Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KULTURA, KASAYSAYAN, AT PANITIKAN NG VISAYAS

KASAYSAYAN NG VISAYAS
[3] Pagdanas ng hirap sa ilalim ng mananakop
Panahon ng Barangay − sa sistemang encomienda: pagbubuwis at sapilitang
paggawa sa mga nasasakupan
[1] Ang barangay bilang estado. − pagpilit ng halagahang Kastila at Katoliko sa mga
− 30 hanggang 100 kabahayan (gamoro) na nakaayos katutubo gamit ang pagbibinyag, katesismo at dahas
ng lineal (lalo na sa Cebu, Panay, Leyte, Bohol) ayon (reducciones)
sa lohikal na halaw ng dalampasigan − (Panay): kakulangan sa suplay ng pagkain
− ugnayang mas superyor sa pamilya − (Cebu): labis na pangangahoy para sa paggawa ng
− takdang teritoryo na saklaw ang mga kalupaan at galyon
katubigan, pati ang mga di lupang sakahan sa ilalim − (Samar, Leyte at Bohol): sapilitang paggawa at
ng komunidad pagpapadala sa pagawaan ng galyon sa Panay
− pagkakaroon ng batas − (Negros): kaapihan sa paglawak ng sistemang
− may datu na nagsisilbing pinuno, tagapagbatas, hacienda
hukom, at tagapamagitan
− di maaring pasukin ng mga kasunduan ang saklaw [4] Pagsisimula ng rebolusyon sa mga maliliit at
ng isang malayang barangay hiwalay na kilusan
− Tamblot (1621, Bohol): isang babaylan na nagnais na
[3] Ang pamumunong pulitikal. ibalik ang katutubong paniniwala at pamumuhay;
− ang kadatuan ay karaniwang nakaangkla sa 2000 katao ang sumugod sa mga simbahan at
kaangkanan bagaman, karisma at kakayahan ang namuhay sa ilaya
pangunahing batayan − Bankaw (1622, Leyte): dating datu na nagpabinyag
− kasunduan sa ibang barangay sa ilalim ng sandugo at ngunit muling ninais na ibalik ang katutubong
pagpapakasal pamumuhay
− di sentralisado ang kapangyarihan; ang datu ay − Sumuroy (1649, Samar): pagtanggi sa sapilitang
gabay lang pagpapadala sa mga pagawaan ng galyon sa Cavite at
− may agorang (Ceb), isang konseho ng mga Bohol
nakatatanda na tumutulong sa pagpapasya ng datu; − Francisco Dagohoy (1744-1829, Bohol):
hawak ng agorang ang alternatibong awtoridad bilang pinakamatagal na pag-aalsa laban sa mga Kastila;
pagtanaw sa karunungang taglay sa tradisyon tinanggihan ng kurang si Padre Gaspar Morales na
− paglipat sa ibang barangay ay paglipat ng ilibing ang kanyang kapatid na nabaril habang nasa
kapangyarihang sasailaliman misyong militar; personal na dahilan ay nagpalitaw
sa pagtanggi sa umiiral na panunuran
[4] Pagkakahati ng uri ay batay sa yamang materyal
− datu: pinuno [5] Ang pagbubukas sa pandaigdigang merkado sa
− maharlika/tumao: di saklaw ng pagbabayad ng ika-19 na dantaon
buwis; kailangang tumulong sa datu; pinagmulan ng − pag-unlad ng Cebu bilang pangunahing daungan
mga bagani − pagpapalawak ng industriya ng asukal
− timawa: “malayang mamamayan” *migrasyon mula Panay tungong Negros
− ayuey: di nagpapakasal dahil sa mababang estado; para sa pagmamay-ari ng lupa o paghahanap ng
maaring lumaya sa pagkasal sa mas mataas na uri at hanapbuhay
pagbabayad sa amo *pagbubukas ng Buenavista sa Guimaras
bilang daungan mula Negros tungong Iloilo, isang
Panahon ng Pananakop ng Kastila sentro ng komersyo

[1] Mga unang kontak sa Kastila Rebolusyong 1896 Hanggang 1901


− pagtanggap ni Humabon kay Magellan;
paghahandog ng imahe ng Prodigious Child kay Juana [1] Panay bilang sentro ng rebolusyon sa Visayas
− pakikipaglaban ni Lapu-Lapu na bumaligtad sa − simulain sa ilaya ng Aklan at Capiz bagaman, ang
pagkampi ni Humabon kay Magellan unang tagumpay ay sa Iloilo
− di masyadong pagkilos ng Cebu dahil sa malakas
[2] Cebu bilang unang sentro ng kapangyarihan na kapit ng sistema at pag-angkop ng tao
− pananakop ni Legaspi at pagatatalaga noong Enero − ang mga kilusan sa Samar-Leyte ay maliit sa
1, 1571 na City of the Most Holy Name of Jesus konteksto ng pambansang rebolusyon dahil sa maliit
− kabisera  Panay  Maynila

