Professional Documents
Culture Documents
Ang Nobela
Ang Nobela
Kahulugan
Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi
sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -
isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela.
Elemento
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda
sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa
nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayarihan
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Nobela
1. Sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay hindi pinagagalaw ng
may-akda. Sila’y gumagalaw ng kusa–lumuluha, nalulugod, nagtataksil,
nagtatapat, nang-aapi, tumatangkilik- alinsunod sa angkin nilang lakas, mga
hangarin, at mga nakapaligid sa kanila. Ang mga kilos nila’y siyang mga kilos
na hinihingi ng katutubo nilang ugali at ng mga pangyayaring inilalarawan ng
kumatha.
2. Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela ay dapat
sumunod sa masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela’y may
pauna, na tumutugon sa mga katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan?
Sa pagsusuri ng mga akda tulad ng nobela, isang mahalagang pamaraan ang
paglalapat ng mga pananaw. Ang teoryang humanismo ay itinatanghal ang
buhay,dignidad, halaga, at karanasan ng bawat nilalang maging ang karapatan at
tungkulin ng sinuman para linangin at paunlarin ang sariling talino at talento.
Pinaniniwalaan ng humanismo na ang tao ay isang rasyonal na nilikha
na may kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa madaling salita, ang
humanismo ay naniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay, ang siyang
pinanggagalingan ng lahat. Mainam tingnan sa sumusunod ang pagsusuri ng panitikan:
a. pagkatao
b. tema ng akda
c. mga pagpapahalagang pantao
d. mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pagkatao ng tauhan
e. pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema