Action Research

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KAGAWARAN NG EDUKASYON

SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD


SANGAY NG LAGUNA
BALIAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
S.Y. 2018-2019

ACTION RESEARCH SA FILIPINO

PAGBIBIGAY MOTIBASYON SA MGA ESTUDYANTENG KABILANG SA


PAGKAKAROON NG BROKEN FAMILY: OPLAN AKBAY Buhay (Ang Kaakibat sa
Bawat Araw at Yugto ng Buhay)

LEILANIE E. VIZARRA
Tagamasid sa Filipino
I. INTRODUKSYON

Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit sa lipunan. Ito ang


pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta dito, dahil sa gampanin
nitong magbigay- buhay. Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan
na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa
kanilang walang pag- iimbot, puro, at romantikong pagmamahal-kapwa na
nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay (Pierangelo
Alejo,2004).
Ang pagkakaroon ng isang buong pamilya ay maituturing na isang
kayamanan, sapagkat ito ang humuhubog sa pagkatao ng bawat miyembro
nito. Ang pamilya rin ang unang nagpaparamdam ng pagmamahal,
kasiyahan at inspirasyon sa isang tao. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang
pamilya na siyang pinakamahalagang yunit sa lipunan ay maaaring lumiko ng
direksyon. Na kung saan ang dating hindi matumbasan na pagmamahalan ng
dalawang taong nag-iibigan na siyang bumuo ng pamilya ay posibleng
magbago. Nagsisimula ito sa hindi pagkakaunawaan, kawalan ng tiwala,
pagbabago ng ugali at pagkakaroon nang kalaguyo ng isang magulang na
kung saan unti-unting nabubuwag o nasisira ang isang pamilya dahil sa iba’t
ibang problema at suliraning kinakaharap nito na kadalasang humahantong sa
paghihiwalayan ng mga magulang na nagiging dahilan kung bakit
nagkakawatak-watak ang isang pamilya at nagkakaroon nang tinatawag na
‘broken family’.
Dahil sa dumadaming sitwasyon ng pagkakaroon ng broken family, ang
mananaliksik ay nagkaroon ng kagustuhang alamin kung ano-ano ang mga
nagiging epekto sa mga mag-aaral sa pagkakaroon ng broken family,
kasabay ang magbigay ng motibasyon sa mga ito upang makatulong sa
paghubog ng kanilang pagkatao ganoon din ang kanilang performans pang
akademya sa pamamagitan ng isang programang Oplan AKBAY Buhay (Ang
Kaakibat sa Bawat Araw at Yugto ng Buhay).
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang broken family ay ang anumang tahanan na kung saan ang


isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ng mga bata sa
isang normal na relasyong pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa
kamatayan,diborsiyo, desersyon, o iba pang mga kadahilanan. (Campbell,
1932). Ang anak ang nagiging pinakanaaapektuhan kung ang mga magulang
ay sakaling naghiwalay na. Ang isang etudyanteng kabilang sa broken family
ay maaaring maapektuhan ang kanyang performans pang akademya ganon
din ang ang kanyang buong pagkatao. Kaya naman, nais ng mga
mananaliksik na bigyan ng motibasyon ang mga estudyante ng Balian
Inegrated National High School sangkot lamang ang mga Junior High School
na mula baitang 7 hanggang 10 na kabilang sa ‘broken family’.
LAYUNIN

Ang programang Pagbibigay Motibasyon sa mga Estudyanteng


Kabilang sa Broken Family: Oplan Akbay ay isang ginagawang programa ng
mga manananaliksik na mula sa 11-abm na kung saan ito ay magiging
instrumento sa pag-angat ng performans sa akademya at paghubog sa
pagkatao ng mga piling mag-aaral na kabilang sa broken family.

Layunin ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:


1. Ano ang nagiging epekto ng pagkakaroon ng broken family sa antas ng
performans ng mga piling mag-aaral?
2. Ano-ano ang maiaambag ng programang ito sa mga napiling
respondante?

unti-unti nang nabubuwag o nasisira dahil sa iba’t ibang problemang kinakaharap nito.
Hindi ito maiiwasan sa isang pamilya, ngunit paano kung ito’y sumobra na? Paano kaya
nakakaapekto ang mga suliranin ng pamilya sa bawat myembro nito at lalo na sa mga
anak? Ang kahalagah
https://www.slideshare.net/MetaloroDavid/chapter-two-48222126

You might also like