Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

ANG TONDO MAN MAY LANGIT DIN


I. Panimula
 URI NG PANITIKAN
Ang akda ay isang nobela. Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang
kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t-ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000
salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, nagging istilo nito ang lumang pag-ibig at
nagging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasang istilong
artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang sumusunod:
a.) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, b.) pagsaalang-alang sa
kailangang kaasalan, c.) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin, d.) pumupuna sa lahat ng
larangan.
Ang akda ay karaniwang salamin ng tradisyon ng isang lipunang nagluwal dito.
Masining ang akda sapagkat kinakitaan ito ng makatotohanang gawain, paniniwala, at
saloobin ng mga tao. Naging makabuluhan ang akda nung nung ito ay napaghanguan ng mga
makatotohanang pangyayari na naganap sa isang tiyak na panahon.

1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

 BANSANG PINAGMULAN
Ang akda ay isang nobelang Pilipino. Sa pangkalahatan, ang Nobelang Pilipino o
Nobela sa Pilipinas ay ang mga nobelang nalimbag sa Pilipinas ay ang mga nobelang
nalimbag sa Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino at sa
Pilipinas.
Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na
may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago.
Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
Sa panahon ng Kastila, ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng
mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban
sa pamahalaang Kastila.
Noong panahon ng Amerikano naman nahahati sa tatlong panahon ang
kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano, ang Panahon ng AklatanBayan (1900–
1921), Panahon ng Ilaw at Panitik(1922–1934) at Panahon ng
Malasariling Pamahalaan (1934–1942). Noong Panahon ng Akalatan, naging maunlad ang
nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik,
buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-
yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang
Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.

2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

 PAGKILALA SA MAY AKDA


Sa mga nobela ni Andres Cristobal Cruz, malinaw ang mga karanasan pagkatapos
ng digmaan. Sa kaniyang kwento ay ipinakikita ang paglaganap ng diwang kolonyal sa iba’t-
ibang larangan ng pulitika, ekonomiya, edukasyon at kultura. Bagama’t ginamit ang paksang
pag-ibig, hindi ito lubusang pinagtuunan ng pansin ng akda ni Cruz. Sa kanyang mga akda ay
makikita ang pakikisalamuha ng tao sa kanyang kapwa.
Naipakita ni Cruz na ang akda ay salamin ng tradisyon ng isang lipunang nagluwal
ditto. Nagawa niyang masining ang akda nang kinakitaan ito ng makatotohanang gawi,
paniniwala at saloobin ng pangkat ng tao. Mula sa isang tiyak na lugar, nagiging
makabuluhan ang isang akda nung ito ay napaghanguan ng mga makatotohanang
pangyayari na naganap sa isang tiyak na panahon.

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

 LAYUNIN NG AKDA
Ang akda ay nanlilibang at nagkukwento tungkol sa mga pangkaraniwang
ginagawa ng mga tao. Ipinapakita din nito ang mga kabutihan at pagmamalasakit ng mga
kamag-anak at pamilya. Nagpapakita ito ng pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa. Pinapakita
nito ang mga tiyak na tradisyon at kaugalian. Inilarawan nito ang lipunan. Higit sa lahat,
ipinakita nito ang tiyak na kaisipang Pilipino

4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

II. Pagsusuring Pangnilalaman


 TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Ang paksa
ng teksto ay maaaring alam ng tao sapagkat karaniwan lang itong
nangyayari.

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

 MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA


1. Victor
a.) taga-Tundo at naniniwalang may pag-asa pa ang lugar nila
b.) kaibigan at kaklase ni Alma
c.) nag-aaral ng kursong Liberal Arts at Education

2. Alma
a.) kaklase at malapit na kaibigan ni Victor kahit namadalas na nagkakatampuhan ang
dalawa
b.) ang pamilya ay angkan ng mayayaman
c.) may talaarawang tinatago na binubuhusan ng mga lihim na damdamin
d.) hinahangaan si Victor

3. Flor
a.) kaibigan ni Victor nang kabataan pa nila
b.) misis ni Tonyo
c.) nagdadalantao na ng dalawang buwan
d.) humingi ng tulong kay Victor pagkatapos ng hindi pag-uusap nito ng isang taon
e.) nakatira sa apartment sa Ermita
f.) inilarawan ng isang pinsan ni Alma na ―beautiful na beautiful

4. Dolores
a.) labandera nila Alma
b.) nabuntis ng tatay ni Alma
c.) kasalukuyang katulong ni Flor

5. Tonyo
a.) may unang asawa maliban kay Flor
b.) may apat ng anak kay Chebeng

6. Lukas
a.) nakatatandang kapatid ni Victor
b.) binili si Victor ng toga kasama ng nanay nila

7. Paeng Gasti
a.) Kaibigan nina Victor at Lukas
b.) Sumusuporta sa isang kandidatomalakas uminom

8. Tatong Bamban
a.) Kaibigan nina Victor at Lukas

6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

9. Pilo
a.) Kaibigan nina Victor at Lukas

10. Anton
a.) anak ni Flor kay Tonyo

11. Chabeng
a.) unang asawa ni Tonyo

12. Aling Sion


a.) ina nina Victor at Lukas

13. Monching
a.) matagal nang may gusto kay Alma

14. Minnie
a.) pinsan ni Alma na parati nitong nakakasama

7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

 TAGPUAN/PANAHON

1. Tundo
- Kilala ang Tundo bilang isag magulo, madumi,maraming tao, puno ng mga krimen at
sinasabing walang nagiging pag-asa kung patuloy na paiiralin ang mga hindi kanais-nais na
mga pag-uugali. Ngunit sa nobelang ito, ninanais na mabigyang buhay, mahanap at
mapatunayanna ang tagpuang ito ay matatawag din na kalangitan. Sakabila man ng mga
katangiang taglay ng lugar na ito natila mahirap tanggapin sa ating lipunan, patuloy pa
ringisinusulong na maitaguyod ang pagbabago na dapat aynatatamasa na ng tagpuang ito.

2. Apartment nina Flor at Tonyo


- Matapos ang pagpapasya ni Flor na lisanin ang Tundo, nanirahan na siya kasamaang
kanyang asawa na si Tonyo sa isang apartmet. Kung susuriin, dito ay palaging nagkikita sina
Flor at Victor upang madalaw ang bawat isa. Naging saksi ang tagpuang ito sa pagnanasa ni
Flor na maakit si Victor at makipag-isasa piling ng bawat isa.

3. Pamantasan
- Sina Victor at Alma ay kapwa mag-aaral sa iisang pribadong pamantasan. Sila din ay
parehong kumukuha ng kursong pagtuturo na may espesyalisasyon sa kasaysayan. Sa
tagpuang ito makikita ang mga alitan sa pagitan nina Victor at Alma tungkol sa pagseselos
nito kay Flor na dating kasintahan ni Victor. Ang pamantasang ito ay ang siyang gumabay sa
mga pangunahing tauhan kung saan ito ang nagsilbing pundasyon na tumulong sa kanila
upang makamit ang kanilang mga pangarap bilang isang mahuhusay na mga tagapagturo.

4. Isang palamigan sa Quiapo


- Dito ay kalimitang nagkikita sina Flor at Victor noong sila pa ay pinag-iisang pagmamahal
bilang magsing-irog. Mapapansin na sa lugar na ito nabuo ang ilang masasayang bahagi ng
mga pangarap nila Victor at Flor. Dito din ay mapapansin ang kalagayan ng Quiapo. Marami
ang mga pilang tindahan na nag-aalok ng iba‘t-ibang produkto gayundin ng mgaserbisyo.
Naglalarawan ito ng mga masasaya at mgamakukulay na pamumuhay ngunit sa likod nito ay
may mga ilang hindi mabubuting kalagayang panlipunan ang nagaganap sa lugar na ito.

5. Opisina sa printing press


- Sa tagpuang ito naghahanapbuhay si Victor upang siya ay may maitustos sa kanyang pag-
aaral sa kolehiyo. Nakatulong ng Malaki ang lugar na ito nang sa gayon ay maipagpatuloy
niya angkanyang pagtatapos bilang isang guro.

6. Restawran sa Looban ng Tundo


- Ito ang kalimitang puntahan at tambayan ng mga naninirahan sa Tundo.

8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

Dito makikita ang iba‘t-ibang uri ng mga tao sa lipunanna nais takasan kahit sandali ang mga
problema nila sa buhay. Nagsilbi itong lugar aliwan para sa kanila.

7. Patahian nina Flor at Dolores


- Ang tagpuang ito ay siyang sumisimbolo sa pagsusumikap at pagtitiyaga nina Flor at
Dolores sa buhay kung kaya‘t sila ay nakapagtaguyod ng ganitong uring paghahanapbuhay.
Nilalarawan din nito na sinumang tao na may nais na umahon sa kahirapan at mabuhay ng
marangal ay dapat na may positibong pananawa upang magtagumpay.

Panahon

Nangyari ang kwento noong dekada 1950. Mas konserbatibo ang mga tao sa kwento
kaysa sa mga tao sa henerasyon na ito. Ang mga ginagamit para sa komunikasyong ito ay
medyo makaluma din. Ang ibang kalsada ay iba rin ang pangalan kaysa sa pangalan nito
ngayon.
Ang panahon ay ipinakita ng may akda sa iba‘t-ibang paraan. Isang paraan ay ang paraan ng
kanilang komunikasyon. Mas makaluma noon, hindi pa sila gumagamit ng kompyuter para
makipag-usap sa ibang tao. Ang ibang kalye ay ang ibang pangalan sa libro kaysa sa pangalan
ng mga kalye ngayon.

9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

 BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI


Hindi naging isang gasgas ng pangyayari ang inilahad sa akda. Walang kakaiba sa
nilalaman ng akda. Dati na ang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, at
pananaw. Ang balangkas ay sinimulan sa pagpaplano para sa kanilang kasal. May
kaisahanang pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas.

Banghay

1.Panimula
Sa umpisa ng nobela isa-isa pinakilala ang mga tauhang bubuo sa kwento. Inihanda
muna ng may akda ang kapaligiran ng mambabasa. Sa bawat tagpo sa nobela talagang
matatagpuan mo ang sarili mo sa katayuan ng tauhan. Inumpisahan ng awtor ang tagpo sa
opisina ni Victor del Mundo. Kung saan may tumawag sa kanya at napagtanto niya na ito ay
si Flor ang dati niyang kasintahan sa Tundo, ang kanilang mundo. Nakipagkita ito sa kanya sa
dati nilang tagpuan sa Quiapo at doon napagtapat ni Flor ang kanyang suliranin. Muling
bumalik ang lahat ng pakiramdam ngunit ito ay may hadlang na. Samantalang nabanggit din
ng may akda ang nagging kaibigan ni Victor na si Alma na magkakaroon ng pagmamahal kay
Victor sa pagdaan ng panahon pinakilala din ang ina ni Victor na malaki din ang magiging
papel sa buhay ni Victor at Lukas na kapatid ni Victor dahil kay Aling Sion doon huhugutin ni
Victor at Lukas ang kanilang magiging bukas. Iikot ang istorya sa pag-iibigan ni Alma at Victor
gayundin ang kay Flor at ang suliranin niya sa kanyang dating asawa si Tonyo. Sinalaysay din
ang mga tagumpay at suliranin ni Victor. Ang lahat ay nagsimula sa mga nasabi.
2. Saglit na Kasiglahan
Matatagpuan ang saglit na kasiglahan sa kabanata bilang tatlo, kung saan natunghayan
ko ang una nilang pagbibiruan at pagkukulitan. Dito rin nalaman ko ang na may lihim na
pagtingin si Alma kay Victor kung saan palihim siyang tumitingin dito.Ito ang kabanata kung
saan ginugol ni Victor angpaghihikap sa Quezon Boulevard at Azcaraga sapaglalakad habang
pinagmamasdan ang mga makukulay at matitingkad na magi law ng mga sasakyan at iba‘t-
ibang mga gusali at napagpasyahang pumunta sa tinitirhang apartment ni Flor.

