G8 Athens Ni Fatima Uban

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

San Jose National High School


Antipolo City

Ikalawang Markahan
Athens

Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at
Transisyunal na panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at
rehiyon sa daigdig.

Pamantayan sa Pagganap
Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga sa mga natatanging
kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya
sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

I. LAYUNIN

1. Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng Greece;


 Napaghahambing ang klase ng pamumuno ng ibat-ibang mga lider sa estado
ng Athens.
 Natutukoy ang kalagayang pampolitika at pangkabuhayan sa estado ng
Athens.
 Naipapakita ang ibat-ibang gampanin ng bawat indibidwal sa dalawang
lungsod-estado.

II. NILALAMAN

A.) Paksa: Athens

B.) Kagamitan: Laptop, Monitor, White board marker, Manila paper at task card.

C.) Sang’gunian: Soriano, Cecilia, D., et.al, (2017). Ang Athens. KAYAMANAN KASAYSAYAN
NG DAIGDIG. Pg. 102-104

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

a. Routine Activities

Panalangin, Pagbati, Balitaan, Balik-aral (Pick and Speak) dalawa sa mga mag-aaral ang
bubunot ng papel at sasagutan ang katanungan na nakasulat dito.

 Ano ang polis? Ipaliwanag.


 Ano ang tatlong bahagi ng polis?
 Nakatulong ba ang pagbuo ng polis sa Greece upang maging tanyag sila sa ibat-ibang
larangan?
b. Pagganyak

Magpapanood ang guro ng isang video clip.

 Ano ang ang mga ipinakita sa video clip?


 Ano kaya ang nais iparating nito?
 Mula sa napanood na video clip, ano kaya ang ating susunod na talakayan?

B. Paglinang na Gawain

Pangkatang Gawain
1. Ang mga mag-aaral ay igu-grupo sa lima. Bawat grupo ay magpi-presenta ng paksa na
naiatas sa kanila. Ito ay isasagawa sa pamamagitan ng reporting.

Pangkat 1: Kalagayan at mga ambag sa pamamahala ng lider na si Draco.


Pangkat 2: Kalagayan at mga ambag sa pamamahala ng lider na si Solon.
Pangkat 3: Kalagayan at mga ambag sa pamamahala ng lider na si Pisistratus.
Pangkat 4: Kalagayan at mga ambag sa pamamahala ng lider na si Cleisthenes.
Pangkat 5: Mga naging pagbabago tungo sa pag-unlad ng Athens.

Mayroon lamang (5) Minuto para maghanda at (5) MInuto para sa presentasyon.
1- Bibigyan ng grado ang ikalawang pangkat
2- Bibigyan ng grado ang unang pangkat
3- Bibigyan ng grado ang ikaapat na pangkat
4- Bibigyan ng grado ang pangkat lima
5- Bibigyan ng grado ng guro ang pangkat 5

RUBRICS:
Magaling! Pwede na Paghusayan pa
CRITERIA 5pts. 4pts. 3pts.
Lahat ng May ilang Hindi nagpakita ng
NILALAMAN impormasyon ay impormasyon an impormasyon.
naipakita. hindi naipakita.
Lahat ng miyembro Ilan lamang sa mga Hindi nakiisa ang
KOOPERASYON ay nakiisa. miyembro ang mga miyembro.
nakiisa.
Natapos ang Natapos ang Hindi natapos ang
ORAS presentasyon sa presentasyon ngunit presentasyon sa
tamang oras. sobra sa itinakdang itinakdang oras.
oras.

2. Pagsusuri

 Magbigay ng isa sa mga mahahalagang pangyayari sa panahon ng pamumuno nila


1. Draco
2. Solon
3. Pisistratus
4. Cleisthenes
 Sa paanong paraan nagkakaiba-iba ang tungkulin ng bawat mamamayan sa Athens?
3. Paghahalaw
Pumili ng isa sa mga mahahalagang ambag sa panahon ng pamumuno ng ibat-ibang mga
lider. Isulat ito sa kwaderno.

DRACO SOLON PISISTRATRUS CLEISTHENES

4. Paglalapat

Kung ikaw ay isang manunulat na nabuhay noong panahon kung saan ang Athens ay
pinamumunuan nila Solon, Draco, Pisistratus at Cleisthenes, ano ang masasabi mo ukol sa
kanilang klase ng pamumuno? Sang-ayon ka ba o hindi? At bakit? Isulat ang iyong kasagutan
sa kwaderno.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin mabuti ang tanong at isulat ang D (Draco), S (Solon), P (Pisistratus) at C
(Cleisthenes) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tumutukoy sa pangyayari o ambag sa
panahon ng kanilang pamumuno. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel.

1. Siya ang nagtatag ng asamblea bilang sangay ng pamahalaan na binubuo ng may edad
tatlumpu pataas na humahalal sa mga opisyal ng pamahalaan.
2. Noong 621 CE ay inilabas ang isang kodigo ng mga batas na nagpaparusa ng
kamatayan sa kahit na anong klase ng kasalanan.
3. Hinikayat niya ang kanyang pamahalaan na magtanim ng particular na ubas para sa
paggawa ng alak na syang ikakalakal sa ibat-ibang lugar.
4. Sa kanyang pamumuno naitatag ang konseho ng apat na raan o Council of the Four
Hundred)
5. Sa kanyang pamumuno ay kinamkam niya ang mga lupain ng maharlika at ipinamahagi
sa mga magsasakang walang lupa.

Tamang Sagot:
1. C Index of Mastery

2. D 5
4
3. P
3
4. S
2
5. P
1
V. TAKDANG ARALIN
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. Sino kay Solon, Draco, Pisistratus at Cleisthenes ang sa palagay mo ay nagkaroon


ng magaling na pamumuno at sa paanong paraan?
2. Maihahalintulad ba ang paraan ng pamumuno noon sa Athens sa paraan ng
pamumuno ngayon sa ating bansa? Oo o hindi? At bakit?

Fatima G. Uban
Inihanda ni:

Bb. Trixie Dianne Sablan


Cooperating Teacher

You might also like