Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Mahigit treinta pesos ang pinagbilhan niya sa mga boteng inipon

niya nang mahigit dalawang linggo. Dapat nga beinte-otso lang.


Mabuti’t kilala niya ang magbobote, pinasakto na niya.

Hindi niya napigilan ang ngumiti nang iabot sa kanya ng magbobote


ang pera. Bakit nga hindi? Kumpleto na ang dalawandaan niya!
Tatlong buwan niya kaya ‘yong inipon. Kahit minsan hindi na siya
mag-recess. Kahit hindi na siya makarenta ng computer para
makapag-Facebook. Kahit hindi na muna niya mabayaran ang
inutang na Zest-o kina Aling Mila. Ang mahalaga, mabibili na niya
ang gusto niya!
Tinext niya agad si Rachel. Sabi niya, may pera na siya. Sagot naman
nito, magkita na raw sila, para mabili na niya ang gusto niya. Matagal
na niyang pinapangarap ‘yon. Simula pa noong mapanood niya ‘yon
sa bahay ng Kuya Jessie niya.
At pamaya-maya, nagkita nga sila ni Rachel. Sa loob ng tatlumpung
minuto, ubos ang dalawandaan.

Kinabukasan, Lunes. May pasok na siya. Ihing-ihi siya nang


magising. Ngunit nang sinubukan niyang umihi ay matinding kirot
ang naramdaman niya. At kahit masakit, may lumabas naman. Hindi
nga lang ihi.

Kundi nana
Holdap ‘to!” hiyaw na lamang ng lalaking nakaupo sa dulo ng jeep.

Napasigaw ang babaeng kolehiyala na katabi ng holdaper. Na napakalaki nitong


pagkakamali. Ayaw yata ng holdaper sa maiingay. Tinakpan agad nito ng kamay
ang bibig ng kolehiyala at itinutok ang baril na hawak sa sentido nito.

“Ilabas niyo ang mga pera niyo!” sigaw sa’min ng holdaper. Bata pa. Wala pang
beinte-singko. “Pati mga cellphone, alahas, lahat! Dali! Kundi papatayin ko ‘to!”

Tumalima agad sila. Nagsilabasan ang mga pera, cellphone, at mga alahas.
Walang tumutol. Walang nanlaban. Matatalinong tao, sa isip-isip ko.

Habang nangyayari ‘to’y walang kamalay-malay na natutulog ang isang ale sa


likod ng drayber (Teka, bakit hindi humihinto ang drayber? Walang karea-
reaksyon! Tatandaan ko plate numbermo, loko!).

“Gisingin mo!” singhal sa ‘kin ng holdaper.

Tinapik niya ng makatatlong beses ang ale bago ito naalimpungatan.


Napatingin ito sa akin saka sa holdaper.

“Benedict?” hindi makapaniwala ang tinig ng ale. “Ikaw na ba ‘yan?”

Natigilan ang holdaper. Nanlaki ang mga mata. Namutla. Nabitawan ang baril.

“Para na!” sigaw nito at dali-daling huminto ang jeep.

Tumingin muna ang holdaper sa ale. Punum-puno ng hiya ang mukha nito. Para
ngang maiiyak pa.

“Sorry po, Ma’am!”

At saka ito bumaba.


Binalaan na siya ng class president.
Pagpasok niya ng klasrum ay sumalubong sa kanya ang
napakasangsang na amoy. Pinigilan niya ang kanyang palad
na noo’y ibig niyang itakip sa kanyang ilong. Sabihin pa ng
mga bata’y kay arte-arte niya.

Pawis na pawis ang mahigit animnapung 3rd year high school


student na kaharap niya. Ang iba’y apura-pisik ng pabango
upang pansamantalang mawala ang mabahong amoy.
Hindi siya makakapagklase nang matino ‘pag ganito ang
sitwasyon.

“Okay, class,” pahayag niya, “palalabasin ko muna kayo sa


loob ng dalawampung minuto. Manatili lang kayo d’yan
sa garden. ‘Yong kailangang magbanyo, magbanyo na.”
Sa tingin niya, iyon ang pinakamainam gawin.

Isa-isang nagsilabasan ang mga bata. Noo’y natanaw niya


ang isang babaeng nagpapahuli sa mga lumalabas. ‘Yong
mahiyain. ‘Yong ‘di pa ‘ata n’ya naririnig ang boses. Si Carla.
Napansin niyang nangingitim nang bahagya ang likuran ng
palda nito. Parang basa.

Sa labas ay nanatili at nag-umpukan ang mga bata sa lilim ng


mga puno. Si Carla, nakahiwalay mula sa mga ito. Naisipan
niyang maglakad papunta sa dalaga upang kausapin ito.
Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ay tila
naunawaan nitong alam na niya.

