Ap PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

“Basurero”

Dokumentaryo ni Jay Taruc

Ang dokumentaryong ito ay nagsimula sa isang mahirap na pamilya na


nakatira sa Overpass sa Quezon City. Ang kanilang pagkain sa pang araw araw ay
nanggagaling mula sa basura ng iba't ibang kainan. Pagkatapos nila itong
kolektahin, niluluto nila ito ulit at iyon na ang magiging hapunan nila, ang tanging
beses na nakaka kain nila sa buong mag hapon. Ang pamilyang ito ay naninirahan
sa probinsyang Marinduque, ngunit pinili nilang manirahan dito sa Maynila sa
kadahilanang mas malaki ang tsansang mabusog sila sa mga nakolekta nilang
batchoy dito kaysa pagtiyagaan ang nilagang saging sa nasabing probinsya.

Sa isang tambakan sa Tondo, matatagpuan ang mga taong namumuhay sa


isang hindi kaaya-ayang lugar-- ang mga tambakero. Sa lugar na ito sila
nagtatrabaho buong maghapon. Dito nila kinukuha ang maliit na pera na
pinapanustos nila sa mga pangangailangan nila sa araw- araw. Karamihan sa mga
nagtatrabaho sa tambakan na ito ay mga bata. Hindi magandang magtrabaho sa
tambakan na ito lalo na ang mga bata dahil may malaki ang tsansang makakuha
ng sakit at maaksidente. Ang iba sa mga bata dito ay nalululong sa droga sa
kadahilanang makakalimutan nila ang sama ng loob nila sa kanilang mga
magulang kapag sila ay nagdo-droga. Sa lugar na ito ay sobrang hirap mamuhay,
hindi lamang sa marumi dito, malaki pa ang chansang manakawan kapag ika’y
nakaahon. Hindi mo pa namamalayan mayroon kana palang sakit o impeksiyon.

Si Fr. Benigno Beltran ay isa sa mga malikhaing basurero na tumutulong na


lutasin ang problema ng basura. Siya ay nakahanap ng ikabubuhay mula sa basura
sa pamamagitan ng pag gawa ng handicrafts mula rito. Tumulong din siya sa mga
taong sadlak sa buhay at tinuruan ang mga ito ng mga paraan kung pano mag
simula ng maliit na negosyo.

You might also like