Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

J.H.

Cerriles State College


Dumingag Campus
Caridad,Dumingag, Zamboanga del Sur

GE FIL 101

TRIBONG
MARANAO

BACHELOR OF SCIENCE IN CRIMINOLOGY


1-B

1
OCTOBER 2018

TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat ……………………………………………………………………………….1

Talaan ng Nilalaman………………………………………………………………….2

Kabanata I……..………………………………………………………………………3

Kabanata II….…………………………………………………………………………

A. Kultura ng Tribu…………………………………………………………….……..5

B. Mga Paniniwala, Kaugalian hinggil sa mga panganganak, pagdadalaga,

kamatayan at paglibing……………………………………………………………….6

C. Mga Ritwal sa relihiyon……………………………………………………………7

D. Mga Pamahiin………………………………………………………………………8

E. Mga Paniniwala sa pagtanim o hanapbuhay……………………………………...

F.Ang Wikang ginagamit ng Grupo o Tribu, puro ba o halo ba, ano ano ang

mga hiram na wika o salita…………………………………………………………..9

Kabanata III. Pag aanalisa ng mga Datos……………………………………………

A. May mga Kaugalian pa bang sinusunod ayon sa tradisyon………………………10

B. Ano ano ang mga pag babagong dala ng mga modernisasyon o teknolohiya……..11

C. Nakakatutulong ba ang mga pagbabagong ito o nakakasira ba sa grupo………….

D. Ano ano ang mga kaugaliang dapat pananatilihin…………………………………

E. Ano ano ang mga dapat baguhin…………………………………………………...12


2
F. Ano ang kahihinatnan ng pag pasok ng modernisasyon sa wikang

sinasalita nila…………………………………………………………………………..

Kabanata IV Bibliograpiya.….………………………………………………………………………..13

3
KABANATA I

Ang mga Muslim sa Mindanao ay binubuo ng ibat-ibang pangkat o tribo. Isa na dito ang

pinakapopular at pinakamalaking tribo ng mga Muslim ang mga Maranao. Ang mga Maranao ay

ang mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa ng Lanao, na siyang

pangalawang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang orihinal na tawag sa lalawigang ito’y

“Ranao” na nangangahulugang “lawa o lanaw” at ang mga naninirahan ay tinatawag na

“Maranao” (naninirahan sa may lawa), at galing ito sa wikang Austronesian. Tinatayang aabot sa

90% ang bilang ng mga ito na naninirahan sa Lanao del Sur, ang ibang natira ay matatagpuan sa

Lanao del sa bahagi ng Lanao del Norte, Cotabato, Zamboanga, at Bukidnon. Ang sentro ng

pangangalakal, pangkultura, at pang-edukasyon ng mga Maranao ay sa Marawi City o dating

tinatawag na Dansalan. Ito ang kabisera ng Lanao del Sur. Ang mga Maranao ay unang

naninirahan sa kabundukan, pero ang impluwensya nito ngayon ay kumalat na hanggang sa mga

tao sa baybaying lugar. Sa mga malalalaking pangkat ng mga Muslim sa Mindanao, ang mga ito

ang pinakahuling naging Islam. Sila ang takbuhan ng mga Muslim kung may aktibidad laban sa

mga Espanyol, Amerikano , at hapon, at kahit na ang Republika ng Pilipinas sa panahon ng

batas militar. Maraming nayon ng mga Maranao na may iilang pamilya ang naninirahan sa iisang

bubong. Isang tipikal na tahanan ng mga Maranao ang bahay na walang dibisyon sa loob. Sa

magkabilang dulo ng pader ng bahay ay mga higaan na may pasilyo pababa sa gitna. Sa bawat

higaan ng bahay ay may isang pamilyang sumasakop. Sa likuran ng tirahan ay isang kusinang

para sa lahat ng pamilyang nasasakop ng bahay.

Ayon kay Casan Alonto sa kanyang “Perspective on Maranao Society” (1974), may mga teorya

tungkol sa pinagmulan ng mga Maranao. Ang isang teorya’y batay sa epiko ng mga Maranao na
4
Bantugan o Darangan. Sinasabing ang unang mga naninirahan dito sa kapaligiran ng Lanao ay

pinangungunahan ng isang nangangalang “Butuanon Kalinan” na buhat sa dakong Silangan na

siyang tinatawag naBombaran.

