Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Simula’t sapul alam natin na mahalaga ang pilosopiya sapagkat ito ang paraan ng tao upang

masagot ang mga tanong at maisagawa ang pag-uusisa na hinahangad. Ngunit ano nga ba talaga
ang malalim na kahulugan sa likod ng pamimilosopiya ayon kay Roque Ferriols?

Ang pilosopiya ay binigyan niya ng introduksiyon upang lubos maunawaan ng mga


mambabasa ang kahalagahan at mga malalim na katangian ng pag-iisip. Ayon sa kanya,
napakaraming paraan upang masagot ang mga katanungan. At sa bawat pagsubok natin na
pagsagot, tayo ay may tinatahak na landas. Kaya naman sinasabi ng iba na ang pamimilosopiya ay
ginagawa at hindi basta lamang iniisip. Ibig sabihin, sa bawat landas na ating tinatahak, tayo ay
may ginagawa kaya tayo ay may natutunan. Halimbawa, tayo ay natututong maglaba kapag tayo
ay naglalaba. Tayo ay matututo lamang magluto kung susubukan lamang natin na magluto mismo.

Sunod na ipinakilala ang konsepto ng pamimilosopiya nang may kasama. Hindi natin lubos
na magagawa ang pamimilosopiya kung hindi dahil sa tulong ng iba. Aking nabatid na ang
pakikipag-kaibigan ay paraan din ng pagbabahagi ng kaaalaman o karanasan sa landas na
tinatahak. Sa paraang ito, tayo ay mas natuto at lumalawak ang ating pag-unawa, na isang
katangian na napakahalaga sa pilosopiya.

Kagaya ng nabanggit kanina, ang pamimilosopiya ay pagtahak sa landas. Ito ay isang


paglalakbay patungo sa katotohanan. Tayo ay may tinatahak upang may mahanap at malaman.
Hinahanap ng tao ang katotohanan na siyang magbibigay ng saysay sa paglalakbay. At sa
paglalakbay na ito, hindi mawawala ang mga patakaran na dapat sundin upang hindi maligaw ng
landas. Ang mga patakarang pilosopikal na ito ang tinalakay sa papel.

Una ay ang paggamit ng wika. Ang wika ay ang instrumento na ginagamit sa


pamimilosopiya. Napakahalaga nito sapagkat dito nakasalalay ang pag-unawa, kung
magkakaintindihan ba ang nag-uusap at magsasalubong sila sa katotohanan. Ang likas na wika ay
marapat na gamitin sapagkat kaakibat nito ang konsepto ng sariling atin at pag-unawa na likas sa
atin. Ang mahalaga ay may wika na pinagsasalubungan at nagkakatagpo dito ang nag-uusap
kasabay ang katotohanan. Aking nabatid na kapag hindi nauunawaan ang sinabi, maituturing na
rin na wala talagang sinabi. Ngunit, hindi maaari na lahat ng konsepto ay sabihin. Sa paggamit ng
wika, laging mayroong sinasabi at hindi sinasabi. Bakit? Sapagkat ang mga hindi sinasabi ang susi
upang makalikha ng wika at mapagyaman pa ito.
Ang katotohanan ay hinahanap. Ang namimilosopiya ay laging naghahanap ng
katotohanan. Sa karansanan ng tao nagsisimula ang pamimilosopiya dahil ang karanasan ang ugat
ng pag-hahanap sa karunungan, at ito ang maghahatid sa pag-unawa.

Pangalawa ay ang metapisikang pagmumuni. Ang pag-unawa ay laging may kulang.


Laging may hinahanap na kulang. Hindi katulad ng scientia na kung saan ay may sagot, ang
pilosopiya ay laging hinahanapan ng sagot. Sa bawat paghanap ng sagot, tayo ay may nauunawaan
at hindi nauunawaan o mayroong kulang. Ito rin ang dahilan kung bakit mapagkumbaba ang
pamimilosopiya. Laging limitado ang ating pag-alam at pag-unawa. Alam dapat natin na hindi
lahat ay kayang hanapin at alamin sapagkat laging may kulang.

Ang konsepto ay labi ng pagbigkas sa meron. Tayo dapat ay may sariling pag-unawa sa
meron. Mahalaga na mabakas natin ang meron sapagkat dito manggagaling ang paggawa at pag-
unawa. Sa landas na ating tinatahak, lubos nating nauunawaan at nakikilala ang meron. Sa simula,
alam natin na meron. Meron nito ngunit dahil may kulang at tayo ay nagnanais hanapin ang
katotohanan, tayo ay magkakaroon ng tanong sa sarili na “meron nga nito ngunit ano nga ba ito?”
Kaya naman sa pagtahak sa landas, unti-unting naliliwanagan kung ano nga ba ang meron. Ngunit
dahil walang hanggan ang pamimilosopiya, walang katapusan din ang pag-unawa sa meron.

Pangatlo ang pagkagat sa meron. Habang tayo ay tumatahak ng landas patungo sa pagsagot
sa meron, tayo ay may nauunawaan na atidud. Ito ang pagpapaka-alisto at pag-aabang sa malaman
at siksik na meron. Ang atitud na ito ay pagpapalawak sa kaalaman at perspektibo. Nabanggit
kanina na ang pag-unawa ay limitado. Ito mismo ang dahilan kung bakit ang namimilosopiya ay
nakakagat lamang sa meron. Hindi nauunawaan nang buo ang meron. Tayo ay limitado sa
pagtuklas dito. Dito, nauunawaan natin ang nais ng taong lunukin ng buo ang meron kahit na
limitado at kulang ito. Ito ay nagmula sa kagustuhan ng damdamin na pagmasadan ang nasisilip
na totoo upang lubos na makita nang buo ang katotohanan.

Ang huli ay ang mismong meron kung saan tinatahahak natin ang talagang totoo. Ito ang
akto ng pagka-talagang-totoo na kung saan walang limitasyon. Ito ay maaring lusubin ng anumang
baytang, mababa man o mataas. An Mismong Meron at Meron na Meron ay ang patuloy na pag-
abang sa meron at patuloy na pagtahak sa landas ng katotohanan.

You might also like