Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Lam
Buod NG Lam
Buod NG Lam
HANDIONG
Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas mabait at matipuno. Anak siya
ni Handiong ang pinuno ngkanilang bayan. Isang araw ikinuwento sa kanya
ng ama ang kalunos lunos nilang kalagayan sa kanilangbayan. Marami silang
kaaway na dumating upang patayin at sirain ang kanilang pinagkukunan
ngikabubuhay. Ang iba sa kanila ay namatay na dahil sa kagutuman."Pagod
ng lumaban ang mga tao atgusto na nila ng mapayapang buhay" sambit ng
kanyang ama. "Ano ang gusto mong ipagawa sa akinama" tanong ni
Baltog.Tumingin ng direstso sa kanyang mata ang kanyang ama at
hinawakan sa balikat."Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay
tayong panatag at payapa." Iginala nya ang kanyangmata sa paligid at
nakita nya ang kahirapan na nangyayari sa kanilang bayan at siya din ay
nalungkot."Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong
mga balikat. Bata ka pa, malakas atmatapang. Alam kong magagawa mo ito.
Para sa akin at sa ating mga mamamayan." muling dugtong
niHandiong.Nagbigay ng basbas si Handiong kay Baltog. Kinagabihan
naglayag si Baltog sakay ng isang maliit nabangka na magdadala sa kanya
sa lugar ng Kabikulan. Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog
angmalakas na hangin at malalaking alon na sumira sa kanyang bangka.
Kinailangan niyang lumangoy atmuntikan na siyang malunod bago niya
ligtas na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ngKabikulan.Nang
makarating siyanagsimula siyang magikot hanggang nakita niya ang lupain
ng Ibalon isangmagandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang
lupa ay mataba at magandang pagtamnanng mga halamang ugat, palay at
mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang mga hayop. Para itonglupain
ng gatas at pulot.Nagustuhan ni Baltog ang lupain. Ngunit meron palang
naninirahan ditong ilang buwaya na may pakpakna nakakalipad, mga baboy
ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng isang
babae.Pero desidido si Baltog na mapasakanila ang lupain ng Ibalon.Kaya
nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang lakas.
Dahil sa kanyang galing samano-manong pakikipaglaban natalo niya lahat
ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpira-piraso. Ngunit, ang
sawa na may ulo ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang
matitirahan.Bumalik na siya sa kanilang bayan at ibinalita sa kanyang ama
ang tungkol sa lupain di na sila nagsayangng oras at agad agad silang
umalis kasama ang mga mamayanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog
angmga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan. At
hindi nagtagal ay gumanda angkanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain
at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon anggutom ay naging
alaala na lamang ng nakaraan.
Bantugan
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng
Bumbaran.Dahil sakanyang katapangan, walang mangahas na
makipagdigma sa Bumbaran. Bukodsa pagiging matapang ni Bantugan,
siya pa rin ang naghahari at namamayanisa puso ng maraming mga
kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyangkapatid na si Haring
Madali, ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kayBantugan at ang
sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ayparurusahan ng
kamatayan. Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis nanagdamdam
at dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil
sa matinding pagod sa paglalakbay kung saansaan si Bantugan
aynagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng
palasyo ngkaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat. Nang
matagpuan siya niPrinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila
aynagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng
magkapatidang konseho upang isangguni kung ano ang kanilang dapat
gawin. Habang silaay nag-uusap, isang loro ang dumating sa bulwagan at
sinabi sa kanilang siyaay galing sa Kaharian ng Bumbaran at ang bangkay
ay ang mabunying PrinsipeBantugan ng Bumbaran. Nang magbalik ang
loro sa Bumbaran ay ibinalita niyakay Haring Madali ang pagkamatay ni
Bantugan. Kaagad lumipad sa langit siHaring Madali kasama ang isang
kasangguni upang bawiin ang kaluluwa niBantugan. Samantala, dinala
naman ni Prinsipe Datimbang ang bangkay niBantugan sa Bumbaran.
Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang ibalik angkaluluwa ni Bantugan.
Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahatat nagbago si
Haring Madali. Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway niHaring
Madali na si Bantugan ay namatay, lumusob si Haring Miskoyaw
kasamaang marami niyang kawal sa Bumbaran. Dumating ang pangkat
ni Miskoyaw saBumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa
pagkabuhay na muli niBantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil
ang pagdiriwang at ito aynapalitan ng paglalabanan. Pumailanlang sa
himpapawid si Bantugan at siya aynakipaghamok sa mga kalaban. Dahil
sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyawat kagagaling lamang ni
Bantugan sa kamatayan, siya ay nanghina hanggang samabihag ng
kanyang mga kaaway. Siya ay iginapos subalit unti-unti ringnagbalik ang
kanyang lakas nang makapagpahinga. Nalagot niya angpagkakagapos sa
kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa mgakaaway, higit
siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mgakalaban.
Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ngKaharian ng
Bumbaran at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at silaay dinala
sa kanyang kaharian. Sinalubong sila ni Haring Madali nang
buongkatuwaan at muli, lahat ay nagdiwang. Nabuhay nang maligaya si
Bantugan sapiling ng kanyang mga babaing pinakasalan.
Noong unang panahon, may isang sanggol na isinilang sa nayon ng Hannanga. Ito
ay si Aliguyon. Ang batang si Aliguyon ay anak nina Amtalao at Dumulao.Kahanga
hanga ang taglay na talino ni Aliguyon. Siya ay maraming kaalamang natutunan
mula sa ama. Napag-aralan nya ang kasaysayan, pakikipagdigma at kung paano
umawit ng mahiwagang gayuma o magic spells. Kaya't bata pa lamang ay itinuring
nang pinuno ng kanilang nayon si Aliguyon.Nang magbinata si Aliguyon ay nag
pasya itong pumunta sa nayon ng Daligdigan upang sagupain ang mortal na kaaway
ng kanyang ama na si Panga-iwan. Ngunit hindi ito ang nakaharap nya kundi ang
binata ding anak nito na si Pumbakhayon. Si Pumbakhayon ay katulad din ni
Aliguyon na eksperto sa iba't ibang bagay. Bihasa rin ito sa pakikidigma.Nang ibato
ni Aliguyon ang kanyang sibat ay agad na nasalag ito ni Pumbakhayon. Kasing bilis
ng kidlat kung ito ay gumalaw at umiwas. Nagtangkang ibalik ni Pumbakhayon ang
sibat at ipinukol kay Aliguyon ngunit kung paano naibalik ni Pumbakhayon ang sibat
ay ganun din ang ginawa ni Aliguyon.Nagpalitan ng sibat ang dalawang makisig na
binata at umabot ng tatlong taon na walang tigil ang kanilang laban.Kapwa
humahangos ay tumigil ang dalawa sa pakikipagbakbakan. Kapwa humanga sa
taglay na giting at husay ng kalaban. Pagkaraan ng tatlong taong laban ay
nagpasyang tumigil at magkasundo ang dalawa.Nagdiwang ang dalawang nayon na
pinamumunuan ni Aliguyon at Pumbakhayon. Naging matalik silang
magkaibigan.At bukod doon, di nagtagal ay naging asawa ni Aliguyon ang
nakababatang kapatid na babae ni Pumbakhayon na si Bugan.Ganun naman si
Pumbakhayon, ang kapatid na babae ni Aliguyon na si Aginaya ang kanyang
napangasawa. Naging mayaman ang dalawang pamilya at iginalang sa lahat ng
Ifugao.
Labaw Donggon
Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay
napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng
maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon
upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong
bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang
magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito
at hindi nagtagal ay nagpakasal.
At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay
Buyung Saragnayan na katulad niya na may kapangyarihan din.
“Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa”, sabi ni Buyung
Saragnayan sa kanya.
“Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki!” sabi ni Labaw Donggon.
Maraming Dyos ang dumating makadaupang palad lamang si Alunsina. Ngunit ang
lahat ay bigo sapagkat ang napili ni Alunsina ay isang mortal na nag ngangalang
"Paubari".
