Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Sangay Lanao del Norte

Paaralan Dalama Integrated School Antas 4


Guro Julie Mae M. Latras Asignatura Filipino
Linggo/Araw Ikalawang Linggo Araw 2 Markahan Ikatlo

I. Pamantayan
Pangnilalaman
A. Pamantayan sa Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika
Pagganap sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
B. Mga kasanayan sa Napapahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa
Pagkatuto isulat usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukwento, pagsulat ng
ang code bawat tula at kwento
kasanayan
Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging
damdamin
C. Pamantayan F4PS-IIIb-2.1
Pangnilalaman Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng may
akda ng tekstong napakinggan o nabasa
F4PL-0a-j-3
Paglalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging
damdamin
II. NILALAMAN
Paggalang sa Ideya, Damdamin at Kultura ng May Akda ng Tekstong
napakinggan o nabasa
A. Paksa
KAGAMITANG
PANTURO
A. Sangunian
1. Mga pahina sa TG pahina 193-194
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa LM pahina 113-120
kagamitang
pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula MISOSA Pagbibigay Hinuha pahina 2-4
sa Portal ng LR
Kwento ni Mariang Sinukuan: ni Eugene Evasco
B. Iba pang
https://www.scribd.com/document/339144348/Pamantayan-Sa-
Kagamitang
Pangkatang-Gawain
Panturo

III. PAMAMARAAN
Pagbabaybay

Muling Pagsusulit
Idikta muli ng guro ang sampung Ihanda ng mag-aaral ang kanilang
salita na nililinang sa unang araw Spelling Notebook
ng linggong ito.
A. Balik-Aral sa
Ipasulat ang mga salita sa
nakaraang aralin o
kanilang spelling notebook.
pagsisimula ng
bagong aralin.
Iparekord sa mga mag-aaral ang
kanilang nakuha sa pagsusulit.

Laging tandaan ng guro na dapat


iba-ibahin ang puwesto ng mga
salita na ibinigay noong Paunang
Pagsusulit.
Salita 1 2 3 Salita 1 2 3
1. 1. skor
Score Score
2. 2. jeep dyip
jeep 3. pulis
3. police
police 4. draybe
4. Driver r
Driver 5. ingles
5. Englis
Englis h
h 6. eduka
6. Educat syon
Educa ion
tion 7. esport
7. sports s
sports 8. nars
8. nurse
nurse 9. keyk
9. cake
cake 10. titser
10. Teach
Teach er
er
Iskor
Iskor
Ihanda ang Kwento” Mariang
Sinukuan” ni Eugene Evasco

