Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

OCTOBER 19, 2008

Desiderata

Humayo kang mahinahon sa gitna ng ingay at pagdudumali, at tandaang


may kapayapaan sa katahimikan. Hangga’t maari, bagama’t hindi
sumusuko. Magkaroon ng mabuting pakikitungo sa lahat ng mga tao.
Sabihin ang katotohanan nang tahimik at malinaw; at pakinggan ang
kapwa tao, kahit na yaong mahina ang isip at mangmang; sila’y mayroon
din namang maisasalaysay.

Iwasan ang mga taong maiingay at mapanlaban, sila ay nakasisira ng


kasiglahan ng diwa. Kapag ihahambing mo ang iyong sarili sa iba ikaw ay
magiging palalo at makaramdam ng kagipitan, sapagka’t walang salang
may mga nilalang na higit na mapalad kaysa sa iyo at mayroon ding lalong
kulangpalad. Matuwa ka sa iyong mga tagumpay at sa iyong mga
binabalak.

Laging magkaroon ng malasakit sa iyong tungkulin, maging ito man ay


hamak, ito’y isang tunay na ari-arian na nagbabagong kapalarang dulot ng
panahon. Maging maingat sa pakikipagkalakaran, sapagkat ang mundo’y
tigib ng panlilinlang. Ngunit huwag maging bulag sa mga kabutihan;
maraming taong may marangal na mithiin at saan man ang buhay ay puno
ng kabayanihan.

Maging matapat sa sarili. Higit pa rito, huwag mag-balatkayo sa


pagmamahal. Huwag ding maging mapag-alinlangan sa pag-ibig; sapagkat
sa kabila ng mga kawalang-sigla at kabiguan, manatili pa rin ito tulad ng
damo. Pakingan ang payo ng nakatatanda, maluwag sa loob na isuko ang
silakbo ng kabataan.

Luminang ng lakas ng loob na magiging pananggalang mo sa mga


diinaasahang hilahil. Ngunit huwag magkimkim ng ligalig sa iyong guni-
guni. Maraming pangamba ang bunga lamang ng kapaguran at
pamamanglaw. Sa ibabaw ng sapat n pagtitimpi, maging mabait. Ikaw ay
supling ng sansinukob, gaya rin ng mga punongkahoy at mga bituin; may
karapatan ka sa daigdig.

Maging malinaw man o hindi sa iyo, tiyak na ang daigdig ay


mamumukadkad sa iyo tulad ng inaasahan. Kaya mabuhay ng payapa ayon
sa kalooban ng Diyos anuman ang pagkikilala mo sa Kanya, anuman ang
iyong mga pagsisikap at mithiin, sa nakalilitong kaguluhan sa buhay,
PAIRALIN ANG KAPAYAPAAN SA IYONG KALULUWA. Sa kabila ng mga
pagkukunwari, kabagutan at mga bigong panagarap, maganda pa rin ang
daigdig. Magpakaingat. Sikaping maging maligaya.

Salin ni F.Q. Inovero

(Natuklasan sa lumang simbahan ng San Pablo, Baltimore, U.S.A. 1692).

You might also like