Si Paubari ay isang datu na namumuno sa Halawod.
Buod ng Kudaman
Buod ng tuwaang
Ang Tuwaang, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na nagsasalaysay
ng mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay siyang puno ng
Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan. Isang araw tumanggap si
Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na
nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy
si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na kinagigiliwan
iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing dalaga. Ayaw mang
pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang
mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang
pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay
hangin. Ngunit sa pagkakataong ito'y humingi siya ng pasintabi sa hangin
na hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y nagmamadali.
Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si
Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay
kaugalian ng mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa
lupain ni Batooy. Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang
ay halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng
Kuaman. Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa paglalakbay ay
nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman, ang
dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawa ng itso at
sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy ay walang nais
kausapin ang dalagang may lambong ng kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang
upang dito sabihin ang kanyang malaking suliranin. Nagkagusto ang binata ng
Pangumanon sa dalaga. Malaki naman ang pag-ayaw ng dalaga, subalit nais kunin
ng Binata ng Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi
ng saklolo kay Tuwaang at kay Batooy.
Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng dalaga ng Buhong
ay dumating naman ang Binata ng Pangumanon. Walang taros na pinagtataga ng
Binata ng Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa
isang tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal at tauhan
ni Batooy.
Nanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at makapangyarihang
lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang kampilan. Sa lakas ng pagtatagaan ay
naputol ito. Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito at kaagad na tumulong ang
punong malivutu. Gayon din ang nangyari sa binata ng Pangumanon. Ginamit
naman ni Tuwaang ang iba pang sandata niyang palihuma, gayon din ang balaraw
hanggang nabali rin sa puluhan ang mga ito. At sabay na nagtapon ng baling
puluhan ang dalawa at ito'y naging punong maunlapay. Nang magkaubusan na
sila ng mga armas, sinunggaban ng Binata ng Pangumanon si Tuwaang at ibig
durugin sa kanyang binti. Hindi nasaktan si Tuwaang. Sinunggaban naman ni
Tuwaang ang Binata ng Pangumanon at tinangkang ihampas sa malaking
bato. Nang sasayad na ang katawan, ang bato ay naging alabok. Tinawagan ng
Binata ng Pangumanon ang kanyang patung. Ito'y isang dangkal na bakal na
ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bumuga ng apoy. Inunat ni Tuwaang
ang kamay at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang ang kanyang
patung at nagliyab ang binata ng Pangumanon at namatay.
Ngumanga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa mga tauhan ni Batooy
at sila'y nabuhay na lahat. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman. Pagdating
nila sa Kuaman ay may ligalig na nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang
ang kalaban, minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san manirahang
lahat. Inilulan ni Tuwaang sa sinalimba, isang ginituang sasakyang lumilipad ang
lahat niyang tauhan. Pinasan ni Tuwaang sa magkabila niyang balikat ang
dalagang Buhong at ang kapatid na si Bai at pumunta rin sila sa Katu-san, ang
lupaing walang kamatayan.
Sambila at Guman
Ang Kaharian ng Mount Dliyagn ay nakatakda sa mga bulubunduking rehiyon
ng Zamboanga Peninsula, na pinatuyo ng isang tuwid na ilog na ang ilalim ay
may linya na porselana at kuwintas na ginto, at ang mga bangko ay bordered ng
mga halaman ng pamumulaklak. Si Datu Pomb'nwa, ang kanyang asawa na
Bayslaga, at ang kanilang anak na babae ay namamahala sa kaharian. Nakatira
sila sa isang walong silid na mansyon na may mga muwebles na gawa sa ginto.
Ang Datu Pomb'nwa at Bayslaga ay may ibang mga bata, ngunit ang kanilang
mga anak na babae ay nalunod sa ilog, at ang kanilang mga anak na lalaki, na
naghahanap ng paghahanap sa kanila, ay hindi nabalik. Ang iba pang mga
miyembro ng sambahayan ay sina Sampilakan at Tinayobo.