Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Karanasan ng mga Mag-aaral Mula sa Piling Pangkat ng STEM ng FEU HS na Nagmula

sa Pampublikong Paaralan sa Taong 2016-2017

Isinumite sa Departamento ng
Science, Technology, Engineering at Mathematics
Bilang bahaging pangangailangan sa
Asignaturang Pagbasa at Pagsulat

Isinumite nina
Kyla Stephanie A. Ciocson
Mira Inah N. Caballero
Pauline Joy C. Mayuga
Vanessa A. Vicente
Lhalane Joan M. Roque
Carmel Rose D. Fernandez

Isinumite kay
G. Gian Alcantara

2017
INTRODUKSYON
Itinuturing ang edukasyon bilang isa sa kayamanang hindi mananakaw nang
ninoman. Ito ang yugto kung saan natuto ang isang tao at nasasagot ang mga katanungang
mayroon sa kanyang isipan. Hindi maitatanggi na napakapalad ng isang taong
nakatatanggap ng nararapat na pagkatuto at kaalaman. Kung kaya’t mayroong mga
paaralan na siyang kabiyak ng tahanan sa paghulma ng kaisipan ng isang taong may mga
bagay pang tanging pag-aaral ang siyang makasasagot. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may
pagitan pa rin na siyang naghahati o nagbibigay ng pagkakaiba sa edukasyong natatanggap
ng bawat isa.
Ito ay ang pagkakaroon ng mga pribado at publikong paaralan. Sinasabing
napakalaki ng pagkakaiba ng pribado sa pampublikong paaralan. Sa katunayan, binigyan
ito ng kahulugan ng “Sa Aking Wika” (OCASI 2015) na pahina sa internet at ayon dito, ang
paaralang pribado ay tinatawag na independenteng paaralan sapagkat sila ay maaaring
itinayo ng pribadong sektor at hindi nakatatanggap ng pondo mula sa pamahalaan. Ang
mga estudyante dito ay kinakailangang magbayad ng matrikula para makapasok at
karaniwang nakapokus ang pinag-aaralan sa relihiyon, kultura, wika, o partikular na mga
pamamaraan ng pagtuturo. At mula sa tala ng ABS-CBN - News and Current Affairs (2015),
tinatayang nasa 2.9 milyon ang bilang ng mag-aaral sa Pilipinas na nasa ilalim ng pribadong
institusyon. Samantala, ayon naman sa Philippine Star (Carlos,2013), ang pampublikong
paaralan ay ipinagawa ng gobyerno upang mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral ang
isang taong walang kakayahang makabayad ng malaking salapi para sa pag-aaral. Ang mga
pinag-aaralan dito ay naaayon sa modyul na mula sa kagawaran ng edukasyon na nasa
ilalim ng pamahalaan.
Mapapansing higit na angat ang bilang ng mag-aaral sa Pilipinas ang nag-aaral sa
pampublikong paaralan sapagkat ayon sa pinagkunan ng unang estatistika, mahigit 21
milyon ang mag-aaral ang nasa ilalim ng institusyong ito. Hindi maipagkakaila na iba’t-iba
ang konsepsyon ng mga tao pagdating sa isang mag-aaral na nag-aaral sa pribadong
paaralan at nag-aaral sa pampublikong paaralan. May mga umaangat sa kanilang paningin
at kung paminsan ay nasa ibaba. Ngunit alinsunod sa pagpapatupad ng programang K-12
ng dating Pangulong Benigno Aquino, partikular sa tinatawag na voucher program,
nabigyan ang bawat isa ng pagkakataon na makapag-aral sa pampribadong paaralan. Ayon
nga sa artikulong Rappler (Geronimo,2016), tumaas ang bahagdan ng mga mag-aaral na
nag-aral sa pribadong paaralan. 33% ng mag-aaral nang Grade 11 ang tinatayang nag-aral
sa pribadong paaralan na binubuo ng mahigit 300,000 na estudyante. Sinasabing ang
voucher program na nagkakahalagang P22,000 ang nag-udyok sa mga ito upang makaranas
sila na makapag-aral sa mga independenteng paaralan at unibersidad. Kalakip ng
pagkakataong ito ang napakaraming pagbabagong kinaharap at patuloy na kinakaharap ng
mga mag-aaral. Mga bagong kamag-aral, bagong kaguruan at bagong kapaligiran ang ilan
lamang sa posibleng pagbabago na maari nilang kaharapin sa paglipat dito.
Pakikisalamuha at pakikibagay ang kakabit nang pagpapasyang lumipat sa
pribadong institusyon ng mga mag-aaral na nagmula sa pampublikong paaralan. Kasama na
rin nito ang positibo at negatibong maaring maranasan ng mga mag-aral. Positibo sapagkat
dito matuto ang mag-aaral na tumayo sa kanyang sariling paa, nagkakaroon ng mga
panibagong karanasan at mas magiging kapaki-pakinabang ang edukasyong kanyang
matatamasa. Samantalang, negatibo naman sapagkat kasabay ng pakikisama nila sa mga
bagong mag-aaral, ang karanasan ng pangungutya, panlalait at iba pang uri ng pam-
“bubully” ng mga kamag-aral nilang matagal nang nag-aaral sa pribadong paaralan. At ito
ang nagtulak sa mga mananaliksik upang isagawa ang pananaliksik na ito.
Sa pamamagitan ng pag-alam ng mga karanasan ng mag-aaral ng FEU High School
na nagmula pampublikong paaralan, maaring mabigyang batid ang ilan sa mga katanungan
tulad ng: Bakit iba ang pakikitungo ng mag-aaral na mula sa pribadong paaralan sa mag-
aaral na mula publikong paaralan na kung tutuusin ay pareho lamang silang nag-aaral? Ano
ang nag-uudyok sa mag-aaral ng pribadong paaralan na maliitin ang maga-aral na mula sa
pampublikong paaralan? Ano ang pamantayan ng mag-aaral ng pribadong paaralan upang
matawag na kabilang nila ang mag-aaral ng pampublikong paaralan? Sa kabila naman mga
katanungang ito ay ang pagnanais ng mananaliksik na makapaglahad ng ideya o kaalaman
na tutulong sa mga mag-aaral ng FEU High School, partikular sa mga mag-aaral na nagmula
sa pampublikong institusyon na piniling mag-aral sa pribadong pamantasan, sa kanilang
pakikisama dito.
Kasama na rin dito ang benepisyo na maaraing matanggap ng paaralang FEU at mga
guro sa paraang pagkakaroon ng kamalayan at pagbuo ng mga hakbang at batayan para
maiwasan ang ganitong sitwasyon. Gayundin, naglalayon din ang pananaliksik na ito na
makapag-ambag ng dagdag na kaalaman sa papel na isasagawa ng mga susunod na
mananaliksik na kung saan ang paksa ay maaring may kaugnayan dito.

