Professional Documents
Culture Documents
Pinaglahuan 1
Pinaglahuan 1
Pinaglahuan 1
A. BUOD
Nang umagang yaon ng ika-19 ng Oktubre ng 1990 ang maluwang na lansangan ng Cervantes
ay nagsisikip sa tao. Walang maluwag-luwag kundi ang pinakagitana na siyang pinaglalagusan ng
magagarang karwahe, kalesa at kalesing kinasasakyan ng lalo pang magarang mga maginoo na kung
hindi sa mga pulis na nagbabantay roon ay nangag-utos marahil sa kani-kanilang kotserong sagasain
ang gayong kakapal na taong nakaaabalapa sa kanilang paglakad.Nagsimula ang nobela sa
paglalarawan ng maraming taong nakatayo sa lansangang Cervantes at naghihintay sa pagbubukas ng
Dulaang Opera upang daluhan ang malaking pulong na iyon sapagkat ayon kay Aguilar, “Bayan ang
tumawag at bayan ang dumalo.” Subalit nabigo ang taong-bayan ; hindi pumayag ang may-ari ng teatro
na ipagamit ito sa kanila dahil sa pag-iwas na masangkot sa pag-uusig ng pamahalaang walang tainga
sa panawagan ng bayan upang makamtam ang kalayaan mula sa mga Amerikano. Hindi naman
nawalan ng loob ang nagsidalo.Nagpaibang-araw sila; ipinagpaliban lamang ang pakikibaka.
B. TEORYA
Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Naturalismo
(Ang Lipunan at Panahon ng Manunulat)
Ang mga tauhan sa nobela ay siya ring mga tampok bilang mga aktuwal na tauhan sa lipunan.
Nariyan si Mr. Kilsberg na siyang manipestasyon ng imperyalismo. Si Rojalde bilang representante ng
Malalaking Burgesya Kumprador at mga Panginoong may Lupa na siyang mga masasalapi at
nakikinabang sa mga iskema ng imperyalismo. Sila Don Nicanor Gutierrez na mga representante ng
Pambansang Burgesya.
Si Luis naman ay siyang representante ng uring manggagawa o sa uring anakpawis. Samantala
si Danding naman ang manipestasyon ng lipunang Pilipino sa kaanyuan ng Inang Bayan. Sa
pamamagitan ng tema ng pag-ibig ay naiangat ni Faustino Aguilar ang istorya upang mulatin ang
kamalayan ng mga mambabasa. Ano nga ba ang pag-ibig na ito kundi ang pag-ibig sa bayan at ang
paghahangad ng bawat masang Pilipino na naduhagi ng imperyalismo, na siyang rurok ng kapitalismo,
na matamo ang tunay na kalayaan sa lipunan at wagas na pagkakapantay-pantay.
At yaong anak na isisilang ni Danding ay siyang rebolusyon na bunga ng panawagan ng mga
dukha na makamtan ang isang tunay na kalayaan ng bayan. Ang pag-ibig ng mamamayan sa Inang
Bayan ang siyang nagluwal sa himagsikan.
Ang Pinaglahuan na nobela ay sumasailalim din sa kung ano meron ang bansa noong unang
kapanahonan. Ang marxismo ay isang teoryang pampanitikan na nagpapakita ng tunggalian
ng mayaman at mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at higit sa lahat ang katunggalian ng
bawat mayaman at ,mga alipin. Sa nobelang Pinaglahuan makikita natin ang bawat takbo ng kanilang
mga buhay na patuloy pa rin ang mga alipin ay nagpaka alipin ang mayayaman ay nagpapayaman.
Punong-puno nga ng balintuna ang halaga ng pera o ang pera bilang halaga, sapagkat sa panahon ding
iyon nagpapatuloy at lalong lumalaganap ang iba’t ibang uri ng sugal kung saan handang-handang
ipalustay ng mayayaman ang kanilang pera, at nagkauutang pa dahil dito, gaya nga ni Don Nicanor:
huweteng, monte, bilyar, sabong, karera sa Hipodromo, at panggingge tuwing makapananghalian.
Kahit ang katiwala ni Rojalde, si Pedro, na kinasapakat nito upang ipahamak si Luis ay handang ipatalo
sa sugal ang 25 pisong ibinigay ni Rojalde isang gabing nagkita sila at nag-ulat si Pedro kung paano
niya nahuli sa bitag ng kanilang plano si Luis. Kapag nanalo sa sugal at lalo pang nagkamal ng pera:
handa naman silang ibahagi ito, subalit sa mga okasyon at gawaing labis na mapag-imbabaw o dikta rin
ng luho at layaw—sa simbahan para sa pamisa o pasiyam, o sa magarbong handaan para sa mga
kaibigan, o sa pagpunta sa mga bar at klub.
Sa harap ng ganitong problematikong relasyon ng pera sa tao, ano pa nga ba ang higit na
kamangha-manghang krimen kundi ang pagnanakaw sa salapi na siyang ibinintang kay Luis ayon sa
pakana ni Rojalde, sa tulong nga ni Pedro na nauna nang “ipinagbili” ang sarili sa halagang limang
libong piso. Sadyang nasadlak na ang tao sa isang panahon kung saan ang ibig sabihin na lamang ng
halaga ay pera, kahit pa sa halaga ng isang tao. Ito rin ang pakiramdam ni Danding: gaya rin lamang
siya ng kasangkapan, bahay, kabayo, na naipagbibili. Samantala, kapansin-pansing hindi ganito ang
pagturing ni Luis sa kaniyang pagkatao: kaya sa kabila ng pangangailangan, hindi niya tinanggap ang
trabahong iniaalok ng isang Intsik dahil siya’y “aalilain” sa halagang 15 piso lamang.
Ang Pinaglahuan ang isa sa mga nobela na nailathala ni Faustino Aguilar na naging tanyag
sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Naisulat ito ni Faustino Aguilar sa panahon ng
mga Amerikano sa kadahilang hindi maganda ang pag trato noon ng mga Amerikano sa mga
Pilipino at sa nobela din na ito matutunghayan natin kung ano ang naging stado ng mga
mayayaman at mga mahihirap at lalo na sa salapi na siyang umiikot sa buhay ng mga
tauhan. Sa kabilang banda, ang pagibig ng mga dukha sa kani-kanilang mga kapamilya ay
walang kaparis. Ipinakita sa nobela na mabahiran man ng kasamaan ang kanilang pagkatao’y
lalaban sila upang mapatunayang tao pa rin sila, at nagmamahal sila nang tunay. Isang
halimbawa ang nakasalamuha ni Luis sa bilangguan, sa pahina 300 na pinagdamutan sa
kuwarta ng kanyang panginoon.
“Hindi dapat maging mapagsamantala ang mga nakatataas sa lipunan. Marahil sila ay
maituturing na makapangyarihan dahil sa kanilang salapi ngunit mangingibabaw pa rin ang
moralidad at asal ng isang kung ituring may dukha.”