Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TALAMBUHAY NI MANUEL LUIS QUEZON

Ang mestiso Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay


ipinanganak noong ika-19 ng Agosto,1877 (bagamat ang kanyang
opisyal na kaarawan ay ang ika-19 ng Agosto,(1878). Sa
Baler,tayabas (ngayon ay nasa lalawigan nan g Aurora), kina Lucio
Quezon, isang guro mula sa Paco Manila, na isa ring retiradong
sarhento sa sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores
Molina, isa ring guro sa kanilang bayan.

Tinuruan sya ng isang pribadong guro mula 1883 hanggang


1887; pagkatapos ay pumasok sya sa San Juan de Letran kung
saan sya nagtapos sa sekondarya noong 1889. Namatay ang
kanyang ina sa sakit na tuberculosis noong 1893, bago sya
nagtapos ng Summa Cum Laude sa kursong Bachelor of Arts sa
Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) noong 1894. Noong 1898 ang
kanyang amang si Lucio at kapatid na si Pedro ay ay tinambangan
at pinatay ng mga armadong kalalakihan noong pauwi sila ng
Baler galling ng Nueva Ecija, dahil sa kanilang katapatan sa
pamahalaang Espanyol.
Si Manuel Luis Quezon ay kilala bilang “Ama ng Wikang
Filipino”. Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya
ang unang nagging Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa
ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo.
Bagamat hindi kinilala ng ibang bansa ang naunang Republica
Filipina na siyang pamahalaang rebulusyonaryo ni Emilio
Aguinaldo, si Quezon ay itinuturing ng mga Filipino bilang
ikalawang Pangulo lamang ng bansa, sumunod kay Aguinaldo. Si
Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Republika ng Pilipinas” at
“Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang
isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang
Amerikano.

Namatay si Quezon sa sakit na tuberculosis noong ika-1 ng


Agosto 1944 sa Saranac Lake, New York. Una siyang inilibing sa
Maine Memorial sa Arlington National Cemetery sa Washington
D.C. Pagkatapos ay hinukay muli ang kanyang mga labi at isinakay
sa USS Princeton, at muling inilibing sa Manila North Cemetery
noong ika-1 ng Agosto 1946. Kalaunan ito ay inilipat sa Manuel
Quezon Memorial Shrine, sa loob ng bantayog sa Quezon
Memorial Circle sa Lungsod ng Quezon, ika-19 ng Agosto 1979,
araw na sana’y kanyang nagging ika-102 kaarawan.

Noong ika-23 ng Setyembre 1955, ideniklara ni Pangulong


Ramon Magsaysay ang ika-13 hanggang ika -19 ng Agosto kada
taon bilang Linggo ng Wika.

Noong ika-15 ng Enero 1997, idineklara naman ni Pangulong


Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng
Wika.

You might also like