1
na kontribusyon sa kapangyarihang hawak ng Mula Pamunuang Amerikano hanggang sa
pamamahalang Kastila Kasalukuyan

[2] Ang Labinsiyam na Martir (Aklan) [1] Pagsuko sa mga Amerikanong mananakop
− Francisco del Castillo, Candido Iban: itinalagang − Cebu: Pebrero 22, 1898
pinuno ng Katipunan sa Capiz − Iloilo: Pebrero 2, 1901
− nag-alok ng amnestiya si Kol. Ricardo Monet − Leyte: Hunyo 19, 1902
ngunit di ito iginawad sa mga rebolusyonaryong
akmang susuko; 50 Katipunero ang pinahirapan at [2] Masaker sa Balangiga (1901)
ang 19 na pinuno ay pinatay noong Marso 23, 1897 − bilang ganti ng mga Amerikano sa pagkatalo sa
− ang “19 na martir” ang nagpasiklab ng damdaming mga Samarnong rebolusyonaryo, sinunog ang buong
makabayan ng mga Panayanon bayan at pinatay ang lahat ng mamamayan sampung
taon pataas
[3] Esteban Contreras (Capiz) − pagkuha sa 3 kampana bilang tropeyo na hanggang
− aklas na nakaangkla sa magsasaka at mangingisda sa kasalukuyan ay di pa nababawi
− pinaniniwalaang may kakaibang kapangyarihan sa
pakikipaglaban [3] Ang simulain ng kilusan ng mga magsasaka sa
Negros
[4] Martin Delgado (Iloilo) − ang “mapagpalayang rebolusyon” at pamahalaang
− Punong Heneral ng Ejercito Libertador Federal State of Negros Island itatayo ay nakaangkla sa
− tagumpay sa pagtatayo ng pamahalaang mga panginoong maylupa
rebolusyonaryo sa Iloilo noong Nobyembre 17, 1898 − pagpapalawak ng industriya at sistemang umiiral
− tagumpay dahil ito ang naging pansamantalang pagdating ng mga Amerikano dahil sa paghahanap
kabisera ng mga Kastila matapos matalo sa mga ng bagong merkado ng monopolya (nawala ang
kilusan sa Luzon. monopolya sa Amerika dahil sa pagbubukas ng
industriya para sa lahat)
[4] Kasarinlan sa Iloilo ay minarkahan ng Sigaw ng − introduksyon ng bagong teknolohiya ng paggiling
Santa Barbara (Nobyembre 17, 1898) kung saan unang − urbanisasyon ng mga karatig pook gaya ng Iloilo:
itinaas ang watawat ng Pilipinas. Pormal na sumuko De la Rama Steamship Co., Panay Electric Co., Panay
ang mga Kastila noong Disyembre 25, 1898, araw ng Railways Inc., Panay Autobus Inc.
Pasko. Kinilala ng Bisayang rebolusyonaryo ang − mga negatibong epekto: (1) pang-aabuso sa
pangunahing awtoridad ng pamahalaan sa Luzon. karapatan ng mga sakada; (2) pangangamkam ng lupa;
Itinalaga ang mga lider sa pagbubuo ng Council of the (3) pagkasira ng gubat; (4) pagkamatay ng
Federal State of the Visayas. industriyang pangtahanan; (5) pagkakahati ng mga
uri na mas malaki kaysa katutubong herarkiya
[5] Mahalaga rin ang papel ng propagandistang si
Graciano Lopez Jaena sa pagkikintal ng makabayang [4] Ang kilusang Babaylanismo
kamalayan di lamang sa mga Ilonggo kundi pati sa − batay sa pagtanggi sa umiiral na sistema at
lahat ng Pilipino. pagtanggap sa hikayat ng pagbabalik sa katutubo
− “institusyonalisasyon” ng babaylan dahil sa
[6] Pagkalat ng rebolusyonaryong kamalayan sa tungkuling pagsamba, panggagamot, at sosyo-
buong Visayas ekonomiko sa komunidad; nagsilbing malalapitan
− Negros: kilusan sa ilalim nina Ancieto Lacson at tuwing inaagrabyado ang mamamayan ng Kastila
Juan Araneta at ng suporta ng mga panginoong − transpormasyon ng babaylan sa isang war leader na
maylup. may mga “kakaibang” kapangyarihan (anting-anting,
− Cebu: tulay si Sergio Osmeña, Sr. sa Bisayang kakayahan) upang matalo ang kalaban
Katipunero at kay Aguinaldo − Guardia Civil (Negros, 1868); Buhawi; Papa Isio
− Leyte: ang mga bolero ay pinamunuan ni Kol. (Dionisio Sigobela); ebolusyon sa Samar-Leyte tungo
Florentino Peñaranda sa kilusang Pulahanes
− Ang pakikilahok ng kababaihan: Teresa Magbanua, − kilusan ay mula sa pananakop ng mga Kastila
ang Visayan Joan of Arc; Patrocinio Gamboa, ang hanggang ng mga Amerikano at Hapon
nagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa Iloilo − bagaman hiwalay sa layunin ng pagbubuo ng
noong sumuko na ang mga Kastila; Nazaria Lagos, bansa, mahalaga ang kilusan sa pagpapanatili ng
ang Florence Nightingale ng Pilipinas pagkontra sa mga Amerikano kahit nanahimik na ang
buong bansa, at sa pagsisilbi sa mga maralita (ang
rebolusyon ay para sa mga ilustrado)