KABANATA II

5
A. Kultura Ng Tribo

1. Kasuotan - Ang pinaka-kilalang tradisyonal na kasuotan ng mga Muslim ay ang “Malong”,

isang malaki at makulay na telang pinagtagpi na karaniwang ginagamit na pambalot sa katawan.

Karaniwan, sinusuot ito ng mga kababaihan sa paligid ng baywang na ang itaas na dulo ay

nakatagpi sa ibabaw ng kaliwang braso. Ang mga kalalakihan naman, sinusuot ito na nakapaligid

sa baywang tulad ng isang palda.

Ang malong ay may maraming gamit depende sa pangangailangan ng tagapagsuot. Maaari din

itong gamitin bilang isang amerikana, kappa, kumot, o payong. Ang mga Maranao at

Maguindanao ay sinusuot ito sa llob ng isang blusa na kung tawagin ay “arbita.

2. Sayaw - Ang sayaw na Singkil ay kinuha ang pangalan mula sa mga kampanilya na sinusuot

sa mga bukong-bukong ng muslim na prinsisa. Marahil isa sa pinakamatagal sa mga totoong

pilipinong sayaw, ang Singkil ay isinalaysay ang mahabang tulang “Darangan” ng mga taong

Maranao ng Mindanao

B. Mga Paniniwala, Kaugalian Hinggil Sa Mga Panganganak, Pagdadalaga, Kamatayan

at Paglibing.

1. Ang mga bagong silang na sanggol ay isa sa mga pinagmumulan ng kagalakan at palamuti

para sa mundo na ipinagkaloob ni Allah sa kanilang mga magulang, sila’y nakapagbibigay sigla

sa mga puso, kasiyahan sa mga kaluluwa, kaluguran sa mga mata. Sila ay mga bunga mula kung

kanino ang kabutihan ay inaasahan kung sila ay palagiang nananalangin

6
Ang mga bata ay siyang sa bawat bansa ay sa kanila nakasalalay ang pag-asa para sa hinaharap,

at sila ang kabataan ng kinabukasan na sa kanilang mga balikat ay naka-atang ang pag-anyaya sa

Islam. Ang Islam ay tunay na itinaas ang katayuan ng mga bata at inilatag ang mga pag-uugali

para sa kanilang pakikitungo sa lahat ng mga bagay at bawat yugto ng kanilang mga buhay, at

mula dito ay ang mga kaugalian para sa pagsalubong sa kanilang pagdating sa buhay na ito.

2. Lingid sa kaalaman ng iba, walang Araw ng Patay o undas sa paniniwala ng mga Muslim,

ngunit kakaiba ang tradisyon ng Islam. At tulad ng sa Kristiyano ay may mga sinusunod na

pamamaraan ang mga Muslim kung sila’y namamatayan.

3. Sa tradisyon ng mga Muslim ay dapat mailibing agad ang namatay sa loob ng 24 oras at ang

mga ritwal na kinapapaluuban nito ang pagpapaligo sa bangkay bago ito ilibing. Dapat ay

malinis ang bangkay sa huli nitong hantungan. Matapos na malinisan o mapaliguan ang bangkay

ay ibabalot naman ito sa puting saplot bilang simbolo ng kalinisan at saka ito aalayan ng dasal ng

isang Imam.

Kalimitang nagtatagal ang dasal sa loob ng 5 minuto o mas mahaba pa. Janazah ang tawag sa

dasal ng mga Muslim na alay sa patay. Tradisyon rin na naroon ang pamilya ng namatayan -

maliban lamang kung ito’y nasa malayong lugar at imposibleng makauwi agad bago malibing

ang bangkay - habang isinasagawa ang pagdarasal.

Matapos ng dasal ay ililibing na ang bangkay na balot sa puting tela. Kalimitang may hugis na

titik L ang hukay ng libingan ng isang Muslim. Bago ipasok ang bangkay sa hulay na mistulang

kuweba ay aalisan naman ito ng saplot sa kanyang ulo at saka ihihiga ng patagilid at nakahalik

ang mukha sa lupa katulad sa pagdarasal ng mga Muslim.

7
Dapat rin ay nakaharap sa Mecca (ang sentro ng relihiyon ng Muslim sa Saudi Arabia) ang

bangkay at ito ay palaging naka turo sa lugar na kung saan lumulubog ang haring-araw o sa

kanluran. At saka tatabunan ang libing.