3. Tunggalian

Tao laban sa sarili- Sinusubukan ni Victor na baguhin ang kanyang nakagisnang kahirapan. Si
Alma’y ganuon din, gusto niyang baguhin ang dating Alma na sanay sa luho.
Mayroon ding “inner conflict” ang am ani Alma, at sa huli ay Nakita niya ang kamalian na
kanyang ginawa at ang maluwag niyang pagtanggap sa relasyon nina Alma at Victor ang
kanyang naging “rerdeeming quality”.

Tao laban sa Lipunan- Parehong sina Victor at Alma ang naghihimagsik sa kanilang sari-
sariling lipunan. Si Victor ay nilalabanan ang ignoransya at kahirapan. Si Alma nama’y ang
maluhong uri ng pamumuhay at nakaaapi sa mahihirap.

10
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

4. Kasukdulan
Matatagpuan ang kasukdulan sa kabanata bilang tatlumpu‘t-apat. ―Victor si Lukas
napapalaban, nasapanaganib. Ito ang naging sigaw ni Pasing ng si Lukas ay napapalaban at
tuluyang nasaktan ng hinarap siya ng mga kaalyado o mga bata ni Reyes, ang kalaban sa
politika ni Paking ang konsehal na nilalakad ni Lukas. Ito ang pinaka-sukdulan ng kuwento
dahil ito ang naging kinalabasan ng pagtulong ni Lukas kay Paking nakaya lamang niya
nagawa ay dahil gusto niya na ilakad ni Paking ang appointment ni Victor upang
makapagturo naito sa Torres High School. Naramdaman talaga ang pagmamahal ni Lukas sa
kanyang kapatid kahit na siya ay tipikal na isang uri ng tambay na siga at laging umiinom.
Naipapakita talaga niya ang kabutihang loob at gayun nadin ang pagpapahalaga sa pamilya.
Ang pagtatapat niAlma at Victor sa isat-isa sa pamamagitan ng pagpisil at paghahawakan ng
kamay ay nagdulot sa akin ng masidhing damdamin at kagalakan na sa wakas naamin na din
nila sa isa‘t isa ang pagmamahal na kanilang tinago. Ito parte ng nobela na ito na nagpasidhi
ng kasukdulan. Ang pagtatagpo ni Dolores at Alma ay sa wakas natapos na ni Alma ang
kanyang suliraning matagal nang tinatago. Sa pagkakataong yaon ay nalaman na dinni Alma
na ang kanyang kapatid sa Ama na si Boy ay buhay sa gayon hindi na babagabag pa sa
kanyang panaginip, sa kanyang konsensya sa huli ay napagtapat din niya ito sa kanyang ama
na si Mister Fuertes.

5. Kakalasan
Matatagpuan ang kakalasan sa kabanata bilang apatnapu. Nakapagpatayo si Flor ng
isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo si Dolores. Dinala ni Victor si Alma
sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores,
ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama.
Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at
pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito
para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama. Si Victor naman ay
tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng
appointment bilangsubstitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa
Torres High kung saan pareho silang magtuturo.

6. Wakas
Kasabihan nga ng nakararami ay ―sa hinahaba habanga naman ng prusisyon ay sa
simbahan din ang tuloy. Sa huli sa halos araw-araw nga naman na banggayan niAlma at
Victor sila din ang nagkatuluyan. Sa dulo aynahanap na din sa wakas ni Alma at Victor ang
kani-kanilang langit at yaon ay nakita nila sa isa‘t isa. Ang kasal na naganap ay naging daan
upang magkatagpo angmundo ng mga taga Tundo at yaong may kaya sa buhay,naging daan
ang kasal upang maayos ang lahat ng gusotna nangyari sa nakaraan, naging masaya ang
lahat sa katapusan ng nobela sapagkat mas naintindihan ng nakararami ang katagang ―Ang
Tundo Man May Langit Din.

11
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

Sa wakas ng Ang Tundo Man May Langit Din ay masasabing happy ending sapagkat sa halos
puro suliranin ng mga tauhan ay napagtagumpayan nilang lahat ito magsimula na lamang
tayo kay Flor na natagpuan na ibig ipakahulugan sa kanya ni Victor. Inayos niya ang kaniyang
buhay, maayos niyang nailuwal ang kanyangunang anak at nagpasyang huwag na makipag-
ugnayankay Tonyo ngunit sa maayos na paraan. Ang kay Dolores naman ay nakuha niya ang
karapatang dapat matagal naniyang nakuha sinuportahan na ni Mister Fuertes ang kanyang
anak dito. Si Lukas naman ay kumita ng malakiat binayaran na unang taon sa titirhan ni Alma
at Victor.Muli pinakita na naman niya ang pagmamahal sa kapatid.Muli nasilayan na ni
Victor ang kanyang ngumiti dahilalam ni Aling Sion na tama ang daang tinahak ng kanyang
anak.

12
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

 KULTURANG MASASALIM SA AKDA


Bagama’t ginamit ang paksang pag-ibig, hindi ito
pinagtuunang pansin ni Cruz. Sa kanyang kwento ay ipinakikita
ang paglaganap ng diwang kolonyal sa iba’t-ibang larangan ng
pulitika.

13
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

III. Pagsusuring Pangkaisipan


 MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga
kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon at
karanasan. Ang mga kaisipan ay sumalungat din. Ito ay may katotohanang
unibersal, likas sa tao at lipunan.

14
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

 ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA


Epektibo ang paraan ng paggamit ng mga salita. Angkop sa antas ng pang-
unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda. May nias ang istilo ng
pagkakasulat sa nilalaman ng akda. Masining din ang pagkakagawa ng akda.
Ito’y may kahalagahang tumugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng
isang mahusay na akda.

15
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

IV. Buod
†Kabanata 1
Tumawag si Flor kay Victor del Mundo sa telepono. Kinausap niya ito sapagkat nais
niyang makipagkita kay Victor sa Quiapo at pumayag naman si Vic. Habang papunta na si
Victor sa Quiapo naalala niya ang pagkakasuntok sa kanya ni Estong nang ipagtanggol niya si
Flor. Ito ay dahil si Flor at si Victor ang paborito ng mga guro sa kanilang eskwelahan lalo na
ni miss Quilala, mahal na mahal niya silang dalawa sila kasi ang madalas utusan ni miss
Quilala at nang mga iba pang guro, ito ang kinaiyamutan ni Estong kaya nagawang
suntukin si Victor at sinabi pang magtulong pa silang dalawa ni Flor. Naging dahilan naman
ito upang magalit ng husto si Victor at buong tapang nalumaban. Kapwa parehas nagtamo
ng suntok ang dalawa. Inawat naman sila ni Tandang Siyanong Agwador. Ang pakikipaglaban
yaon ni Victor ay hindi lamang para sa sarili. Isang taong nang mahigit ang hindi pagkikita
nila ni Flor. Nang nakarating na siVic nangamusta siya kay Flor at bila niyang nagunita ang
malabong balangkas ng Looban ng Tundo. Umorder si Vic ng serbesa at kapeng walang gatas
naman para kay Flor. Nagkamustahan sila at nag usap tungkol sa isat isa. Kinamusta niya kay
Flor si Tonyo.

†Kabanata 2
Nalaman ni Vic na may suliranin si Flor dahil sa hindi pag-imik nito. Habang tinatanong
niya si Flor napansin niya ang singsing ni Flor. Naalala ni Victor ang kaklase niyang si Alma na
naghihintay sa kanya. Naipagtapat ni Flor na siya‘y mahigit dalawang buwan nang
nagdadalang tao. Naliwanagan si Victorna maselan ang suliraning inihihinga sa kanya ni Flor.
Naikwento ni Flor ang babaeng nagpunta sa inuupahan nilang apartment sa Ermita nang
si Tonyo ay wala doon. Nahintakutan si Flor kung talagang totoo ma may asawa at anak na si
Tonyo. Nagpasalamat si Flor kay Victor sa pag-unawa nito sa kanyang suliranin. Habang
tinitingnan ni Victor na pauwi na si Flor nalarawan naman sa kanyang isipan ang naghihintay
na naming si Alma na nakaupo sa upuang marmol. Nagpaalam na si Vic kay Flor at
pinaalalahanan niya itong isipin ang batang kanyang dinadala. Samantala, si Alma Fuertes na
naghihintay kay Vic ayn agbabasa ng El Fili. Nailahad dito ang paniniwala ni Victor
"sapagkakaalam ko sa karanasan ko nasa tao ang gawa at nasa diyos ang awa". Napalapit na
ang loob ni Alma kay Victor. Nang nakarating na si Vic nag-usisa si Alma kung bakit nahuli
ang dating niya pero hindi sinasabi kung ano ang tunay na dahilan.

†Kabanata 3
Pasulyap-sulyap si Alma sa katabi niyang si Victor. Iniabot niya ang librong El
Felibustirismo. Wala sa loob ni Victor na ipatong ang libro sadya lang nitong inilapag sa
kaliwang dulo ng upuang marmol. Nag-usap silang dalawa. Naisipan at ipinasya ni Almang
huwag sumagot ni kumibo. Titikisin niya si Victor. Iisipin nitong siya‘y talagang nagtatampo.
Tumungo na silang dalawa sa lobby para sa kanilang susunod na klase. Nang nagkaklase na
sila, hindi mapakali si Alma. Wala nang nagawa si Alma hanggang matapos ang klase kundi
tumingin minu-minuto sa kanyang relong panggalang. Nagtungo na salabas ng silid ang mga

16
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

estudyante, naunang lumabas siVictor, iniiwasan siya ni Alma. Naglalakad siya sa Azcarraga
patungong Avenida Rizal, wala siyang tiyak na paroroonan. Naalala ni Victor ang kagandahan
ni Flor, naalala din niyaang pagkukulitan at pagbibiruan nila ni Flor. Napangiti na lamang si
Victor sa kanyang nagunita. Napabuntong hininga si Victor, nasa Plaza Santa Cruz na siya, sa
ibang araw na dadalawin ni Victor si Flor sa apartment nito. Tiningnan ni Victor ang mga
malalaking litrato ng mga pinanonood sa maliit na sinehang mailaw at pinapasok ng mga
lalaki lamang. Dumukot na siya‘t pipila upang bumili ng tiket. Ngunit
nagbago ang kanyang isip–pupuntahan na lamang niya si Flor. Tumawid muli sa Plaza Sta.
Cruz. Ang tanging nasa isip niya‘y ang nag-iisang si Flor sa sariling apartmen nito sa Ermita.

†Kabanata 4
Nagbalak na pumunta si Vic sa apartment ni Flor. Si Flor ay nag-iisa lamang sa kanyang
apartment, siya ay walang malamang gawin, wala siyang ganang kumain, hindi siya dalawin
ng antok, kung ilang tasang kape na ang kanyang naiinom, walang ganang magbasa ng mga
babasahin na uwi ng kanyang asawa tungkol sa moda at pagpapaganda. Ayaw ni Tonyo na
magka-anak sila ni Flor, muli niyang naalala ang babaeng bumisita sa kanyang apartment at
nagpakilala bilang asawa niya upang linawin na mas may karapatan ang pamilya nito kaysa
kay Flor. Tinanong ni Flor si Victor kung kumain na siya at sabi naman ni Victor ay hindi pa at
sabay yakag sa labas at sinabing pang ibloblo-out daw niya si Flor.

