Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma.

Subalit kalauna’y nilapatan ito ng himig


upang maihayag nang paawit at mas madaling matandaan o masaulo, at ang bulong ay ginagamit bilang
pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o pook tulad ng punong balite, sapa at ilog, punso at iba pang
pinaniniwalang tirahan ng mga lamang-lupa, maligno at ibang makapangyarihang espiritu nang hindi sila magalit
at manakit. Ang karaniwang paksa nito ay ang pang-araw-araw na pamumuhay, paniniwala at pamahiin ng mga
tao sa isang lugar, kaya naman may iba’t ibang uri ito para sa iba’t ibang pagkakataon o okasyon gaya ng
sumusunod: Tungkol pa rin sa awiting-bayan o kantahing bayan – Pasalitang pagpapahayag ito ng damdamin ng
mga katutubo. Naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaalala sa
kabataan kaugnay ng mga dapat ikilos at gawin. May iba’t ibang uri ito batay sa sitwasyon o layunin ng
pagkakabuo nito. Kundiman ang panlahat na katawagan sa awit ng pag-ibig. Nagsasaad ito ng kabuuang mga
damdamin at mga saloobing ipinangangako ng pag-ibig. Halimbawa ng kundiman sa Visayas ay ang Balitaw. Ang
dalaga ay di agad sumasagot kaya idadaan sa awit ang panliligaw sa kaniya ng binata. Diona o ihiman naman ang
awiting-bayan sa kasal.

Bilang haligi ng tahanan kailangan ng lalaking magtrabaho upang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Ang
talindaw ay inaawit habang namamangka at habang nagsasagwan; soliranin naman ang awitin sa paggaod. Ang
oyayi o hele ang katawagan sa awiting nagpapatulog ng sanggol. Kalimitang ang mga awiting ito ay walang
kahulugan, inaawit lamang sa isang malambing na himig upang makatulog ang isang bata.(Flora A, Ylagan,1939).
Sadyang nakaaantok ang oyayi dahil halos iisa ang tono, at paulit-ulit ang liriko. Isa pang pampaalis ng pagod ay
ang awit sa lansangan, ang kutangkutang (Deveza & Guamen, 1979) na ang layunin ay magpatawa, magpasaring o
manukso. Maaaring ang himig nito ay lumang-luma na ngunit makabago ang liriko na may temang nanunudyo.
Maaaring awitin bago magtrabaho, habang nagtatrabaho o pagkatapos ng trabaho o kaya’y nagpapahinga na.
Bukod sa pag-ibig sa iniirog mayroon ding awit para sa pag-ibig sa bayan. Tinatawag din itong awit sa
pakikidigma. Ito ay ang kumintang o tikam na nagtataglay ng malungkot na himig, na karaniwang inaawit ng
mandirigma (Sauco,1978). Karaniwang inaawit sa saliw ng biyolin at gitara at nagmula raw sa Balayan, Batangas
(Cuasay, 1973). Samantalang ang dalit o imno ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat,
karaniwang para sa Diyos, sa mga santo at santa ng mga Katoliko sapagkat nagpapakita, nagpaparating o
nagpapadama ng pagdakila at pagsamba. Tunghayan ang iba pang uri ng awiting namayani sa iba’t ibang lugar sa
ating bansa. 1. Tingad – Awit sa pamamahinga mula sa maghapong pagtatrabaho. 2. Sambotani – Awit sa
pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban. 3. Dopayinim – Awit sa pagdiriwang sa pagtatagumpay sa isang labanan.
4. Dolayanin at Indolanin – Awit panlansangan. 5. Tingud – Awit pantahanan 6. Umbay – Awit panlibing 7.
Ombayi- Isang malungkot na awit 8. Omiguing – Isang malambing na awit

Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa Pilipinas. Isang panalangin ang
bulong na binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga
pangyayari sa buhay na maaaring magtadhana ng kapalaran. Binubuo ng ilang taludtod at ginamit upang hingan ng
paumanhin ang mga lamang-lupa, tulad ng duwende at espiritung hindi nakikita. Ito’y ginagamit bilang
pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o pook tulad ng punong balite, sapa at ilog, punso at iba pang
pinaniniwalaang tirahan ng mga lamang-lupa, maligno at iba pang makapangyarihang espiritu hindi sila magalit at
manakit. Bukambibig ng matatanda ang nasabing bulong lalo na sa mga lalawigan. Itinuturo nila ito sa kanilang
mga anak upang hindi mapahamak o bigyan ng sakit o paglaruan ng mga maligno. May mga bulong ding inuusal
sa panggagamot tulad ng ginagawa ng isang magtatawas sa napaglaruan ng lamang-lupa o namamaligno o kaya’y
sa mga nakukulam. Ito’y ginagamit ding pananggalang sa lahat ng lihim na kaaway, gayundin kapag ang isang tao
ay nadudulutan ng sama ng loob ng kapuwa. Sa ganitong layon ng paggamit ng bulong, hindi maganda ang
idinudulot nito sa taong pinaggamitan nito. Ginagamit ding pansumpa ang mga bulong. Ang ganitong mga bulong
ay hindi madaling malaman, ito’y lihim na karunungan na isinasalin o itinuturo lamang sa mga napipili at karapat-
dapat sapagkat kung hindi marunong gumamit ang napagsalinan, ito’y nawawalan ng bisa at ang nagsalin ay
napapasama.

