Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. LAYUNIN:
a. Nabibigyang-kahulugan ang mga di-pamilyar na salita mula sa akda.
b. Naiuugnay ang mga pangyayari sa tunay na buhay.
c. Naisasadula ang mga pangyayari sa akda.

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Aralin 17, Paghihimutok ni Don Pedro


Sanggunian: Ibong Adarna, ph.137-138
May-Akda: Aida M. Guimarie
Kagamitan: kartolina, pisara, tsok

III. PAMAMARAAN:

A.) Panimulang Gawain


1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Lumiban
4. Balik-Aral

B.) Pagganyak
1. Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung sino na ang nakaranas na hindi magawang
mahalin ng taong mahal niya?
2. Ipapaliwanag ng guro ang kaugnayan ng sagot ng mag-aaral sa tatalakayin nila sa araw na ito.

C.) Paglalahad ng Paksa at Layunin


Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa.

D.) Paghawan ng Sagabal (Pagtatapat-tapat ng mga Salita)


Pupunta ang mga mag-aaral sa pisara at pagtatapat-tapatin ang mga salita.

Talasalitaan:
1. Hinihintay – Inaasam
2. Taksil – Lilo
3. Hinagpis – Himutok
4. Pangamba – Agam-agam
5. Lungkot – Hapis

E.) Pagtalakay (Pagsusuri sa nilalaman ng akda sa pamamagitan ng Q&A)


i. Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang basahin ang akda.
2. Pagkatapos basahin ay susuriin ang nilalaman nito sa pamamagitan ing inihandang mga
tanong.

*Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang ipinaghihimutok sa buhay ni Don Pedro?
2. Ano ang reaksyon ni Donya Leonora kapag dumadalaw si Don Pedro?
3. Bakit hindi magawa ni Don Pedro na magalit kay Donya Leonora?
4. Gaano katagal nang naghihintay sa pagdating ni Don Juan si Donya Leonora?
5. Ano ang turing ni Donya Leonora kay Don Pedro?

F.) Paglalapat (Pangkatang Gawain)


1. Papangkatin ng guro ang klase sa dalawang grupo.
2. Bawat grupo ay magsasadula ng isang eksena na nasa akda.
G.) Paglalahat (One Sentence Summary)
Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral para magbigay ng isang pangungusap na pagbubuod ng
paksang tinalakay.

IV. PAGTATAYA:

Piliin at bilugan ang titik ng sagot na tumutugon sa mga tanong.

1. Ano ang nararamdaman ni Don Pedro kapag umiiyak at tinatawag ni Donya Leonora si Don Juan?
a. Parang mawawasak ang dibdib ni Don Pedro.
b. Galit na galit siya kay Don Juan.
c. Isinusumpa niya si Donya Leonora.
2. Sino ang larawang sinasamba ni Donya Leonora?
a. Diyos
b. Don Pedro
c. Don Juan
3. Kung hindi lang daw kagaspangan ng pag-uugali, ano ang gagawin sana ni Don Pedro?
a. Sisirain niya ang larawan ni Don Juan.
b. Sasaktan niya si Donya Leonora.
c. Ibubunton niya ang galit sa larawan ni Don Juan.
4. Kung hindi pa rin daw darating si Don Juan, ano ang mangyayari kay Donya Leonora?
a. Hindi na aabutang buhay si Donya Leonora.
b. Lalayas na sa palasyo si Donya Leonora
c. Pakakasal na siya kay Don Pedro.
5. Ano ang sinasabi ni Don Pedro bago lumisan sa silid ni Donya Leonora?
a. Kalilimutan na niya si Donya Leonora.
b. Hihintayin niya ang araw na matatapos ang kanilang paghihirap.
c. Lalayo na siya sa palasyo.

V. TAKDANG ARALIN:

Basahin ang Aralin 18 at sagutin ang mga tanong sa pahina 146.


CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION INC.
Paniqui, Tarlac

Mala-Masusing
Banghay
Aralin sa
Filipino

Inihanda ni:

Jacquiline D. Abella
Bsed IV-B

Inihanda para kay:

Mrs. Antonina B. Mangoba


-Guro-

You might also like