdaanan ng matandang pulubi ay isang misteryo.
Wala ka nang magagawa para matulungan ang pulubing iyon, ang sabi ni Bathala.
Isa lang ang alam kong paraan, ang tugon ni Bathala. Ang mabigyan siya ng panibagong simula…
Tama! Iyon nga ang maaari nating gawin para matulungan siya!
Ang mahalaga’y mabigyan siyang muli ng pagkakataon! ang masayang sabi ng Diwata, at siya
nga ay dali-daling nagtungo sa pulubi.
Bibigyan ka namin ng isa pang pagkakataon sa buhay. Muli kang magiging isang sanggol, nang sa
ganoon ay muli kang makapagsimula ng bagong buhay.
At ganoon nga ang nangyari. Ang pulubi ay naging isang sanggol muli.
Inilagay ng Diwata ang sanggol sa tapat ng pintuan ng isang mayamang mag-asawang pamilya na
hindi magkaanak. At nang buksan ng mag-asawa ang pintuan ay laking tuwa ng mga ito nang
makita ang sanggol.
Napanatag na ang kalooban ng Diwata. Tinitiyak na niyang maganda ang magiging buhay ng
dating pulubi.
Bakit hindi ang pulubing tinulungan mo ang tanungin mo? Marahil, mas alam niya ang
kasagutan sa tanong mo.
At ganoon na lamang ang pagkagitla ng Diwata. Dahil ang pulubing binigyan niya ng panibagong
simula, ay lumaki rin at tumandang isang pulubi.
Hindi ikaw ang nagkulang, ang tugon ni Bathala. Sila ang nagkulang sa kanilang sarili kung kaya’t
sila’y nagkaganyan.