Walang anu-ano’y nagtatakbo ito palayo, pumapalahaw ng


iyak.
dad! Sabi ko naman sa’yo e di ba? IPhone 6!
Cherry Mobile gosh! I’d rather be seen lying dead
by my friends than seeing me holding that crap. I
told you months ago before my Birthday di ba?

– hindi ko naman kasi alam anak. Ang sabi ng


nagtitinda yan daw ang maganda. Pasensya ka na
Princess, anak.

At padabog na lumabas ng bahay si Princess.

Iyon ang kahuli-hulihang pagkakataon na


nagkausap ang mag-ama. Kinabukasan ng
hapon ay nabalitaan na lamang nya mula
sa isang kapitbahay na-hit ‘n run si Mang
Fred. Ang kanyang “Street Sweeper” na
ama…
“Ano tol musta ‘Ay-Bol’ nyo?”
-“Nagtago ako tol di ako nagpakita.” Sagot ni
Rico.
-“Bakit?”
-“Ampangit tol. Nag-aksaya lang ako ng
pamasahe’t pabango. Tangina talaga nagagawa
ng teknolohiya ngayon e ‘no. Nakaka-
gago.Amputi at ang kinis sa piktyur, pagkakita
mo sa personal
puta nakakadismaya.”

Makalipas ang dalawang Linggo.

-“Ano tol musta yung bagong ‘ka-ay-bol’ mo?”


-“Di ako nagpakita tol. Nagtago ako.” Sagot ni
Rico.
-“Nanaman? Ang malas mo tol. Pangit ba?”
-“Hindi. Puta ampangit ko! Parang artista sa
personal.”

Dali dali si Rico sa computer shop upang mag-


Peysbuk.

“Dilit dis shit. Bagong Propayl, bagong pag-asa.


Ayos!”
“Ano ba problema? Bakit lagi kang ganyan? Hindi ka nag-rereply sa mga
text messages ko, sa Facebook message ako nang message hindi ka nag-
rereply e ‘seen’ naman.” Ang tanong ni Abel sa kanyang nobyang si
Dani.“Tatawagan na lang kita.” Ang matipid na sagot ng babae.

“Tangina talagang buhay ‘to! Iyon lang ba ang papel ko sa punyetang


mundong mapanghusga? Mga putangina nyong lahat ayoko na!”

Hindi makapaniwala si Dani na nagawa iyon ng nobyong si Abel. Mahal


nya ito. Subalit sumama ang kanyang loob nang makalimutan nito ang
kanilang unang anibersaryo. Wala siyang natanggap na kahit anong
regalo.

“Diyos ko Abel. Bakit mo ginawa ‘to?” Sambit ng nagluluksang si Dani.

“Tangina. Anibersaryo na namin ni Dani bukas. Hanggang ngayon wala


pa din akong trabaho. Si-sisenta na lang ang pera ko puta. Huling pag-asa
ko na’to.” Bulong ni Abel sa sarili habang naghihintay na muling tawagin
ng sektretarya ang kanyang pangalan.

“Mr. Abel Rodriguez? Tatawagan na lang po namin kayo.”

Walang lingon-likod na umalis si Abel. Alam na nya ang ibig sabihin


noon, hindi sya napili bilang empleyado ng kumpanya.

“Mga putanginang kapitalistang tarantado! Mas mabuti pang sabihin na


lang nilang hindi ako tanggap, ayaw nila sakin, hindi nila trip yung suot
kong polo, madumi sapatos ko. Pero putangina. Tatawagan na lang?
limang beses na ‘tatawagan na lang’ sa loob ng isang linggo. Putangina
nyong lahat bagsakan sana ng eroplano mga building nyo.”Tatawagan na
lang kita.” Ang matipid na sagot ni Dani.

Hindi inaasahan ni Abel ang sagot na iyon ng nobya. Namanhid ang buo nyang
katawan.“Humarap ka sa salamin at sabihin mong wala kang kuwentang tao.”
Bulong ni Abel sa sarili at lelempang-lempang na tumayo mula sa
higaan.“Walang kang kwentang tao. Tangina mo!”Atkasunod nang pagputok
ng kanyang baril ay ang agarang paglagapak ni Abel sa sahig.
“Anong nangyayari?” Bulong ni Niño habang nakatingala
sa kalangitan.

“Oras na siguro upang wakasan ng Lumikha ang


kanyang obra maestra. Ang tao.” Sambit ng estranghero.

“At bakit naman? Tayong mga tao ang tagapag-


pangalaga ng mundong ito hindi po ba?”

Tama. Ipinagkaloob Nya sa atin ang pinakamataas na uri


ng karunungang higit sa lahat ng nilalang na nabubuhay
sa mundong ibabaw. At hindi naglaon, nagawa nating
lumipad na parang mga ibon, lumangoy na kasing husay
ng mga isda, umandar ng matulin na higit pa sa bilis ng
mga kabayo at marami pang iba. Subalit wala tayong
kakuntentuhan sa buhay Niño. Naging mas mabagsik
tayo higit pa sa mga leon at buwitre. Sinasakmal na
natin ang isa’t isa. Dinadakma na natin ang dangal ng iba
para sa ating makasariling mga hangarin. Tayong mga
tao ang mga pinakawalang konsensyang nilalang sa
balat ng lupa.