MGA LAYUNIN

Ang mga mananaliksik ay naglalayong makakuha ng mga pahayag o impormasyon


mula sa mga mag - aaral na nagmula sa pampublikong paaralan na lumipat sa mataas na
paaralan ng Far Eastern University. Sa paraan o sa pamamagitan nang interbyu, nais
malaman ng mga mananaliksik ang sagot sa mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang mga maaaring dahilan nang paglipat ng isang mag - aaral na nagmula sa
pampublikong paaralan sa isang mataas na pamantasan o paaralan?
2. Ano ang kaibahan ng isang pampublikong paaralan sa isang mataas na
pamantasan?
3. Anu - ano ang mga magaganda at hindi magagandang nararanasan ng isang
lumipat na mag - aaral?
4. Ano ang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga bago nilang mga kamag - aral
sa mataas na pamantasan?

METODOLOHIYA
Nais ng mga mananaliksik na malaman ang karanasan ng mga mag-aaral mula sa
piling pangkat ng STEM ng FEU HS. Pangalawa, upang malaman ang dahilan nang paglipat
ng isang mag-aral na nagmula sa pampublikong paaralan sa isang mataas na pamantasan
or paaralan. Pangatlo, upang malaman ang pagkakaiba ng pampublikong paaralan sa
pribadong paaralan. Upang malaman ang mga magaganda at hindi magagandang
nararanasan ng isang lumipat na mag-aaral. At pang-huli, upang malaman ang karanasan sa
pakikisalamuha sa mga bago nilang mga kamag-aral sa mataas na pamantasa. Malalaman
ang mga kasagutan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng interbyu sa mga FEU Senior High
na mag-aaral na may limit na sampung sekyon lamang mula sa STEM at isang mag-aaral
lamang kada sekyon.
Inaasahan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na maibahagi ang mga
impormasyon tungkol sa mga mag-aaral na nagmula sa pampublikong paaralan na lumipat
sa pribadong paaralan. Ang kanilang mga pagsasaayos upang maki-ayon sa mga matatagal
ng mag-aaral na nag-aaral sa pribadong paaralan. Inaasahang matatapos ang pananaliksik
na ito sa taong 2017 ng Marso.

INAASAHANG BUNGA
Inaasahan ng mga mananaliksik na maging isang matagumpay na pananaliksik ang
maihandog sa mga mag-aaral, mga guro at mga taong maaaring maging bahagi o kabilang
sa isang pagsusuri na katulad na lamang nito. Ilan sa mga inaasahang bunga ng mga
mananaliksik ay, kung ano ang mga nararanasan ng mga mag-aaral na nagmula sa
pampublikong paaralan na lumipat sa pambribadong antas ng paaralan. Ang mga positibo
at negatibong karanasan na kakaharapin ng isang mag-aaral, hindi lahat ng mag-aaral ay
tinatanggap ng agaran at lubos ang mga bagong salta sa kanilang teritoryo kung tatawagin
at, hindi lahat ng nang-galing sa pampublikong paaralan ay nahihirapan sa nangyaring
pagbabagong nararanasan sa kanilang kapaligiran. Ang mga makikinabang sa ginawang
pananaliksik ay mga mag-aaral, mga magulang, mga guro at mga taong nais malaman o
maging bahagi ng ginawang pananaliksik. Sapagkat, mabibigyan kaalaman ang mga
mambabasa tungkol sa mga nararanasan ng mga estudyanteng nagmula sa pampublikong
paaralan na lumipat sa pambribadong antas ng paaralan. Sa pananaliksik na ito, hindi lang
ang mga kabataan o mga mag-aaral ang mamumulat sa katotohanan at reyalidad ng buhay
kundi ang lahat. Hindi nararapat tignan o sukatin ang estado ng buhay ng isang tao upang
maging katanggap-tanggap sila sa lipunang kanilang papasukan.

You might also like