2013-DM No. 0179-Adoption of Modules On The 1986 EDSA People Power Revolution

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Republika ng Pilipinas

,-",8("1t of "0'
KAGAWARAN NG EDUKASYON cfj _&~c..x.
Rehiyon XI
aA1~ .~
SANGAY NG LUNGSOD NG DABAW
Lungsod ng Dabaw

• •
http://www.deped-davaocity.ph

TEL. NOS. 224·3274/224-G100/224·3274/227-4726


221-0059/222'16721221·8587/224·08541225-3600

Division Memorandum
.... No. .D..l-1.9. s.2013

To All Public School District Supervisors

Subject Adoption of Modules on the 1986 EDSA People Power


Revolution

Date
FEB 2 2 2013
1. Attached herewith is unnumbered DepEd Memorandum dated February 15, 2013 re: Adoption
of Modules on the 1986 EDSA People Power Revolution and Modules to be utilized in Araling
Panlipunan VI classes which is self-explanatory.

2. Please submit report on the commemoration of the EDSA People Power on February 17-23,
2013 not later than February 25, 2013, attention: Janete B. Esteban- EPS, HeKaSi.

6. Immediate dissemination of this memorandum to all schools is desired.

~
HELEN D. PAGUICAN, Ph. D
Schools Division superintendent~

Fnjjbej EDSA Modules jjbe

. . I
Modyul sa Araling Panlipunan 6

Pangkalahatang Ideya Ang patuloy na paglubha ng kalagayan ng Pilipinas dahil sa


mga kaguluhan at katiwalian sa pamahalaan ang nagbunsod
sa mga mamamayan na isulong ang pagbabago sa lipunan.
Ang EDSA People Power Revolution ay isang kaganapan sa
kasaysayan na nagpakita ng pagkakaisa, katatagan at
pagmamahal ng mga Pilipino sa kapayapaan at demokrasya.
Ito rin ay nag-iwan ng mahahalagang aral tulad ng
pagmamahal sa demokrasya at kapayapaan, pagkakaisa,
pakikiisa, pananampalataya at pagmamahal sa bayan, Ito ang
nagsisilbing gabay sa mga Pilipino sa kanilang patuloy na
pagtahak sa tuwid na daan.
Pangkalahatang Tema Pagkakaisa Tungo sa Matuwid na Daan (Ang Inspirasyon ng
EDSA)
Kabuuang Layunin l\Iapahahalagahan ang aral at diwa ng kasaysayan sa
pagpapanatili ng demokrasya sa bansa
Ang Aking Layunin Natatalakay ang epekto ng People Power para sa pagkamit ng
kalayaan

Naiisa-isa ang mga aral na natutunan sa People Power


Revolution tulad ng pagmamahal sa demokrasya at
kapayapaan, pagkakaisa, pakikiisa, pananampalataya at
pagmamahal sa bayan.

Natutukoy ang mga had lang sa pagsasabuhay ng mga aral ng


EDSA

Nasasabi ang mga gawaing nagpapakita ng pagsunod sa mga


aral ng EDSA

Napahahalagahan ang muling pagtatag ng


kalayaan/demokrasya pagkatapos ng EDSA People Power
Revolution

Teksto/Kagamitan I Readers Theatre


Vi deo Vignettes {http://www.gmapinoytv.com.ph/verl/article.php?aid:349}
Ang Aking Panimulang Gawain I Gawain 1
Ipakita ang Laban sign at ng larawan ng mga taong gumagawa
ng senyas na ito.
Ano kava ang kahulugan ng senyas na ito? Ano kava ang
ipinaglalaban ng gumawa ng senyas na ito?
Itala ang inyong mga hinuha.
Ang Aking Tutuklasin Gawain 2
Pumili na mga mag-aaral na gaganap sa isang readers theater.
Ipaalam ang kanilang gagawin bago pa ang gagawing
pagtatanghal. Maghanda ang guro ng naangkop na maskara 0
kasuotan ng bawat tagapagsalita.

Tagapagsalaysay: Sa panahon ng Dekada '70 napakagulo ng


bayan. Laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Kabikabila ang
mga protesta dahil nais ng mga tao na magbago ang
pamunuuan. Dahil sa mga kaguluhang ito bumagsak ang
kabuhayan at marami ang naghirap.

Tagapagsalita 1: (Sa makapangyarihang tinig) Ako si


Pangulong Marcos. Aking ipinapahayag ang pagsasagawa ng
dagliang eleksyon.

Tagapagsalita 2: (Sa malumanay na tinig) Ako naman ang


inyong lingkod, Gng. Corazon Aquino. Mahirap man subalit
tinatanggap ko ang hamon. Kailangan kong ipagpatuloy ang
laban ni Ninoy. Ako ay tatakbo bilang pangulo.

Tagapagsalaysay: Nagkaraoon ng snap 0 dagliang eleksyon.


Nabalita ang malawakang dayaan, pag-agaw ng ballot boxes at
karahasan. Idineklara ng Commission on Elections na panalo si
Marcos. Sabi naman ng National Movement for Free Elections
(NAMFREL) si Gng. Aquino ang nanalo.

Tagapagsalita 3:: Ako si Fidel V. Ramos


Tagapagsalitar 4: Ako si Juan Ponce Enrile
Tagapagsalita 3: Aming ipinapaalam ang aming pag-alis ng
suporta kay Pangulong Marcos. Aming ipinananawagan ang
kanyang pagbibitiw! (Sa malakas na tinig kasabay ang
pagtaas ng kamay)

Tagapagsalita 4: Kami ay. hindi mang-aagaw ng


kapangyarihan. Nais lang naming sumuporta sa nararapat na
pangulo.

Tagapagsalita 5: (Tinig matanda) Ito po si Jaime Cardinal Sin


nagsasalita mula sa Radio Veritas. Ako po ay nananawagan sa
mga Filipino na magdala ng pagkain at magbigay suporta sa
mga sundalong kasama ni Gen. Ramos na nagbabantay sa
Kampo Krame at Aguinaldo.

Nabalitaan ko po na sinira na ang aming radio. Konti na


lamang ang nakakarinig sa amino Nais kung magpasalamat sa
mga sundalo at mga taong pumunta sa mga kampo para
magbigay suporta.