“H’wag kang matakot Niño. Humawak ka lamang sa


aking kamay.”

At sabay na muling tumingala ang batang palaboy na si


Niño at ang estrangherong iyon sa kalangitan upang
harapin ng buong tapang, ang rumaragasang kometa na
tatapos sa sangkatauhan…
Basta ito ang tatandaan mo, yung mga mukha nila
Kristine Hermosa at Anne Curtis? Tindera lang ng mga
prutas yun dito…”

Hinding hindi makakalimutan ni Toto ang tinuran na


iyon ng kanyang ‘Seaman’ na pinsan. Kaya naman
magmula nuon ay nangarap na siyang makasampa ng
barko. Bukod sa kung saan-saang bansa na nakarating
ang kanyang pinsang si Henry ay iba’t-ibang
naggagandahang babae na din ang nai-kama nito.

“Hindi mo naman kailangang maging guwapo, sa bawat


pagdaong ng aming barko ay nag-aabang na ang mga
‘belyas’ para sa kaunting dolyares na iaabot mo. Minsan
pa nga’y kahit tuwalya’t sabon lang ay pumapayag na
sila.” Pagbibida pa nito.

Subalit isang araw ay nagimbal ang kanilang buong


angkan sa kanilang nabalitaan. Patay na si Henry.
Tumalon daw ito mula sa barko. Mula unang gabi ng
lamay hanggang sa libing ni Henry ay palaisipan sa lahat
ang dahilan ng pagpapatiwakal nito. Hanggang sa
kausapin si Toto ng nanahimik sa isang sulok na si
Katherine, ang asawa ng kanyang pinsan.

Tiningala ni Katherine si Toto at sinabi, “sana hindi ko


na lang siya pinadalhan ng mensahe na positibo sa HIV
ang kapatid ko. Ang mga putanginang ‘yon. Pwede ko
naman siyang hintayin na lang makabalik at sabay na
lamang silang katayin sa kanilang pagtulog…”
Isang gabi naglalakad ako sa isang napakadilim na
eskinita. Sisipul-sipol pa ko habang bitbit ang pancit
na pasalubong para sa mag-iina ko, nang bigla na lang
akong undayan ng saksak ni Berto. Kilalang adik at
tulak sa lugar namin. Tangka na niyang huhugutin ang
‘ice pick’ mula sa pagkakabaon nito sa bandang ilalim
ng aking tiyan nang hablutin ko ang kanyang kamay.
– “Pare. Parang awa mo na huwag mong
huhugutin.” Sabi ko.
– At bakit hindi?
– Kapag hinugot mo ‘tong ice pick, maiuuwi ko pa
itong pancit sa bahay, pero hindi na ‘ko aabot ng
ospital.
– At kapag hindi ko hinugot?
– Aabot pa ko sa ospital. At ‘pag dinalaw ako ng
mag-iina ko, may pagsasaluhan pa silang pancit.
– Sinasabi mo ba sakin na kapag namatay ka hindi
na makakakain ng pancit kahit kailan ang pamilya
mo?
– Oo pare.
Agad akong itinakbo ni Berto sa ospital. At
magmula nuon hanggang ngayon, magkaibigan pa
din kami…
Papalubog na ang araw. Nagpapaalam sa
langit at binabati ng halik ang dagat.
Nasa papalubog na araw ang tingin mo.

Kapag tinitigan ko kaya nang maiigi ang


araw, mababasa ko dun ang mga nasa
isip mo? Malalaman ko kaya kung ano ang nilalaman ng puso mo?

Hindi ko alam. Ang alam ko lang kapag may sinasabi ka sa’king


ayaw mong malaman ng iba, pumupunta tayo sa tabing dagat.
Bakit kaya? Baka siguro kayang tangayin ng hangin ang mga
sikreto, dalhin ng alon, at lunurin ang mga ito sa dagat. Baka nga
ganun.

“Sakali bang magmahal ako uli, matatanggap mo?” tanong mo


sa’kin pero sa araw ka rin nakakatitig.

“Mahal mo na ba siya?” ang tanging tugon ko.

“Alam mo na ang sagot diyan.”

“Kung ako ang tatanugin mo, matatanggap ko naman.”

“Salamat.”

“Pero hindi ibig sabihin na tanggap ko ay tama na… O siya,


gumagabi na mama. Mauna na ako, baka mag-alala pa sa’kin si
papa.“

Wala na ang araw.Nagpaalam matapos halikan ang dagat.. at


kinabukasan ay babating muli.

You might also like