Ang Kagandahan NG Pilipinas

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KAGANDAHAN NG PILIPINAS

Ang Pilipinas ay isang maliit na bansa na matatagpuan sa Asia. Kapag tiningnan mo


ang isang mapa, mahihirapan ka sa paghanap ng Pilipinas dahil ito ay napakaliit. Kaso
lang, bilang isang Pilipino, ipagmamalaki ko pa rin siya. Maski, kung hindi ako Pilipino,
basta nakapunta ako sa Pilipinas, agad kong ipagyayabang ito sa aking mga kaibigan.
Iisipin mo siguro na mas puwede pang ipagyabang ang mga Amerika o Tsina kaysa sa
Pilipinas. Sumasang-ayon ako dito, kaso puwede rin talagang ipagmalaki ang Pilipinas
tulad ng mga bansang iyon; Kailangan lang talaga malaman ang mga kakaibang mga
bagay, tao o lugar na matatagpuan sa Pilipinas. Halina’t lakbayin at pag-usapan natin
ang kagandahan ng Pilipinas.

Tulad ng Amerika, ang Pilipinas may mga sikat na mga tao rin. Sa totoo lang,
pakiramdam ko ay mas sikat pa itong mga tao sa ibang mga artista ng Amerika. Ang
unang taong ipagyayabang ko ay si Manny “Pacman” Pacquiao. Siguradong kilala niyo
na siya dahil siya ay isang “world class” na boxingero. Siya ay ang piakamahusay na
boxingero sa buong mundo. Isa pang taong ipagyayabang ko ay si Lea Salonga. Si Lea
Salonga ay kilala sa mga dula. Siya ay naging mang-aawit at aktress ng isang
napakasikat na dula tawag na “Miss Saigon”. Sa mga kabataan ngayon, hindi niyo na
siya masyadong kilala dahil noon pa ginanap ang “Miss Saigon”. Pero, kung tinanong
niyo ang iyong mga magulang, kilalang kilala nila si Lea Salonga. Ang huling taong
ipagyayabang ko ay si Charice Pempengco. Ngayon, sigurado na ako na kilala ito ng
mga kabataan ngayon. Si Charice ay isang napakahusay na mang-aawit. Sinasabi ng
iba ay siya na ngayon ang pinakamagaling na mang-aawit sa buong mundo. Sa mga
magulang na hindi pa kilala si Charice, tanongin niyo na ang inyong mga anak.
Mamamangha kayo sa mga sasabihin ng anak niyo sa inyo.

Ano ngayon ang iniisip mo tungkol sa kagandahan ng Pilipinas? Kung iniisip niyo na
“Tao lang naman pala”. Nagkakamali kayo. Maraming rin mga ibang klaseng hayop ang
Pilipinas. Isang halimbawa ay ang Tarsier. Ang Tarsier ay isang maliit na hayop na may
malaking mata. Nakakita o rinig na ba kayo ng isang hayop tawag na Tarsier? Kung
hindi, pumunta na ng Bohol sa Pilipinas.

Hayop at tao, iyan lamang ba? Teka lang, marami-rami pa. Ang susunod na
ipagyayabang ko ay ang mga masasarap at malasa na pagkain ng Pilipinas. Isang
halimbawa ng masarap na masarap na pagkain ay ang sisig. Ito ay nilalaman ng mga
laman ng baboy na idinurog at nilagay sa isang “sizzling plate” upang maging mainit at
masarap siya habang kinakain mo. Hindi lamang sisig ang mayroon ang Pilipinas.
Mayroon pang lechon. Ito ay isang buong baboy na niluto. Napakasarap nito dahil
napaka-crispy na balat at napaka-”juicy” na laman. Pagkatapos naman kumain ng sisig,
lechon at kanin, may mga masasarap na “dessert” tulad ng puto, sapin-sapin, bibingka
at marami pa! Matatamis itong lahat kaya siguradong magugustohan mo. Subukan na
ang mga pagkaing Pilipino!

Ngayon, ipagyayabang ko naman ang mga magagandang tanawin ng Pilipinas. Ang


ilang halimbawa ng mga tanawin ay ang Mayon Volcano na parang apa ang hugis dahil
napakatulis, Taal Volcano, isang volcano na nasa loob ng dagat at ang dating kasali sa
“7 Wonders of the World”, ang Hagdang Hagdang Palayan. Bakit maraming mga
tanawin? Ito ay dahil archipelago ang Pilipinas. Puro isla ang Pilipinas kaya siyempre,
maraming mga tanawin ito.

Kung kayo ay nasasawa na sa mga tanawin, puwede rin naman kayong magpahinga at
magsaya sa mga malilinis na tabing dagat. Puwede kayong pumili, sa Boracay ba o sa
Palawan. Ang Boracay at ang Palawan ay dalawa sa pinakamagandang tabing dagat sa
buong mundo. Maraming mga tourista ay gustong pumunta dito. Ang masasabi ko lang
sa inyo ay kailangan niyong dumalaw dito kung pumunta kayo ng Pilipinas.

Siguro sinasabi niyo na mayabang ako, pero iyan talaga ang ilan sa mga talagang
puwedeng ipagyabang. Kaso lang, iyan mga bagay, tao, hayop at mga tabing dagat ay
maaring malikha o magawa sa ibang bansa. Kaya para sa akin, ang talagang
puwedeng ipagyabang ng mga Pilipino sa ibang mga bansa ay ang kasaysayan ng
Pilipinas. Marami pinagdaanan ang Pilipinas noon, mga away, gera, digmaan at mga
iba’t ibang bansa na gusto silang kolonisahan. Pinagdaanan natin lahat niyan ng
katapangan kaya ngayon, marami tayong iba’t ibang kultura. Ngayon, malaya na tayo.
Tayo ay isang bansa, isang kommunidad at isang pamilya.

Talagang kompleto ang Pilipinas. Marami talagang puwedeng ipagyabang dito. Pahingi
lang po ng tawad sa kayabangan po pero masaya lang ako sa aking bansa at
ipinagmamalaki ko lang. Ngayon, alam niyo na lahat ng mga kagandahan ng Pilipinas.
Dumalaw na at makikilala niyo ang mga mabubuting tao, malalasahan ang mga
masasarap na pagkain, at malaman ang kakaibang kultura ng Pilipinas. Halina’t
pumunta na ng Pilipinas at mamangha sa kagandahan ng Pilipinas.

Submitted by: JOHN MICHAEL T. RICACHO

You might also like