Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bakit Tayo Naglalagay ng mga

Bulaklak sa Puntod ?
Noong araw ay may isang prinsesang anak ng Datu na ang pangalan ay
Aniway.Maganda si Aniway at ubod pa ng bait kaya naman mahal siya ng
lahat ng mga nasasakupan ng kanyang amang datu.

Mahilig si Aniway sa mga bulaklak .Kaya naman ang paligid ng bahay na


kanyang tinitirahhan ay natatamnan ng iba’t ibang halamang
namumulaklak .Siya ang nagtanim ng lahat ng mga halamang iyon na
buong pagmamahal niyang inaalagaan sa tulong ng kanyang matapat na
dama na si Libay .Kaya naman ang mga lalaking nanliligaw sa kanya na
karamihan ay mga prinsipe buhat sa iba’t ibang tribo ay pawang mga
bulaklak o mga halamang namumulaklak ang palaging handog sa kanya sa
tuwing papanhik ng ligaw ang mga ito.

Dahil matulungin, pati ang mga bulaklak sa kanyang hardin ay binibigay


nya sa mga nangangailangan upang maipagbili at maging kabuhayan ng
mga ito.

Isang araw ay dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman ang mabait na


prinsesa. Agad na ipinatawag ng kanyang amang datu ang
pinakamagagaling na manggagamot sa buong nasasakupan nito ngunit
walang makapagsabi kung ano ang sakit ng prinsesa. Wala ring maipayong
gamot kaya lumubha ang kalagayan niya. Nang madama niyang malapit na
siyang mamatay ay pinatawag niya si Prinsipe Adi na kanyang kasintahan.
May dala itong magagandang bulaklak nang dumating.

“Mahal kong Prinsipe Adi, gusto kong ipangako mo sa akin na kapag ako’y
namatay ay palagi mong dadalhan ng magandang bulaklak ang aking
puntod. Sa gayon ay maging maligaya na ako saan man ako naroroon,”
habilin ng prinsesa. Nangako naman si Prinsipe Adi at noon din ay
sumakabilang-buhay si Prinsesa Aniway. Nang ilibing si Prinsesa Aniway ay
dumagsa ang bulaklak sa kanyang puntod. Si Prinsipe Adi ay tumupad
naman sa kanyang pangako na palaging dadalhan ng mga bulaklak ang
puntod ng mahal na prinsesa. Naniniwala siyang tulad ng sabi ni Prinsesa
Aniway bago ito nalagutan ng hininga na magiging maligaya ito saan man
naroroon basta dadalhan lamang ng bulaklak ang puntod nito. Ang mga
nakakita naman sa ginawa ni Prinsipe Adi ay gumaya sa kanya. Naglagay
din ng mga bulaklak sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Mula
noon ay nakagawian na ng mga namamatayan na maglagay ng mga
bulaklak sa puntod kapag dumadalaw sila sa libingan.

Martine Andrei Sabando Grade 8- Cassiopeia

You might also like