Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang aking posisyon bilang estudyante at pilipino sa pag-aalis ng filipino at

panitikan sa kolehiyo

Hindi makatwiran ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa pagtatanggal sa Filipino sa


kolehiyo. Bilang isang mag-aaral na namulat sa kahalagahan ng ating wika, hindi ako
sang-ayon sa desisyong ginawa ng DepEd at CHED. Ang Filipino ay sinimulan sa
elementarya, marapat lamang na manatili ito hanggang sa tersyarya.
Dahilan ng Kagawaran ng Edukasyon, tagalog lang naman iyang wika at panitikang
Filipino kaya dapat na talagang tanggalin sa kolehiyo. Isang pangit na palusot na
nagpapatunay na mali ang kanilang naging desisyon. Ang problema sa karamihan,
limot na ang sariling wika.
Maraming dayuhan ang humahanga sa pagiging kakaiba nating mga Pilipino. Isa na
roon ang pagmamahal natin sa ating wika. Kung tatanggalin ang Filipino bilang core
subject sa kolehiyo, ano na? Idagdag pa ang Korean elective courses sa public schools.
Isinaad noon ng CHED na gamitin ang Baybayin, ngunit hangeul ang aaralin. Nasaan
na ang pagiging Pilipino na hinahangaan ng mga dayuhan?
Sinakop tayo ng maraming bansa, inuto at pilit na binago ang ating wika. Hindi man
lang nila naisip ang paghihirap na ginawa ng ating mga ninuno upang Filipino ang
gamiting wikang pambansa. Sinalungat nila ang nakasulat sa Artikulo XIV, Seksyon 6 at
7 ng Konstitusyong 1987 ng Pilipinas – “puspusang itaguyod ang paggamit ng FIlipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema ng
edukasyon.”
Isa pa yung tungkol kay Dr. Jose Rizal. Wagas magcelebrate ng birthday tuwing June
19, pero ‘di man lang nila naisip kung bakit pa kailangang alalahanin si Rizal. Alam lang
nila na namatay ito, kabisado pa ang exact date ng pagkamatay.Tapos ayon, bayani na
siya, hanggang dun na lang. Itinuring na bayani si Rizal hindi lang dahil sa pag-iwas
niya na dumanak ang dugo upang makalaya ang Pilipinas. Kundi pati na rin ipinakita
niya ang kahalagahan ng ating wika – na dapat itong manatiling buhay.
Paano ‘yung mga course na napalakahalaga ng Filipino sa kanila. Isang halibawa ang
Literature and Writing. Kahit naman Engineering o Business Management, kailangan pa
rin ng Filipino sa kolehiyo. Kung kasali ang Filipino sa core subjects sa kolehiyo,
mananatili kang mulat na ikaw ay mananatiling maka-Pilipino. Ito ang maghahanda sa
atin tungo sa ating propesyon.
Sa pagwawakas ng aking posisyon, hindi nararapat na tanggalin ang Filipino sa
kolehiyo. Makatutulong ito upang lumawak at lumalim pa ang kaalaman ng mga
kabataang sabi ni Rizal, ang pag-asa ng bayan.

You might also like