Ang konotatibo ay ang dimensiyon ng pagpapakahulugan sa hindi literal ang ibinibigay na kahulugan.
Nagkakaroon ito ng ikatlong pagpapakahulugan gamit ang pahiwatig at paghihinuha bilang gabay. Halimbawa:
 Salita : krus Denotasyon : kahoy na krus Konotasyon: simbolo ng relihiyon

ang mga salita ay maaaring gamitin nang ayon sa sitwasyon at layunin na kakikitaan kung paano epektibong
magagamit nang ayon sa antas nito. Narito ang antas ng wika. 1) Balbal – Wikang karaniwang ginagamit sa
lansangan. Ito ang pinakamababang antas ng wika. Itinuturing na ang mga salitang ito ay karaniwang likha Mga
Halimbawa: lespu, ermat, erpat boga, puga, toma.  Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad
at tumabi ako sa nakaupong lespu na abala sa kaniyang cp sa pagtetext.  Ang gurangers talaga nakikiuso ring
manood kina Piolo at Sarah. Pansinin ang salitang lespu ay mula sa salitang pulis na binaligtad lamang
samantalang ang “gurangers” ay mula sa salitang gurang na ang ibig sabihin ay matatanda. 2) Kolokyal – Antas ng
wika na ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Karaniwang may
palit koda (code switching) o halong koda (mixed switching) na ibig sabihin pinaghahalo sa pagsasalita o pagsulat
ang Filipino at Ingles. Mga Halimbawa: pinoy, titser, p’re, te’na  Habang naghihintay, naisipan ko munang
magbasa sa wattpad  Maaga pa ay nasa lobby na ako ng sinehan. 3) Lalawiganin o Diyalektal– Wikang
ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan. May pagkakataon o sitwasyon na hinihiram ang salitang lalawiganin
na nagkakaroon ng ibang kahulugan. Mga Halimbawa: Mga Salita sa Luzon na Ginagamit sa Ibang
Rehiyon/Lugar  kaunin (sunduin) – Batangas  mabanas (mainit ang panahon) – Laguna  abiarin (asikasuhin)
– Quezon  balaw (alamang) – Aurora Mga Salita sa Visayas na Ginagamit sa Ibang Rehiyon/Lugar  bana –
asawang lalaki  onse – labing-isa  sugba – ihaw  kadyot – sandali lang Mga Salita sa Mindanao na
Ginagamit sa Ibang Rehiyon/Lugar  malong –kasuotan ng mga kapatid na Muslim  kulintang – instrumentong
pangmusika
4) Teknikal- Ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon. Mga Halimbawa: Disiplina: Information
technology Google Internet Basher Mouse Instagram Windows Chat Facebook Yahoo Ilang Salitang
Ginagamit sa Bangko Kaugnay ng SitwasyongPag-iipon Account Current Savings Checking ATM Withdrawal
5) Pampanitikan – Ang pinakamataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akdang
pampanitikan kabilang dito ang matatalinghagang salita at pahayag na nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at
larawang diwa. Mga Halimbawa: mahal na tao mahabang dulang nakabibinging katahimikan kisap mata
nalalagas ang dahon nagpupuyos sa galit

Si Felimon, Si Felimon Dandansoy


(Cebu) (Hiligaynon)
Si Felimon, Si Felimon Dandansoy, bayaan ta ikaw
namasol sa karagatan; Pauli ako sa Payao
Nakakuha, nakakuha, Ugaling kung ikaw hidlawon
Sang isdang tambasakan, Ang Payao imo lang lantawon.
Guibaligya, guibaligya Dandansoy, kung imo apason
Sa merkado nga guba, Bisan tubig di ka magbalon
Ang halin puros kura, Ugaling kong ikaw uhawon
Ang halin puros Sa dalan magbubon-bubon.
Igo ra i panuba.

Ili-Ili Tulog Anay


(Oyayi sa Iloilo)
Ili-Ili Tulog anay,
Wala diri Imong nanay,
Kadto tienda Bakal papay,
Ili-ili Tulog anay.
(Mula sa Hiligaynon)
“Tabi, tabi…
Maagi lang kami
Kami patawaron
Kon kamo masalapay namon.”

Kinaray-a (Hiligaynon)
Ilaga nga hanggod
Ilaga nga gamay
ul-a ang unto ko nga guba kag raw-ay
Kabay nga islan mo kang bag-o.

You might also like