2
KULTURANG BISAYA pinababaunan bilang paghahanda sa paglalakbay sa
kabilang-buhay. May mga tradisyon rin para sa
KATUTUBONG PANINIWALA panahon ng pagluluksa.
− paggamit ng langis, asin at ugat upang ma-
[1] Ang personipikasyon ng mga pwersa ng kalikasan embalsamo ang katawan (hal. lagundi, alagao)
at ang pagtatakda ng sagradong espasyo ang − pagpuno sa mga siwang ng katawan gamit ang
bumubuo sa katutubong pagsamba. Kinikilala ang dagta ng buyo o mga kasangkapan
mga diwata bilang mga diyos at ang mga umalagad − paglalagak sa ipil na longon bago ilibing sa yungib,
bilang mga ispirito ng mga yumaong kamag-anak. dalampasigan o isla
− kung ang namatay ay datu, nagsasakripisyo rin ng
[2] Karaniwang kinakabit ang diwata sa siklo ng alipin, karaniwang katiwala ng datu
buhay. Nariyan ang pagsasatauhan ng hangin para sa − paglalabas ng binhi upang di “madungisan”
mabuting panahon, at ng ilog para sa maalwat na − pagtatapos ng pagluluksa ay hinuhudyat ng balo
paglalakbay. May mga bukod ring saklaw gaya ng (paghahandog ng alak sa mga kaalyado, pag-awit ng
mga sakit sa mata sa ilalim ng diwatang maraming mandirigma ukol sa tagumpay)
mata Dalikmata, at paghahatid sa mga kaluluwa sa
kabilang buhay sa ilalim ni Magwayen. [9] Kinikilala ang buwaya bilang Lolo na inaalayan
bago bumagtas ng mga ilog upang maging ligtas ang
[3] Tinatawag at inaalayan (“maniwata”) ang diwata at paglalakbay.
umalagad para sa mabuting kalusugan at masaganang
buhay. Nagtatakda ang gayon ng isang katanggap- [10] Estetika at modifikasyon ng katawan
tanggap na kaayusan. − ang ngipin ay may kulay (dahil sa nganga) at di
pantay upang mabukod sa ngipin ng mga hayop.
[5] Ang tao ay binubuo ng katawan at kalag, ang − hinuhulma ang ulo ng mga sanggol upang
ispirito na humihiwalay sa katawan sa panaginip, lumapad ang mukha at umatras ang noo
pagkawala ng ulirat, o sa pagkuha ng nagkagustong
diwata. Ang pagkawala ng kalag ay kamatayan. [11] Mga tradisyon sa pagsasaka
− handugan (Cebu)/pagdiwata (Panay): pag-aalay bago
[6] Ang gampanin ng babaylan. ang pagtatanim
− namumuno sa pagsamba − lihi (Negros); paminhi-hungod (Panay): may mga
− tulay ng mga taong humihiling at humihingi ng ritwal na nagpapakita ng pagbibigay simbolo sa mga
tawad sa mga ispirito pangkaraniwang kagamitan
− ang manggagamot para sa mga sakit na buhat ng * krus = Diyos; tanglad = maraming dahon;
mga ispirito kayos at dahon ng bagakay = pantaboy
− Sa Panay, nagtitipon ang mga babaylan kada pitong peste; sulod = nakalinya ang tanim; karayom
taon upang magsagawa ng ritwal para patibayin ang = normal na pagtubo; dasal sa patrong
sansinukob. Ang mga sakripisyo at alay ay ginagawa Isidro; pagtatanim ng nakaharap sa silangan
sa tabi ng batis. Karaniwang nagtatagal ang ritwal ng (pagsikat ng araw)
pitong araw at isinasagawa sa mga bundok ng
Tubungan sa liblib ng Iloilo. [12] Mga tradisyon sa pangingisda
− matingkad sa mga isla ng Bantayan at
[7] Ang mga tamawo ay mga ispiritong Daangbantayan
nakikipamuhay sa mga tao − paghahati batay sa kasarian: lalaki = pangingisda;
− naninirahan sa mga malaking bato o sa puno ng babae = pagdadaing
lunok (balete) nang tulad ng sa mayayamang tao − paniniwala sa mga tawo sa dagat (dili ingon nato):
− ang makasisira ng tirahan nito ay binibigyan ng social function
sakit na pasok, na magagamot lang ng babaylan *kawalan ng huli: may nasaktang tawo sa
− binabato nang malakas ng tamawo ang tao ng mga dagat
di makitang bagay na bumabaon at nagpapasakit sa − harang: ritwal sa Bantayan kung saan ang isang
laman bagong gawang bangka ay binabasbasan (paghampas
− kapag umibig ang mga tamawo, may panunuyo ng alak at pagkatay ng baboy sa loob) at pinalulusod sa
(yanggaw) kung ng pagkain na kapag kinain ay dagat; mereko ang namumuno sa ritwal
ginagawang tamawo ang tao
KATUTUBONG PANGGAGAMOT
[8] May paniniwala sa kabilang-buhay at paggalang
sa yumao na makikita sa mga ritwal at paniniwala sa [1] hilot: pagdiin sa mga susing ugat ng kalamnan
patay. Ang mga bangkay ay inaayusan at upang ibsan ang sakit nito.