†Kabanata 5
Hinawakan ni Victor si Flor sa magkabilang balikat upang huwag mapasubsob sa kanyang
balikat. Hinigpitan niya ang pigil sa dating katipan. Pinigilan ni Victor ang maaaring
mangyaring pananamantala ng bawat isa. Nagtungo sa kusinerya si Flor upang itago ang
kanyang pagluha hindi naman ito napansin niVictor. Lumapit si Victor sa radyong-ponograpo
at nahugot niya ang paborito nilang tugtuging tango na gasgas at lumang luma na.
Nagpauyuhan pa silang dalawa kung sinong magpapatugtog nito. Lumakad siya papalayo at
umupo hindi malapit sa kinauupuan ni Victor. Isang panibagong luha na naman ang
nangingilid sa mga mata ni Flor. Nilapitan siya ni Victor at inakbayan sa balikat. Kailangan pa
rin niyang pigilan ang kanyang nararamdaman. Matapos ang mahaba nilang pagdidiskusyon,
napag isipan na ni Victor na magpaalam at umuwi na. Madali siyang pumanaog sa hagdan at
lumabas sa gusaling kinaroroonan ng aparment na tinitirhan ni Flor. Nangmakarating na si
Victor sa Tundo narinig niya ang malakas na tawag ng kanyang kuya Lukas. Niyaya siyang
makipag-inuman sa iba pa nitong kaibigan. Nagkainitan ang apat na kasama ni Victor pati
ang taga sawmill. Narinig na lamang ni Victor na nabasag ang isang bote sa mesa.
Nangingislap ang matatalim na ngipin ng boteng nabasag sa kamay ni Lukas.
†Kabanata 6
Nagkainitan ang mga taga sawmill at ang kasama ni Lukas kaya nagkagulo sa restawran.
Ang kanya namang kapatid ay buong dipa ang pag-awat sa kanila. Huminahon na si Lukas
masama ang tingin sa kapatid. Itinanong niya sa weytres na si Pasing kung natakot ba siya sa
ginawang panggugulo ng mga taga sawmill at ipinakilala niya ang kanyang kapatid na si
Victor dito. Gusto nang umuwi ni Victor ngunit ayaw pa siyang paalisin ng mga kainuman.

17
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

Pero hindi umuwi si Vic dahil ayaw niyang mapahiya ang kanyang kuya sa kasama.
Nagpatuloy ang pagtagay ni Vic ng serbesa. Isang babaeng nakakamisola lamang ang
pumasok sa restawran. Ito‘y ang asawa ni Paeng Gasti dahil gusto na nitong pauwiin ang
asawa. Nagyaya si Tatong Bamban ng isa pang raun pero napilit ni Vic ang mga kainuman na
itigil na nila ang pag-iinom. Nang pauwi na ang magkapatid sa madilim na kalye papuntang
Looban ay pinag uusapan nila ang kanilang pag-iinuman kanina. Tinanong ni Lukas si Vic
kung ano ang napapala niya sa kanyang barkada. Hindi nagustuhan ni Lukas ang sagot ng
kapatid kaya sinuntok niya ito pero nakailag naman si Victor. Natigil lang ang pag suntok sa
kanya nang may narinig silang anasan sa dulo ng tambakan. Inaabangan sila ng apat na
kalalakihan. Pinasibat ni Lukas ang kanyang kapatid at sinabing siya na ang bahala.
†Kabanata 7
Hindi alam ni Victor kung ano ang gagawin. Hindi na siya nakatakbo. Inabutan na sila ng
mga nag-aabang. Nagkaroon ng rambolan at matapang na hinarap nina Vic at Lukas ang
apat na kalalakihan. Naging mainit ang pakikipagbabakan ng magkapatid sa apat na
umabang sa kanila, naramadaman ni Victor nanatuklap ang kanyang kilay dahil sa daplis na
suntok sa kanya ng isa. Napagtagumpayan naman nilang magkapatid na matalo ang apat na
kalalakihan. Tiningnan ni Victor ang putok sakanyang kilay at binigyan pa ni Lukas ng
flashlight upang maaninag ito at sabi pa‘y hindi ito masyadong malalim. Nang nakauwi na
sila, ang kanilang ina ay walang kibo ni imik ay hindi magawa. Natanong ni Vic sa sarili kung
bakit hindi magawang magalit ng kanyang ina. Nausisa ni Victor ang ngiti mula sa maninipis
na labi ng kanyang tatay na pumanaw na ilang taon na ang nakalilipas. Namatay siya dahil sa
pagtatanggol sa isa niyang tauhan. Nang nasa lugar na si Victor, inusisa siya ng isang
kaopisina kung anong nangyarisa kanyang kilay, hindi niya sinabi ang totoo. Nang mag- aalas
sinko na, naalala niya si Alma na naghihintay na naman. Nalaman nito na nakipagkita si
Victor kay Flor. Ngunit paulit ulit na iniiba niVictor ang usapan. Niloloko ni Victor si Alma na
baka nagseselos siya.
†Kabanata 8
Hindi maputul- putol ang pagtawa ni Victor. Nabigla si Alma nasabi niyang hindi ang
klase ang ipinagseselos niya. Nauna na si Victor sa gusali ng Education. Nagngingitngit
namang sumunod si Alma, nilakhan na lamang niya ang kanyang hakbang upang masundan
niya si Victor. Nagsisisi si Alma na sana hindi na lamang niya nalaman ang totoo. Hindi
inabutan ni Alma si Victor, magkatabi sila ng upuan sa likuran ng nasa klase na sila. Hindi na
nakatiis si Alma, pumilas siya ng isang dahon sa kwaderno at sumulat sa papel na humihingi
ng kapatawaran kay Victor ngunit hindi naman ito pinansin. Natapos na ang klase. May
bakante silang tatlumpung minuto, silang dalawa ang huling lumabas ng kwarto. Niyaya ni
Alma si Victor sa canteen. Nakilala ni Alma si Flor mula sa bibig ni Victor. Nagpaliwanag si
Victor sa nangyaring pagkikita nila ni Flor at ang tungkol sa sugat niya sa kilay. Patuloy silang
nag-usap sa buong bakante na oras nila hangga't sa sumapit na ang alas siyete. Papunta na
silang dalawa sa gusali ng Liberal Arts para sa susunod nilang klase. Napilitang umamin si
Alma na nagselos nga siya kay Florat humahanga siya kay Victor.

18
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

†Kabanata 9
Habang naglalakad si Alma at si Victor iba ang naramdaman ni Alma na ang kasabay
niyang iyon ay mas mas malaki sa kanya. Hindi na niya maitanggi ang paghangga niya kay
Victor. Nais bumili ni Alma ng talaarawan bago sila pumasok ni Victor sa silid. Magulo sa
loob ang babae at lalaki. Si Mendoza ang komiko ng klase ay ginagaya ang kanilang propesor
na payat pasa Butiki, ginaya rin niya ang mabagal na pagbabasa nito. Si Victor ang
tagabantay nito kung dadating na ang propesor. Hindi na niya nasabihan ang pagdating ng
propesor na may kasamang panauhin alyas Agila na hindi magkandauga-ugaga sa pagdadala
ng maninipis na mga libro. Nagsalita na ang propesor maging si Agila para hikayatin ang mga
estudyanteng bilhin ang kanyang libro. Halos lahat ay hindi nakikinig maging si Victor. Sabi
pa ng isa, "bakit ka makikinig pa kung bibili ka rin?". Nang matapos sa pagsasalita si Agila,
nagkusa ng nagsalita si Victor ukol sa kanyang mga libro. Sinabi niya na ang mga nilalaman
ay mga maiikling sinopsis lamang ng mga naunang libro na lathang mga amerikano.
Nagkaroon ng alitan ang estudyanteng si Victor at ang panauhing si Agila. Bunga ng
pagsasalita ni Victor tungkol sa mga libro, ni isa ay walang bumili nito. Nang tumunog na ang
bell, pinapunta ni Propesor Butiki si Victor sa kanyang deparment.
†Kabanata 10
Hinihintay ni Victor si Alma na lumabas ng silid bago siya pumunta sa Department ng
propesor. Tinanong niya si Alma kung bakit niya ginanyon si Agila, nangatwiran naman si
Victor na "magandang negosyo ang kanilang ginagawa ngunit masamang libro". Dumiretso
na si Victor sa tanggapan kung saan naghihintay si Propesor Butiki at ang nabuko niya sa
negosyo na si Agila. Hindi na nasabi ni Alma ang balak niyang sabihin kay Victor, "malalaman
din naman niya" pakli pa nito. Naramdaman na naman niya ang pag ibig. Madaling lumabas
siya sa kanilang pamantasan upang bumili ng talaarawan. Nagbalik na sa lobby si Alma kung
saan lagi niyang hinihintay si Victor, sinimulan niyang sulatan ang diary ngunit wala siyang
mapiga sa kanyang isipan. Habang si Victor naman ay nasa tanggapan na, sinabi ng propesor
na dapat humingi ng patawad si Victor sa ginawa niyang pagpapahiya kay Agila, galit ito.
Ngunit tumanggi si Victor at pinanindigan niyang ang kanyangmga sinabi. Pinatunayan
niyang ang mga nilalaman ng aklat nila ay mga ginagad, kinopya sa mga naunang librong
sinulat ng mga dayuhan. Nagkainitan si Victor at si Agila. Lumabas na siya at nakita niya si
Alma na naghihintay. Ibinalita niya kay Alma ang lahat ng nangyari at inaya siya ni Alma
pumunta sa palamigan.
†Kabanata 11
Natulog si Alma nang gabing iyon na nakaunan ang pisngi sa hawak niyang talaarawan.
Ipinagdarasal niya si Victor at nangakong ipagdarasal parati simula nang oras na yon.
Dinatnan siyang tulog na ng kanyang ama't ina na dati ay parating nadaratnan pa siyang
gising. Nag-usap ang mag-asawa kung bakit kaya maagang nakatulog si Alma, inisip ni Mrs.
Fuertes na baka may problema ito o may dinaramdam. Nagsawana sila sa pagpapaalala kay
Alma at baka lalo pa itong mapasama, at kung bakit nagpumilit pa itong lumipat sa
pribadong pamantasan gayong tatlong taon na itong nag aaral sa eksklusibong paaralan ng
mga madre. Tumigil na ang mag-asawang Fuertes sa pagtatalo dahil alam nilang mauuwi
lamang ito sa pagsisihan ng bawat isa. Nanaginip si Alma ukol sa kanyang ama at dati nilang

19
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

labanderang si Dolores. Nagising si Alma at naitanong sa sarili kung nasaan si Dolores. Ibig
niyang malaman kung naisilang ni Dolores at kung buhay ang bunga ng pagkakapariwara
nito sa kamay ng kanyang ama. Nalaman niya ito nang kita niya sa kanyang panaginip ang
pag-abot ng madaming pera ng kanyang ama sa isang babae. Nais ng magulang ni Alma na
ibalik siya sa dating pagiging luho at masosyalin. Simula ng bumili siya ng talaarawan ay
nagging absent-minded siya. Marami na siyang naisulat sa talaarawan.

