Katitikang Pulong Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MCJUNIBEE COMPANY

DATE: Ika - 5 ng Marso 2018


ORAS: 1:27 PM – 2:28 PM
TAGPUAN: R406

Isinumite ng PROCUREMENT GROUP:


BEDIA, Andrea Claire V.
LANDICHO, Ella Ysabel Q.
MARTINEZ, Luke Henry S. (Kinatawan ng Procurement)
MARTICIO JR., Jeremias M. (Punong Tagapamahala)
OLAES, Louise Danielle B. (Sekretarya)
ORAZALES, Carl Joshua V.

MGA MAHAHALAGANG PUNTO NA NAPAG-USAPAN NOONG NAKARAANG LINGGO:

- Pagbaba ng benta ng Junnie Hotdog dahil sa kakulangang supply nito


- Naging epektibo ang production team sa pag likha ng mga produkto
- Nag karoon ng pagbaba sa supply ng hilaw na sangkap sa Junnie hotdog
- Logistics: Kulang na ng supply ng Junnie Hotdog ang branches ng mga sumusunod: CABUYAO,
Albay, at marawi
- mag kakaroon ng malaking pagbaba sa kabuuong kita dahil sa Train law

MGA BAGONG HAMON NA HAHARAPIN ATING INSTITUSYON:

1. Tataas ang presyo ng gasolina at mga asukal na isa sa hilaw na materyales ng ating produktong
Jundae
2. Kung ano ang maaari nating gawain sa kakulangan sa hilaw na materyales ng Junnie Hotdog
kasabay na pag taas ng demand nito
3. Ano ang pinaka epektibong patalastas sa ating mga produkto lalo na ang Jundae sa nalalapit na
tag-init?
MARKETING (Lahat ng miyembro ay dumalo sa pulong)

RESULTA NG DALOY NG BENTA NG MGA PRODUKTO SA NAGDAANG KALAHATI NG TAON:


Ang pinaka maraming benta ay ang chicken jun at ang pinaka mababang benta naman ay ang junnie
hotdog (Ayon sa nakaraang ulat)

PAGTAAS NG PRESYO NG GASOLINA AT MGA ASUKAL NA ISA SA MGA HILAW NA MATERYALES NG


ATING PRODUKTONG JUNDAE
Tagasalita: BINIBINING ALIAH TAN
Suhestiyon: Kumuha ng ibang supplier

Tagasalita: GINOONG JULIAN VERAN


Suhestiyon: (Patungkol sa pagtaas ng Presyo ng Jundae) Gumawa ng panibagong itsura ng Jundae upang
hindi masyadong mahalata na nagtaas tayo pero pareho pa din ng produkto para mas nagmukhang bago
sa paningin ng mga mamimili

KUNG ANO ANG MAAARI NATING GAWIN SA KAKULANGAN SA HILAW NA MATERYALES NG JUNNIE
HOTDOG KASABAY NANG PAG-TAAS NG DEMAND NITO
Tagasalita: BINIBINING ALIAH TAN
Suhestiyon: Pagpapalit ng supplier, dahil hindi na gagampanan ng maayos ang pagdeliver ng mga sapat
na produkto na para sa Junnie Hotdog.

ANO ANG PINAKA EPEKTIBONG PATALASTAS SA ATING MGA PRODUKTO LALO NA ANG JUNDAE SA
NALALAPIT NA TAG-INIT?
Tagasalita: BINIBINING ALIAH TAN
Mga Sinabi: Paggawa ng mga commercial na maibabahagi sa Telebisyon upang makita ng mga
manonood
PRODUCTION (Lahat ng miyembro ay dumalo sa pulong)

RESULTA: Ayon sa nakaraang ulat, naging epektibo ang mga suhestiyon nila dahil natiyak ng Production
Team na makukuha nila ang kota na naayon sa kanilang mga ulat.

PAGTAAS NG PRESYO NG GASOLINA AT MGA ASUKAL NA ISA SA MGA HILAW NA MATERYALES NG


ATING PRODUKTONG JUNDAE
Tagasalita: BINIBINING PATRICIA REYES
Suhestiyon: Sumasang-ayon kung taasan ang presyo dahil matagal na sa atin ang mga nakuha nating
supplier kung saan na subukan at alam na natin ang kalidad ng kanilang mga produkto.
Kumento: Sumasang ayon sa mga sushestyon, ngunit kapag napanatili natin ang ating mga supplier,
kapag mas marami ang kinuha natin sa kanila posibleng bigyan ito ng discount at dapat panatilihin ang
paraan ng pagdeliver o paghatid ng mga produkto.
Kumento: (patungkol sa sinabi ni Ginoong Tavita) Kung mayroon na tayong motor at kung dadagdagan
natin ito ng mga E-bike, mas dodoble lamang ang ating gastusin kaya mas maganda kung panatilihin na
lamang natin ang paraan natin sa paghatid o pagdala ng mga produkto.

KUNG ANO ANG MAAARI NATING GAWIN SA KAKULANGAN SA HILAW NA MATERYALES NG JUNNIE
HOTDOG KASABAY NANG PAG-TAAS NG DEMAND NITO
Tagasalita: BINIBINING PATRICIA REYES
Suhestiyon: Sumasang-ayon sa pagpalit ng supplier, ngunit dapat maging maingat sa pagpili nito. Upang
hindi mapabayaan ang kalidad ng bawat produkto.
kumento: Kung ikokosidera natin ang suhestiyon ni Ginoong Luke Martinez patungkol sa pagimbak ng
hilaw na mga materyales, lahat ng hilaw na materyales ay ginagawa ng produkto kaya hindi na tayo
makakapagimbak maliban na lamang kung wala tayong ibebenta na Junnie Hotdog sa isang panahon.
Kumento: (patungkol sa negosasyon sa oras ng pagdeliver ni Binibining Jose) Hindi ito mapapanatili sa
mataas na pagpupulong nito ang problema kung hindi ginawa ng procurement ang paraan ng
pakikipagnegosasyon sa bagay na ito.

ANO ANG PINAKA EPEKTIBONG PATALASTAS SA ATING MGA PRODUKTO LALO NA ANG JUNDAE SA
NALALAPIT NA TAG-INIT?
Tagasalita: GINOONG DANIEL DE GUZMAN
Suhestiyon: Sa tingin niya ay napag-usapan at nagawa na sa nakaraang pulong ang patungkol sa
telebisyon at social media, mas maganda kung may maisip tayong panibago o alternatibong paraan para
maipahayag to sa mga tao.

Tagasalita: BINIBINING PATRICIA REYES


Suhestiyon: Papatok ang food trucks na may free taste
PROCUREMENT (Lahat ng miyembro ay dumalo sa pulong)

RESULTA SA NAKARAANG ULAT: Dahil sa kakulangan sa supply na ibinibigay ng Bounty Fresh para sa
Junnie Hotdog, ito ay naging negtibo dahil sa pagbaba ng benta ng produktong ito.

PAGTAAS NG PRESYO NG GASOLINA AT MGA ASUKAL NA ISA SA MGA HILAW NA MATERYALES NG


ATING PRODUKTONG JUNDAE
Tagasalita: GINOONG LUKE MARTINEZ
Suhestiyon: Nais magdagdag ng supplier sa ibang kompanya ngunit hindi iiwan ang mga unang
pinagkukuhaan para tumaas ang supply at hindi maapektuhan ang presyo
Kumento: Sumasang-ayon sa kumento ni Ginoong Julian sa suhestiyon sa Jundae. Kung sakaling
makakuha tayo ng ibang supplier maaari tayong kumuha ng mga produkto na maaaring maidadagdag sa
panibagong Jundae.

Tagasalita: GINOONG CARL ORZALES


Suhestiyon: (kumento patungkol sa E-BIKE) Kung ito ang ating gagamitin, mas tataas ang man power
natin at mas konti ang product na madadala natin

KUNG ANO ANG MAAARI NATING GAWIN SA KAKULANGAN SA HILAW NA MATERYALES NG JUNNIE
HOTDOG KASABAY NANG PAG-TAAS NG DEMAND NITO
Tagasalita: GINOONG LUKE MARTINEZ
Suhestiyon: Ayon sa nakaraang pagpupulong, ang problema natin ay hindi ang mga supplier kundi ang
pagdedeliver nila ng hilaw na materyales sa atin. Kaya kung magpapalit tayo mas maganda manatili sa
ating kasalukuyang supplier. Nais naimungkahi na mag imbak ng stock ng hilaw na materyales bago
gawing produkto para hindi agad masira.
Kumento: (patungkol sa kumento ni Binibining Patricia Reyes sa negosasyon sa suppliers) Oras lang ang
problema. Kung ang kompanya na pinagkukuhaan natin ay hindi nakakapagdeliver sa tamang oras
gagawan nila ito ng paraan kasi matagal na tayong costumer nila. Bibigyan pa ng isang pagkakataon ang
mga suppliers ngunit kapag ito ay nagbago ang daloy ng pagdedeliver maaari na itong palitan.