Tagapagsalaysay: Naipon ang libo-libong tao sa EDSA. May


mga pari, madre, bata at iba-iba pang uri ng t30. May dala­
laklak pagkain. fQS<lryo at mga imahen ng
· Ito ang kanilang ginamit upang pigilan ang mga tangke ng
militar sa paglusob

Tagapagsalita 4: Ako at ang aking mga kasamang sundalo ay


sasama na sa grupo ni Gen. Ramos. Kami ay magtatagpo sa
Camp Crame.

Tagapagsalita 6: (Tinig na mula sa /ikod 0 sa ma/ayo) Ito po si


June Keithley signing on para sa Radyo Sandido. Hindi po
naming maaring sabihin kung saan kami naroon subalit amin
pong ihahatid sa inyo ang mga kaganapan sa EDSA.

Tagapagsalaysay: Naging napakabilis ng mga pangyayari.


Nagtagpo ang pangkat ni Enrile at Ramos na lalong nagpalakas
dito. Sinubok ng pwersa ni Marcos na pigilan ang mga tao.
Subalit wala na silang nagawa.

Tagapagsalital: Mula dito sa Club Filipino ako ay manunumpa


bilang pangulo ng Pilipinas.

Mga Tao: (Aawit ng bahagi ng "Bayan Ko" kasabay ng


pagpapakita ng Laban sign)

"/bon man may /ayang /umipad


Ku/ungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakda//iyag
Ang di magnasang makaa/pas"

Tagapagsalita 5: Mula sa Malacanang Palace ako ay


manunumpa bilang pangulo ng Pilipinas.

Mga Tao: (Sisigaw'ng Marcos pa rin! Marcos pa rin! kasabay


ng pagpapakita ng V sign ng kamay)

Tagapagsalaysay: Nagtagumpay. ang sambayanang Pilipino na


mabago ang pamunuan. Sa loob ng 4 araw nagkaroon ng
mapayapang paghihimagsik para sa kalayaan at pagbabago.
Wala ng nagawa ang mga tau han ni Marcos. Siva at ang
kanyang pamilya ay umalis patungong Hawaii.

Talakayin
1. Sinu-sino ang mga taong naging bahagi ng People
Power ang nabanggit? Ano ang papel na ginampanan
ng bawat isa sa EDSA Revolution?
2. Dapat ba silang hangaan? Sakit?
3. Sakit kava ito tinaguriang People Power Revolution?
4. Maliban sa mga nabanggit sa dula sino pa ang dapat
hangaan sa naganap na mapayapang rebolusyon?
Gav.am 3
Panonood ng video vignette
Sago ipakita ang video vignette pangkatin ang mga mag-aaral
sa apat (4).
Sabihin: Panoorin ng maayos at pakinggang mabuti ang
sinasabi ng tao so video at tukuyin ang hinihingi so tsart.

Natatanging Aral/Value Mithiin Magagawa


Karanasan ninyo para
sa mithiin
Guido

Sis Aida

Norma

Sonny

Pakatapos manood bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na


buuin ang tsart at maiulat ito.

lpapanood ang apat na maiikling video vignette. Ipakilala ang


bawat tao sa vignette sa pamamagitan ng pagpapakita ng
larawan nila noong 1986 at ngayon. (www.gmapinoytv.com.ph)

mranola.wordpress.com www.youtube.com
Hindi naipagdiwang'ni Guido Santos ang kanyang ikasampung
kaarawan katulad ng dati. lyon pal a ipagdiriwang niya ito sa
kalye kasama ang mga taong di niya kilala. Sa huli ay ituturing
niya silang mga kapamilya.

article. wn.com newsinfo. inq uirer.net


Ibinahagi ni Sister Aida Velasquez kung paano niya at ang
kanyang mga kasamang madre hinarap ang mga sundalo
noong 1986 na dasallamang ang sandata. Siva ay
nananalangin na ang diwa ng EDSA ay magsilbing inspirasyon
sa mga kabataan ngayon.

______ - - - - - - - - - - - - - - - - ' - " - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - ~I


mranola.wordpress.com

NAMFREL volunteer si Norma Liongoren 25 taon na ang


nakalipas. Naalala niya ang isang batang takatak na namigay
ng ken di sa mga tao sa EDSA. "Libre, libre! Ito ang sigaw ng
batao Sana makita natin ang kaparehong diwa sa mga tao
ngayon", sabi niya.

m ra nola. wrodpress.com www.youtube.com

Si Sonny Camarillo ay isang photojournalist. Hindi mawala sa


isipan niya ang nasaksihan na isang sundalo na nakikiusap sa
kanyang ina at asawa na huwag pabayaan ang kanyang mga
anak dahil sila raw ay may lulusubin. Umaasa si Sonny na
mapanatili ng mga kabataan ngayon ang ipinaglaban sa EDSA
noon.

Talakayin:
1. Ano ang inyong naramdaman sa napanood ninyong
mga salaysay? Bakit?
2. Bilang isang ~ilipino masasabi mo bang kapuri-puri ang
mga Pilipinong naging bahagi ng EDSA People Power?
Bakit?
3. Kung kayo ang nasa lugar at panahong iyon ana ang
inyong gagawin? Sasama rin ba kayo? Bakit?
4. Sa ating panahon, paano natin
maisasagawa/maisasakaturapan ang mga aral na
natutunan sa EDSA katulad ng kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, atbp?
5. Ano ang mga hadlang para maisagawa ang mga ito?
6. Magagawa ba nating alisin 0 iwaksi ang mga hadlang
na ito? Paano?
7. Bilang isang anak, mag-aaral at mamamayan paano ka
makikibahagi sa pagpapanatili ng diwa ng EDSA?
8. Ano ang ipinahihiwatig nita sa bawat kabataang

Pilipino?

,----------_._-----_._~---------------------

Tandaan:
Ang People Power Revolution na tinatawag ding Rebolusyc­
sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na
nagtagal ng apat na araw mula Pebrero 22 hanggang Pebrero
25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa sunod­
sunod na mga kilos protesta ng mga tao laban sa pamumuno
ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino
noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito - mga
ordinaryong tao, mga sundalo at mga alagad ng simbahan.
Ang pangyayaring ito ang naging dahilan ng pagbagsak na
pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at
ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni
Marcos.

Ang bahaging ito ng kasaysayan ay napakahalaga dahil isa ito


sa nagmulat sa mga Pilipino ukol sa kahalagahan ng
pagkakaisa, pagtutulungan, kapayapaan at paggalang sa
karapatang pantao. Nasalamin sa kaganapang ito ang
kadakilaan at katapangan ng Pilipino na isulong ang
demokrasya sa mapayapang paraan.

