Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ivan S.

Cunanan July 17, 2019

ABF 1-1 Mrs. Marianne Ortiz

Arawang Papel sa Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar

Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan at Pantayong

Pananaw: Isang Paliwanag

Dito inilathala ni G. Salazar ang iba’t-ibang mga pananaw na umusbong at patuloy

na umuusbong sa ating bayan batay sa mga panahong nagdaan sa ating kasaysayan

(mula sa pananakop ng kastila hanggang sa kasalukayang panahon). Inilathala niya rin

dito kung paano nakaaapekto ang pangongolonya ng iba’t- ibang mga bansa sa kung

paano tignan at kilalanin ng mga Pilipino ang kanilang mga identidad. Isinusulong ni

Salazar ang konsepto ng paggamit ng Pantayong Pananaw upang mas mapaigting pa

ang pagiging makabayan natin kasabay ng pagkakaroon ng malawak na

pagkakainitindihan sa bawat isa ating mga Pilipino.

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin malinaw sa karamihan sa ating mga Pilipino ang

ating identidad. Marahil ay nagiging dahilan ito upang hanapin natin ito sa ibang mga

kultura kagaya na lamang nang pagpasok ng Korean Pop, Hollywood, at marami pang

iba. Mababaw ang pagkakakilanlan natin sa ating bayan at kultura. Kaunti lamang ang

naaantig sa pag-alam ng kung anong meron tayo sa ating bayan. Hindi nila ito nakikita

bilang parte ng kanilang pagkatao. Kung gayon, sang-ayon ako sa sinasabi ni Salazar na

Pantayong Pananaw kung saan mas pinapaigting nito ang pagka-maalam natin sa kung

anong meron tayo sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino bilang medyum ng halos

lahat ng mga dokumento, pananaliksik, at lahat ng mga aralin at impomasyon patungkol


sa iba’t-ibang mga bagay-bagay. Marahil ito na ang panahon upang ituon natin ang ating

atensyon sa kung paano mas maiintindihan ng nakararami ang mga iba’t-ibang mga

bagay na magiging susi sa pagkamit natin ng pansariling kaunlaran bilang isang nagka-

iisang bansa.

Ang Pantayong pananaw ni Salazar ay tumutuon din sa pag-hihiwalay natin sa

mga hindi magagandang kulturang naipamana sa atin ng mga nangolonya sa atin at

pagpatitibay ng kung anong meron tayong orihinal at pansarili. Sa ngayon kasi,

nangingibabaw ang impluwensya ng mga nangolonya sa atin higit lalo na ang Estados

Unidos na sa halos lahat ng bagay sa ating paligid ay makikita at mararamdaman ang

mga ito. Halos lahat ng dokumento ay nakasulat sa wikang Ingles maski na ang ating

sariling konstitusyon. Ang halos lahat ng asignaturang inaaral sa mga paaralan ay

itinuturo sa lenggwaheng ito. Kahit saan tumimingin ay hindi nawawala ang salitang

ingles. Bagamat hindi ito ang ating pambansang wika, pilit itong nakisisiksik sa ating

kultura. Maliban sa wika, isa pang impluwensya nila ay ang pagkakaroon ng pag-iisip na

mas angat sila kaysa sa atin. Na kapag maalam sa ingles ay magaling ka. Na kapag mas

alam mo ang kultura nila ay magaling ka. Nagiging maliit ang tingin sa ating mga Pilipino.

Pilit ipinakita sa atin kung gaano tayo kawalang kwenta kung di tayo magiging katulad

nila. Gamit ang Pantayong pananaw, mas mapapalawak ang ating relasyon sa bayan at

ating kultura. Mas madali nating nauunawaan ang mga bagay-bagay dahil nakasulat ito

sa wikang alam nang mas nakararami.

Ang Pantayong pananaw bilang bilang diskursong pangkabihasnan ay naglalayon

na mas mapalalim ang nasyonalismo at pagkilala sa ating mga sarili bilang mga

Pilipinong nakatira sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, mas magkakaroon ng malalim na


komunikasyon at pagkakaintindihan sa bawat isa upang isulong ang malawakang

kaunlaran ng bawat isa sa atin. Maaaring hindi mawala ang impluwensya na dulot ng

mga nangolonya sa ating bansa ngunit layunin ni Salazar na kahit papaano ay maitatak

sa puso ng bawat Pilipino ang diwang maka-Pilipino. Na dapat pagtuunan natin ng pansin

hindi lang ang makabubuti sa ibang mga bayan kundi higit sanang pagtuunan ang mas

makabubuti sa para sa ating bayan.

You might also like