Tagasalita: BINIBINING ELLA LANDICHO


Kumento: Hindi naman magtatagal ang isang supplier kung matagal na silang hindi maaayos
nagdedeliver ng produkto.

ANO ANG PINAKA EPEKTIBONG PATALASTAS SA ATING MGA PRODUKTO LALO NA ANG JUNDAE SA
NALALAPIT NA TAG-INIT?
Tagasalita:
Mga Sinabi:
LOGISTICS (Lahat ng miyembro ay dumalo sa pulong)

RESULTA SA NAKARAANG ULAT: Ayon sa mga stocks, nagkaroon ng problema sa Cabuyao, Albay at
Marawi na nagkulang ng kalahating Junnie Hotdog.

PAGTAAS NG PRESYO NG GASOLINA AT MGA ASUKAL NA ISA SA MGA HILAW NA MATERYALES NG


ATING PRODUKTONG JUNDAE
Tagasalita: GINOONG JARED AMSON
Suhestiyon: Minumungkahi ang paggamit ng bisikleta sa paghatid ng mga produkto upang mas mabilis
ang pagdala nito.

Tagasalita: GINOONG LIBREA at GINOONG DAVE


Suhestiyon: E-bike ang gagamitin

Tagasalita: GINOONG Tavita


Kumento: (patungkol sa sinabi ni Ginoong Orzales) hindi naman tatanggalin ang mga motor kung baga
ito ay dagdag lamang sa paghatid ng mga produkto.

KUNG ANO ANG MAAARI NATING GAWIN SA KAKULANGAN SA HILAW NA MATERYALES NG JUNNIE
HOTDOG KASABAY NANG PAG-TAAS NG DEMAND NITO
Tagasalita: GINOONG TAVITA
Suhestiyon: Hindi nagbigay ng suhestyon, dahil hindi daw nila sakop ang pagkuha ng mga materyales.

ANO ANG PINAKA EPEKTIBONG PATALASTAS SA ATING MGA PRODUKTO LALO NA ANG JUNDAE SA
NALALAPIT NA TAG-INIT?
Tagasalita: GINOONG VAN RIVADILLO
Suhestiyon: nagmumungkahi na maglabas ng mga Food trucks sa iba’t ibang lugar

Tagasalita: GINOONG TAVITA


Suhestiyon: magpost ng mga advertisement sa social media

Tagasalita: GINOONG JARED AMSON


Suhestiyon: Gumawa ng isang maskot

Tagasalita: GINOONG GAB LIBREA


Suhestiyon: ang mga delivery trucks ng mcjunibee ay gagawing food trucks sa iba’t ibang lugar.
HR (Lahat ng miyembro ay dumalo sa pulong)

PAGTAAS NG PRESYO NG GASOLINA AT MGA ASUKAL NA ISA SA MGA HILAW NA MATERYALES NG


ATING PRODUKTONG JUNDAE
Tagasalita: GINOONG JOSEPH MARALLAG
Suhestiyon: Sumasang-ayon sa mga suhestiyon ng bawat departamento

KUNG ANO ANG MAAARI NATING GAWIN SA KAKULANGAN SA HILAW NA MATERYALES NG JUNNIE
HOTDOG KASABAY NANG PAG-TAAS NG DEMAND NITO
Tagasalita: JOSEPH MARALLAG
Suhestiyon: Hindi sang-ayon sa pagkuha ng ibang supplier, dahil unang-una kung magpapalit tayo ng
supplier, maaaring iba ang nilalaman ng mga supply at kung gayon ang mangyayari kakailanganin natin
magsagawa ng mga dagdag na pagsasanay para sa mga impleyado natin na gagamit ng mga nasabing
supply na magdudulot ng lalong pagtaas ng mga produkto natin. Dapat mapanatili ang supplier natin
ngayon.