Sa makabagong panahon natin nararapat pa ring gunitain ang


mga pangyayari sa EDSA. Subalit mas mahalagang balikan at
isabuhay ang mga aral mula rito. Ang pagpapahalaga sa
kalayaaan at kapayapaan ay maipapakita sa pamamagitan
ng maayos na pakikitungo sa kapwa, paggalang, pakikiisa sa
mga makabuluhang gawain at layunin, pagpanig sa
katotohanan at kabutihan. Ito ay magsisimula sa tahanan, sa
paaralan at sa pamayanang kinabibilangan. Ang mumunting
gawang kabutihan ng isa dagdagan ng kabutihang ginagawa
ng iba ay napaparami. Ito ay ang bubuo sa isang bansang
mapayapa.

Ang Aking Huling Gawain Gawain 4

Ano ang iyong mga katangian at ginagawa na naaayon sa mga

aral ng EDSA?

Ano ang mga babaguhin mo sa iyong sarili upang ikaw ay

maging bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan, demokrasya

at pagkakaisa sa bansa?

Sumulat ng maikling talata sa inyong journal ukol dito. Ibahagi

ito sa katabi.

Gawain 5

Bumuo ng 3-4 na pangkat.

Direksyon: Magtala ng mga magagawa ninyo sa tahanan,

paaralan at pamayanan upang maipakita 0 mapalaganap ang

kapayapaan, pagkakaisa at iba pang aral sa EDSA.

lIahad ito sa klase

Sa Tahanan I Sa Paaralan Sa Barangay/Pamayanan

Mga Susunod pang Gagawin Gawain 6


Gumawa ng disenyo ng isang statement shirt na
nagpapalaganap ng mga aral ng EDSA

'\ .-J
',~

People Power

is

Hal.
Gawain 7
Gumawa ng collage na nagpapakita ng mga aral ng EDSA
People Power na dapat ay natutunan ng mga Pilipino.

Gawain 8
Isulat ang pangako at pirmahan ito.

BLLCl Vlg LSCl Vlg bCltCl Vlg


"PLLL-pLVlO VlCl VlClgVVtClVVtClVlClL SCl
~ClLClijClClVl Clt ~Cl-PClijCl-PClClVl Cl~O Clij

Lagda

Inihanda ni:

ni GRACE U. RABELAS
Education Program Supervisor
Elementary Education Division, DepED Region V

Pinatnubayan ni:

ORFELINA, O. TUY, CESO IV


Regional Director
DepEd Region V
Modyul para sa Araling Panlipunan 6

Pangkalahatang Ang modyul na ito ay isang aralin na magbabalangkas ng mga


Ideya kaisipang diwa ng EDSA revolution. Ito ay mahalagang parte ng
kurikulum sa Araling Panllpunan· sa elementaryal upang mailapat ang
mahahalagang pangyayari na nasa dahon ng kasaysayan ng Pillpinas
upang maging buhay na pagpapahalaga sa mga mag-aaral ngayon.

Hinihikayat ang gagamit nito na isagawa ang modyul na naayon


sa konteksto ng kanilang klasrum at sitwasyon upang higit na
maunawaan at makita ang kabuluhan ng aralin.

Ipinapalagay ng modyul na ito na ang mga gum laiD na ang mga


baguhan ay hindi pa rnasyadong rnalalim ang pagkaintindi 0 ang
kaalaman sa kasaysayan ng EDSA Revolution. Dahil dito, ang mga guro
ay kailangang pag-aralan ang mga pangyayari na nag-udyok sa
rebolusyon upang maisakatuparan ng maayos ang mithiin ng aralin.

Pangkalahatang Pagkakaisa Tungo sa Matuwid na Daan (The Inspirations of EDSA)


Tema

Paksa Ang 1986 EDSA Revolution

Pangkalahatang Napahahalagahan ang pangangalaga ng tao sa kalayaan


Layunin ( pamamahayag, pagsasalita, panunupil, magandang buhay, hustisya at
iba pa ) sa pagpapanatili ng demokrasya sa bansa.

Tiyak na layullin 1. Nailalarawan ang EDSA Revolution at natatalakay ang mga salik na
nakatulong sa pagtatagumpay ng 1986 EDSA People Power
Revolution

2. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mamamayan sa 1986


EDSA People Power Revolution.

3. Nasusuri ang epekto ng sama-samang pagkilos ng mamamayan para


sa kalayaan, demokrasya at karapatang pantao.

4. Naipapahayag ang kahalagahan ng People Power Revolution tungo sa


pagunlad ng bansa
Mga larawan sa EDSA Revolution
Kagamitan: music video/video clip" Handog ng Pilipino sa MUndo" - Apo Hiking Society
Lyrics ng awitin, " Handog ng Pilipino sa MUndo" - Apo Hiking Society
Newsprint
Crayola
Pentel Pen

Pagpapahalaga: Pagkakaisa, pagkamakabayan, pagpapahalaga ng kakayahan ng bawat isa

Ang Aking GAWAIN 1


Panimulang 1. Hatiin sa 4 na pangkat ang klase at bigyan ng mga larawan na halaw
Gawain sa mga pangyayari sa EDSA Revolution, newsprint at pentel pen.

LARAWAN DESKRIPSIYON

Sama-samang nagbarikada
ang libo-libung Pilipino at
sumisigaw ang lahat para sa
kalayaan

Nagtulungan at nagdarasal
ang mga pangkaraniwang tao,
mga madre at pari kaharap
ang mga sundalo at tangke

C
Nanawagan sina Juan Ponce
Enrile, Fidel V. Ramos at
Archbishop Jaime Cardinal Sin
para sa suporta ng mga tao

. t
Mga sundalo na inaabutan ng
pagkain, rosary at bulaklak ng
mga mamamayan

Nanumpa si Cory bilang


ikalabing isang Pangulo ng
repub

E_~_
2. Maglista ng mga katanungan tungkol sa larawan
3. Ipakita ang output at basahin ang mga katanungan.

Para sa Guro: Mapapanood natin ang isang video clip tungkol sa mga
kaganapan sa EDSA Revolution at alamin natin kung ana ang nag­
udyok sa kanila para makilahok dito?

