Professional Documents
Culture Documents
Rizal Midterm
Rizal Midterm
Rizal Midterm
Intro
- Sino si rizal
- ano ang kalayaan
- patanong? paano
Body
- Mga impluwensiya na nagbigay ng pananaw kay rizal sa kalayaan
- Mga pangyayari na nagimpluwensiya
- mga ginawa ni rizal (sulat)
- kalayaan sa wika, sa bansa, sa sariling gobyerno
Conclusion
- importansiya/kahalagahan
- kung ano epekto nito sa atin
- para sa kinabukasan
Sa kasaysayan ng Pilipinas, mga Paring Espanyol o mga Prayle ang humugbog sa imahe
ng bansa. Pansin at lutang sa kaalaman at karansan ng mga Pilipino ang kalupitan ang pang-
aabuso ng mga pari. Malawakang pagkuha ng mga lupain na pagmamay-ari ng mga katutubo ang
isa sa pinakamadahas na ginawa ng mga prayle sa bansa. Ito ang isa sa mga nagimpluwensiya
kay Jose Rizal upang magkaroon ng pananaw sa kalayaan at nabuo ang Noli Me Tangere. Si Jose
Rizal mismo mo ay nakaranas ng kasakiman ng mga prayle, ito ay ang pinag-iinitan ang kanyang
pamilya. Musmos pa lamang siya ay namulat na ang mga prayle ang naghahari sa Pilipinas.
Simbahan, pamahalaan, edukasyon, lahat hawak ng mga prayle, sistemang praylokrasya ang
kanilang pinairal. Dito lumabas ang pagkakaroon ng liberalismo at nasyunalismo sa akda niyang
Noli Me Tangere.
Ang kaisipang kalayaan na naging prinsipiyo ni Jose Rizal ay nakaimpluwensiya nang
pumunta siya sa Francia, Europa. Kilala ang Francia noon na monarkiya ang sistema ng
pamahalaan na kung saan hari at reyna ang mga namumuno. Dito mapapansin na ang dugong
bughaw lamang ang nakararanas ng kaginhawaan, samantalang ang mga kanilang mamamayan
ang tumatamasa ng paghihirap. Nagkaisa ang mga mamayan ng Francia noon at ang
ipinaglalaban nila ay ang “ lahat ng tao ay pantay-pantay”. Dahil sa kaganapang ito, nabuo ang
konsepto ng equalidad at liberalismo, ang mga mahihirap at maralita ay nag-aklas. Sa pagkaka-
isang kanilang pinatunayan laban sa mga mamayamang sakim sa pera, kaisipang fraternidad o
pagkakapatiran ang sumibol. Bilang mapanuri si Jose Rizal, naimpluwensiyahan siya ng mga
ginawa ng mamayan sa Francia upang gamitin ang mga prinsipyo at kaisipan para sa mga
Pilipino laban sa mga Kastila.
Hindi lang mga mahahalagang pangyayaring nasaksihan ang nag-impluwensiya kay Jose
Rizal upang magkaroon ng pananaw hinggil sa kalayaan. Karamihan sa ating mga Pilipino ay
iniidolo ang pambansang bayani, pero lingid sa kanilang kaalaman na pati si Jose Rizal ay may
hinahangaan din, ito ang GomBurZa (Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora).
“ Kung hindi sa pangyayari ng 1872, wala sana ngayong Plaridel, o Jaena, o Sancianco. O
kaya ay lilitaw ngayon ang mga magigiting na pangkat ng mga Pilipino sa Europa. Kung wala
ang 1872, si Rizal sana ngayon ay isang Jesuita, at imbis na sulatin ang Noli Me Tangere ay
susulat siya ng isang aklat na kabaligtaran sa nilalaman at layunin. Sa harap ng ganitong
kasalatan ng katarungan at kalupitan, ang aking murang edad at imahinasyon ay nagising at
sumumpa na balang araw na ipaghihiganti ang mga naging biktima ... Balang araw, ang
Diyos ay magbibigay sa akin ng pagkakataon na maisakatuparan ang lahat ng aking balak.”