MARIANG SINUKUAN Ang mga bata ay babasa


Ang Diwatang Tagapag-alaga ng
Bundok Arayat Eugene Evasco

May diwatang tagapag-ingat


ang Bundok Arayat. Siya’y si
Mariang Sinukuan, ang anak ni
Aring Suku, ang hari ng araw ng
mga Kapampangan. Nakatira ang
diwata sa ginintuang palasyo sa
tuktok ng bundok upang matanaw
nang husto ang sariling kaharian.
B. Paghahabi sa
Binabantayan niya ang mga
layunin ng aralin
alagang hayop at kulisap sa
bundok. Napakaamo ng mga ito
at hindi takot sa tao. Hindi niya
pinahihintulutang mag-away ang
mga alaga. Pinalalaro niya ang
mga orkidyas at pinababango ang
mga bulaklak. Tinitiyak din ng
diwata na namumunga sa tamang
panahon ang mga tanim niyang
puno. Pinalulusog sila ng
dalawampu’t limang dalaga na
laging bumababa sa bayan para
bumili ng darak na makakain.
Tuwang-tuwa ang taong-bayan sa
mga butil ng ginto na bayad sa
kanila ng mga katuwang.
May dalawampu’t limang
katuwang na dalaga ang diwata.
Sila’y mga Ita na inatasan ng
diwata na mag-alaga sa mga
baboy-ramo sa Bundok
Arayat.Tulad ni Mariang
Sinukuan, balot ng mamahaling
alahas ang mga Ita. Ang mga
hayop na alaga ay maligayang-
maligaya sa Arayat. Sinasabing
hindi nauubusan ng ginto sa
palasyo ni Mariang
Sinukuan.Bumubukal pa ng mga
mamahaling bato tulad ng
diyamante, rubi, sapiro, at
Esmeralda sa palasyo. Ang mga
ito’y handog ng engkantong
minsang umibig kay Mariang
Sinukuan.
Kung bumababa ng bundok
ang diwata at bumibisita sa
bayan, suot niya ang magarang
damit na yari sa lantay na ginto.
Pinagniningning ang kanyang
damit ng mga mamahalin at
makukulay na bato. Napatitig ang
lahat sa kagandahan ni Mariang
Sinukuan. “Hayan na ang diwata!
Hayan na ang diwata!” sigaw ng
mga batang manghang-mangha.
Kapag nalalapit na ang pista
o anumang kasiyahan sa bayan,
nagpapahiram ng mga kuwintas,
singsing at hikaw si Mariang
Sinukuan sa mga dalaga.
Pinahihiram din niya ng mga
kagamitang pangkusina ang mga
ito.Yari ang mga ito sa ginto.
Agad ding pinahihinog ng diwata
ang mga bunga at mga butil ng
palay para may maihaing pagkain
sa pista.
Nagbibigay din siya ng mga
sako ng asukal, harina, malagkit,
at niyog sa mga pamilyang hindi
nakapag-ani nang masagana.
Pinahihintulutan din ng diwata na
makapaligo ang sinumang may
karamdaman sa mga bukal sa
Bundok Arayat.
Nakapagpapagaling ng anumang
sakit ang tubig na nagmumula
rito.
Malayang makapamasyal ng
Bundok Arayat ang mga taga-
bayan para masilayan ang
palasyo ng diwata. Doo’y
nakapamahinga sila at
hinahangaan ang paligid.
Nakapaglalaro ang mga bata sa
hardin ni Mariang Sinukuan.
Nakapamimitas sila ng mga
bunga at bulaklak. Ang mga bisita
sa Arayat ay nabubusog sa
meryendang mangga, kaimito,
makopa,at dalandan.Ngunit
ipinagbabawal ni Mariang
Sinukuan na mag-uwi ng mga ito
sa bayan. “Bumalik na lamang
kayo rito,” sabi niya sa mga tao.
Laging bukas ang aking kaharian
sa sinumang magbabalik.”
Dahil bantog sa kanyang
kabutihan, sinuman ay maaaring
humiling ng makakain sa
diwata.“Mariang Sinukuan, nais
naming makatikim ng
sinampalukang manok! Mariang
Sinukuan, gusto namin ng inihaw
na karne! Mariang Sinukuan, nais
namin ng sinigang! Mariang
Sinukuan, nais namin ng
litson!”Pagbalik ng mga humiling
sa kanyang tahanan, magugulat
silang nakahain na sa mesa ang
mga hiniling sa diwata.
Isang tag-araw, parang apoy
na kumalat ang labis na
pagkatuyo ng lupa sa kapatagan.
Nalanta ang lahat ng pananim ng
mga tao. Natuyo ang kanilang
palayan at nagkabitak-bitak ito.
Naglaho ang tubig sa mga ilog at
sapa. Nakita ito ni Mariang
Sinukuan kaya inutusan niya ang
dalawampu’t limang katuwang na
Ita na mamahagi ng makakain sa
taumbayan. “Kaybait ninyo!
Kaybuti ninyo!” sabi ng mga tao
habang naluluha sa biyayang
ipinagkaloob ng diwata ng
Bundok Arayat.
Namahagi rin ang diwata ng
mga luya sa bawat tahanan.
Lubos na nagtaka ang lahat sa
mga pirasong ito ng luya at
muntik na nila itong itapon.
Kinabukasan, nabigla ang
taumbayan nang maging mataas
na uri ng ginto ang mga luya!
Agad ding nagpadala si Mariang
Sinukuan ng ulan para
manumbalik ang lusog ng lupa sa
bayan. Namahagi din siya ng mga
binhi ng palay at mais na mabilis
tumubo at namumunga nang hitik
na hitik.