Ang Aking
Gawain 2.
Tutuklasin
Ipakita ang music video/video clip ng EDSA Revolution

Talakayin ang mga sumusunod:


1. Ano ang naramdaman ninyo habang pin.apanood ang video?
2. Ano kaya ang naramdaman ng mga tao na kasama sa EDSA
Revolution?
3. Alin sa mga larawan 0 nakita nyo sa video clip ang nakaapekto sainyo
at bakit?
4. Anu-ano ang mga kadahilanan sa kanilang paglahok sa EDSA
Rebolusyon?
5. Ano kaya ang nag-udyok sa mga Pilipino na ibuwis ang kanilang
buhay?
6. Paano naging matagumpay ang people power revolution?
7. Bilang mamamayan, sa palagay mo nararapat bang magkaroon ng
rebolusyon kung ang pamamahala D9 go~rno ay di na naavon sa

_ _I
kagustuhan ng nakararami? Bakit?
8. Anu-anong mga aral ang nakuha ng mga Pilipino sa naganap na
rebolusyon?
9. Ano sa palagay mo ang mabuting naidulot ng edsa revolution sa ating
bansa?
10. Ano ang magiging kontribusyon mo para hindi masayang ang
nasimulan sa EDSA?

TALAKAYIN Natin:

Para sa Gum:
• Palawakin ang talakayan sa mga kasagutan sa bilang 4 at 5 at mga
katanungan na isinulat ng mga mag-aaral sa panimulang gawain at iugnay
ito sa mga sumusunod na konsepto.

Tatlong pangunahing pangyayari sa ating kasaysayan ang nagtulak sa


pagkakaroon ng Rebolusyon sa EDSA. Ang mga ito ay:

• Ang panahon ng batas military - kapag lalong pinagsamantalahan at


inabuso ang mga tao, lalo silang makikibaka para sa kalayaan.

• Ang asasinasyon kay Ninoy Aquino: samantalang naramdaman ng


mga tao na nawalan sila ng isang mabuting pinuno, naisip nila na ang
kalayaan ng isang bansa ay karapat-dapat pag-alayan ng buhay.

• Ang Mabilisang Eleksyon noong 1986: nagbigay ang pangyayaring ito


sa mga tao ng pag-asa na maaaring makamtan ang pagbabago sa
paraang mapayapa

Mga Kaganapan sa EDSA Revolution


• Sa isang pagpupulong kasama at!g midya, ipinahayag ng Vice
Chief of Staff Heneral Fidel V.Ramos at Ministro ng Depensa na si
Juan Ponce Enrile ang pag-aalis ng kanilang suporta kay
Pangulong Marcos. Kasabay nito, nanawagan sila para sa
kanyang pagreretiro at idineklara din nila na si Cory Aquino ang
tunay na nagwagi.

• l''Janawagan si Cardinal Sin sa Radio Veritas para magdala ng


pagkain ang mga tao at magbigay ng suporta sa mga rebeldeng
militar.

• Libu-libonQ mQa tao ang nagsimulang magtipon sa labas ng


mga kampo ng rebelde. Nagdala sila ng mga suplay at
pagkain para sa mga sundalo. Gumawa rin sila ng mga barikada
sa labas ng mga bakod ng kampo upang harangan ang mga
posibleng pagsalakay.

• Isang malaking grupo ng mga armadong sundalo at mga tangke


ang papalapit noon sa mga kampo gamit ang Ortigas Avenue.
ubalit, pinigilan sila isang milya mula sa mga gate ng Iibu-libong
tao. Binantaan ng militar na magpapaputok sila kung hindi
maghihiwalay ang mga tao.

• Nanatili ang mga tao sa kanilang kinatatayuan at kumanta ng "Ang


Sayan Ko," at nagdasal. lnalok din nila ang mga sundalo ng mga
sigarilyo at tinapay. !\lang sinubukan ng mga sundalo na
sUlllulong, ang mga tao ay kumanta ng mas malakas at laic pang
nagdasal. Hindi nagtagumpay ang mga sundalo na paalisin ang
mga tao at umurong nang hindi man lamang nagpaputok kahit
mlnsan.

• Si Cory Aquino ay iniluklok sa puwesto sa pamamagitan ni


Supreme Court Senior Justice Claudio Teehankee bilang unang
babae at ikalabing isang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ang
pangyayari ay ginanap sa Club Filipino sa gitna ng kaguluhan.

• Iniluklok si Salvador Laurel bilang bise-presidente. Hinirang Sl


Ramos bilang Chief of Staff ng Sandatahang Lakas habang si
Enrile naman bilang Ministro ng Depensa.

• Ang transmisyon sa channel 2, 9 at 7 ay naputol nang kontrolin ito


ng mga rebeldeng sundalo, habang nagaganap ang panunumpa

• Si Marcos at ang kanyang pamilya ay umalis sa bansa at


nagtungo sa Hawaii kasama si Heneral Ver at ilan sa kanyang
mga ala lay.

• Ipinagdiwang ng taumbayan ang pag-alis ni Marcos. Sumisigaw


ang mga tao "Araw ng Kalayaan ngayon!" Sumiklab ang mga
paputok habang sumasayaw sa tuwa ang mga tao.

Mga aral sa 1986 EDSA People Power Revolution


a. Pangangalaga ng lider sa mga karapatang pantao

. I
b. Pagtitiwala sa kakayahan ng bawat Pilipino na makamit ang kalayaan
sa mapayapang paraan tungo sa pagbago

c. Ang demokrasya ang katuturan ng tunay na kalayaan ng bawat


Pilipino.

d. Ang tagumpay sa ating mga mithin ay makakamit kung may


pagkakaisa ang bawat Pilipino maging sa gitna ng kahirapan.

• Ang Rebolusyong EOSA 1986 ay nagturo sa atin ng maraming


bagay. Pinatunayan nito na ang demokrasya ay makikita sa ating
bansa. Ibig sabihin, nasa taumbayan ang kapangyarihan ng
estado. Ang kapangyarihan ng mga tao ay mas malakas kaysa
kapangyarihan ng pinuno.

My Final Tasks Gawain 3


Ang Aking Huling a. Hatiin ang klase sa 4 na pangkat. Bigyan ng newsprint at krayola ang
Gawain bawat grupo.
b. Ipaawit sa mga magaaral ang awtin na "Handog Ng Pilipino Sa
Mundo - Apo Hiking Society". Ipaskil sa pisara ang lyrics ng awitin.
c. Pagkatapos iparinig ang awtitin, magguhit ang bawat pangkat ng
simbolo tungkol dito.
d. Tumawag ng volunteers sa bawat pangkat na magpapakita at
magpapaliwanag ng kanilang iginuhit na simbolo.

