Professional Documents
Culture Documents
Mga Isyung Panlipunan
Mga Isyung Panlipunan
Sa ilalim ng batas, wala nang limit ang pag-aangkat ng bigas dahilan para magbagsak-presyo ang
mga imported rice.
Bunsod nito, napipilitang magbaba ng presyo ang mga retailer ng bigas sa bansa.
Ayon sa grupong National Movement for Food Sovereignty, nasa P1 hanggang P2 lang ang binaba
ng presyo ng bigas sa mga palengke.
Hiling ng group na magkaroon ng P20,000 ayuda kada magsasaka para mayroon silang pantawid-
gutom.
"Napakataas po ng cost of production namin tapos malulugi lang kami dahil sa presyo ng palay," ani
Arze Gilpo, convenor ng National Movement for Food Sovereignty.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) spokesperson Noel Reyes, sisiguruhin nilang mabibigay
sa mga magsasaka ang ipinangakong P10 bilyong pondo na tulong sa kanila.
Nakiusap din ang DA sa mga magsasaka at mga konsumer na bigyan ng pagkakataon ang rice
tariffication law, lalo't para naman umano ito sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa bansa.
Link : https://news.abs-cbn.com/business/08/31/19/ayuda-sa-mga-magsasaka-inihirit-dahil-sa-bagsak-
presyong-bilihan-ng-palay
Patay sa dengue, 882 na
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 31, 2019 - 12:00am
MANILA, Philippines — Umakyat na sa 882 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit
na dengue.
Lubhang mataas ito kumpara sa 102,298 kaso sa parehong petsa noong 2018.
Sa rekord ng DOH, mula lamang August 4-10 o sa loob lang ng 6 na araw ay may
naitalang 12,802 kaso ng dengue.
Ang Western Visayas ang may pinakamataas na kaso na 36,476 at may 166 na
nasawi.
Link: https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2019/08/31/1947792/patay-sa-dengue-882-na#js8dXi0c2xEqDDq6.99