Lumipas ang panahon at


naging sakim ang mga tao. Gusto
nilang maangkin ang lahat ng
ginto at alahas ni Mariang
Sinukuan. Napapagod na sila sa
pag-akyat at pagbaba ng bundok
kaya hindi na nila ibinabalik ang
mga hiniram na alahas sa
diwata.Pinatutunaw nila ang
kaldero, kawali, sandok at
kutsarang ginto ni Mariang
Sinukuan para ipagbenta sa mga
banyaga.
Dinadaya nila ang
dalawampu’t limang Ita kapag
nagtitinda sila ng darak. “Kulang
pa kayo ng kalahating sako ng
ginto,” lagi nilang paratang sa
mga katuwang ni Mariang
Sinukuan.
Humiling din ang lahat ng kung
anu-anong bagong pagkain kay
Mariang Sinukuan. “Gusto namin
ng adobo! Gusto namin ng
morkon! Gusto namin ng menudo,
pochero, tocino, longganisa, at
kare-kare!”
Nabigla si Mariang Sinukuan.
Hindi niya alam kung anu-ano
ang mga iyon. Hindi niya kilala
ang mga pagkaing ito dahil
pagkain ito ng mga
banyaga.”Hayaan ninyo at
aalamin ko kung paano ito
lulutuin,” malungkot na sabi ng
diwata sa taumbayan. Galit na
galit ang taumbayan dahil hindi ito
maibigay sa kanila ng diwata ng
Arayat.
Kasama ang mga banyaga,
nilusob ng taumbayan ang
Bundok Arayat. Pinitas nila ang
bawat bunga sa mga puno.
Kinuha nila ang mga bulaklak at
mga orkidyas. Hinukay nila ang
tanim na luya sa pag-aakalang
magiging ginto muli ito.
Inuwi nila ang mga baul ng
mamahaling bato mula sa
palasyo ng diwata. Hinuli nila
lahat ng mga baboy-ramo at
dinala sa kapatagan. Pagkaraan,
kinatay nila ang mga ito at
nagdaos ng maagang kapistahan.
Hindi pa nasiyahan ang
taumbayan kaya sinalakay nila
ang palasyo ni Mariang Sinukuan.
Kinuha nila ang dingding na ginto.
Pinag-agawan nila maging ang
pintong ginto, kurtinang ginto,
sahig na ginto, bubong na ginto.
Nag-away pa ang ilan sa
pagsalakay sa palasyo.
Iniuwi nila ang mga ito at
ipinagbenta sa ibang bayan.“Bakit
kayo nagkaganyan?” Galit na galit
si Mariang Sinukuan sa ginawa
ng taumbayan. Nilabag ng mga
ito ang kanyang utos na huwag
mag-uuwi ng anuman mula sa
bundok. Labis itong nagdamdam
dahil hindi na nagsasauli ng
kagamitan ang mga tao.
Nalungkot ang diwata dahil
naubos ang kanyang mga
alagang bulaklak, orkidyas, at
baboy-ramo. Pinutol ang kanyang
mga puno. Pinalayas pa ng
taumbayan ang dalawampu’t
limang Ita na katuwang ng diwata.
Sa tulong ng mga higante at
engkanto ng ibang bundok,
itinago ni Mariang Sinukuan ang
kanyang palasyong
ginto sa pinakailalim ng Bundok
Arayat. Ang mga sako-sakong
luya na ninakaw ng taumbayan ay
ginawa niyang mga balang.
Dumami ang mga ito at sinalakay
ang mga taniman.
Naging kalawangin ang mga
kagamitang pangkusina at
alahas na hindi ibinalik ng mga
dalaga sa diwata ng Arayat. Ang
mga mamahaling bato sa mga
baul ay naging buhangin.
At naging bato ang mga nakaw
na ginto.Hindi na nagpakita pang
muli sa taumbayan ang butihing
diwata ng Bundok Arayat.
Sinumang pipitas ng bulaklak at
bunga mula sa bundok ay
maliligaw sa gubat at hindi na
matatagpuan ninuman. Sinasabi
ring ang sinumang
magtatangkang bumungkal at
tumapyas ng Bundok Arayat para
tuklasin ang ginintuang palasyo
ay magiging bato.
Ngunit ayon sa ilang sabi-
sabi, kapag minsan, may isang
marikit na binibini sa Bundok
Arayat na masayang kinakausap
ang mga hayop, bulaklak, at puno
sa gubat, uamaawit-awit pa. Hindi
takot ang mga usa, baboy-ramo,
at mga pambihirang ibon na
lumapit sa kanya.Sumasayaw
ang mga halaman at
namumukadkad ang mga
bulaklak kapag lumilitaw ang
misteryosang dalaga. Siya kaya
ang diwatang si Mariang
Sinukuan?