Handog Ng Pilipino Sa Mundo - Apo Hiking Society


'Oi na 'ko papayag mawala ka muli.

'Oi na 'ko papayag na muli mabawi,

Ating kalayaa~ kay tagal natin mithi.

'Oi na papayagang mabawi muli.

Magkakapit-bisig libo-libong tao.

Kay sarap palang maging Pilipino.

Sama-sama iisa ang adhikain.

Kelan man 'di na paalipin.

Ref:

Handog ng Pilipino sa mundo,

Mapayapang paraang pagbabago.

Katotohanan, kalayaan, katarungan

Ay kayang makamit na walang dahas.

Basta't magkaisa tayong lahat.

Masdan ang nagaganap sa aming bayan.

Nagkasama ng mahirap at mayaman.


Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.

Huwag muling payagang umiral ang dilim.


Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito'y lagi nating tatandaan.
(repeat refrain two times)

Coda:
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan.
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat!

Listen to Songs: http://videokeman.com/apo-hiking-society/handog-ng-


pilipino-sa-mundo-apo-hiking-society/#ixzz2KgzhLOus

Mga susunod na Gawain 4


gaga win
Hatin sa 3 pangkat ang klase at isadula ang mga maari nilang ihandog sa
bansa para sa pagpapanatili ng kalayaan bilang pamana sa susunod pang
henerasyon

Iba pang Gawain 5


pwedeng gawin 1. Magsagawa ng interbyu sa nanay/tatay 0 sinumang kamag-anak
(Takdang Aralin) tungkol sa kanilang mga karanasan sa EDSA Revolution.
2. Gumawa ng comics strip tUt:l9kol sa mga nakalap na
datos/impormasyon.

Mga Kagamitan
na kinuha sa • eskwela naga.fi les .wordpress.com/2011/02/the-1986-edsa-, Februa ry 14, 2013
Internet • http://videokeman.com/apo-hiking-society/handog-ng-pillpino-sa-mundo-
apo-hiking-society/#ixzz2KqzhLOus

Prepared by:

LYNN Z. PADILLO

Education Program Supervisor

Elementary Education Division


~

Modyul sa Araling Panlipunan

EDSA Revolution

Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay isang aralin na magbabalangkas ng mga


kaisipang diwa ng EDSA revolution. Ito ay mahalagang parte ng kurikulum sa
Araling Panlipunan sa hayskul upang mailapat ang mahahalagang pangyayari na
nasa dahon ng kasaysayan ng Pilipinas upang maging buhay na pagpapahalaga
sa mga mag-aaral ngayon.

Hinihikayat ang gagamit nito na isagawa ang modyul na naayon sa


konteksto ng kanilang klasrum at sitwasyon upang higit na maunawaan at makita
ang kabuluhan ng aralin.

Ipinapalagay ng modyul na ito na ang mga guro laiD na ang mga baguhan
ay hindi pa masyadong malalim ang pagkaintindi 0 ang kaalaman sa kasaysayan
ng EDSA Revolution. Dahil dito, ang mga guro ay kailangang pag-aralan ang
mga pangyayari na nag-udyok sa rebolusyon upang maisakatuparan ng rnaayos
ang mithiin ng aralin. Ang mga vignettes ay mga halaw lamang sa ikatlong araw
ng EDSA rebolusyon, kung kaya, kailangang basahin muna ang mga paunang
pangyayari. Iminumungkahi ang website na EDSA: The Original People Power
Revolution by Angela Stuart-Santiago sa Internet para sa kumpletong
sanggunian.

Pangkalahatang Tema: Pagkakaisa Tungo sa Matuwid na Daan (Ang


Inspirasyon ng EDSA)

Pangkalahatang Layunin:
a. Napahahalagahan ang aral at diwa ng kasaysayan sa pagpapanatili ng
demokrasya sa bansa.
b. Nakikilala ang mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan nagdulot ng People
Power Revolution.
c. Natatalakay ang kaugnayan ng EDSA Revolution sa buhay ng mga Pilipino
ngayon
d. Napahahalagahan ang pagiging mapagmahal sa kasarinlan, katarungan, at
kalayaan ng mga Pilipino.
e. Nahihinuha ang kahalagahan ng pangangalaga ng tao sa kalayaan
(pamamahayag, pagsasalita, panunupil, magandang buhay, hustisya at iba
pa)

Paksa
Aralin - Pagkilala, Pagpapahalaga at Pagpapanatili sa Aral ng Kasaysayan
Materials: Video clip, Magkaisa, awit "Hawak Kamay" ni Yeng Constantino
Pagpapahalaga: katapangan, kagitingan, pagpapakumbaba

Aralin
Layunin 1. Nauunawaan ang pangyayaring nagbunga ng People Power
Revolution.
2. Natatalakay ang kaugnayan ng People Power sa
pagtataguyod nq demokrasya sa bansa
3. Naipaliliwanag ang mahahalagang papel ng mga ordinaryong
tayo sa mapayapang rebolusyon.
4. Naihahayag ang mga kondisyong nag-uudyok sa tao na
ilabas anq kanyanq kagalingan.
5. Nahuhugot ang makatotohanang pagganap ng media sa
panahon ng krisis.
6. Naiuugnay ang sariling pagpapahalaga sa mga aral ng
kasaysayan (EDSA Revolution)
7. Nakababalangkas ng aksyon kung paano maisasabuhay ang
diwa ng EDSA sa kanyanq sarili at sa komunidad.
Tema: Kabayanihan ng Ordinaryong Mamamayan
Paksa Pagpapahalaga sa Responsableng Pamamahayag
Teksto/ 0 Video clip ng EDSA People Power na may awiting "Magkaisa"
Kagamitan 0 Mga Halaw na vignettes (Day Three: EDSA The Original
People Power Revolution by angela Stuart- Santiago)
retrieved from www.stuartexchange.com on February 14,
2013.
0 "Hawak Kamay" ni Yeng Constantino

Paunang
Gawain Panonoood ng video clip ng awiting 'Magkaisa'.

Habang nanonood ng video, ipasulat sa papel ang pakiramdam 0


nasasaisip ng mga mag-aaral.
Pagkatapos ay pag-usapan ang kanilang naisulat (dyad).