- Sulat ni Rizal Kay Mariano Ponce (1889).
Si Mariano Ponce ang propagandista at kaibigan ni Jose Rizal. Mula sa sulat, mapapansin
na naimpluwensiyahan si Jose Rizal ng pangyayaring naganap noong 1872, ano nga ba ang
nangyari? Naging panauhin si Jose Burgos sa pamilya ng mga Rizal nang magkaroon ng piyesta
sa Calamba at dahil ito kay Paciano Mercado (kapatid ni Rizal). Nakita na ni Jose Burgos ang
batang Jose Rizal at nakitaan niya ito ng angking talento at katalinuhan. Sa pagkamatay ng
GomBurZa, tumigil sa pag-aaral si Paciano at umuwi ito ng Calamba. Hindi naalinta’y
naakusahan ang kanyang ina at naabutan ang nagtatakang itsura ni Jose Rizal (hango sa sulat ni
Rizal kay Ponce) kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga paring martir, maging ang
pagkakapiit ng kanilang ina. Ang naisagot na lamang ni Paciano sa batang Rizal ay ang kawalan
ng hustisya. Ang pananaw ni Rizal hango sa kanyang nasaksihan ay nasa parte ng kanyang sulat
kay Ponce: Sa harap ng ganitong kasalatan ng katarungan at kalupitan, ang aking murang
imahinasyon ay nagising at sumumpa na balang araw na ipaghihiganti ang mga naging biktima
... Balang araw, ang Diyos ay magbibigay sa akin ng pagkakataon na maisakatuparan ang lahat
ng aking balak.
Naniniwala si Rizal na bago mo mahalin ang Inang Bayan at maipaglaban ang hustisya at
kalayaan, dapat mo mahal at may matinding pananampalataya ka sa Diyos. Para kay Rizal, kung
ang tao ay walang moral, kabutihan at pagpapahalaga, bakit ka magmamahal ng bansa? Ang
kaisipan ni Rizal patungkol dito ay ipinakita niya sa katauhan ni Padre Florentino sa El
Filibusterismo. Ipinakita ni Rizal sa El Filibusterismo ang kanyang pananaw sa kalaayan na
ibinahagi ni Padre Florentino: “Hindi ko sinasabi na ang ating kalayaan ay matatamo sa
pamamagitan ng dulo ng espada sapagkat hindi makabuluhan ang papel na ginagampanan ng
sandata sa pangkasalukuyang pangyayari, kundi dapat muna tayong maging karapat-dapat sa
pamamagitan ng pagdakila sa katalinuhan ng tao, sa pamamagitan ng pagmamahal sa
katarungan, katuwiran at kadakilaan sukdulang ibuwis ang ating buhay – at kung marating na ng
bayan ang tugatog na ito, ipagkakaloob ng Diyos ang sandata, mawawasak ang mga diyus-
diyosan, madudurog ang paniniil, at sisikat ang kalayaan tulad ng unang bukang-liwayway.”
Pinagsanggunian
(2016, June 26). Modyul 6 Mga Bagay na Nakaimpluwensiya kay Dr. Jose Rizal upang isulat
ang Nobelang Noli Me Tangere. Retrieved from https://www.scribd.com/doc/316750367/
Modyul-6-Mga-Bagay-Na-Nakaimpluwensya-Kay-Dr-Jose-Rizal-Upa
Aguilar, I.(2011, October 4). Rizal Repormista o Rebolusyonaryo. Retrieved from https://
www.scribd.com/doc/67442823/Rizal-Repormista-o-Rebolusyonaryo
Alonso, A. (2012). "Ang Pananaw ni Rizal Hinggil sa Ibat-ibang Aspeto ng Lipunan. Retrieved
from https://pi100pananawnirizal.tumblr.com/
Anciano, D.(2009, October). Ang Idolo ni Jose Rizal. Retrieved from http://www.oocities.org/
cavitesu/josidol.htm
Ordonez, R.(2015, December 15). Si Rizal At Ang Pambansang Kalayaan. Retrieved from
https:// plumaatpapel.wordpress.com/2008/03/25/lathalain/