3
− pagpapalaglag sa manoghilot kasabay ng mga diwata at umalagad na napasakitan (pasok). Tungkulin
malalakas na gamot. Ginagawa ito kung nais ng babaylan na magsagawa ng ritwal ng pagsasayaw
limitahan ang mga tagapagmana, di tumindi ang at pag-aalay upang payapain ang mga ispirito.
kahirapan, o may kapansanan ang bata.
[9] Ang pangunahing gamot ay pinaghalong langis
[2] tuob/buok: ang pagpapausok bilang panggagamot; ng lubing-bugtong at mga halaman mula sa tahas.
oslob: ang pagpapawis sa maysakit gamit ang singaw Minamasahe ang apektadong bahagi habang nag-
ng tubig. oorasyon.
− iba pang hal.: dumi ng tuko para sa mata, buto ng
[3] mananambal (Ceb, Sam, Ley)/ sirhuano (Iloilo)/ paniki para sa gilagid
maaram (Antique): mga eksperto sa pagtatakda ng − banawan: paiinumin ang maysakit ng pinakuluang
mga ugat, bulaklak, dahon, at bahagi ng katawan ng tubig na may halaman at asukal, ang matitira sa
hayop (hal. bahay ng pagong, itim na koral, banga ay may anyo ng nilalang na nagbuhat ng sakit
kalatsutsi, yerba buena, at nganga) na nakagagamot. − tawasan: isang batong alum ang ihahagis sa brazier
na may nagbabagang uling; kapag natunaw ang bato,
[4] Ang mga mananambal ay maaring maalam lamang mabubuo ang anyo ng may dahilan ng sakit.
sa pangalap ng mga panggamot o nakatanggap ng
espesyal na kapangyarihan, ang tuga. Salungat ang PISTA AT DEBOSYON
mga pananaw sa kahalagahan ng tuga gayunman,
may mga susing pananaw ukol dito: [1] Pagsamba sa Santo Niño
− Ito ay ginagawad ng mga − bagaman Kastila ang nagpakilala, sinasabing ang
makapangyarihan, hindi nakakamit. Mga debosyon ay may katutubong ugat sa fanatisismo ng
panaginip o mga sagradong bagay ang mga katutubo sa Prodigious Child
karaniwang paraan ng pagtanggap nito. − huli na nga ang simula ng debosyon sa Santo Niño
− Ang kapangyarihan ay may materyal na sa Europa.
kinatawan. Karaniwan ang mga imahe, − unang nasilayan ng mga katutubong Sebuano ang
libretto, medalya, o mutya. Santo Niño nang ibigay ito ni Magellan kay Reyna
− Ito ay maaring mawala. Pinaniniwalaan na Juana, asawa ng Datu Homonhon noong 1521.