Pagkatapos ng pagbabahagi, talakayin ang sumusunod:


1. Ano ang naramdaman mo habang pinapanood ang video?
2. Aling sitwasyon ang nakakuha ng inyong atensyon?
Nakaantig ng inyong damdamin? Bakit?
3. Anong katanungan ang nabubuo sa isip mo tungkol sa mga
pangyayari? Isulat ang mga ito sa manila paper 0 colored
cartolina.

Payabungin ang iyong kaalaman patungkolsa EDSA Revolution.


Basahin at unawain ang mga sumusunod na pinakakritikal na
pangyayari noong ikatlong araw (February 24, 1968) ng pag-aalsa.
Gawain Basahin ang sumusunod na vignettes (eksena) na halaw sa
lkatlong araw ng EDSA Revolution.

Si June Keithley ay isa sa mga naging importanteng haligi ng


revolution. Siya ang nag-iisang brodkaster sa radio na nanatili at
nagtiyagang magpahayag ng mga pangyayari sa gitna ng kaguluhan
kasama ang iba pang magigiting na ordinaryong Pilipino na
nagpatingkad ng pag-aalsa. Kilalanin ang mga kanilang
kabayanihan at ang mga kritikal na pangyayari.
Habang binabasa ang mga halaw, subukang sagutin ang iyong mga
katanungan.

A JOURNALIST, Midnight - We sat with two radios, a Radio


Veritas and a second short -wave. Veritas knocked off the air, was
beaming from some clandestine radio station which a few of us
knew was barely a kilometer away from where the Evil One resided.
"Lord preserve Ketly - that's our pet name for June Keithley ­
they'll kill her in cold blood if they discover where she is". Nine Letter
p. 28

RADYO BANDIDO, 12:10 AM ­ Keithley's broadcast began with the


playing of Mambo Magsaysay, the campaign song identified with
Radio Veritas, "hoping people would recognize the song and know
us as DZRV". Beside June were two young boys, Paulo 15 and
Gabe 13 years old, sons of Tony and Monina Mercado. They
manned the VHF transceiver with link with Fr. Reuter and Gen.
Ramos.

ORLY PUNZALAN - "When our newsmen discovered that June


Keithley was on Radyo Bandido, they started feeding her news. All
she had was a radio station and a telephone whose number was not
even supposed to be announceQ. (manila Chronicle Feb. 87)

AN MERCADO (Student)- My brother Gabe called to tell me that


June Keithley was broadcasting again. The Voice of Truth could be
heard on 810 of the AM band. I asked them. where they were, trying
to sound as demanding as possible, as I was sure my mother would
be very worried. He said he could not tell me. It was a secret.
(PEOPLE POWER P 191)

FREDDIE AGUILAR: Pagbalik ko sa Crame, nandoon pa rin 'yung


mga madre. Sila pa rin. Nagbibigay ng inspirational talks.
Kumakanta ng inspirational songs. Sila pa rin. Hindi talaga umaalis
doon .....

DZRJ, STA. MESA, MANILA - On the 1ih floor of the buildinQ


where the radio station was, in the center of the city, June was really
terrified. She said, over the receiver: "There are only six of us here­
three boys and three girls. The place is so tiny! There is only one
door! If the military come to that door, with an armalite, there is no
escape! Only the window! And the closest ledge is four stories
down!"

Monina, mother of the Mercado boys, phoned the office and said:
"Could I have my sons back? They are in danger!" -PEOPLE
POWER (II) P 191.

When Monina wanted her children back, Fr. Reuter said, "Give your
children a chance to be heroes!" Inquirer Feb 88.

FREDDIE AGUILAR: May lumapit. Enough na daw ang tugtugan,


napakaraming tao na daw. Kantahin ko na daw ang Bayan Ko to
close the show. Pero kinausap ko muna ang mga tao. Inulit ko 'yung
sinasabi everywhere ng mga pare't madre, na magkaisa, huwag
gagamit ng dahas, huwag manunukso 0 manunuya ng kaaway.
Hindi kasi maiiwasan, baka meron diyang may dalang baril, what if
he starts shooting, e di naloko na tayong lahat. Hindi naman sa
duwag tayo, pero why do we have to kill each other. All around,
ganoon ang pini-preach. Tapos kinanta ko ang Bayan Ko,
pampatindi ng nationalism. Siyempre tatapang lalo sila.

EDSA, ORTIGAS - The human barricade braced itself for another


eternity of suspense. A bottle of vodka was gulped down in matter of
minutes. The nuns started the prayers, kneeling down in front of the
barricade. The APCs were coming ... time again for flag-waving, for
kapit-bisig, for praying.
But again the APCs, upon reaching the end of the human
barricade, hesitated, stalled, bqcked off, turned around, retreated.
Again, euphoria!

FREDDIE AGUILAR: Sa Gate Two, biglang nagkasahan sabay­


sabay 'yung mga sundalo. Sabi ko, ano 'to? Guerra na? Tapos ang
tagal, nakabitin kami, you don't know whether there'll be shooting or
not. Ang maririnig mo lang, 'yung kasahan, ganoon. Ang
pakiramdam, 'yung parang sa sine, pag suspense na.

ROSE MARIE ARENAS - We were praying with the nuns. The


priests were saying mass here, mass there. There were trucks
coming in with lots of coffee and food, tons and tons of food, and
more barricades.
FRANCISCO S. TATAD - "The tanks are coming!" Somebody would
shout from the crowd and at once everyone ran in the direction of
the advancing tanks. A false alarm. Almost every approach to
Crame now lay blocked with stalled cars and buses, fallen trees,
debris or street lighting. But it was the human barricade, swelling by
the minute, that provided the biggest barrier to any possible advance
of loyalist forces.

RADIO VERITAS, 4:40 AM - June Keithley relayed information to


Gen. Ramos. A caller from Fort Bonifacio had just reported that
"soldiers are massing and are about to leave for Camp Crame".
Ramos broadcasted an appeal for more people. June Keithley
reported on the "deteriorating" defense situation to her listeners.
BREAKAWAY p. 71.

RADYO BANDIDO - The broadcast was from Camp Aguinaldo


now, from the rear gate which was a weak spot. Sneaky of those
terrorists; they knew where it hurt the most. Ketly was about to
sweat blood. "Magkakapatid tayo", she said again and again to the
soldiers. She reminded them that the civvies were unarmed and
unaggressive.

