Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TAGPUAN

Saang panahon ng pag-aari ng salapi ang ginagalawan ng mga tauhan sa nobelang


Pinaglahuan ni Faustino S. Aguilar. Isinilang si Aguilar noong 1882 at sinabing lumaki sa
kaligirang mapag-isip at mapagtanong. Unang nalathala noong 1907, nakatuon ang nobela sa
epekto ng kapitalismo sa yugtong iyon ng kasaysayan: ang hirap na binubuo ng karaniwang tao
sa harap ng kapangyarihan ng puhunan laban sa paggawa. Ayon kay Benilda S. Santos, “ ang
kasaysayan ang mismong nobela”.
Nagsimula ang nobela sa paglalarawan ng maraming taong nakatayo sa langsangang
Cervantes at naghihintay sa pagbubukas ng Dulaang Opera upang daluhan ang malaking pulong
na iyon sapagkat ayon kay Aguilar, “Bayan ang tumawag at bayan ang dumalo”. Ang lungsod ng
ka Maynilaan ang siyang nagging saksi sa lahat ng pangyayari sa buhay nila Luis Gat-Buhay at si
Eduarda Gutierrez.
Kulturang Masasalamin sa Akda
Sa nobelang Pinaglahuan makikita na may dalawang uri ng pamumuhay noong
panahong iyon. Halimbawa na lamang ay si Luis Gat-Buhay bilang mahirap at si Victorino
Rojalde bilang isang mayamang mangangalakal. Noon kapag mahirap ka, mahirap makamit ang
hinahangad ng dignidad at karapatan ng bawat isa. Walang Karapatan ang mahihirap na
kumilos ayon sa gusto nila. Takot ang mga tao na lumihis sa gusto ng matataas na antas.
Katulad ng nangyayari sa reyalidad, naganap din dito ang fixed marriage: noong ipinagkasundo
si Danding na ipakasal kay Rojalde. Ngunit sa kabila nito, nagawa pa rin ipaglaban ni Danding
ang kaniyang Karapatan gayundin kay Luis Gat-Buhay. Ipinakikita din ditto ang pag-uugali ni Don
Nicanor na maisasalamin sa makasariling Pilipino. Ang nobelang ito ay maaring maging
motibasyon ng bawat Pilipino na ipaglaban ang kanilang Karapatan.
MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang Pinaglahuan ay nagtataglay at nagpapaliwanag na tayo ay inalipusta ng mga
Amerikano. Ito ay napatunayan ng mga karanasan ni Faustino S. Aguilar noong siya ay bata pa
at ng iba pang rebolusyunista. Ito ay makatotohanan at nagpapakita sa buktot na Sistema
noong panahon ng mga Amerikano.
ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA
Epektibo ang paraan ng paggamit ng mga salita at madaling maintindihan ng mga
mambabasa. Masining at detalyado ang paglalarawan sa mga pangyayaring naganap. Ang
banghay ng nobela ay talagang kaaliw-aliw. Maging ang tema nito ay kahanga hanga dahil ito ay
base sa katotohanan.

You might also like