†Kabanata 12
Lumapit si Alma sa kanyang Mommy at Daddy. Tinanong niya kung pwede ba siyang
mag party. Sumang-ayon naman kaagad ang kanyang Daddy. Dagdag pa niya na ang party ay
para sa mga kaklase lamang at hindi nangungumbida ng barkada. Pinipilit ng kanyang
magulang na kumbidahin rin niya ang kanyang mga ka-gang ngunit ayaw ni Alma. Pumayag
naman ang kanyang mga magulang sa gusto nito at may naiisip pa silang surpresa. Tanging
ang mag asawang Fuertes lang ang nakakaalam. Nagtungo si Alma sa kanyang kwarto sa
itaas ng bahay. Nagsulat siya sa kanyang talaarawan at pagkatapos ay binasa niya ang ilang
talata dito kung saan muntik na niyang masabi ang tungkol sa kanyang masamang
panaginip. Ang pagkakasulat niya sa talaarawang iyon ay malinis at magandang tingnan kaya
hindi agad mahahalata na kanya ang diary na iyon. Itinago na niya ito sa tukador na may
kandado. Bago matulog, nagdasal muna siya at kasama sa kanyang panalangin si Victor.
Kinabukasan, pagdating sa silid-aralan, nag-anyaya na si Alma sa mga kaklase. Dumating na
ang huling araw ng eksamin. Nagbasa nang maigi si Victor at Alma. Pagkatapos mag-review
kinumbida ni Alma si Victor na pumunta sa party. Hindi sigurado si Victor dahil baka
bisitahin niya si Flor sa araw naiyon.

†Kabanata 13
Hindi pa maniwala si Alma na makikipagkita siya kay Flor sa araw ng kanyang party. Pilit
niyang pinapupunta si Vic sa kanyang party. Nagdadalawang-isip na pumunta si Victor
ngunit kailangang-kailangan daw siyang makipagkitang muli kay Flor sa apartment nito ng
tumawag sa telepono. Hinihintay ni Nick, Johnny at Monching sa lobby silang dalawa.
Nagtuloy na sina Victor at Alma sa silid na pagdarausan ng kanilang huling eksamen.
Minasdan ni Victor ang mga taong nakapaligid na animoy gustong-gustong ipasok sa utak
ang lahat na natutunan sa loob ng tatlong buwan. Tama ang hinala ni Victor ukol sa uring
eksamin, isa itong objective test na sumusukat kung gaanong karaming impormasyon ang
iyong nasaulo. Madaling nakatapossi Victor at unang lumabas ng silid. Nagpausok siya sa
labas at hinintay si Alma. Naasapan ng usok ng sigarilyo ang isang mata ni Victor. Nangilid
ang mga luha ni Victor ngunit hindi ang usok ang may dahil nito kundi ang kanyang ama.
Naglabasan na ang iba pang nakatapos, parang namatayan si Alma nang siya'y lumabas.
Natapos na ang oras ng eksamen, naglabasan na rinang iba. Pinaaalalahanang muli ni Alma
ang kaklase at si Victor tungkol sa party. Ngunit di tiyak na sumagot si Victor dahil may
"date" ito kay Flor. Nauna nang pumunta si Victor sa lobby kung saan naghihintay sina
Minnie, Nick at Monching. Hinabol siya ni Alma at hindi na ito nahiyang humabol. Naabutan
niya ito sa lobby. Hinawakan ni Alma si Victor sa kamay at nabigla si Victor.

20
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

†Kabanata 14
Inunawa naman ni Victor ang pagpisil ni Alma sa kanyang kamay. Wala na siyang dapat
alalahanin. Nag-usap ang kanilang mga mata, bumitaw na si Victor sa kamay ni Alma. Hindi
pa nila napapansin ang tatlo. Hindi na sumama si Victor sa panonood nila ng sine at
dumating na nga sila. Napansin ni Victor ang pagsulyap ni Alma at Monching sa isa‘t isa.
Nagpaalam na siya sa grupo at umuwing iniisip- isip ang pagsasamahan nila ni Alma. Hindi
siya makapaniwalang pag-aaksayahan siya ngpanahon ng katulad ni Alma. Dumating ang
araw ng sabado. Ang party ni Alma. Umuwi na si Victor upang magbihis. Binati siya ng
kanyang kapatid. Sinabi ni Lucas ―mukhang maaga ang tandahan-sayawan. Nagtungo na sa
apartment ni Flor si Victor. Wala nang ibang tao duon. Si Tonyo ay pumapasada na habang
ang yaya nila‘y kaniyang pinag sine. Pinakamusta ng ina at ni Lukas kay Victor si Flor. Buong
akala ni Flor ay lalabas sila kaya ito naka barong-tagalog. Tinanong ni Victor si Flor kung bakit
nito gustong makipaghiwalayan sa asawa gayung sinisustentuhan naman siya nito. Sapat na
sapat ang sustentong ibinibigay ni Tony kay Flor. Ipinas-pas niya ang libreta sa bangko sa
harap ni Victor at sinabing muling libre na siya, libre na silang dalawa.

†Kabanata 15
Nabigla‘t nangilabot si Victor sa maliwanag na iminumungkahi ni Flor. Malaya na silang
dalawa. Ngunit kitang-kita sa katawan ni Flor ang bunga ng kapusukan at nang kanyang
bulag na paghihimagsik sa buhay Tondo. Hinawakan agad ni Victor si Flor sa magkabilang
balikat upang hindi mangyari ang mungkahi ni Flor. Hinayaan niyang ilabas ni Flor ang lahat
ng nasa dibdib niya habang nakasubsob kay Victor. Inilayo niya ito sa pagkakahawak.
Tinanong ni Flor kung bakit ayaw ni Victor. Mahaba ang kanilang naging pagdidiskusyon.
Naisip ni Flor na gumawa ng malaking kasalanan—ang ipalaglagang kanyang dinadala.
Ngunit hindi nangialam si Victor dahil buhay naman ito ni Flor at sinabing huwag umasa
mangyari ang gusto niyang mangyari sa kanilang dalawa. Tinanong nito si Flor kung bakit
hindi siya bumalik sa Looban at doon palakihin at imulat ang kanyang anak. Hindi malaman
ni Victor ang gagawin. Nangangamba si Victor na baka gumawa ng kasalanan si Flor.
Napatingin siya sa orasan, naalala niya si Alma at ang party nito. Gusto na niyang matapos
ang pag-uusap nila ni Flor. Ngunit gusto nitong siguraduhing walang gagawing masama si
Flor bago siya umalis. Nagtimpla siya ng kapeng walang gatas para kay Flor. Nasiyahan si
Victor sa mga sinabi ni Flor para sa kanyang anak. Biglang tumunog ang doorbell, si
Tonyo agad ang pumasok sa ulo ni Victor.

†Kabanata 16
Muling tumunog ang doorbell. Nagkatinginan si Flor at si Victor. May ngiting di
maunawaan ni Flor si Victor. Ang kaba ng dibdib niya‘y lalong sumasal. Pumasok ang isang
babae, ito ang maid ni Flor. Inutusan ni Flor si Dolores, ang kanyang katulong na magluto at
dagdagan ito. Pero humindi si Victor, paliwanag niya ay may pupuntahan siyang party.
Nagkasabay ang kamay ni Flor at Victor sa hawakan ng pinto at nagpasalamat si Flor.
Pagkaalis ni Victor sa apartment ni Flor at habang patungo siya sa address na ibinigay sa
kanya ni Alma, iniisip-isip niya kung bakit ganon na lamang ang pag aalala niya kay Flor.
Nang nasa lugar na si Victor kung nasaan ang party, sinalubong siya ni Nick. Nagulat si Victor

21
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

sa sobrang dami ng tao. Tinanong si Victor ng mga kaklase niya kung bakit noon lamang siya.
Dalawang party ang naganap; ang isa ay para sa mga kaibigan ni Alma at ang isa ay para sa
mga kaklase lamang. Nagpakilala si Victor sa iba pang kaibigan ni Alma. Inalok siyang
tumagay ng state-side, at pinaunlakan naman niya ito. Mabababa ang kanilang
pagkukuwentuhan. Nagsipag-uwian na ang iba dahil malalim na ang gabi. Nagpaalam na rin
si Victor. Nilapitan siya ni Alma at humingi ng paumanhin dahil hindi na siya naasikaso.
Lumapit ang mga kaibigang babae ni Alma at ipinakilala ito kay Victor. Ipinagpaalam na lang
ni Minnie kay Alma ang pag-alis niVictor. Hanggang sa makasakay na siya sa isang bus
patungong Quiapo. Hindi maubos maisip niya kung bakit parang mapapaiyak at suyang
suyang tumakbo si Alma patungong bahay.

†Kabanata 17
Patakbong umakyat sa paikot na hagdan si Alma. Hindi na niya pinansin ang mga
nagsasayaw sa salas. Hindi na rin niya hinarap ang mga pinagkukumbida ng kanyang mga
magulang sa telepono. Humiga siya sa kanyang kama at nagsulat muli sa kanyang
talaarawan ng kanyang katuwaan at hinanakit. Pumasok si Minnie sa kwarto ni Alma, sinabi
niyang umalis na si Victor, tinanong din niya kung bakit umalis na siya sa kanyang party.
Muling bumaba si Alma at bumati siyang ang mga ngiti‘y pilit at pabalat bunga. Lasing na
lasing ang kapatid ni Alma na si Pocholo. Inihatid ito ni Monching sa kanyang kwarto.
Nagpaalamna si Monching kay Alma. Tinanong niya ito kung bakit di na ito sumama sa
kanilang barkada, at ibang-iba na si Alma. Iniwasan ni Alma na makipag- usap sa kanyang
mga magulang ng gabing iyon. Nagdaan ang mga araw. Isang umaga nagkita sila Victor sa
kantina ng eskwelahan. Inasikaso nila ang kanilang pagtatapos. Naalala ni Alma ang kanyang
sinulat sa talaarawan. Nag-usap sila tungkol sa mga taong nagmamartsa ng dahil lamang sa
diploma at ito ang ayaw na ayaw ni Victor. Nasambit ni Victor natalagang mahirap magturo.
Tinanong ni Alma si Victor kung sasama ito sa martsa. Sinabi ni Alma na mas mas maganda
at mas mahusay magmartsa. Sinabi ni Victor na mas mahusaymagmartsa sa altar.
Napatingin si Alma sa kanya. Kinabahan siya.

†Kabanata 18
Tinitigan ni Victor si Alma at sinabing ―kung martsa lang sa graduation ay martsa na
lang sa altar. Binati ni Victor si Alma sa pagmartsa nito sa entablado sa sa kanya sa altar.
Nakurot ito ni Alma. Masayang naghiwalay ang dalawa. Inihatid muna niVictor si Alma sa
pinaghihintayan nito ng sasakyan. Habang daan ay iniisip ni Victor kung talagang
magkakaroon siya ngpagkakataong makapagturo. Naalala niya si Alma. Nang nasakalye na
siya papuntang Looban, binate siya ni Tonying dahil ibinalita sa kanya ni Lukas. Hinintay ni
Lukas si Victor sa entreswelo para ibigay ang ipinatahi niyang toga at cap. Umakyat na si
Victor. Sinukat niya ang toga, medyo maluwag itong kaunti. Masaya si Victor dahil
makakadalo na siya sa baccalaureate sermon upang makinig sa huling tagubilin ng mgaguro.
Iniharap ni Victor ang kanyang ina sa salamin. Sumingit sa isang tabi si Lukas. Nasa gitna si
Victor at sinabing silang tatlo ang ga-graduate. Nangingilid ang kani-kanilang luha dahil sa

22
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

lubos na kasiyahan. Naghain na ang kanilang ina. Lumabas si Victor sa kapirasong likurang-
bahay sa tabi ng estero. Doon nakita niya ang maiingay na kabayo, iyak ng bata at ang
maruming estero. Naalala ni Victor si Flor at ang kanilang mga pangarap na binigo ng
pangangailangan, pangungulila‘t kakulangan ng pagtitiwala. Nagulantang siya sa
pagbubulay-bulay sa tabi ng estero nang tawagin siya ni Lukas. Pahangos na nagsisipasok
noon sa pasilyong patungo sa entreswelo sina Paeng Gasti, Tatong Bamban at Pilo.