Ngunit iba naman ang paraan sa mga namatay na jihadist o holy warrior kung tawagin o yaong

mga Muslim na nakikipaglaban sa digmaan. Kalimitan ay hindi inililibing na ito agad ay hindi na

kailangan dumaan sa mga ritwal ng tulad sa nabanggit dahil mga “martir” na ang turing sa mga

ito na namatay sa pakikidigma.

C. Mga Ritual Sa Relihiyon

1. Ang isang Muslim (sa wikang Arabo: ‫ )مسسسلم‬ay ang taga-taguyod ng Islam. Sa literal na

kahulugan ng salita, paa sa paatao na ipinagkaloob ang sarili sa Diyos (Allah sa wikang Arabo)

2. Tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim bilang kapwa Muslim ang sinumang matapat na

binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa Diyos at ang

paninindigang na si Muhammad ang huling propeta. Isinasalarawan ng mga Muslim ang mga

maraming karakter sa Tanakh at Bibliya, katulad nina Musa (Moses) at Isa (Hesus), bilang mga

Muslim, dahil, bilang mga propeta, ipinagkaloob nila ng buo ang kanilang sarili sa Diyos.

3. Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay

na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si

Muhammad noong nabubuhay pa siya. Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga

Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang

mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga

8
Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa

marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na

pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.

4. Para sa mga Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang

mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.

D. Pamahiin

1. Hindi dapat nag sign of the Cross kasi malaking kasalanan yun.

2. Dapat hindi kakain ng tilapiang isda kasi may mamamatay sa pamilya.

E. Mga Paniniwala Sa Pagtatanim o Hanap Buhay

1. Ang mga Maranao ay karaniwang mga magsasaka at may iilang mangingisda.

2. Ang silangang bahaging Lawa ng LanaLanao ay mayabong para sa pag lilinlang ng bigas.

3. Ang mayabong na lupa ang nagdala sa iba' ibang uri ng Mais, Mani, Kamote, Kape,

Kalamansi at klase-klasing uri ng tropikal na prutas.

4. Magaling sin silang manghabi ng tela at banig, pag lililok ng kahoy, anso, pilak at ginto.

Kilala din sila para sa pag bebenta ng banig ng dayami.

F. Ang Wikang Ginagamit Ng Grupo At Tribo, Puro Ba, Mga Halo Ba, Ano Ang Mga

Hiram Na Wika o Salita.

9
Ang Wikang Maranao ay isang wikang Awstronesya na ginagamit ng mga Maranao sa mga

Lalawigan ng Lanao Del Norte, Lanao del Sur sa Pilipinas

1.Magandang Umaga - Mapiya Kapipit


2.Walang Anuman - Bolos Ka
3.Salamat - Madakel A

KABANATA III

Pag Aanalisa Ng Mga Datos

A. May Mga Kaugalian Pa Bang Sinusunod Ayon Sa Tradisyon.

May kaugalian pa rin itong sinusunod ayon sa tradisyon ang Maranao ay kilala sa kanilang

makulay na sining, kultura at tradisyon. Sakop ng kanilang kultura ang pagbuburda, pag-uukit, at

10
paghahabi. Dahil halos lahat ng mga tribo ay may kasanayan sa mga ganitong paglikha, ito na

rin ang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.

Sa kanila namang literatura, napakahalaga ng simbolo ng Sarimanok. Ito ay sumasagisag sa

pagkakaibigan at pagkakasundo. Marami ring mga alamat at kwentong bayan ang maga taga-

Mindanao.Kabilang dito ang Alamat ng Perlas, Alamat ng Waling-Waling at Alamat ng Bundok

Pinto.

Sa larangan naman ng musika, hindi papahuli ang mga instrumento na ginagamit ng mga

mamamayan. Ang ilan sa mga ito ay ang mga Gabbang, Gong, Karandil, Palendag, Subing at Sa

aspeto naman ng tradisyon, mayaman ang mga taga-Mindanao sa kaugalian at pagpapahalaga.

Sila ay naniniwala sa pagiging matapang at determinado sa buhay. Malakas ang kanilang

kumpyansa sa sarili at ito ay kanilang isinasabuhay para manatiling matatag sa laban ng buhay

araw-araw.

