Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Chocolate Moist Cupcakes with Buttercream Frosting

Ang Cupcake ay isang uri ng dessert sa ating bansa. Ito rin ang pinamamalit nila sa mga
cake tuwing may mga nag bibirthday. Isa sa mga pinaka gusto ng mga bata ay ang chocolate
flavor na karaniwang makikita sa mga handaan tulad ng birthday, kasal, at binyag.

Mga sangkap ng cupcake:

Para sa Cake o Tinapay:

 1 tasa ng harina
 1 tasa ng asukal
 6 kutsara ng unsweetened cocoa
 ¾ kutsarita ng baking soda
 ¾ kutsarita ng baking powder
 3 kutsara ng mantikilya
 3 kutsara ng canola oil
 1 tasa ng mainit na tubig
 1 tasa ng gatas

Para sa Icing:

 3 tasa ng confectioner (powdered sugar)


 1/3 tasa ng mantikilya (softened)
 1 ½ kutsarita ng vanilla extract
 1 – 2 kutsara ng gatas

Paraan ng pagluto ng cupcake:

1. Sa isang mangkok, Ilagay ang isang tasa ng harina.


2. Sunod na ilagay ang isang tasa ng asukal at 6 na kutsara ng unsweetened cocoa.
3. Sunod na ilagay ang ¾ na baking soda at baking powder.
4. Ilagay na ang mga liquid na sangkap .
5. Ilagay na ang tatlong kutsara ng mantikilya at canola oil.
6. Haluin gamit ang spatula o ang hand mixer. (huwag pasobrahan sa halo)
7. Ilagay sa cupcake liner o lalagyan .
8. Ilagay sa oven na may init ng 350 degrees at lutuin ito 15 – 20 minutes.(I-tsek gamit ang
toothpick kung may sumama sa toothpick ito ay hindi pa luto)
Para sa icing

1. Sa mangkok , Ilagay ang 1/3 na tasa ng mantikilya.


2. Haluin ito.
3. Isunod ang tatlong tasa ng powdered sugar.(uti-untiin ang paglagay)
4. Ilagay ang 1-2 kutsara ng gatas .
5. Haluin ito hangang mag halo-halo na ang mga sangkap.

Ang recipe na ito ay makakagawa ng isang dosenang cupcake na tig 3oz. Masasabing
maganda ang paglaluto ng ating cupcake kung ito ay malambot at syempre kung maganda ang
pag alsa nito. Madali lamang ang pagluluto ng cupcake kung susundan ng maayos ang mga
prosesong nailahad.

You might also like