Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAMPINID NA PALATUNTUNAN

Buwan ng Wikang Pambansa 2019

Atin na namang narating ang araw na pinakahihintay. Pagdiriwang sa Buwan ng


Wikang Pambansa. Tema ng pagdiriwang, Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang
Filipino Kung kaya’t ating ipagmalaki at ilabas ang iba’t ibang talento at kulturang
nakatago mula sa iba’t ibang patimpalak.

Kung kaya’t mga kaibigan, halina’t kami’y inyong samahan sa ating Pampinid na
Palatuntunan.

PANALANGIN AT PAMBANSANG AWIT

Upang pormal na buksan ang programa sa hapong ito, inaanyayahan ang madla na
tumayo para sa isang panalangin sa pangunguna ni ___________________ ; pagkatapos
nito’y panatilihin parin ang pagtayo para naman sa pagpupugay sa ating bandila sa
pamamagitan ng ating pag-awit sa pambansang awit ng Pilipinas, Bb. Aubrelyn Agpaoa,
conducting.

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Mga kaibigan, alam kong sabik na sabik na kayo upang saksihan ang mga
nakatagong talento’t kultura na siyang ipamamalas ng ating mga mag-aaral subalit sabik
na sabik na rin si Bb. Dhana Mae Dalere, Pangulo ng English-Filipino Club upang
ipaabot ang kanyang pambungad na pananalita.

Maraming Salamat Bb. Dhana para sa makapukaw damdamin na mensahe na iyong


ibinahagi.

PAMPASIGLANG BILANG

Tunay ngang ang mga mag-aaral ay biniyayaan ng napakaraming talento, kung


kaya’t bago natin simulan ang paligsahan, ating salubungin ang
____________________________________ sa kanilang pagpapamalas ng kanilang
husay sa __________________________________. Salubungin natin sila ng masigabong
palakpakan.

PAGPAPAKILALA SA MGA HURADO

Hindi mabubuo ang patimpalak na ito kung wala ang mga pinagpipitagang lupon ng
inampalan. Mga huradong kikilatis sa mga pinakamahusay na kalahok. Akin ngayong
tinatawagan si G. _________________, Tagapagbalita ng kapisanan, upang sila’y
ipakilala.

G. Donato Tayamen

TUNTUNIN AT PAMANTAYAN

Ang pagbasa at pagpapaliwanag sa mga tuntunin at pamantayan ng patimpalak ay


napakahalaga upang mabatid ng lahat ang paraan ng paghahatol nang sa huli’y walang
suliraning makahaharap. Akin ngayon babasahin ang mga pamantayan..

INTERMISYON

Bago natin umpisahan ang patimpalak atin munang tunghayan ang isa pang talento, ito ay
ang pagpapakita ng malikhaing pagsayaw ng mga representating mag-aaral mula sa
ikawalong baitang. Salubungin natin sila ng masigabong palakpakan.

PATIMPALAK

Ang tula ay isang pagpapahayag ng maririkit na kaisipan sa maririkit na pananalita.

Ngayon ating tawagin lahat ng mga kalahok sa Pagbigkas ng Tula

Maligayang pagbati sa mga nagsilahok. Sa puntong ito ay panoorin natin ang mga
inahanda ng bawat kalahok.
Maraming salamat sa inyong pakikilahok sa ating selebrasyon sa buwan ng wika.

INTERMISYON

Bago natin ipagpatuloy ang patimpalak ay muli natin tawagin ang mga mag-aaral mula sa
ikasiyam na baitang para sa inihanda nilang pampasiglang bilang.

PATIMPALAK

Ang musika ay isang mahusay na pamamaraan upang lalong mapalaganap, mapatibay at


mapaunlad natin ang ating kamalayn bilang isang Pilipino.

Ngayon ating tawagin lahat ng mga kalahok sa Isahang pag-awit

INTERMISYON

Ngayon ating tawagin ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang para sa kanilang
inihandang pampasiglang bilang.

PATIMPALAK

Ngayon atin naman silipin ang galing sa pag-indak at pagkumintang ng mga kalahok ng
bawat baitang para sa inihanda nilang katutubong sayaw.

Ngayon ating tawagin lahat ng mga kalahok sa Katutubong Sayaw.

Ang mga patimpalak na inihanda ay atin ng nasaksihan lahat kung kaya’t ang hatol ng
mga hurado na lamang ang ating hinihintay. Bago pormal na ianunsyo ang mga nagwagi
sa mga patimpalak ay akin tawagin ang mga EFC para sa kanilang pangwakas na
pampasiglang bilang.

PAGPAPARANGAL SA MGA NAGWAGI

PAMPINID NA PANANALITA

Ang ating programa ay nalalapit nang masarhan subalit nawa’y ang mga aral at
karanasan sa programang ito ay mananatili sa tana ng inyong buhay.

Upang pormal na sarhan ang ating programa, aking tinatawagan si ______________


para sa kanyang pampinid na pananalita.
Binabati naming ang lahat ng mga nagtaguyod sa “ CULMINATION NG BUWAN NG
WIKA 2019, ngayong taon. Ang pagpapahalaga natin sa ating wika ay dapat hindi
lamang ipinapakita sa loob ng ating paaralan.

Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahal at paggamit ng nito sa ating pang araw araw na
buhay, at loob at labas ng ating tahanan. Dito nagwawakas ang ating paminid na
palatuntunan.

You might also like