†Kabanata 19
Nagtatawanan sa ilalim ng bahay ni Aling Inggay sina Paeng Gasti, Tatong Bamban,
Victor, Pilo at Lukas. Inabot kay Victor ang kahong karton na nakabalot nang maganda at
may laso pa. Barong tagalog ang laman ng kahon na para sa graduation ni Victor. Naglabas
ng alak si Pilo at sila‘y nagsalu-salo habang pinag uusapan ang graduation ni Victor. Pag alis
at paglipas ng katuwaan, naiwan si Victor na nakatingala sa langit. Ang isipan ay nasa langit,
na ang Tundo ay nasa ilalim nito na may pag asa pa roon. Ito ay pagsisikapang maunawaan
at matagpuan. ―May katapat na langit ang lahat, “Ang Tundo Man, May
Langit din”, ang sabi ni Victor. Si Alma ay nakatingala din sa langit nang sandaling iyon.
Binabalikan ang mga naisulat sa talaarawan tungkol sa pagtatangi kay Victor. Iniisip niya
kung anong ireregalo niya kay Victor. Ang langit ding iyon ay tinitingala ni Flor mula sa
kanyang silid. Inisip niya si Victor habang nabasasa pahayagan ang pagtatapos nito.
Nanghihinayang siya sa mga bigong pangarap nilang dalawa ni Victor na kanyang tinalikuran
dahil sa kakulangan niya sa pagtitiwala sa paniniwala ni Victorna ang Tundo man ay may
langit din. Nagsisisi siya sa kanyang kapusukan at kahinaan ng loob. Ang naging bunga na
dala niyasa kanyang sinapupunan ang handog niya sa graduation ni Victor.

†Kabanata 20
Papasok si Victor sa opisina at magpapaalam sa kanyang hepe na si Mister del Pilar na
kalahating araw lamang siya. Dadalo says sa baccalaureate at kukunin niya ang kanyang
toga. Kumalat na sa opisina na siya‘y magtatapos na. Maraming bumati kay Victor.
Nagpainom si Mister del Pilar para kay Victor. Biglang tumawag si Alma habang nasa opisina
si Victor. Napag-usapang magkikita sila sa eskwelahan, sa baccalaureate. Bumili siya ng
ibibigay kay Alma. Isang bagong dating na antolohiya o katipunan ng mga tulang kinatha sa
iba‘t-ibang panahon at ibang sulok ng daigdig ang kanyang binili. Sa pagdalo
sa baccalaureate, ipinaalala na ang edukasyon ay hindi natatapossa pag-abot ng diploma. Ito
ay pananagutan at layunin sa lipunan. Sa kanyang pakikinig, naalala niya ang kanyang ama.
―Mag-isip ka anak, sikapin mong mapanuto ka sa buhay, ang inyong kaligtasan ay nasa
iyong pagsisikap. Matapos pagdalo, mayroon pang salu-salo kung saan nagkita si Alma at
Victor. Nagbigayan sila ng kanya kanyang mga regalo nagkwentuhan silang dalawa. Kaya
dadalo ng graduation si Victor ay sa kadahilanang, Wala akong karapatang magkait sa kanila,
lalo na sa inay ng kaligayahang maidudulot ng aking pag-abot satuwirang salita ay
kapirasong papel lamang. Habang nagsasalaysay si Victor, si Alma naman ay nasa dibdib
niya‘y naghahari ang isang pagtatalo. Ito ang pagtatapat ng lihim tungkol sa ama. Tulad ni
Victor, wala siyang karapatang magkait sa kanyang magulang ng kaligayahan.

23
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

†Kabanata 21
Hinihintay ni Victor na magsalita si Alma. Nang paparatingna sina Minnie at Monching,
nagsalita si Alma. Mapalad raw si Victor na dadalo ang ina at ang mahal a kaibigan nito sa
graduation. Magtapat na sana ng lihim si Alma na tungkol sa kanyang panaginip na
bumabagabag sa kanya ngunit dumating na sina Minnie. Niyaya si Victor na ihahatid na
lamang siya gamit ang malaking kotse ngunit tumanggi ito. Oras na nang graduation. Ang
araw na hinihintay ng mga magsisipagtapos, oras na lamang ang hinihintay sa pag-abot ng
diploma. Naghanda at inihatid si Victor ni Lukas at iba pang kasama sa eskwelahan gamit
ang kotseng nahiram nila. Ikinagulat ito ni Victor. Tuluy-tuloy pa rin ang pagbati sa kanya ng
mga nasa Looban. Nakadama ng kaliitan si Victor ng marinig niya ang―Arya, Bata mula sa
kanilang kapitan, ganoon na lamang ang ginawa niyang pagpapakumbaba sa sarili. Dumating
na sila sa eskwelahan. Pumuwesto na sina Tatong Bamban at Lukas sa may loudspeaker
upang pituhan at palakpakan kapag narinigang pangalang Victor del Mundo. Sa graduation
ay mayroong susunduing surpresa sina Tatong Bamban at Lukas para kay Victor. Nagtuloy na
si Victor sa loob ng pamantasan. Tinanong niya sa sarili kung sinong surpresa kaya ang
tinutukoy ng kanyang mga kaibigan.

†Kabanata 22
Pumila at nag umpisa na ang seremonyas. Sunud-sunod ang pagtawag sa pangalan ng
mga ga-graduate. Sunud-sunod din ang bawat sangay ng karunungang pinagtatapusan.
Matapos tawagin ang mga pangalan ng mga magna cum laude at cumlaude, ang iba pang
mga mag-aaral ay tinawag na rin. Sa pagtawag ng pangalan ni Alma at ng pangalan niya,
mayroong nabubuklod na palakpakan na nanggagaling kina Tatong Bamban at Lukas. Kitang
kita ni Victor ang masayang ngiti sa mukha ng kanyang ina. Nagsalita ang panauhing
pandangal ukol sa hamon at responsibilidad ng mag magtatapos. Naalala niya ang kanyang
pagtitiwalang ang Tundo man ay may langit din at ang langit na iyon ay dapat niyang
hanapin at pagsumikapang abutin. Ito ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa
lahat. Ipinaalala ng panauhing pandangal- Tundo: ang pook na kinakitaan ng liwanag ng
dakilang anak- pawis na si Bonifacio, pook na pinagtatagan ni rizal ng La Liga Filipina.
Matapos ang graduation, nagsasaya ang magkakasamang dumalo dito. Buong pusong
ibinigay ni Victor sa kanyang ina ang diploma. Makalipas ang ilang sandali, napansin niyang
may kakaiba sa mga kasamahan niya. Si Flor ang tinutukoy na surpresa ni Lukas.
†Kabanata 23
Nagulat si Victor nang Makita si Flor. Natuwa siya nang makita niya ito. Pinasiya ni Flor
ang tawa ni Victor. Naalala niyang dapat ay magkikita na sila ni Alma sa lobby, ang dating
tagpuan nila. Nagpaalam na ang mga kaibigan at kasama ni Victor. Pinuntahan nila si Alma
matapos ang batian. Sa lobby, si Alma ay naghahanap na din kay Victor, madaming tao sa
lugar na iyon. Habang pinagmasdan ni Alma ang mga pulutong ng pamilyang nagsasaya,
siya‘y nangulila at naiinggit dahil sa masasayang estudyanteng gumaraduate kasama ang kai-
kanilang mga pamilya. Nagkita sa wakas si Victor at Alma. Ipinakilala ng bawat isa ang mga
kasama ngunit kitang kita ang ilangan ng pamilya at ang mga kaibigan ni Victor sa kay Alma.

24
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

†Kabanata 24
Nagyaya na sa kainan sina Victor at ang mga kasama. Nagmamadaling paglayo sa mga
kasama ni Alma ang grupo upang hindi na tumagal pa ang malamig na ilangan ng bawat isa.
Masaya ang salu-salo. Maraming pagkain. Maraming serbesa. Natuklasan ni Victor ang
kaibahan ng daigdig niya sa daigdig ni Alma. Mayaman sa mahirap. Nagbukas na ng mga
regalo si Victor sa kainan. Ang kay Flor ay relong may ukit ng pangalan ni Victor. Ang kay
Alma ay fountain pens na mayroong ukit ng―Victor-Alma. Nakauwi na silang lahat ngunit
nakaukit pa din sa isipan ni Victor ang ukit sa regalong ibinigay ni Alma. Ayaw niyang isipan
ni Victor ng kahit anong ibang kahulugan ang kanilang madikit na pangalan. Sa pagsusulat
ni Alma sa kanyang talaarawan, nagunita niyang dito niya inamin ang lihim na nais niyang
sabihin kay Victor noon. Ang dating labandera nila ay pinagnasahan ng kanyang sariling ama.
Ang pangalan niya ay Dolores. Mahigit isang taon na nang umalis ang labandera. Binayaran
upang umalis, at huwag gumawa ng kahit anong isyu. Kailangan ni Alma si Victor upang
tulungan siyang hanapin ang labaderang it. Si Dolores ay maid ni Flor sa kasalukuyan.
Nagbalak magpatayo ng dress shop sina Flor. Nagkausap ng masinsinan sina Flor at Victor.
Nagpasalamat ang dalawa sa bawat isa dahil sa tulong na ibinahagi nila at sa mga leksyon
sa buhay na napulot nila sa bawat isa. Mag-aaply si Victor sa pagtuturo. Sinabi ni Flor kay
Victor na halatang minamahal siya ni Alma.

†Kabanata 25
Binisita ni Alma si Victor sa kanyang trabaho. Inanyayahan ni Victor si Alma sa isang
palamigan sa Avenida Rizal. Nakita ni Alma na maraming tao sa paligid kung kaya‘t inaya
niya si Victor na makipag-usap sa ibang lugar. Sumakay sila ng taksi at nagtungo sa Luneta.
Nang makarating, na nagtungo sila sa lehislatura. Napasok sa usapan si Flor sapagkat may
isang panahong ang luneta‘y naging kaugnay ng nilikhang pangarap ni Flor at Victor. Binalita
ni Victor na nagkita sila ni Flor noong gabi bago sila nagkita ni Alma. Magtatayo daw ng isang
patahian si Flor at mamumuhunan doon. Nalakad ni Alma ang kanyang application para sa
pagtuturo. Nagtaka si Victor, bakit daw niya itatali ang sarili niya sa chalk at blackboard. Sa
Tundo daw magtuturo si Alma at pinigilan siya ni Victor sapagkat hindinaman daw niya
kailangan ang sweldo, maliit kasi dahil maytrabaho naman siya sa kanyang amain.
Ipinagtapat ni Alma ang nagkasala niyang ama sa isang hamak na labandera na
nagngangalang Dolores. Ibig niyang hanapin ang babaing iyon dahil nagkaroon siya ng
kapatid kay Dolores at humihingi siya ng tulong kay Victor.