Tanong:
Ano ang maituturing mong
sariling yaman? Ang maituring kung sariling
yaman ay ang aking magandang
C. Pag-uugnay ng
kalusugan.
mga halimbawa sa
bagong aralin

Tatawag ng ilang mag-aaral na Magbabahagi ang mga bata.


magbahagi ng kanilang sagot.

Pagtatanong:
Ano ang pamagat sa kwentong Ang pamagat sa kwentong
napakinggan ? napakinggan ay Mariang Sinukuan?

Si Mariang Sinukuan ay isang


Diwata.
Sino Si Mariang Sinukuan?
Si Mariang Sinukuan ay nakatira sa
Bundok Arayat.
Saan siya nakatira?
Ang mga tauhan sa kwento ay sina
Mariang Sinukuan, Aring Suku, ang
Sinu-sino ang mga tauhan sa dalawampu’t limang dalaga,
kwento? heganting engkanto
D. Pagtalakay ng
bagong konsepto
Si Mariang Sinukuan ay isang
at paglalahad ng
Paano mo mailalarawan si diwata, maganda, maalalahanin,
bagong kasanayan
Mariang Sinukuan. mapagbigay
#1
Ano ang masasabi mo sa may Ang may akda ay sumulat ng kwento
akda o nagsulat ng kwento? tugkol sa nangangalaga isa isang
likas na yaman na kanyang pinana

Bakit mahalaga ang paggalang sa Mahalaga ang paggalang sa ideya,


ideya, damdamin at kultura ng damdamin at kultura ng may akda
may akda? dahil may iba’t ibang saloobin at
pag-unawa ang bawat tao. Higit sa
lahat ito ay ating karapatan.

Pangkatang Gawain

Bigyang ng META CARD ang


bawat pangkat na may mga
E. Pagtalakay ng tanong na dapat nilang sagutin.
bagong konsepto
at paglalahad ng Unang pangkat
bagong kananayan
#2
Pangalawang pangkat

Pangatlong pangkat

Pang-apat na Pangkat

Pagkatapos ng Gawain,
magkakaroon ng reporting sa
bawat pangkat.

Bigyan natin ng 3 tatlong


palakpak, tatlong
Padyak at isang Wow ang lahat
ng grupo.

Pangkatang Gawain:
Ipakita ang iyong reaksyon sa
pamamagitan ng pagsagawa ng
mga sumusunod na mga
hininging gawain ukol sa
katangian ng tauhan na
mapangalaga sa kalikasan.

Pangkat 1 – Dula-Dulaan Sa paaralan..


Lina: Dapat lamang na maglinis tayo
sa ating kapaligiran.
F. Paglinang sa Maria: Tama ka, Lina. Ito ay para rin
kabihasaan sa ating kabutihan.
Lina: Pagkatapos, itapon natin sa
tamang lalagyan ang mga basura.
Pangkat 2 –Pagguhit
Pangkat 3 – Awit
Kapaligiran
Asin

Wala ka bang napapansin sa iyong


mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang
mga ilog natin

Hindi na masama ang pag-unlad at


malayo-layo na rin ang ating
narating ngunit masdan mo ang
tubig sa dagat dati'y kulay asul
ngayo'y naging itim ang mga duming
ating ikinalat sa hangin sa langit
huwag na nating paabutin upang
kung tayo'y pumanaw man,
sariwang hangin sa langit natin
matitikman

