Professional Documents
Culture Documents
Dasal Sa Kaluluwa
Dasal Sa Kaluluwa
Dasal Sa Kaluluwa
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo, at Tao namang totoo, gumawa at sumakop sa atin,
pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Sapagka’t ikaw nga po
ang Diyos ko, Panginoon ko, at Ama ko, na iniibig ko nang lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na
matibay sa loob ko, na hindi na muling magkakasala sa Iyo. Lalayuan ko at pangingilagan ang bawa’t
makababakla sa loob ko sa masama at makalilibat ng dating sakit ng kaluluwa ko. Nagtitika naman akong
magkumpisal ng dilang kasalanan ko at umaasa kong patatawarin mo rin alang-alang sa mahal na
pagpapakasakit mo sa krus dahilan sa akin. Siya Nawa.
Ikaw po naman Mahal na Birhen, Panginoon naming Santa Maria, ay ipanalangin mo kami at ipag-amo
sa anak mong mahal yayamang dati kang mapag-ampon sa aming taong makasalanan. Siya Nawa.
Buksan mo Panginoon naming Diyos ang mga labi’t dila namin; papag-ningasin mo ang aming puso;
pawiin mo ang marumi at naka-gugulong panimdim. Liwanagin mo ang aming bait na gunam-gunaming
taimtim sa loob ang pinag-daanan mong hirap at pagkamatay sa krus kalangkap ang kapait-paitang sakit
na dinamdam ng giliw mong Inang kasantu-santuhan at kami’y marapat dinggin ng ‘di matingkala mong
kamahalang nabubuhay at naghahairng walang katapusan. Siya Nawa.
Maawaing Hesus ko, lingapin ng mahabagin mong mata ang mga kaluluwa ng nangamatay sa binyagan,
na ipinaghirap mo’t ikinamatay sa krus. Siya Nawa.
Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugong ipinawis mo sa halamanan nang manalangin ka sa Amang
Diyos,
Hesus ko, alang-alang sa tinik na ipinutong sa Iyo na naglagos sa ulo mong kasantu-santuhan, *
Hesus ko, alang-alang sa paglakad mo sa lansangang kapait-paitan na pinapasan mo ang mahal na Santa
Krus, *
Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan mong mukhang napuno ng dugong nalimbag sa Birang ni
Veronica, *
Hesus ko, alang-alang sa Tunika mong natigmak sa dugo na dinali-daling hinubad sa iyo ng mga
tampalasan, *
Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan mong paa’t kamay na pinakuan ng matitigas na pako, *
Hesus ko, alang-alang sa tagiliran mong mahal na pinaglagusan ng sibat na binukalan ng dugo at tubig, *
N: Requiescant in pace
S: Amen
Litanya:
N: Panginoong Mahal,
S: Tulungan mo siya.
S: Magdalang-habag ka sa kanya .
S: Maawa ka sa kanya.
N: Kristo,
S: Pakinggan mo kami.
N: Kristo,
S: Paka-pakinggan mo kami.
S: Maawa ka sa kanya. *
N: Santa Maria,
S: Ipanalangin mo siya,*
Ina ni Kristo, *
Inang kasakdal-sakdalan, *
Inang kalinis-linisan, *
Inang kaibig-ibig, *
Inang kataka-taka, *
Inang mapag-adya, *
Birheng kapaham-pahaman, *
Birheng makapangyayari, *
Birheng maawain, *
Salamin ng katuwiran, *
Luklukan ng karunungan, *
Sisidlan ng kabanalan, *
Torre in David, *
Torre na garing, *
Bahay na ginto, *
Kaban ng tipan, *
Pinto sa langit, *
Talang maliwanag, *
Hari ng kapayapaan, *
Sa ilalim ng iyong pagtatangkilik nagkakanlong kami Santang Ina ng Diyos. Sa tuwi-tuwinang kami’y
dumadalangin, magdalita ka po at iyong dinggin lalo na at kung kami ay napapa-nganyaya, ipag-adya o
maluwalhati’t mapalad na Birheng walang pagmamaliw.
S: Nang kami’y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Kesukristong Panginoon namin.
Aming ipagtatagubilin sa iyo, Panginoon naming Diyos ang kaluluwa ng iyong alipin na si
(Pangalan)_______________. Sapagka’t siya ay namatay na dito sa ibabaw ng lupa ay ipatawad na ang
awa mong walang hanggan sa mga nagawa niyang kasalanan at marapat nawang mabuhay sa iyo
maparating man saan man. Siya Nawa.
Aba! Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan. Aba! Pinanaligan ka namin,
ikaw nga po ang tinatawag naming, pinapanaw naming taong anak in Eba. Ikaw rin ang
pinagbubuntuhang-hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupa, bayang kahapis-hapis. Ay Aba
pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain at saka kung matapos yaring
pagpanaw mo sa amin ay ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus.
S: Nang (kami/siya) ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon namin.
N: Requiscant en pace
S: Amen.
O Diyos Amang naghabilin sa amin, sa mga bakas ng paghihirap mo at sa mapalad na sabanas na ibinalot
sa kabanal-banalan mong katawan nang maibaba ka ni Hosep sa Krus, ipagkaloob mo sa amin,
maawaing Panginoon, alang-alang sa pagkamatay mo at sa pinagbaunan sa iyo na ang kaluluwa ni
(Pangalan)________________ ay dalhin mo sa tinatahanan at pinaghaharian ng Diyos Ama, Diyos Anak,
at Diyos Espiritu Santo, Diyos magparating man sa walang hanggan. Siya Nawa.