ang pagkawala ng ulirat ng mananambal ay − Alamat: May isang mangingisdang paulit-ulit na
dahil sa pagkawala ng tuga. nakakasabit ng sunog na panggatong sa lambat.
*Sinasabi naman ng ilan na nakukuha ang Kapag dinadala niya ito sa dagat, mas dumadami ang
kapangyarihan sa ritwal ng tahas, ang pag-iisa sa mga huli nito. Iniuwi ito sa bahay kung saan hindi ito
ispirito ng sementeryo, yungib, o kagubatan tuwing ginagalaw ng mga hayop. Pagkatapos ng isang
Biyernes Santo panaginip, naging imahe ng Santo ang kahoy.
− Kuwentong-bayan: binabantayan nito ang isla mula
[5] Obligasyon ng mananambal sa mga mananakop sa pamamagitan ng pagtalukbong
− di smaaring tumanggi sa mga pasyente o dito
tumanggap ng bayad − Kuwentong-bayan: isang bata ang bumili ng isang
− kailangan ring angalap ng higit 200 na klase ng taling isda sa isang puwesto malapit sa simbahan ng
halaman tuwing Biyernes Santo (sinkretismo ng Santo Niño; sinabi ng batang ang kura ang singilin;
Katolisismo). nakita ang tali ng isda sa tabernakulo ng imahe
− ang pagkamananambal ay isang bokasyon ng
pagtawid sa daigdig ng mga ispirito at pagpatunay [2] Ang mga pista ay pasasalamat sa mga patron para
ng kapangyarihan laban sa pagdududa ng sa mga pabor na natanggap, pagtupad sa mga panata
komunidad. (pana-ad), at pakikisalamuha sa mga kaibigan at
pamilya.
[6] manoghiwit (Pan)/ mamalaktol (Ceb): kontrahin ang − ispiritwal na debosyon ay pangunahin kaysa
hiwit, mga orasyon na nagbisa ng sakit sa isang tao. ekonomikong limitasyon dahil may paniniwalang
− ang prinsipyong “do to undo” ang pagbali ng panata ay magbubuhat ng malas
− panganib dahil maaring malipat ang sumpa sa
kanila o balikan sila. [3] Pista ng Santo Niño at pagsasayaw ng sinulog
− mga kuwento ng hiwit ay di bukas na pinag- − may ugat sa katutubong pagsamba
uusapan sa komunidad at madalas ay limitado sa − lumawig ang komunal na sayaw sa magarbong
pagkontra kaysa pagsasagawa. pista ng Enero sa kasalukuyang Cebu
− ang imahe ay bibihisan ng matingkad na pula at
[8] Para sa mga karamdamang walang malinaw na kokoronahan nang may mga mamahaling bato
sintomas at di magamot agad ay ipinapalagay sa mga