Mayroon lang akong hinihiling sa


aking pagpanaw sana ay tag-ulan
gitara ko ay aking dadalhin upang sa
ulap na lang tayo magkantahan

Pangkat 4 – (Tula)
Alagaan ang Kapaligiran

Dapat nating linisin ang kapaligiran


Para maligtas sa kapamahakan
Ituring nating kaibigan
Sapagkat ito’y ating tahanan

Rubrik:

-
Kung ikaw si Mariang Sinukuan Kung ako si Mariang
gagayahin mo rin ba siya? Bakit? Sinukuan gagayahin ko rin siya dahil
G. Paglalapat ng napakabait po niya.
aralin sa pang- Oh! ikaw, Bakit hindi?
araw-araw na Dahil hindi niya pinatawad ang mga
buhay taumbayan na nagkasala sa kanya,
dahil wala naman pong perpekto tao
sa mundo at may hangganan ang
ating mga kabaitan.

Sino-sino ang mga tauhan sa


H. Paglalahat ng
kwento? Ang mga tauhan sa kwento ay sina
Aralin
Mariang Sinukuan, mga dalaga,
engkanto
Ang bawat tauhan sa kwenton ay
Paano mo mailalarawan ang mga mailalarawan ko ayon ayon sa
tauhan sa kwento? kanyang ikinikilos, sinabi at
damdamin.
Bakit mahalaga ang paggalang sa Mahalaga ang paggalang sa ideya,
ideya, damdamin at kultura ng damdamin at kultura ng may akda
may akda? dahil may iba’t ibang saloobin at
pag-unawa ang bawat tao. Higit sa
lahat ito ay ating karapatan.

Panuto:

Kopyahin ang tsart at punan ang


bawat hinihingi nito.

Pamagat ng Kwento
___________________
Ilarawan ang bawat
Tauha tauhan ayon sa:
n
sa Ikinikil Sinabi Damdamin
Kwent os Si Mariang Sinukuan
o
Tauha Ilarawan ang bawat
n tauhan ayon sa:
sa Ikinikil Sinabi Damdamin
Kwent os
o
Marian Napak Dalag Masay
g aamo, a, ahinm
I. Pagtataya ng
Sinuku mabait Mister alungk
Aralin
an yuso otin
marikit
,
maya
man
Samp Katuw masay
ung ang, magan ahin
dalaga masun da
urin

Engka Matulu maitim


nto ngin
malak
as
Taumb Tamad Matiga
ayan , s
Magna
nakaw
,
mahin
a
Hegan Matulu matan
te ngin gkad
Matap malaki
ang

J. Karagdang gawain Panuto:


para sa takdang- Sa isang bondpaper. Iguhit ang
aralin at remediation paborito mong tauhan sa
kwentong napakinggan.
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
Stratehiyang dapat gamitin:
__Kolaborasyon
__Pangkatang Gawain
E. Alin sa mga __ANA / KWL
istratehiyang __Fishbone Planner
pagtuturo __Sanhi at Bunga
nakatulong ng __Paint Me A Picture
lubos/ Paano ito __Event Map
nakatulong? __Decision Chart
__Data Retrieval Chart
__I –Search
__Discussion
F. Anong suliranin Mga Suliraning aking naranasan:
ang aking __Kakulangan sa makabagong kagamitang panturo.
nararanasan na __Di-magandang pag-uugali ng mga bata.
solusyon sa tulong __Mapanupil/mapang-aping mga bata
ng aking __Kakulangan sa Kahandaan ng mga bata lalo na sa pagbabasa.
punungguro at __Kakulangan ng guro sa kaalaman ng makabagong teknolohiya
superbisor? __Kamalayang makadayuhan
G. Anong kagamitang __Pagpapanuod ng video presentation
panturo ang aking __Paggamit ng Big Book
nadibuho na nais __Community Language Learning
kong ibahagi sa __Ang “Suggestopedia”
mga kapwa ko __ Ang pagkatutong Task Based
guro? __Instraksyunal na material

You might also like