L1BIS, SAN TO LAN - Sitting there in the half-dark, Wawel Mercado,


a student, could hear singing. There was a group from Tondo and
they were singing ballads. I had never heard those songs before, but
they were deep, very sad. We all knew there was a danger out
there, somewhere. That was why many of us really didn't talk for any
length of time. We smiled or chuckled but no one really laughed out
loud. The singing, however, went on almost all through the night.
Perhaps singing is ingrained in the Filipino. He sings when he is
scared. PEOPLE POWER (II) p.·192.

FIDEL RAMOS: We were saying goodbye to the world and to each


other. People started reaching out for their bibles, looking for their
favorite passages. In my case, I looked for' Psalm 91, which is the
psalm devoted to the protection of soldiers, and we found it very
comforti ng.

FREDDIE AGUILAR: Merong radio sa opisina nina Ramos at Enrile.


Naririnig ko kung anong inuutos ni Marcos. Full assault na, by land
and by air. Diyos ko, eto na, 'kako, lulusubin na kami! Nagkasahan
na naman 'yung mga sundalo.

SANTOLAN, OUTSIDE CAMP AGUINALDO, 5:15 AM - Several


tearQas bombs exploded pushing the crowd back a few paces to
wash their eyes and cover their faces.

ROSE MARIE ARENAS: That was the first time I really felt afraid
because I had never been tear-gassed in my whole life, and my son
was just a baby at the time and he was in the back of the car.

Hundreds of loyalists marched toward the civilian ranks headed by


young seminarians and priests. The loyalist forces which were soon
joined by and Army unit, tried to advance on the crowd, wielding
their truncheons and exploding more tear gas, but found themselves
blocked by determined civilians. The crowd sang the National
Anthem, prayed and applauded the loyalists troops, but refused to
budge. Business Day 25 Feb.

FREDDIE AGUILAR: Nakikinig ako sa Walkman ko. Nadinig ko si


Keithley, tumatawag, we need more people, our brothers are being
teargassed. Tapos eto na 'yung helicopter, naririnig ko, papalapit ng
papalapit, palakas ng palakas. Tinginan kaming lahat. Walang
kumikibo. Naku, sabi ko, eto na yata, nag-landing! Lulusubin yata
kami by foot. Hinihintay ko na lang 'yung BANG! 'Yun na na 'yon e.
Alam ko uunahin 'yung building naming dahil nandoon sina Emile at
Ramos. Tapos biglang nagsigawan sila. Sigawan.

YOLANDA LACUESTA - "I used to hate the military and the police,
but I on Sunday I found myself preparing sandwiches for them. I
heard over the radio that they needed food. I had to squeeze
through a crowd just to bring food to the soldiers. I remembered all
the times when I cursed them during rallies and was amazed now
that I walked so far and worked so hard for them".

MBS- 4- Tito Cruz, a senior broadcaster of Radio Veritas recalled


the moment he stepped foot inside the radio station. "It was so dark.
When I entered the booth I had to use my lighter to see the right
switches". Cruz's first words on the air were: "I would like to
announce to the public that MBS-4 has bee'n secured by the forces
of the people. Let us pray and thank God for our freedom". Manila
Times 26 Feb.

The New Channel 4, 1:25 PM - "Channel 4 is back on the air to


serve the people. Now you will get the truth from this channel".

SANTOLAN, LlBIS, 2:00 PM- A jeepload and truckload of Philippine


Marines screeched to a halt in front of a human barricade of 200
boys and girls from the Ateneo University. The marines demanded
to pass to assault Camp Crame. The kids- of high school and
college age - shook their heads and refused to budge. They
pleaded with the soldiers to go back, or else join the revolution.

Stand-off.

After an hour, the Marine officer-in-charge lost patience. He gave the

order, "Fix bayonets/" as the horrified nuns and priests and kids, who

had linked arms, listened. Then he instructed his men: "When you

advance, don't think of anything. Just thrust your way through. Then

they started marching forward in lockstep, their sharp bayonets

glistening.

At the last minute, the priests ordered the students to give way and

the marines pushed their way through. Many students fell to the

ground or hugged each other, sobbing in anger and frustration.

BARRICADES - The sights were a near-surreal melange of burning

tires, activists flags, and streamers, tents, vendors, sandbags,

vehicles, portable radios, candles, percussionists marching to the

Ati-Atihan beat, foreign correspondents, entertainment personalities

trying to catch attention with cheap gimmicks and religios altars

everywhere. The atmosphere was generally relaxed and festive,

almost like a carnival where crowds endlessly streamed past each

other, strangers throwing sandwiches and biscuits to the crowd, and

families distributing other food and refreshments. Everywhere one

turned his head, there ubiquitous images of the Blesses Mary.

Barricade consisted of several layers: private cars, panels, buses,

garbage trucks, sandbags, ropes and strings; the religious statues

and the people standing, kneeling in prayer or slumped on the

pavements, sometimes arms inter-linked. Malaya Sunday Mag 9

Mar

At 3:55 PM - For the first time in almost three years, Bayan Ko was

played on the government radio station. Hearing the patriotic song

sent shivers down our spines. It was hard to believe that the Filipino

classic, which had been banned from the airlines by the Office of

Medie Affairs because it was considered an "opposition song", was

now being played over OWIM, now called. Radyo Filipino . Manila

Times 26 Feb.

Kaa Byington - I saw, with my own eyes, all these dramatic events,

but the one thing that meant most to me was comparatively very

humdrum: A logo flashing on a television screen, and a voice saying:

"This is Channel 4 serving the people again. "

I don't think anyone noticed it, but I cried then.

Corazon Aquino: "We have recovered our freedoms, our rights, and

our dignity with much courage and, we thank God, with little blood. I

_. I
enjoin the people to keep the spirit of peace as we remove the last
vestiges of tyranny, to be firm and compassionate. Let us not, now
that we have won, descend to the level of the evil forces we have
defeated.
"I have always said I can be magnanimous in victory, no more hate,
no more fighting. I appeal to all Filipinos of both sides of the
struggle. This is now the time for peace, the time for healing. 11

Bulletin 25 Feb.

Pag­
usapan
1. Ano ang naramdaman mo habang binabasa mo ang mga
dokumentaryo na halaw sa mga pangyayari? Bakit?
2. Sinu-sino ang mga Pilipinong sinambit sa passages?
3. Anong natatanging papel ang ginampanan nila?