†Kabanata 26
Ibig malaman ni Alma kung buhay ang kapatid niya kay Dolores, dalawang bagay ang
gusto niyang malaman; kung may nagsusustento sa mag-ina at kung kaninong pangalan ang
dinadala ng bata. Gusto ni Alma na sa Tundo siya magturo,dahil iuugnay niya si Dolores sa
buhay Tundo. Pinangako ni Victor kay Alma na tutulungan siya sa paghahanap kay Dolores.
Tuturuan ni Alma ang mga bata tungkol sa kanilang karapatan at kapanagutan. Nais
magtatag ni Victor ng adult education sa kanilang lugar kung hindi man siya makapagturo sa
eskwelahang gusto niya. At kung ayaw man, ay kindergarten. Nagbiruan si Victor at si Alma.

25
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

Nang maghiwalay ang dalawa, namumuno sa kasiyahan ang dibdib ni Victor. Hindi lamang
dahil sa katapatan ng pagmamalasakit ni Alma para kay Dolores na iyon, sa pakiwari niya ay
masisira ang pangako niyang sakanyang sarili na layuan si Alma. May pagtingin si Victor kay
Alma gaya ng pagtingin niya kay Flor. Abril ng magtapos sina Victor at Alma. Nagdaan pa ang
mga araw, noong buwan ng Mayo,hindi sumama si Alma sa mga paglalakbay-dagat,
pagbabakasyon sa Hongkong at kung anu- ano pa. Noon din buwan ng Mayong iyon
naghahanap si Flor kay Dolores na bakit hindi dalhin ang kanyang anak sa Maynila. Inalok
siya ni Flor kay Dolores na maging tauhan sa magiging patahian nila. Naisip ni Dolores si Mr.
Fuentes ng mga oras na yon.

†Kabanata 27
Hindi makatulog si Dolores. Naisip niya ang kanyang anak. Ibig ni Flor ay dalhin niya ito
sa Maynila. Naalala rin ni Dolores ang ama ng kanyang anak. Ibig ipagtapat ni Dolores kay
Flor na si Mr. Fuentes ang ama ng kanyang anak ngunit binigyan siya ni Mr. Fuentes ng pera
upang huwag na itong maghabol o mag-iskandalo. Naalala ni Dolores ang kanyang
masamang karanasan ng siya‘y mapariwara. Hanggang sa makatulog na si Dolores, hinabi
siya ng isang magandang guniguni ng isang magandang kinabukasan ng kanyang anak. Nais
niyang matupad ang kanyang inaasam: ang makalimot sa lumipas. Para kay Alma ang
―lumipas na iyon ni Dolores ang isang kinasasalalayan ng kanyang paghihimagsik. Gusto ni
Alma na makita si Dolores ibig niyang malaman kung buhay ang kapatid niya dito.
Magtatapos na ang Mayo. Nagsisipaghandaan na ang mga magsisipagpasok sa eskwelahan.
Nakakita na ng malilipatan na apartment si Flor. Tinawagan niya si Victor kung ubra ang
kanyang napili. Nagkita si Victor at si Alma, isinama niya ito sa address na pinaglipatan ni
Flor. Nakarating na sila sa kalyeng apartment na lilipatan ni Flor. Sinalubong siya ni Flor,
kinamayan niya si Alma. Tinawagan ni Flor si Dolores. Nagulat si Alma. Napansin ni
Victor ang pagkagitlang iyon. Sumungaw si Dolores sa hagdan. Napasigaw si Alma.

†Kabanata 28
Nagkita sina Alma at Dolores. Namagitan ang katahimikan sakanila. Nang mga sandaling
iyon, pasulyap-sulyap si Victor kay Alma at Dolores. Noon lamang niya napaghulong hindi
alam ni Flor na ang anak ni Dolores na nasa lalawigan ay kapatid sa ama ni Alma, na si
Dolores ay disgrasyada ng ama ni Alma. Nagpatuloy si Flor sa pagbabalita tungkol sa mga
plano niya sa apartment. Iniisip ni Victor kung paano siya makatutulong upang malaman ni
Alma na ang kapatid nito kay Dolores ay buhay. Naisip niyang ipaubaya niya kay Alma ang
paglutas noon. Nagawang ipagtapat ni Dolores ang tungkol sa kanyang naging anak sa ama
ni Alma ng maayos. Inihatid nina Victor at Alma sina Flor at Dolores sa apartment nilang
tinitirahan; pagkatapos, naglakadlakad sila patungo sa Luneta, aakuin niAlma ang
pagsusustento sa kanyang bagong kapatid. Ang arawna iyon ay mahalagang mahalaga kay
Alma. Dumating siya sa bahay na ang dibdib ay namumuno pa rin ng katuwaang may
kalanghap na kalungkutan. Muli siyang nagsulat sa kanyang talaarawan, maikli lang ang
kanyang isinulat. Hindi niya matiyakang kalooban ni Victor. Kung may pagtingin ito sa kanya,

26
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

hindinito ipinaalam sa kanya. At hindi naman niya pinagbigyan ngkahulugan ang mga biro ni
Victor, bagama‘t kung minsan. Ng mga sumunod na araw, abalang abala si Alma sa
pagtuturo. Dumalaw si Tonyo kay Flor. At nuon ibinalita ni Flor kay Tonyo ang tungkol sa
anak ni Dolores. Napatingin si Flor kay Tonyo.

†Kabanata 29
Sandaling tinitigan ni Flor si Tonyo bago sumagot, sinabi ni Tonyo na sana'y bigyan siya
ng karapatan sa kanyang anak. Napakagat labi si Flor. Tumingin lamang si Tonyo sa kanya.
Bago umalis si Tonyo noong gabing iyon, muling nagpasalamat si Flor. Matagal ng nakaalis si
Tonyo, iniisip pa rin niya si Flor. Hindi niya inihahambing si Tonyo sa ama ni Alma. Mula ng
matagpuan ni Alma si Dolores, ang kanyang pakikitungo sa ama ay naging lalong malamig,
ngunit hindi niya ito nilalapastangan, sa kilos o salita, katulad pa rin siya ng dati, nakangiti
ngunit pilit si Alma sa mga kasama ng kanyang ama, nagpaalam siya. Nasalubong niya ang
kanyang Mommy na hindi na yata mawawalan ng hairclips sa ulo. Naging maestra si Alma sa
mataas na paaralan Torres. Maraming pumapansin sa kanya sa eskwelahan noong unang
pasukan. Sa pag-uwi ni Alma galling sa paaralan, ang dyip na sinasakyan niya‘y may
lugar patungo sa Looban nila Victor. Muling nagsulat si Alma sa kanyang diary, ang huling
isinulat niya noong araw na iyon ay tungkol sa gagawin niyang pakikipagkitang muli kay
Dolores. Isang hapon ng sabado, nagulat na lamang at sukat si Flor ng dumating si Alma sa
patahian sa Ermita. Tinanong ni Alma si Dolores. Si Alma ay nakadama ng matinding
pananabik nang makita ang anak ng kanyang daddy kay Dolores. Si Dolores ang sadya ni
Alma, ibig niya itong makausap. Binigyan ni Alma si Dolores ng tseke para kay Boy.
Nagpasalamat si Dolores pero sabi niya‘y hindi niya ito matatanggap. Napatingin si Alma sa
kanya.

†Kabanata 30
Hindi maunawaan ni Alma kung bakit tinatanggihan ni Dolores ang tsekeng ibinibigay
niya para sa bata. Pinagmasdan ni Alma si Boy, ang anak ng kanyang Daddy kay Dolores.
Ngunit pilit nitong ibinigay ang tseke at kay Rafael nito ibinigay. Nahiya si Dolores. Sinabi ni
Alma na matatahimik ang aking loob kung matitiyak ko nang si Boy ay magkaroon ng
mabuti-buting pagkakataon. Nagpaalam si Alma kay Dolores at kay Flor. Nagtuloy siya sa
simbahan sa Ermita. Magdarapit hapon na ng lumabas siya sa simbahan. Si Victor naman ay
walang kasiyahan pero hindi niya ito ipinahahalata sa matatandang nasa klase niya.
Tinalakay niya ang kasaysayan ng panahon ng kastila. Dumating si Tatong Bamban at Paeng
Gasti, kinamusta nila kung ayos ang klase, ipinaliwanag ni Victor sa dalawa na dapat maging
literate ang mga tao sa Looban upang umunlad at luminis ang kanilang lugar. Isang biyernes
ng hapon, umuwi ng maaga si Victor, dinatnan na niya sa kanilang entreswelo si Opreng, ang
magbibinatang anak ni Mang Ponsong Goma. May kasamang ibang kabataan taga Looban si
Opreng. Kinumbida nila si Victor na pumunta sa kwadra upang magtayo ng club at
pinaunlakan naman ito ni Victor. Pagkakain ng hapunan, nagbihis si Victor at nagpaalam,
tumingin siya sa langit, narinig niya ang mga ingay ng mga bata. Naalala niya ang kanyang

27
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

pagkabata. Naalala niya si Flor at si Alma. Nakita niya si Conrading na mukhang may
haharanahin. Tiningnan niya ang harana kung okay na. si Flor at si Alma ang nasa isip niya.

†Kabanata 31
Nakadama si Victor ng malalim na pangungulila sa narinig niyang kundimang inawit ng
isang kababatang ngayon, katulad ng maraming iba, ay walang hanapbuhay. Nagkita sina
Victor at Konsehal sa restaurant ng isang intsik. Uminon sila ng serbesa at nalibre pa nga ang
kanilang mga inorder. Nais sana ng Konsehal na makuha ang lahat ng boto ng mga tao sa
Looban. Kaya‘t inanyayahan niya si Victor na ikampanya siya. Nagdalawang isip si Victor
dahil ayaw naman niyang magdikta sa mga tao nang kanilang nais iboto. Wala na siyang
karapatang pakialaman ang boto ng taga Looban. Nagmiting sila sa kwadra ni Mang Ipe, sa
may gilid na estero. Naroon sina Opreng, Myrna, Bernarda, at kung sino sino pang kabataan.
Si Opreng ang tinalagang pangulo. Si Victor ang taga payo ng sikhay ng kabataan,
imunungkahi niya na sa halip na magkaroon ng acquaintance party ay maglinis sila
ng estero. Halos lahat ay umungol, meron pang natawa. Napag-usapan ang graft and
corruption, at lahat ng katiiwalian na nangyayari sa pulitika. Kapalit ng paghakot ng boto ni
Victor, lalakarin niya ang appointment ni Victor para magturo. Natapos ang mahaba-habang
pagpapalitan ng kuro-kuro. Marami pang ibang bagay silang napag-usapan bago matapos
ang klase para sa Sabadong iyon.