4
− palabas ng tagumpay ng mga Kristiyano laban sa Waray ay ang pagtatali ng mga buhok ng lalaki at
mga Moro. babae sa isa’t isa. Sa mga Sebuano naman, liban sa
− Iloilo: Dinagyang; Aklan: Ati-atihan (nagsimula karaniwang kasal-simbahan, tumatapak ang babae sa
bilang isang animistikong ritwal ng pagsamba sa paa ng lalaki upang maging pantay sila. Bawal ang
isang anito; inangkop sa Katolisismo) mag-itim o maglaglag ng gamit dahil malas ito.

[4] Ang mga sayaw ng mga Waray [7] Kasalan bilang pagdiriwang ng bayan
− kuratsa: tandang sayaw ng mga pista − ang bagong kasal ay sasayaw ng kuratsa
*di katulad ng ibang mga katutubong sayaw − mga pamahiin: pagsusuklay ng babae para sa
na pangkatan ay batay sa indibidwal na kaayusan ng buhay; pagsasaboy ng biga: para sa
unawaan sa pagitan ng lalaki at babaeng kasaganahan; pag-inom sa iisang baso para sa
sumasayaw nito payapang buhay
*naglalatag ng panyo kung saan ibinabato ng
mga manunuod ang gala bilang pagkilala sa [8] Maaring maghiwalay ang mag-asawa lalo na sa
mga sumayaw na ibibigay sa babae batayan ng pagtataksil. Pinakikita sa kalayaang ito
− tinikling: mula sa tikling, isang ibon sa mga palayan ang pagkakapantay ng babae sa lalaki.
na pinaghalawan ng mga galaw ng sayaw; nagsilbi
itong pahinga sa mga katutubo sa pagitan ng MATERYAL NA KULTURANG YAMAN
pagbayo ng palay bilang paghahanda sa pista o
libing. Pagmimina at Pagpapanday

[1] Mismong mga ulat ng mga Kastilang mananakop


ang kumilala sa mayamang karunungan ng mga
katutubong Bisaya sa pagpapanday lalo na ng
bulawan (ginto). Palasak ang pagsusuot ng
aksesoryang ginto. Higit pa ay ang halaga ng
PANLILIGAW AT KASAL pandayan sa produksyon ng mga instrumento para sa
pagsasaka at digmaan.
[1] panininguha: susuyuin ng lalaki ang babae sa
paghahandog at pagsisilbi (pangagad) ng lalaki upang [2] Kinukuha ang ginto mula sa ilog o sa kalihan
makuha ang loob ng pamilya ng nililigawan bulawan (aktwal na excavation). Ang pagkuha ng ginto
ay iyong nakasasapat lamang sa lahat.
[2] Gampanin ng magulang
− sa babae: huling salita kung tatanggapin ang lalaki. [3] Mataas na kamalayang metal ay sinalamin ng mga
− sa lalaki: nanunuyo at nakikipag-usap sa pamilya gawa ng mga katutubo.
ng babae sa mga kondisyon ng kasal − kamagi: gintong tanikala na may mahigpit
na pagdurugtong ng mga yunit kaya
[3] Itatakda sa sayud ang kabuuang bugay (dowry) na mukhang ahas; simbolo ng estado, pamana
dapat ibigay ng lalaki. ng pamilya, inililibing kasama ng datu
− bugay: karaniwan ay lupa, kalabaw, kayamanan, − pag-solder ng titing na ginto sa iskalang
bahay, o alipin; halaga ay batay sa estado ng babae 100 cm2
− bigay suso/himiraw: paghahandog ng ginto o pilak sa − paggamit ng buto na istandard ng timbang
ina at lola ng pakakasalan bilang pasasalamat sa pag- ng ginto na kinikilala ng merkado ng
aalaga at pagkakaroon ng gatas ng babae ngayong Timog Silangang Asya
− di maaring bawiin ang bugay matapos ng kasal,
kahit pa mamatay ang babae o hindi ito magkaanak, [4] Sa pagdating ng mga Kastila, winasak ang mataas
liban na lang kung gustuhin ng pamilya na tumulong na kalidad ng pagpapanday dahil sa pagpasok ng
sa pagsisimula ng pamilya. Mehikanong pilak at pagbabagong pananaw sa ginto
mula sa isang palasak tungo sa luhong gamit.
[5] Nagbibigay ang ama ng babae ng sibat o bolo
bilang tanda na hindi tatanggap ng ibang manliligaw. [5] Nanatili ang karunungan sa pagpapanday
Maaring putulin ang gayong ayos kung di hanggang sa kasalukuyan lalo na sa mga kinikilalang
makabayad ng bugay, di masiyahan ang pamilya sa sentro sa Basak sa Cebu at Carigara at Padre Burgos
pangagad, o magbago ng isip ang lalaki. sa Leyte. Ang pagtaas ng agrikultural na produksyon,
ang pangangailangan ng armas noong giyera, at ang
[6] Itinatakda ang araw ng kasal sa kalakihan ng paglaki ng populasyong nangangailangan ng mga
buwan para sa kasaganahan. Ang seremonya sa mga

5
gamit ang bumuhay at nagpataw ng bagong a nation. (1999). National Centennial Commission:
gampanin ng mga pandayan. Manila.

