Professional Documents
Culture Documents
Masusing Banghay (Health)
Masusing Banghay (Health)
sa Edukasyong Pangkalusugan
I. Layunin
III. Pamamaraan:
1. Panalagin
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umga,sir!
Bag kayo umupo, pakiayos muna ang inyong
mga upuan at kung may papel o anumang kalat sa
ilalim nito ay inyong pulutin. ( aayusin ng mga bata ang mga upuan at pupulutin ang
mga kalat.)
Ngayon mga bata, maaari na kayong maupo. (uupo ang mga mag-aaral)
1. Pagganyak
Bago tayo magsimula sa ating aralin may
inihanda akong mga larawan dito.
Renz, ano ang nakikita mo sa unang larawan? Ang unang larawan po ay nag-papakita ng mga taong
masasaya at ngumingiti.
Mahusay!
2. Paglalahad
Ngayon, tatalakayin natin ang
(ipapakita sa Powerpoint)
Mga bata , maaari niyo bang basahin? (sabay-saby na babasahin ng mga mag-aaral)
3. Pagtatalakay
Ano nga ba ang bibig? Raymond maaari mo bang
basahin. (babasahin ang nasa presentasyon)
Ang Ating Bibig
Ang bibig ay ginagamit sa pagkain. Ang bibig ay
ginagamit din sa pagsasalita. Ang bibig ay may
ngipin at dila. Ang ngipin ang dumudurog ng ating
kinakain. Ang dila naman ang tumutulong sa
paglulon. Ang mga ito ay sama-samang
gumagawa. Kaya kailangan nating pangalagaan.
(ipakikita sa Powerpoint)
Maraming salamat.
Ang bibig ay isa sa pinaka- mahalagang parte ng
katawan ng tao .
Magaling!
( ipakikita sa powerpoint )
Mahusay!
Ang pagsisipiyo ay ang paraan upang maging
malinis ang ating ngipin , dila at bibig.
(ipapakita sa Powerpoint)
Alam niyo ba kung ano ang mga kagamitan sa
pagsisipilyo? Melo, sabihin mo nga ang kung ano nga
ba ang mga kagamitang ito? Ang mga ito po ay ang sepilyo ,basong may tubig at
toothpaste.
Tama!
Kailan ba tayo nagsesepilyo ng ngipin? Rashi? Magsepilyo ng ngipin bago at pagkatapos kumain. Ganito
ang tamang paraan ng pasesepilyo.
Magaling!
Ngayon, mayroon bang nakaaalam ng wastong
pamamaraan ng pagsesepilyo? Dimple, ano ang
unang proseso sa pagsesepilyo? Ang unag proseso po sa pagsesepilyo ay una .Kunin ang
sepilyo. Basain ang sepilyo ng malinis na tubig at
,maglagay ng kaunting toothpaste sa sepilyo.
Mahusay!
Tama!
Kailangan nating igalaw ang sepilyo ng paikot sa
loob ng ating bibig. At taas baba naman sa taas baba
naman sa harapan bahagi ng ating ngipin?
Mahusay!
Regine, magbigay ka pa nga ng ibang
pamamaraan upang mapanatili malinis ang ating
bibig? Uminom at kumain ng masustansiyang pagkain.
Magaling!
Ngayon, Jovileyn mayroon ka pa bang
maidaragdag? Palaging magsepilyo pagkatapos kumain.
Tama!
4. Paglalapat
Sa puntong ito, papangkatin ko kayo sa
dalawang grupo . Ang unang pangkat ay ang mga
nakaupo sag gawing kanan at ang pangalawang
pangkat ay ang nasa gawing kaliwa.
Pumunta na kayo sa inyong pangkat at bumuo
ng bilog na magkakaharap kayo. ( pupunta ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat)
Maayos na ba? Opo,sir!
Tawagin natin ang pangkatang gawain na ito na
“Lagyan mo ako ng bilang” .
( Magbibigay ng sobre ang guro)
Unang pangkat maaari bang basahin ang panuto ng
inyong gagawin? (babasahin ang panuto) Panuto: Lagyan ng bilang mula 1-
12 ang mga pangungusap batay sa pagkasunod-sunod
nito.
Tama!
Ngayon naman ang pagalawang pangkat (magpapaliwanag ang kinatawan ng pangalawang panglat)
5.Pagpapahalaga
Ano ang kahalagahan ng malinis na ngipin?
Dimple? Ang malinis na ngipin ay nagbibigay ng mga masasayang
ngiti.
Tama! Ang pagkakaroon ng malins na ngipin ay
nagbibigay ng masasayang ngiti sa tao. At ibig
sabihin din nito maiiwasan natin ang pagkabulo at
pagkasira ng ating mga ngipin.
6. Pagalahat
Batid kong marami na kayong nalaman sa ating
aralin ngayon. Chelsea, maaari mo bang sabihin
Kung ano ang gamit ng ating bibig? Ang bibig ay ginagamit sa pagkain. Ang bibig ay ginagamit
din sa pagsasalita. Ang bibig ay may ngipin at dila. Ang
ngipin ang dumudurog ng ating kinakain. Ang dila naman
ang tumutulong sa paglulon, sir!
Tama!
Magaling!
Ngayon naman ang mga kagamitang ginagamit sa
pagsesepilyo? Melo? Tooth paste, Tooth brush at tubig po, sir!
Mahusay!
Kailan naman tayo magsesepilyo ng ngipin? Rico? Bago at pagkatapos kumain.
Tama!
IV.Ebalwasyon
Batid kong lantad na naunawaan ninyo ang ating
paksang tinalakay. Ngayon, ay mayroon kayong
indibidwal na gawain. Ang kailangan niyo lang
gawin ay lagyan ng bilog (O) ang numero kung
nagpapakita ito ng pangangalaga ng ngipin at Ekis
(X) naman kung nagpapakita ito ng pagkasira ng
ngipin.
V.Kasunduaan
Magtala tatlong ng iba pang pamamaraan upang
Mapangalngalagaan ang ating bibig at ngipin. Ilagay
ito sa inyong kwaderno.