B. Anu-Ano Ang Mga Pagbabagong Dala Ng Mga Modernisasyon o Teknolohiya

Ang Maranao naapektuhan na ng pagbabago ng materyal na kultura sa kanilang siklo ng buhay.

Sa kasalukuyang panahon, iilan lamang sa Maranao ang nakakaalam ng sinaunang kultura nila.

Subalit habang tumatagal ay nauubos din ang mga matatandang nagbibigay paalala sa karamihan

upang panatilihin ang nakagawian. Kung may nanatili man sa pagsunod sa sinaunang materyal

na kultura sa siklo ng buhay, nahahaluan pa rin ito ng fashion o modernisadong kagamitan. Mula

11
sa nabanggit naliwanag at elaborasyon tungkol sa materyal na kultura at kalagayan nito sa

lipunan ay nakakainteres ding malaman ang pagbabagong nagaganap sa mga tradisyunal na

kagamitan ng mga Maranao sa pag-aasawa, panganganak at kamatayan. Pinaniniwalaang may

nabago, napalitan at nawala sa mga nakagawiang tradisyunal na kagamitan na ito.

C. Nakakatutulong Ba Ang Mga Pagbabagong Ito o Nakakasira Ba Sa Grupo.

Ito ay nakatutulong sa grupo, dahil ito ay may magandang maiidudulot sa tribo na kung saan

may iilang grupo na hindi alam ang kanilang totoong naganap sa kanilang grupo. Kaya

ipinalaganap nila ang pagiging totoo sa kanilang tribo na kung saan ipinapakita nila ang mga pag

babagong nanaganap sa kanilang Tribo.

D. Anu-Ano Ang Mga Kaugaliang Dapat Pananatilihin.

Ang sistema ng kaugaliang Maranao na dapat panatilihin ay tumutukoy sa mga kaugalian na

pinapahalagahan ng karamihan ng mga Maranao. Itong sistema ng kaugaliang Maranao ay may

katangi-tanging katipunan ng mga ideolohiya, moralidad, kabutihang asal, wastong kagawian, at

kahalagahang personal at kultural na itinatakda ng lipunan. Katulad ng lahat ng lipunan, ang mga

pinapahalagahan ng isang indibidwal ay naaapektuhan ng mga salik katulad ng relihiyon, antas

ng kabuhayan, at iba pa.

Sa pangkalahatan, nakaugat ang sistema ng kaugaliang Maranao sa relasyon at pakikipagkapwa,

lalung-lalo na ang pakikipagkapwa sa pamilya, mga obligasyon, pakakaibigan, relihiyon at

pangkalakal,at higit sa lahat pagibig.

E. Ano-anu Ang Mga Dapat Baguhin.

12
Ang dapat baguhin sa mga kaugalian ng Maranao ay ang kanilang pangkalahatan, nakaugat ang

sistema ng kaugaliang Maranao sa relasyon at pakikipagkapwa, lalung-lalo na ang

pakikipagkapwa sa pamilya, mga obligasyon, pakakaibigan, relihiyon at pangkalakal,at higit sa

lahat pagibig.

F. Ano Ang Kahihinatnan Ng Pag pasok Ng Modernisasyon Sa Wikang Sinasalita Nila.

Ang Kahinatnan ng pag pasok ng modernisasyon sa wikang sinasalita nila ay mag kakaroon ng

pagbabago kasi mahaluan ng ibat ibang lingwahe. Hindi man ito mawala, patuloy man itong

ginagamit pero hindi na ito puro na wika na sinasalita nila sa panahon ngayon napalaganap na

nila ang bagong modernisasyon.

KABANATA IV

Bibliograpiya

1. Key Ay Em (Ang Maranao) July, 31, 2017

2. Christina Jones (Ang Kultura Ng Mga Maranao)

13
3. Charmaeclear (Pamahiin Ng Mga Maranao)

4. The Mindanao Examiner Regional Newspaper (Ritwal Sa Relihiyon) Oktobre, 29, 2010

5. Elen Alcalde (Ang Wikang Maranao) Sabado, Setyembre 2, 2017

6. Https//.Wikipedia.maranao.com

14
IPINASA KAY :

Gng. Teodora Donio

IPINASA NINA :

Nicole Samantha Ranile


April Ben Torqulas
Edgar Tan

15

You might also like