Paggawa ng Bangka at Paglalakbay [8] Gonzaga, V.L. Between two empires and beyond
– decline in agrarian unrest and a policy of control
[1] Kinikilala ang tubig bilang batayan ng direksyon. in Negros. In Philippine Revolution: the making of a
Kabit ang pamumuhay sa tubig at lakip nito ay ang nation. (1999). National Centennial Commission:
pagtatayo ng isang kamalayang-tubig – karunungan Manila.
sa paggawa ng sakayang-dagat at paglalakbay.
[9] Magos, A.P. The Babaylanes and the Philippine
[2] Kayang gumawa ng katutubo ng karakoa, isang Revolution. In The Struggle Against the Spaniards and
sakayang-dagat na nangangailangan ng 100 the Americans in Western Visayas. (1998). UP Visayas
tagasagwan. Magaling ang mga Ilonggo sa pagpili ng Centennial Committee.
materyal at paghulma ng bangka, at pagsagawan,
ayon ka Francisco Alcina. [10] Seki, K. Describing a magic world. In Bisayan
knowledge movement & identity. (2000). UP Third World
[3] Nabigasyon ay mula sa mga tanda sa kalangitan, Studies Center
hulma ng dalampasigan, daloy ng tubig, at mga anyo
ng buhay. [11] Cuadra, N.C. Mga tawo sa kadagatan. In Bisayan
knowledge movement & identity. (2000). UP Third World
Paghahabi Studies Center

− popular na industriyang pantahanan sa Gitnang [12] Zayas, C.N. Panday and pandayan: the spread of
Visayas lalo na sa mga lokal ng Argao, Cebu; blacksmith in Eastern Visayas. In Bisayan knowledge
Baclayon, Bohol; at Silangang Visayas movement & identity. (2000). UP Third World Studies
− pinatay sa pagtuon sa ibang industriya sa ika-20 na Center
dantaon
[13] Vano, M. O. Folk religion and the revolts in
MGA SANGGUNIAN Eastern Visayas. Diliman Review 1995, 43(3-4), 39-53.

[1] Funtecha, H.F. Pasana-aw: Vignettes on Bisayan


History and Culture, v.1. (2004). University of San
Agustin.

[2] Bagulaya, Jose Duke S. Writing Literary History:


Mode of Economic Production and Twentieth
Century Waray Poetry. (2006). University of the
Philippines Press

[3] National Media Production Center. Sangyaw: The


Land and the People of Samar and Leyte. (1980).
National Media Production Center

[4] Ministry of Education, Culture, and Sports, RP.


Folk Culture of the Central Visayas. (1986).

[5] Jocano, F.L. Filipino Prehistory: Rediscovering


Precolonial History. (1998). Punlad Research House,
Inc.: Quezon City.

[6] Sonza, D.P. The Revolutionary Government of


the Visayas. In Philippine Revolution: the making of a
nation. (1999). National Centennial Commission:
Manila.

[7] Santos, G. The struggle for Philippine


independence ca. 1896-1901: its impact in the
Visayan region. In Philippine Revolution: the making of
6
HEOGRAPIYA, EKONOMIYA AT KULTURA [9] Dahil mga pulo ang bumubuo sa Visayas,
mayaman sa karunungan sa pangingisda at
[1] Ang Kanlurang Visayas ay may mga kapatagang paglalayag, at paniniwala sa pagkakabit ng buhay sa
umaalalay sa pagtatanim ng palay sa lugar. Bagaman, lupa at sa tubig.
may mga kabundukan at kasukalan sa hilagang
bahagi na naghihiwalay sa Antique sa kabuuan ng
Panay.

[2] Ang Gitnang Visayas ay binubuo ng mga islang


may mabundok na looban na napalilibutan ng mga
kapatagang akma sa pagtatanim. Mais ang
pangunahin sa Cebu, palay sa Bohol, at tubo sa
Negros. May mga iba pang pananim gaya ng saging,
maguey, abaka, at halamang ugat.

[3] Ang Negros ay hinahati ng bulubunduking


nagtatanda sa mga teritoryo ng Negros Oriental at
Occidental. Bagaman paris na kabit sa pagtutubo ang
ekonomiya ng dalawa, magkaiba ang wika at
kinabibilangang rehiyon ng dalawa dahil sa
pagkakahiwalay. Tubig ang nagdugtong sa kultura
ng dalawang Negros sa kanya-kanyang karatig na
pulo ng Panay at Cebu.

[4] Bagaman di mayaman sa produksyong


agrikultural, nakabatay ang ekonomiya ng Cebu sa
istrahetikong posisyon nito bilang sentro ng panlabas
na kalakalan. Una, dahil napagigitnaan ito ng
maraming isla, hindi ito nakararanas ng malalakas na
bagyo. Ikalawa, nasa heograpikal na sentro ito na
nagdurugtong sa Maynila at Davao.