Tagasalita: BINIBINING MARIELA JOSE


Suhestiyon: Kung ang problema lamang ay hindi nadedeliver sa tamang oras, ang pagkuha ng supplier ay
hindi naayon.

ANO ANG PINAKA EPEKTIBONG PATALASTAS SA ATING MGA PRODUKTO LALO NA ANG JUNDAE SA
NALALAPIT NA TAG-INIT?
Tagasalita: Minumosyonan ko ang napili sa mga suhestyon
Mga Sinabi:
FINANCE (Lahat ng miyembro ay dumalo sa pulong)

RESULTA NG NAKARAANG ULAT: Magdadagdag sa operation cost ng 35 million at sa buwis naman


madadagdagan ito ng 400 million dahil sa tax reform na kadahilanan ng pagwala sa atin ng 435 million
sa kabuo-ang kita natin dahil sa trade law.

PAGTAAS NG PRESYO NG GASOLINA AT MGA ASUKAL NA ISA SA MGA HILAW NA MATERYALES NG


ATING PRODUKTONG JUNDAE
Tagasalita: GINOONG ESTEL DELA PENA
Suhestiyon: Sumasang-ayon sa suhestyon ng PRODUCTION TEAM

Tagasalita: GINOONG MATTHEW DELA CRUZ


Suhestiyon: (nagtanong patungkol sa paggamit ng bisikleta “bakit ito ang gagamitin?”)

KUNG ANO ANG MAAARI NATING GAWIN SA KAKULANGAN SA HILAW NA MATERYALES NG JUNNIE
HOTDOG KASABAY NANG PAG-TAAS NG DEMAND NITO
Tagasalita: GINOONG DOS AQUINO
Suhestiyon: Taasan ang presyo

ANO ANG PINAKA EPEKTIBONG PATALASTAS SA ATING MGA PRODUKTO LALO NA ANG JUNDAE SA
NALALAPIT NA TAG-INIT?
Tagasalita: GINOONG DOS AQUINO
Suhestiyon: magbigay ng mga PROMO CARDS.

Tagasalita: BINIBINING VERDEFLOR


Suhestiyon: magsponsor sa mga iba’t ibang events

“Magkano ang budget na ilalaan para sa paggawa ng patalastas?”

Tagasalita: GINOONG MATTHEW DELA CRUZ


Mga SInabi: PROMO CARD…. 750 million GINASTOS DATI (ngunit 600M ang badyet ngayon)
ANG NAPAGKASUNDUAN NG BAWAT DEPARTAMENTO SA MGA NASABING HAMON:

1. PAGTAAS NG PRESYO NG GASOLINA AT MGA ASUKAL NA ISA SA MGA HILAW NA MATERYALES


NG ATING PRODUKTONG JUNDAE
Pagpapalit ng Ibang supplier
Pagtaas ng presyo ngunit pagdagdag ng flavors sa jundae (maraming bumoto)
Pagdadgdag ng ebike
Pagdagdag ng ibang supplier

2. KUNG ANO ANG MAAARI NATING GAWIN SA KAKULANGAN SA HILAW NA MATERYALES NG


JUNNIE HOTDOG KASABAY NANG PAG-TAAS NG DEMAND NITO
Pagpalit ng supplier ngunit maingat sa pagpili
Mananatili sa pangunahing supplier ngunit masusunod ang mga pangunahing proseso
(maraming bumoto)

3. ANO ANG PINAKA EPEKTIBONG PATALASTAS SA ATING MGA PRODUKTO LALO NA ANG
JUNDAE SA NALALAPIT NA TAG-INIT?

Telebisyon
Social Media
Promo Card
Food trucks na may FREE TASTE (maraming bumoto)
sponsorship
maskot
free taste

Sa kasawiang palad, hindi na natalakay ang iba pang usapin dulot ng kakulangan sa oras.
Samanata, bago matapos ang pagpupulong sa ganap na ika-6 ng Marso taong kasalukuyan alas 2 ng
hapon makalipas ang 30 minuto, nilagdaan ng mga tagapamahala sa bawat departamento ang katitikang
pulong upang masiguro na tiyak at naaayon ang mga napiling mungkahi ng nakararami na siang mag
papatibay sa naganap na pagpupulong

You might also like