1. Ang pagtataguyod ng wikang pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon at
lagpas pa. Ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa , pagpapatibay ng kolektibong identidad at pambansang kaunlaran ay ang pagkakaisa ng bawat Pilipino upang mapagtibay ang paggamit ng wikang Filipino sa mga mag-aaral. Ito rin ay para kilalanin ang wikang sariling atin at maipagmalaki ito hindi lang sa ating bansa maging sa buong mundo, upang makamit ang kaunlaran sa paggamit ng wikang Filipino. Ang paggamit ng wikang Filipino bilang pakikipagkomunikasyon sa iba’t iba larangan ng pakikipag-usap ay makakatulong upang lubos na maggamit ang ating wika at mapagtibay ito, hindi lamang sa ating sarili maging sa ating lipunan.ito’y maaring gamitin sa pagtuturo o anumang larangan ng pakikipag komunikasyon upang mahasa ang bawat Pilipino at mapausbong hindi lamang para sa ating sarili maging sa ating lipunan. Ang paggamit ng wikang Filipino sa tradisyunal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino ay magkaiba dahil nagkakaroon ng panibagong istilo ng pagtuturo at pagpapahayag ng mga balita. Ito’y marahil sa pag-usbong ng teknolohiya.Gayunpaman nasa mga guro kung anong pamamaraan ang kanilang gagamitin sa pagtuturo. Mapapalalim ang pagpapahalaga ng sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas ng larangan, ito ay sa papamagitan ng pakikipagtalastasan o labis na paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon ,upang mahasa at mapatibay ito.
2. CHED MEMO NO. 57 ,series of 2017
Ang Ched memo no. 57, series of 2017 ay isinagawa upang buhayin ang departamento ng Filipino at Panitikan na itinanggal sa iilang mga kolehiyo o mga Universidad sa pilipinas. Isinagawa ito upang mapalago at mapalawak ang mga kaalaman ng mga Pilipino sa asignaturang ito. Ito rin ay para maipalaganap ito hindi lamang sa pilipinas maging sa buong mundo, para maipagmalaki ang wikang sariling atin. 3. Pagpoproseso ng impormasyon para sa komunikasyon.
Pagpili ng batis ng impormasyon
- Ito ay mga impormasyon na nakukuha ng mga mambabasa at tagapakinig. Ito ay mahalaga upang mapatunayan ang isang bagay dahil ito ay napag-aralan na, lalong lalo na sa aspeto ng edukasyon upang magkaroon ng sapat na kaalam ang mga mag- aaral. - Primaryang Batis - Naglalaman ng mga impormasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag-uusapan sa kasaysayan. - Sekondaryang batis - Batayang ang impormasyon ay mula sa pangunahing batis ng kasaysayan. - Pasalitang Kasaysayan – Kasaysayan na sinambit ng bibig Kasaysayang Lokal - Kasaysayan na nagmula sa ating lugar. - Nationalist Perspective – Pagtingin o perspektiba na naaayon o mas pabor sa isang bansa - History From Below - Naglalayong kumuwa ng kaalaman batay sa mga ordinaryong tao,binibigyang pansin nito ang kanilang mga karanasan at pananaw, kaibhan sa estereotipikongtradisyonal na pampulitikang kasaysayan at tumutuon sa gawa at aksyon ng mga dakilang tao.
Pagbabasa at pananaliksik ng impormasyon
- Ito ay ang pagkuha at pagbigay ng mahahalagang impormasyon upang magkaroon ng sapat na batayan. Ito rin ay mahalaga upang magkaroon ng sanggunian na magagamit mo sa pagtuturo at ibap. Ang pagbubuod at paguugnay ng impormasyon - Ito ay makakatulong upang maiugnay lahat ng impormasyon at ideya at magamit ito sa pakikipag komunikasyon. Upang mapadali ang pagtuturo dahil naibuod na at mapadaling intindihin. Ang pagbubuod ng sariling pagsusuri batay sa impormasyon - Ito ay para mapadali ang ating pagintindi sa mga impormasyong ating nakaalap. Ito ay para maihanda o maintindihan ng wasto at maibahagi ang ideya na nakapagbigay sa atin ng sapat na karunungan.
Ang tsismisan,talakayan,umpukan,pagbabahay bahay at iba pa ay mga proseso para
maiusbong ang kultura at paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ay uri ng pakikipagkomunikasyon upang labis na magamit at maunawaan ang wikang Filipino.