[5] Ang Silangang Visayas ay may bulubundukin at


gubat na interyor na pinalilibutan ng kapatagan. May
mga iilang lambak rin gaya ng Ormoc at Catarman.
Ang kapatagan ang sumasapin sa agrikultural na
produksyon ng palay at niyog sa rehiyon. Nakabase
rin ang ekonomiya sa gubat dahil sa pangangahoy.

[6] Dahil napalilibutan ito ng Karagatang Pasipiko,


daanan ng bagyo ang Samar-Leyte. Sa kabila nito,
seguro ang patubig ng lugar.

[7] Bagaman hati sa limang lalawigan, ang Silangang


Visayas ay masasabing iisa sa kasaysayan, ekonomiya
at kultura. Mayroon pa rin namang impluwensiyang
Sebuano lalo na sa Timog Leyte kung saan ang
wikang Kana ay batay sa Sebuano.

[8] Ang mga kabundukan sa interyor ng mga pulo ng


Cebu, Bohol, Leyte at Samar ay tigib sa yamang
mineral. Naging sentro ang mga ito ng industriya ng
pagmimina sa Visayas. Sa Cebu ay mayroong tanso,
karbon at semento samantalang sa Bohol ay may
manganese, silica, buhangin at limestone.

7
[4] May mga masasamang ispirito na dapat iwaksi [2] Kaingin ang pangunahing paraan ng paglilinis ng
gamit ang mga ritwal. Halimbawa ay ang aswang na mga lupain.
kumakain ng lamang tao. Pinaniniwalaang
maitataboy ang mga ito ng ingay. [3]
−Bungkalin ang unang mga butas gamit ang
Minsan ay may mga kuwento ng muling pagkabuhay sungay ng kalabaw (para di madaling mabuwal).
mula sa linahos inkamatay dahil sa diwata. Maglagay ng binhi sa bibig ng ahas (umiwas ang
baboy ramo). Ibalik ang lupa gamit ang sulod (kasing-
Paghahanda sa bangkay rami ng ngipin ang ani)

1. Inihihiga ang katawan sa mga dahon ng balanti at
lagundi at mga ugat ng kuskus. [3] Sa araw ng panuyo o ang pagkikita ng pamilya ng
2. Paglipas ng ilang araw, pinaliliguan sa katas ng babae at lalaki, may handog ang huli ng kanin, ulam
alangi-ngi na may mga ugat ng kalawag at lampuyang. at tuba. May pabersong talastasan tungkol sa pag-ibig
3. Aasinan ang katawan at babalutin sa dahon ng at katapatan. Mag-iiwan ng senyal o paunang dota.
lagao. Ang pagbabalik nito sa lalaki matapos ng tatlong
4. Papahiran ng langis ng mani ang katawan at araw ay tanda ng pagtanggi sa kasal.
papaarawan.
5. Pupunuan ang mga siwang ng katawan ng dagta
ng buyo o ng mga kagamitang ginto, porselana o
maskara. May paniniwalang sumasapi ang mga
masasamang ispirto gamit ang mga bukas na bahagi
ng katawan.
6. Ilalagak ang bangkay sa longon na karaniwang
gawa sa ipil. May mga ukit ng butiki at ibon na
simbolo ng paglalakbay sa kabilang-buhay.
7. Karaniwang dinadala ang katawan sa yungib,
bangin, puno, dalampasigan o maliit na isla. May
babaylan na magsasagawa ng ritwal nang pitong ulit
na lalahukan ng pinakamalapit na kamag-anak.

Mga paniniwala tuwing nagluluksa

1. Ang balo ay mag-aayuda at di maliligo nang


tatlong araw.
2. Kung lalabas ng bahay, kailangan ng landong na
walang kulay.
3. Binabakuran ang bahay at inilalabas ang mga binhi
upang di “madungisan”.
4. Kung mahalagang tao ang namatay gaya ng datu,
nagsasakripisyo rin ng mga alipin sa paraan kung
paano namatay ang amo. Ang alipin ay maaring
nahuli sa pangangayaw o pinagkakatiwalaang tao ng
amo.
5. Ang pagtatapos ng pagluluksa ay hinuhudyat ng
pinakamataas na babae sa tahanan sa pamamagitan
ng paghahandog ng alak sa mga kaalyadong
komunidad. Ang mga ito ay dinadala ng mga
mandirigmang umaawit ukol sa tagumpay.

PAMUMUHAY AT EKONOMIYA

Mga Ritwal sa Pagsasaka

[1]

You might also like