Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SJNHS – Manguino-o Campus

Unang Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan 7

Pangalan: _________________________ Marka:______

I. Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag/katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pangkat etnolinggwistiko ang matatagpuan sa Hilagang asya?


a. Manchu b. Ngalops c. Balinese d. Tajik
2. Ang mga sumusunod ay mga bansa na nabibilang sa Timog Silangang Asya maliban sa
a. Thailand b. China c. Laos d. Singapore
3. Ito ay tumutukoy sa wikang Russian na nangangahulugang “Treeless Mountain Tract”
a. Tundra b. Taiga c. Oasis d. Savanna
4. Sa anong rehiyon matatagpuan ang ilog Huang Ho at Yangtze?
a. Kanlurang Asya b. Timog Asya c. Hilagang Asya d. Silangang Asya
5. Ano ang pangunahing pangkat etnolinggwistiko sa Kanlurang Asya?
a. Arab b. Ngalop c. Tajik d. Japanese
6. Sa anong rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Vietnam?
a. Timog silangang Asya c. Hilagang Asya
b. Timog Asya d. Silangang Asya
7. Ang rehiyon na kilala na Muslim World at kilalang Arid Asia ay ang_____________.
a. Timog Asya b. Kanlurang Asya c. Hilagang Asya d. Silangang Asya
8. Ang sumusunod na bansa ay kabilang sa Silangang Asya, maliban sa
a. Taiwan b. China c. Japan d. India
9. Ang Mt. Everest, Mt. K2, at Mt. Kanchenjunga ay mga halimbawa ng anong anyong lupa?
a. Talampas b. Bulkan c. Bundok d. Pulo
10. Alin sa mga sumusunod ang tangway na pinalilibutan ng Red Sea, Arabian sea, at Persian Gulf?
a. Singapore b. India c. Korea d. Arabia
11. Ito ay tumutukoy sa mga kagubatan, mineral, at lupang taniman.
a. Yamang tao b. Likas na yaman c. Yamang Lupa d. Yamang agrikultura
12. Bakit kadalasang tinatawag ang Timog Asya bilang “Land of Mysticism”?
a. Dahil malawak ang nasasakupan nito
b. Dahil sa mistikong pamumuhay ng taga Timog Asya
c. Dahil sa dami ng mistiryong naganap
d. lahat ng nabanggit
13. Ang mga sumusunod ay mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng lahat ng mga bansa sa buong
daigdig maliban sa
a. Red tide b. Polusyon sa hangin c. Polusyon sa Tubig d. Pagkawala ng Biodiversity
14. Anong uri ng vegetation cover sa disyerto na may matabang lupa, tubig at halaman?
a. Savanna b. Taiga c. Oasis d. Tundra
15. Anong katangiang pisikal ang pinag-uusapan kapag laki ng isang kontinente?
a. Kinaroroonan b. Klima c. Sukat d. Hugis
16. Ano ang tawag sa pagkaubos at pagkawala ng mga punong kahoy sa mga kagubatan na naging sanhi
sa suliraning pangkapaligiran?
a. Desertification c. Siltation
b. Deforestation d. Salinization
17. Ang mga sumusunod ay mga bansa sa Hilagang Asya na may produksiyon na ginto maliban sa
a. Kyrgyztan b. Uzbekistan c. Kazakhstan d. Saudi Arabia
18. Ano ang pangunahing produkto ng Pilipinas batay sa Likas na Yaman?
a. langis at petrolyo c. produksiyon ng langis niyog at kopra
b. ginto d. metal/steel
19. Bakit mahalaga ang wika sa mga grupo ng etnolinggwistiko?
a. Upang magkaroon ng pagkakaintindihan
b. Upang maging batayan sa paghubog ng kanilang kultura
c. Upang magsilbing pagkakakilanlan ng mga grupo
d. lahat ay tama
20. Ano ang dalawang batayan sa paghahati ng grupong etnolinggwistiko?
a. Etnisidad at pamahalaan c. Relihiyon at lahi
b. Etnisidad at wika d. Wika at kaugalian
21. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba”t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan
nito. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
a. Etniko b. Nomad c. Katutubo d. Etnolinggwistiko
22. Alin sa sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon
b. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
c. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
d. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na lugar
23. Alin ang hindi kasama sa mga etnisidad na makikita sa Kanlurang Asya?
a. Eskimo b. Turk c. Persian d. Arab
24. Ang mga sumusunod ay mga pangkat etnolinggwistiko ng Timog Silangang Asya maliban sa
a. Afghan b. Javanese c. Ngalops d. Sudanese
25. Ano ang pangunahing grupo ng etnolinggwistiko sa Indonesia?
a. Balinese b. Chinese c. Javanese d. Sudanese
26. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing suliraning pangkapaligiran bunsod ng urbanisasyon maliban sa:
a. Pagkasira ng lupa c. Polusyon sa hangin
b.Salinization d. Polusyon sa ingay
27. Bakit ikinatigorya ang Kanlurang Asya bilang Arid Asia?
a. Dahil sa mayaman sa langis ang Kanlurang Asya
b. Dahil sa mga umuunlad na bansa sa nasabing rehiyon
c. Dahil sa bahaging ito matatagpuan ang malawak na disyerto at tuyong lugar
d. Wala sa nabanggit
28. Ano ang pangunahing suliraning pangkapaligiran sa mga bansang Jordan, Iraq,Lebanon, at Syria?
a. Pagkawasak ng kagubatan c. Desertification
b. Land Conversion d. Malaking Populasyon
29. Ano sa palagay mo ang mga dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity?
I. Patuloy na pagtaas ng populasyon III. Nagdudulot ng stress at pagkabingi
II. Pagkasira ng kagubatan IV. Polusyon sa kapaligiran
a. I,II, at III b. IV, III, at I c. II, III, at IV d. I, II, at IV
30. Anong uri ng vegetation Cover sa Asya na ang lupaing may damuhang matataas na malalalim ang ugat o
deeply-rooted tall grasses na karaniwang matatagpuan sa Russia at Manchuria?
a. Steppe b. Taiga c. Savanna d. Prairie
31. Anong rehiyon sa Asya na ang klimang halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical.
Nakararanas ang mga ito ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
a. Timog-Silangang Asya b. Kanlurang Asya c. Silangang Asya d.Hilagang Asya
32. Ano ang pangunahing produkto mula sa Yamang Tubig?
a. Isda b. Ginto c. Tros d. Mangga
33. Alin dito ang kahulugan ng klima?
a. Tumutukoy sa malawak na sona sa daigdig
b. Tumutukoy sa salitan at magkasalungat na hangin
c. Tumutukoy sa karaniwang panahon na nararanasan sa loob ng mahabang panahon
d. Tumutukoy sa pagkakaiba ng lugar
34. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilagang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan
o grasslands. Alin sa mga uri ng grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa
ilang bahagi ng Russia at Manchuria?
a. Prairie b. Savanna c. Steppe d. Tundra
35. Bakit tinawag na Father India at little China ang Timog Silangang Asya?
a. Dahil magkaratig bansa ang mga ito.
b. Dahil sa ugnayan ng mga ito.
c. Dahil sa impluwensiya ng mga nasabing rehiyon.
d. Dahil sa uri ng ugnayan nito.
36. Alin sa mga rason ang sinasabing wika ang pangunahing batayan sa paghubog ng kultura?
I. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat na sumasalamin ng kultura
II. Ang wika ang nagbubuklod sa mga tao upang manatiling nagkakaisa at nagpapahalaga sa
kanilang kultura
III. Sapagkat ang wika ay isa sa pangunahing kasangkapan sa pagbubuo ng kultura
a. I at III b. II at III c. I at II d. I, II, at III
37. Ano sa palagay mo ang mga dahilan kung bakit mabilis ang pagkawala ng Biodiversity sa Asya?
a. Dahil sa patuloy na pagtaas ng populasyon
b. Dahil sa pagkakalbo at pagkasira ng kagubatan o deforestation
c. Dahil sa introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon
d. Lahat ng nabanggit ay tama
38. “ Ang palay ang pangunahing butil pananim sa maraming bansa sa Timog Silangang Asya.”
Bakit itinuturing na ang butil ay napakahalagang pananim?
a. Maraming panluwas na produkto ang galing sa palay
b. Maraming matatabang lupa at bukirin ang angkop sa pagtatanim dito.
c. Pamalit ito sa mga butil ng mais, barley at trigo
d. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog Silangang Asya
39. Sa iyong palagay, paano nakakatulong ang mga likas na yaman sa pag unlad ng isang bansa?
a. Sa pamamagitan nito nagkaroon ng pagkakataon na gamitin sa pangangailangan ng tao
b. Sa pamamagitan ng pagproseso sa mga likas na yaman para sa ekonomiya ng bansa
c. Matutustusan ang walang hanggang pangangailangan ng tao sa mga likas na yaman
d. Lahat ng mga nabanggit ay tama
40. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sumasalamin ang Wika sa kultura ng isang lahi.”
a. Ang wika ay may ibat ibang layunin
b. Iba-iba ang wika ng iba’t ibang tao
c. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao
d. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi

II. Sagutin ang mga susunod na katanungan? (5 Puntos bawat isa)


1. Ano ang dalawang uri ng wika sa Asya? Paghambingin at magbigay ng halimbawa.
2. Magbigay ng 5 Anyong Tubig na makikita sa Calbayog City, Samar.

Inihanda ni:

ANALISA G. OSTULANO
Guro

You might also like