†Kabanata 32
Isang gabi, ilang araw pagkaraan ng pagkikita ni Victor at ng konsehal, sinundo nina
Tatong Bamban, Paeng Gasti at Pilo si Lukas, may pupuntahan sila. Nasulyapan ni Victor ang
kanyang inang nasa tapat ng isang luma't maliit na bumbilya. Nililinis nito ang salamin ng
mga kwadro ng mga larawan ng ama niya. Nag-usap silang mag ina tungkol sa pagtuturo ni
Victor. Hanggang sa makahiga na si Victor na iniisip-isip pa rin ang mga sinabi ng kanyang
ina. Nagunita niya noong sinisimulan niyang itatag ang adult education class sa Looban.
Naroon ang mga batang nag uusyoso at ang mga inang may kilik na bata at sumisilip-silip sa
mga bintana nang unang gabi ng kanilang klase. Nagunita ni Victor ang kanyang mga mag-
aaral sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga kalagayang pinaghimagsikan nina Rizal, del Pilar,
Bonifacio at Mabini ay totoo ngang hindi panababago. Nagunita rin niya si Alma at ang
kanilang nagging pagtatalo tungkol sa ganoo't ganitong kalagayan sa Pilipinas noong sila'y
nag aaral. Ang pagsusuring iyon ni Victor ay pinukaw ng mga kaluskusan at tinig sa kaltehon.
Nabosesan niya si Tatong Bamban at Paeng Gasti at narinig niya ang masayang tawa ni
Lukas. Narinig din niya ang pagbangon ng kanyang ina upang buksan ang pinto ng
entreswelo. Malakas na malakas ang boses ni Lukas sa labas ng bahay. Nagtatawanan sina
Tatong Bamban at Paeng Gasti. Nakarating si Victor sa pintuan. Sumusuray-suray si Lukas,
kumakanta-kanta pa ito kahit sintunado, napansin niya si Lukas sa may pinto. Nabuwal itong
kumakanta pa rin sa hagdan, kumakanta, nagmumura.

28
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

†Kabanata 33
Iniakyat sa bahay nina Victor, Paeng Gasti at Tatong Bamban si Lukas. Umuungul- ungol
pa ito. Hindi naman daw siya lasing. Nagpaalam na ang kanyang mga padres. Nang gabing
iyon nagpasya si Victor na tanggapin ang tulong ng pulitikong kandidato. Nagtungo si Victor
sa tanggapan ng konsehal sa City Hall. Kinamusta ang kanyang pagtuturo sa Looban ng isang
pulitiko. Ngumiti lang si Victor. Nagpasalamat si Victor sa kanilang pinakamataas na
manedyer pagkatapos ay nagpaalam. Kinabukasan nagbalik sa silid ang prinsipal. Iginala ni
Victor ang kanyang paningin. Alam niyang nandoon din si Alma at possible silang magkita.
Pagkadaan ni Victor sa teacher's room, nakita niya ang mga naging guro niya dati. At biglang
dumating si Alma. Nag-usap sila at kumain sa isang restawran sa Dewey Boulevard. Umuwi
silang may parehong ngiti sa kanilang mga mata. Pumasyal si Alma sa Looban kinabukasan,
at nakitang nililinis ng mga taga doon ang estero. Nagkatuwaan at nanglibre si Alma ng
inumin. At hinayaan ni Victor na maglagos ang gadaigdig na katuwaang iyon, at sabi pa'y "
May pag-asa pa"," Ang Tundo man, may langit din."

†Kabanata 34
Wala nang pinag-usapan ang mga tao sa Looban kundi ang pagkakalinis ng kabataan ng
estero sa pamumuno ni Victor. Hindi rin makalimutan ni Alma ang nangyaring iyon,
naikwento niya iyon sa pinsan niyang si Minnie. Narinig ng ama ni Alma ang pangalang
Victor, tinanong niya kung sino ba iyon. Si Minnie ang nagpakilala. Mainit ang nagaganap sa
eleksyon. Kabi-kabilang mga pulitikong gumagamit ng politikal goons. Nang mga sandaling
iyon, sa dress shop ni Flor sa Ermita, dumalaw muli si Tonyo . Natatakot siya ng dahil
nagdadalantao ang asawa niya. Hindi ninanais na mabyudo si Tonyo dahil magiging mag-
asawa silang legal, ilang araw pa ang nagdaan. Naging mainit na ang pangangampanya sa
eleksyon. Bumaba sa isang dyip si Lukas. Nagkita sila ni Tatong Bamban. Nakita ni Pasing si
Lukas, namuno ang kasiyahan sa kanyang dibdib. May sasabihin pa sana si Lukas ngunit
napaudlot siya nang makita niya ang paghinto ng isang dyip na private. Nang mga sandaling
iyon, si Pasing ay tumatakbo patungo sa Looban. Ang bawat masalubong niya'y
pinagsabihan niya.
―Si Lukas sa kanto. Maymasamang nangyayari.
At sa kanto, sa loob ng restawran, tahimik na tahimik ang lahat. Nakagwardiya sa pinto ang
isa sa apat na lalaking pumasok. Si Victor naman ay nasa kalyehong madilim. Nauna na siya
kay Pasing. Kailangang makarating siya sa kanto bago magkagulo. Natambad sa paningin ni
Victor pagpasok niya sa loob ng restawran ang mga silyang batibot na nagkabuwal-buwal;
mga nagkagulo; ang basag na iskaparate ng mami at siopao. Ilang mesa ang nawala sa lugar.
nakaupo sa isang siyang batibot. Hawak pa rin niya sa leeg ang isang boteng beer, basag ang
ilalim nito. Sa maputing-maputing porselanang ibabaw ng mesa ay matingkad ang dugo!
Nakasubsob si Lukas. Nakasampay sa silya ang kamay niyang may hawak na binasag na bote
ng beer. Madaling tumakbo si Victor kay Lukas, umuungol ito. Parang hindi nito maidilat ang
kanyang mga mata. Inalis ni Victor mula sa kamay ni Lukas ang boteng binasag nito't
hinawakan sa leeg niyon. isinandal niya ito sa silya. Wakwak at basing-basa ng dugo ang

29
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

kaliwang balikat ni Lukas. Parang mahihilo si Victor sa nakita niyang pagtagas ng dugo roon.
Madaling pinangko ni Victor si Lukas. Dinala ni Victor si Lukas sa North General. Doon
habang isinasalin ang dugo niya kay Lukas, Si Victor ay nakahigang nag-iisip. Ibig niyang
maluha. Naalala niya ang kamatayan ng kanyang ama.Lumingon siya kay Lukas. Maputlang-
maputla si Lukas.

†Kabanata 35
Pumikit na lamang si Victor. Hindi lamang dahil sa pangangambang may masamang
mangyari kay Lukas kundi dahil rin sa paninisi sa sarili. Dumalaw sila Paeng Gasti, Tatong
Bamban at Pilo sa hospital. May pinagkakaguluhan sa labas ng hospital. Nagulat si Tatong
Bamban nang matanaw nila ang dumarating. Si Paking, ang kandidatong pulitika nina Lukas.
Ibinalita ni Paking kung paano niya nalaman ang nangyari kay Lukas. Nagdaan siya sa
restawran sa Tundo na pinag-iistambayan nina Lukas. Mga bata ni Reyes ang may
kagagawan. Tumawag nga si Paking sa media. Kumuha ng datos ang reporter. Gulat si Victor
kay Paking. Umuungul-ungol ang mga taong nakapaligid sa kanila. Nalagay nga sa dyaryo
ang tungkol sa nangyari kay Lukas. Nang umagang iyon, ang mga dumarating sa hospital ay
pasulyap-sulyap sa kama ni Lukas. Patuloy pa rin ang pulitika sa pangangampanya sa loob ng
pagamutan. Nakatingin na lamang si Victor. Naririnig niya ang sinasabi ni Paking, ang
pulitikong tumulong upang siya'y maging guro sa Torres High. Wala siyang maipula sa
sinasabi ni Paking. Hindi matiyak ni Victor sa sarili kung tapat ang mga sinasabi ni Paking.
Pinagmasdan din niya ang ibang may sakit at ang nagbabantay sa kanila. Nagulantang siya at
ang kanyang inang umungol si Lukas, nakadilat si Lukas. May pagtataka sa kanyang mga
mata, tiningnan niya si Victor, tiningnan niya ang kanyang ina.

†Kabanata 36
Nasamid si Flor. Lumigwak ang kape sa tasang hawak niya.
―Sino kaya ang nakaalala sa kanya?, sabi niya sa sarili. Matagal na silang di nagkikita ni
Victor. Nagtuloy si Flor sa salas. Sumakit na naman ang tiyan niya. Nagulat si Dolores nang
makita niyang gising na si Flor. Naramdaman ni Flor ang biglang panlalamig ng mukha ng
tumawag ng doktor si Dolores. Nagpunta na sila sa hospital. Iniwan nila si Boy sa isa nilang
mananahi. Tiningnan ng doktor ang lagay ni Flor. Nagpasalamat si Flor. Naglakad-lakad si
Flor, kasama niyang lagi si Dolores. Inihatid ng doktor at ni Dolores si Flor sa kanyang silid
upang magpahinga. Binuksan nila ang dyaryo. Si Dolores at si Flor ay hindi magkandatuto sa
nangyari tungkol kay Lukas. Nalaman nilang nasa North General si Lukas. Tinawagan ni
Dolores ang doktor. Tiningnan si Flor at sinabing "lalaki siguro". Noong mga sandaling iyon,
si Tonyo ay nakasakay sa kanyang bagong biling kotse upang pumunta kay Flor. Binilisan
niya ang takbo ng kotse. Masaya siya na ang dibdib ay puno ng katuwaan. Dinala na sa
delivery room si Flor at nasa kanyang isip si Tonyo. Sa labas ng delivery room, si Tonyo ay
nakaupong naghihintay. Alam niyang panatag ang kanyang isipan, sa kabila ng mga alon ng
pangamba at pananabik sa dibdib niya. Taimtim siyang sumambit, nanindig ang kanyang
mga balahibo sa bisig. Alam niyang ang sandali ng pagsisilang ay maaaring maging sandal rin

30
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

ng kamatayan. Naturok ng kanyang pagmamahal kay Flor na ang kakambal ng buhay ay


kamatayan.

†Kabanata 37
Ang katahimikan sa malinis na silid na kinaroroonan ni Flor ay puno ng malulusog na
uha. Nakangiti ang mga manggagamot at nars. Lalaki ang anak ni Flor. Pagkaraan ng ilang
minuto, si Tonyo ay naroon na sa harap ng nursery upang tingnan ang anak. Hindi naman
makakibo si Flor. Naalala lamang niyang tanungin ang pangalan ng bata. Mahigpit ang
paghahawakan ng dalawa. Umuwi si Tonyo na walang pangamba sa dibdib. Nagulat ang
kanyang maybahay nang makita siya. Sinabi ni Tonyo na galing siya sa hospital. Kinamusta
ng asawa niya si Flor kay Tonyo, pati ang anak nito. Niyakap ni Tonyo ang asawa bilang
pasasalamat at pagmamahal. Sinabi ng asawa ni Tonyo na nagkita na sila ni Flor at sinabi na
mahal niyang talaga si Tonyo. Nagulat si Flor nang makilala niya ang babaeng pumasok
nakasama ng manggagamot, ito ay si Chabeng, ang maybahay ni Tonyo, kinamusta niya
silang mag-ina, hindi akalain iyon ni Flor. Magaan na magaan ang loob ni Flor. Hindi niya
malubos maisip ang kapanatagan ng loob ng maybahay ni Tonyo. Mayamaya'y dumating si
Dolores kasama si Victor at Alma. Natulala si Victor kay Flor. Napansin ni Flor ang pagiliw na
nasa mata ni Alma para kay Victor. Ibinalita ni Flor ang nakitang mukha nila ni Lukas sa
dyaryo. Pagkagaling ni Victor at Alma sa hospital, namasyal silang dalawa, sakay sila ng kotse
na regalo ng ama ni Alma. Tinanong niya si Victor kung mahal siya o hindi.