Pangkatang Gawain:
4. Anong pagpapaka Pilipino (pagsasakripisyo) ang ipinamalas
nila?
5. Anong partisipasyon ng mga estudyante ang namalas sa mga
istorya
6. Saan nakita ang kanilang katapangan? Ano ang nag-udyok
nito?
7. Anong katangian meron sila base sa kanilang sinasabi?
Anong natatanging pagpapahalaga ang ipinamalas ni June
Keithley sa kanyang ginampanang papel?
(Isa-isahin ang mga nasambit sa mga passages. Isulat sa
grid kasama ang papel na ginampanan nila)
Tauhan I Role I Katangian

Ipaulat sa mga rnag-aaral ang kanilang ginawa. Pagkatapos ay


ipagpatuloy ang talakayan.

8. Alin sa mga tau han ang hinangaan mo? Bakit?


9. Kung ikaw si Monina Mercado, ano ang magiging reaksyon
mo sa tinuran ni Fr. Reuter "Give your children a chance to
become heroes!"
10. Kung ikaw si Paulo 0 Gabe, gagawin mo rin ba ang kanilang
ginawa?
11. Saan naipamalas ang climax ng krisis sa EDSA? (Group 2)
12.Ano ang aral na nakuha natin sa mga kwento ng mga
tauhang nasambit?
13. Alin sa mga diwa 0 aral na ito ang kaya mong ipagpatuloy 0
sabuhay?
14.Ano ang sinasabi nito tungkol sa tao, sa Pilpino sa harap ng
pagsubok, krisis 0 problema?
15. Paano mo maipapakita 0 maisasagawa ang diwa ng EDSA
sa iyong pamumuhay? Paano ba makakatulong sa pagsulong
ng tuwid na daan ang mga aral ng EDSA?
16. Kung ikaw ay magbibigay ng tulong sa bayan mo, ana ang
ibibiqay mo? Ano ang sisimulan mo? (All)
Pagpapay Palalimin ang talakayan ng klase gamit ang kanilang mga sagot at
aman ng iugnay ito sa mga susunod na konsepto, ideya:
Kaisipan
o Ang EDSA revolution ay isang halimbawa na nagpalabas ng
natural na kahusayan ng Pilipino sa panahon ng krisis.
o Ang Pilipino ay matapang, katangi-tangi, handing
magsakripisyo sa ngalan ng pagmamahal ng katotohanan at
demokrasya.
o Naipapamalas natin ang ating kagalingan bilang indibidwal at
bilang isang nagkakaisang komunidad kung tayo ay
nahaharap sa pagsubok 0 matinding krisis
o Dahil dito natutunan nating mamuhay ng may pag-asa sa
gitna 0 harap ng krisis. Ito ang isang katangi-tangi sa mga
Pilipino
o Ang diwa ng EDSA ay isang buhay na patotoo sa pagiging
mapayapa, mapagpakumbaba, mahusay na disposisyon ng
mga Pilipino
o Lakas ng pagdarasal, m~tamang pag-uusap, pagkakapantay­
pantay
o Ang media ay isa sa mga importanteng proteksyon 0 sandata
sa pagpapabatid ng rnakatotohanang pangyayari at sa
pagsisiwalat ng mga katotohanan.
o Ang corruption ay hindi hahayaang manatili ng mga taong
(Pilipinong) matuwid ang daan
o Anq bawat isa sa atin ay may 'kabayanihan'.

Pangwakas 1. Sabay-sabay na kantahin ang awiting 'Magkaisa' 0 'Handog


na Gawain ng Pilipino sa Mundo' upang maikintal sa isipan at damdamin
ng mga mag-aaral ang lagablab ng diwa ng EDSA revolution.

_ _I
~

Kung ikaw ay hihingan ng tulong para sa bayan mo, ana ang


ibibigay mo? Ano ang sisimulan mo? Sagutin ang tanong sa
pamamagitan ng alin man sa mga sumusunod:

1. Gumawa ng sariling slogan.


2. Gumawa ng comic strip na ipinapakita ang inyong
pagpapahalaga sa aral ng EDSA. Pagandahin ang
illustration.

Pangwakas Ang 'salubungan' ay isang kritikal na pangyayari noong EDSA


na revolution na siyang nagbigay ng kahulugan ng mga momenta
Performans patungo sa mapayapang rebolusyon. Dito naipakita ang lakas ng
nagkakaisang Pilipino at ang power ng pagdarasal, matamang pag­
uusap at ang pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino. Mahalagang
mapagyaman ito upang maipamana sa mga susunod pang
henerasyon.

Pagsasadula ng 'Salubungan'.
Linangin ang nagawang produksyon at magpresenta sa susunod na
People Power celebration sa pagpapalabas nito. Isabuhay ang
konsepto at diwa ng 'Salubungan' pagkatapos ng palabas sa
pamamagitan ng Commitment na kung saan ang bawat mag-aaral
ay manunumpang papanatilihin ang pagsindi at paglagablab ng
apoy na dulot ng EDSA.

Ito ay gagawin nila sa pamamagitan ng pagsindi ng mga maliliit na


kandila sa isang nakalatag na mapa ng Pilipinas sa saliw ng kantang
'Hawak Kamay' ni Yeng Constantino.

Iba pang I 1. Mag log-in sa facebook account ng EDSA Revolution 0 sa


Pwedeng alin mang websiteo links sa Internet. Basahin ang mga
Gawin komento 0 ideyang ibinabahagi ng mga mambabasa laID na
ang sektor ng kabataan. Makilahok sa talakayan ng
(Takdang pagpapanatili ng diwa ng EDSA. Maaari ding gumawa ng
Aralin) sariling account upang maging .daan ng patuloy na
I pagpapalaganap ng aral ng EDSA.
2. Mag interbyu ng mga taong naging bahagi ng panahon ng
People Power. Maglikom ng mga datos at icompile ng
maayos. Gawing sangguniang dokumento ng mga susunod
pang mga klase.
3. Balikan ang pangyayari bago ang 1986 EDSA Revolution.
Alamin kung ana ang nag-udyok sa pangyayaring ito at mga
pangyayari pakatapos ng EDSA upang mabuo ang iyong
kaalaman at pagpapahalaga sa kasaysayan.
Prepared by:

. I
-=- _~-----=,=-=-_-=-'="l""- _

SUSAN S. COllANO
Education Program Supervisor
NEAP-RV (Sicol)

Reference:

Internet Materials retrieved from www.stuartexchange.com on February 14,2013.

You might also like