†Kabanata 38
Hindi makasagot si Victor sa tanong na iyon ni Alma.Tinanong naman ni Victor kay Alma
kung ikararangal niya siya kung siya ang kapalaran ni Alma. Nang sumagot si Alma ng oo ay
iniba agad ni Victor ang usapan. Nagkibit-balikat si Victor. Parang hindi na niya matiis ang
pamumuno ng kanyang dibdib, pangamba at hinanakit ang siyang humahadlang sa kanyang
pagpapasya. Pinaandar ni Alma ang kotse, pabigla ito, bumababa na si Victor. Muling
nagsulat si Alma nang mga sandaling iyon sa kanyang talaarawan. Binabasa niya ulit ang
kanyang naisulat na. Kinausap ng kanyang ama si Alma sa kanyang kwarto tungkol sa taga
Tundong si Victor at sa pagtuturo nito. Naghihinanakit si Alma sa mga narinig niya sa
kanyang ama, naghihimagsik siya. Magdamag na hindi nakatulog si Alma, ibig niyang
magsulat, ngunit parang wala siyang maisulat. Hinayaan niyang dumaloy ang luha niya.
Kinabukasan sa eskwelahan, binati siya ni Victor ng magandang umaga, ngumiti naman si
Alma ngunit pilit iyon. Ipinadala ni Alma kay Victor ang gamit niya sa kanyang silid mas
mabigat iyon kaysa dati. Nabuksan ang gamit ni Alma, nakita ni Victor ang diary ni Alma,
nanggigigil siyang buklatin iyon. Tumingin-tingin si Victor sa paligid. Baka may makakita sa
kanya. Hinawakan niya ang talaarawan ni Alma at ang kanyang kamay ay nanginginig sa
kasalanang gagawin.

†Kabanata 39
Binuksan ni Victor ang talaarawan ni Alma. Tinunghan niya't sa isang iglap ay binasa't
isinaulo ang nakasulat sa dahong siya niyang nabuksan. Naging palaisipan kay Victor ang

31
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

talatang kanyang nabasa. Muntik na siyang mahulog sa hagdan. Nagmamadaling binasa ni


Victor ang iba pang talata. Ganoon nalamang ang kaba ng kanyang dibdib, para siyang may
natuklasang lihim. Nasigurado niya na kay Alma nga ang talaarawang kanyang nabasa.
Inangkin ni Victor ang karapatang bumasa ng talaarawan ni Alma. Nang isara nito ang
talaarawan, sa pakiwari niya'y nanggaling siya sa isang paglalakbay sa kung saang daigdig na
batbat ng buhay at pag-ibig. Tumunog na ang bell, nag ayos na si Victor. Hindi na dinatnan ni
Alma si Victor sa teacher's room. Dumating ang oras ng tanghalian, tulad ng dati sa
kapiterya ng eskwelahan sila kakain ni Alma. Nagtungo na sila sa library pagkatapos kumain.
Inalok ni Alma si Victor na kumain sa labas sa cafe indonesia sila nananghalian. Tamilmil ang
kain ni Alma. Tinanong ni Alma kung may nakita si Victor sa kanyang bag. Sinabi ni Victor na
patapusin muna siyang kumain. Lumabas sa restawran si Alma, naiwan si Victor. Pagbalik ni
Alma dala nito ang talaarawan. Naupo uli si Alma sa kanilang mesa sa sulok. Sinabi ni Victor
na nakita niya ang talaarawang iyon. Tinanong ni Alma kung binasa ni Victor ang
talaarawang kanyang dala dala.

†Kabanata 40
Inilapag ni Alma ang talaarawan sa mesa. Sinabi ni Victor na hindi naman niya binasa ang
nasa loob niyon. Muling tinanong ni Alma kung binasa ang diary niya. Napakagat labi si
Alma, nagpupuyos ang kalooban nito. Hindi niya malaman kung nabasa ni Victor ang
kanyang talaarawan. Inalok ni Alma kay Victor kung gusto niyang basahin ang diary niya.
Umiling si Victor. At pagkatapos nga ng klase nila sa hapon, namasyal sina Victor at Alma.
Nais ni Alma na malibot ang buong Tundo at ginawa nga nila iyon mula sa Manuguit
hanggang Solis. Nagtuloy sila sa kalye Dagupan, umikot sa Moriones, tumawid patungong
North Harbor at Asuncion Extension, nagbalik sila sa simbahanng Tundo. Pinasyalan nila
Alma at Victor ang mga tanawin ng kanyang kabataan. Nadatnan nila ang isang matandang
babae. Madali ng nakatagpo ng miting si Victor at si Alma. Napakinggan nila ang talumpati ni
Paking. Naroon ang pangakong pagpapatayo ng marami pang eskwelahan. Muling tinanong
ni Alma kay Victor kung nabasa niya ang kanyang diary at muli din niyang inalok na ipabasa.
Hindi tinanggap ni Victor ang talaarawang inaabot sa kanya ni Alma. Nagpasalamat si Victor
kay Alma.

†Kabanata 41
Pinatakbong mabilis ni Alma ang kanyang kotse. Nasa isip niya si Victor. Inis na inis,
suyang suya't galit na galit siya. Hindi niya iniisip kung saan ang punta niya. Kaya lamang
napansin ni Alma na siya'y lumuluha ay nang biglang lumabo ang salamin sa kanyang
harapan. Umuwi siyang sakbibi ng masidhing lumbay at pangungulila. Ang dinatnan niya sa
bahay ay ang kanyang mommy at si Minnie. Pinabasa ni Alma kay Minnie ang kanyang
talarawan. Ipinagtapat ni Alma kung anong nangyari nang araw na iyon. Ang mga
sumusunod na araw ay pagbibigay ng eksamen sa mga bata. Isang hapon ay inanyayahan ni
Alma si Victor. Inihinto ni Alma ang kotse sa malapit sa cafe indonesia. Nagtungo sa
paboritong kainan. Hanggang sa maka order na ng sanwits at kape si Alma ay wala pa ring
kibo si Victor. Nakatapos na silang magmirinal. Nagyayang maglakad si Alma sa tabi ng

32
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

dagat, tumahimik si Alma. Alam niyang nagdaramdam si Alma. Mahal niya si Alma. At alam
niya ag hinihintay ni Alma. Iyon ang nasa isip ni Victor nang pumihit siya. Sa pagpihit niyang
iyon, nasanggi niya ang kamay ni Alma. Tapos ay hawak na ni Victor ang kamay ni Alma.

†Kabanata 42
Tinugon ni Alma ang pagpisil sa kanyang kamay ni Victor. Waring sa pagsasagutang iyon
ng kanilang mga kamay upang ang pananabik ng isa sa isa ay maipagtapat at maipaunawa.
Nagpatuloy sila sa ganoong paglalakad. Hindi napaghusto ni Alma sa kamay ni Victor, noong
gabing iyon ay dadalaw si Paking. Nakarating sila sa Tundo. At habang patungo sila sa
kalyeng bababaan ni Victor, isinalaysay niya ang ilang tagpong natatandaan niya sa ganito't
ganoong pook. Ibinaba ni Alma si Victor sa labasan. Nakita ni Victor si Pasing, ang weytres na
nililigawan ng kanyang matandang kapatid na si Lukas. Tinanaw ni Victor ang kotse ni Alma
hanggang lumiko ito sa bago umakyat ng tulay ng pritil patungo sa tayuman. Nagdaan muna
si Victor sa restawran sa kanto upang bumili ng sigarilyo. Lumapit si Pasing, ang weytres.
Nagtuloy na sa Looban si Victor. Mapupuyat siya ngayong gabi. Ngunit hindi marahil daw
sacaucus. Nasa isip niya si Alma, at ang pangako niyang dadalaw siya sa darating na sabado
sa bahay nito.

†Kabanata 43
Ang nakatatandang kapatid ni Victor na si Lukas at kinukumpanya ang kandidatong si
Paking. Nagkaroon ng pagpupulong o caucus sa Tundo at tinalakay ni Paking ang kalinisan ng
Tundo bilang isa sa kanyang mga proyekto kapag siya'y nanalo. Sa pinsalang nadulot ni Lukas
ay aaregluhin yun ng pinaka pinuno ng pangkat na nagtulung-tulong kay lukad. Hindi
maunawaan ni Victor na nasisilaw sa pera ang kanyang kapatid na si Lukas.

†Kabanata 44
Napag-usapan ni Alma at Victor ang tungkol kay Lukas at napag-usapan din nila ang
tungkol sa kanilang dalawa. Sinabi ni Victor ang malaking hadlang sa kanilang dalawa. Sinabi
niya namalaking-malaki agwat ng mahirap at mayaman dito sa ating bayan.

†Kabanata 45
Isang sabado ng hapon, tulad ng ipinangako ni Victor ay dapat papunta siya sa tahanan
ni Alma ngunit may nagbalita sa kanya na nakaengkwentro ni Lukas ang mga bata ni reyes,
ang kalaban ni Paking sa pulitika, si at Chabeng naman ay nag-uusap tungkol kay Flor. Si Flor
at Dolores naman ay nag uusap naman tungkol sa kanilang kasalukuyang buhay bilang ina.
Dala ni Dolores ang kanyang anak na si boy. Napag-usapan din nila si Tonyo. Naalala ni Flor
ang mga ala-ala nila ni Victor noon.

33
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

†Kabanata 46
Nakabihis na si Misis Fuertes. May pulong ang organisasyon ng kababaihang kanyang
kinabibilangan. Wala pa si Victor. Naalala ni Mister Fuertes ang kanilang paghaharap ni
Alma: ang pagtatapat ni Alma tungkol sa nalalaman nito kay dolores. At noong banggitin
niya sa kanyang anak ang tungkol sa sasabihin ng mga kaibigan nila kung malaman ng mga
ito na siya, ay may pagtatangi. Tumayo si Mr. Fuertes. Binuksan niya ang ilaw sa kanilang
malaking silid. Hindi niya napansin ang pagdatal ng dilim. Pupuntahan na sana ni mr. Fuertes
si Alma sa kanyang silid nang marinig niya ang paghinto ng isang taksing parang
nagmamadali sa harapan ng kanilang bahay. Nang inakala niAlma na hindi na makakarating
si Victor ay bigla namang nagdoorbell si Victor at pagkatapos ay binalita na kay Alma ang
nangyari sa kapatid. Ipinakilala ni Alma si Victor sa kanyang ama at sinabing sila ay engaged
na.

†Kabanata 47
Natuwa ang ama ni Alma at kaagad tinanong kung kailan na magiging maluwag, ang
pagtanggap ng kanyang ama kay Victor, kahit ito'y mahirap lamang. Nang mga sandaling
iyon, si Chabeng at ay binisita naman si Flor. Nagpasiya si Flor na putulin na ang pagsasama
nila ni at sinabing nais si anton (ang kanilang anak) ang una't huling bunga ng kanilang
pagsasama

†Kabanata 48
Nais lamang ni Alma na magkaroon ng isang simpleng kasal seremonya nila ni Victor. Si
aling Sion ay binigyan sina Alma at Victor ng kanyang naipon na pera para sa pagsisimula ng
mag-asawa. Si Lukas naman ay niregaluhan sila ng apartment at binayaran ang isang taong
renta nila. At si Alma at si Victor ay nagpakasal at nangakong magsasama sa hirap
at ginhawa. "Ang langit ko'y ikaw; ikaw ang langit ng aking bagong daigdig, daigdig na nasa
Tundo, nasa iyo."

34
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Occidental Mindoro
__________________________________________________________________________________

 BIBLIOGRAPIYA

35

You might also like